Chapter 12
Chapter 12
PATULOY lang ako sa pagtakbo habang hinahabol ako nang isang nilalang na ito. Mapapagod din ako sa kakatakbo at sa huli mawawalan ako nang daan tiyak na pati ako malalamon na. Isang pangalan lang ang binabanggit ko upang mahingan ng tulong, siya lang din ang alam kong may kakayahan para mailigtas ako. Ang problema nga lang isa siya sa mga balak akong saktan. Pero alam ako sa sarili ko na, hindi siya ganun katulad ng Life Taker.
"Metria, tulungan mo ako..." Pumikit ako panandalian at dumilat agad. Paliko na ang susunod kong madadaanan.
Pagkaliko ko ay agad akong nakaramdam ng kamay ng humawak sa braso ko na mabilis akong hinigit nito patago. Nakasandal lang ako sa dingding habang nakatingin sa kanya. Agad siyang may itinusok na kung anong bagay ng makaharap na niya ang nilalang na iyon. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon, na niligtas niya ako. Si Metria, sinagip ako sa nilalang na 'yon. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Isa siya sa mga taong gusto akong patayin pero sinagip niya ako.
Narinig niya ba ang pagtawag ko sa pangalan niya?
Unti-unting naglaho ang nilalang na humahabol sa akin kanina na takam na takam sa aking kaluluwa. Inilagay ni Metria ang isang bagay na sinaksak niya sa nilalang na 'yon sa kanyang bulsa niya.
"Ano 'yan?" Nakatingin lang ako sa kanya habang ang mata ko ay nandoon sa bagay na binalik niya sa kanyang bulsa sa pantalon. Pero hindi niya ako pinansin kundi naglakad lang at iniwan ako dito. "Teka lang! Kinakausap pa kita!" paghabol ko pa sa kanya.
"Tinawag mo ang pangalan ko para sa walang kwentang nilalang na 'yon," Napansin kong umiling-iling siya. "Hindi mo ba alam na kaya ng kwintas mo mapatay ang nilalang na 'yon." Tugon niya ng hindi man lang lumilingon sa akin. Napa-isip din naman agad ako sa sinabi niya.
Ibigsabihin mali pala ang nasa isip ko na hindi ako kayang iligtas nito mula sa mga 'yon kasi kaluluwa lang ako pero habang suot koi to ay nananatili akong may lakas, gano'n ba ang pinaparating sa akin ni Metria?
Mabilis siya maglakad kaya minsan ay nahuhuli ako at hinahabol siya. "Kung ganun, bakit ka pa rin pumunta dito?"
Huminto siya kaya naabutan ko rin siya. Pagkalapit ko sa kanya ay huminto rin ako at bigla siyang tumitig sa akin. Napansin ko naman sa mga mata niya na hindi nga siya gano'n na unang makita ko ay may masamang balak pero nakikita ko sa kanyang mga mata na alam kong hindi gano'n ang balak niya, alam kong mabait siya. May mabuti siyang hangarin at pagtagumpayan.
"Kung hindi sana ako pumunta rito, wala ka na siguro ngayon." Ngumisi lang siya at nagsimula ulit maglakad.
May isang halimaw ang biglang sumalubong sa kanya, ngunit wala siyang ginawa kundi dinaanan lamang ito at saka naglaho bigla ang nilalang na 'yon. Iba talaga ang natatanging lakas ni Metria dito. Hinabol ko ulit siya hangga't sa maabutan ko ito.
"Hindi ka kaluluwa?" Nakakasabay na ako sa mabilis niyang paglalakad.
"Sa tingin mo, magagawa ko bang daanan lang ang nilalang na 'yon." Masungit na tugon nito sa akin.
"Kung gano'n, kung ikaw nasayo ang katawan mo bakit ako kaluluwa na lang?" Naguguluhan din ako, kasi no'ng hinigop ako nang portal na 'yon ay nawala na ang pisikal kong katawan.
"Hindi ko alam," napahinto ako sa paglalakad. Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi niya alam kung bakit kaluluwa na lang ako? Ibigsabihin din ba nito ay hindi na rin ako makakabalik sa mundo namin? Hindi na muli ako magiging tao? Hindi maaari. Kailangan kong bumalik sa pisikal kong katawan. "Nasaan na ang kaibigan mo?" pagbabali nito ng usapan saka kami lumiko ng dinadaanan.
"Nasa isang silid siya pero hindi ko alam kung nando'n pa rin siya." Hindi ko na siya hinahabol kundi sinusundan ko na lang siya kung saan man siya magpunta. Hindi ko rin kasi siya masabayan sa kanyang paglalakad.
Napapayuko at buntong hininga na lang din ako dahil sa mga iniisip kong pwede ngang mangyari sa akin na lubos kong kinatatakot. Patay na talaga ba ako at wala ng pag-asa na bumalik sa sarili kong katawan? Kinuha na rin ba ng Life Taker ang pisikal kong katawan? Hindi maaari. Hindi ko siya mapapatawad. Gaganti ako kung maaari.
Napahinto ako nang biglang nagdilim ang paligid. Hinanap agad ng mata ko si Metria kung saan patuloy lang din sa paglalakad. Nang makalapit ako sa kanya, sa hindi ko malamang dahilan napakapit na lang ako sa braso niya.
"Huwag kang kakabahan," napa angat ako ng ulo para makita ang mukha niya "Normal 'yan dito, kung magpapadala ka sa takot at kaba, hihigupin ka nang portal at dadalhin sa ibang dimensyon."
Gaya nang nangyari sa akin. Kumalma ako, hindi ko na inintindi ang paligid ko kahit na may mga dugo dugo akong nakikita sa paligid, mistulang bumubula pa ang mga ito. Mga nilalang na walang ulo't, mga kaluluwag ligaw at nakakatakot na nilalang na hindi mo mapaliwanag kung anong klase sila. Mga portal na hinihigop ang mga kaluluwang inosente at maglalaho na lang ng bigla.
Nawala agad ang mga ito at bumalik sa dati, "Salamat." Agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa braso niya.
"Naririnig mo ba ang kaibigan mo?"
Nagconcentrate naman ako, may isang boses ang sumisigaw.
"Hindi maaari!" Agad akong hinigit ni Metria at tumakbo kami sa isang diretsyong daan patungo sa isang silid.
Nakarinig muli ako ng isang sigaw. "A-Ano bang nangyari?" Hinihingal na ako sa pagtakbo pero sumasabay na lang ako kay Metria kahit medyo napapagod ako at hinihingal.
"Mapupunta sa ibang dimensyon ang kaibigan mo kung magpapadala siya sa takot." Aniya. Hindi na na rin naman ako sumagot sa kanya kundi sinundan ko na lang din naman ang pagtakbo niya.
Nang makapunta na kami sa silid ay agad itong sinira ni Metria. Nakita namin si Jester na hinihigop na ng portal, hindi pa siya tuluyang nahihigop dahil sa nakakapit siya sa isang bakal upang hindi siya tuluyang mahigop nito. Bakas sa mga mukha ni Jester ang alalang mapupunta na naman siya sa ibang dimensyon. Wala akong magawa, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil wala akong ideya kung anong nangyayari kundi si Metria lamang.
"Ano nang gagawin natin?" tanong ko sa kanya. Nag-aalala na rin ako sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung pati siya mawala na rin sa akin.
"Tumayo ka lang diyan, akong bahala." Aniya. Tumabi naman ako sa isang gilid at napahawak sa isang bakal upang hindi tangayin ng hangin na papasok sa portal na iyon. Umiikot lamang sa paligid ang hangin na tuluyang hihigop sayo pero dahil sa sinabi ni Metria sa akin na kailangan kong kumalma, hindi ako tuluyang dinadala ng hangin na ito.
Napansin ko rin naman kagad kay Metria na may kinuha ito bulsa niya at inilabas ang isang hugis ng gunting pero may bilog ito sa dulo. Itinapat ito ni Metria sa kanyang mukha na hindi kalaunan ay agad din nag ilaw at itinutok sa portal kung saan hinihigop si Jester. Dumiretsyo ang ilaw sa portal na iyon at maya-maya lamang lumiliit na ang naturang portal hanggat sa naging kalmado na rin ang loob ng silid.
Bumagsak na lamang sa lapag si Jester na hingal na hingal. Nilapitan ko naman kaagad si Jester, maalis mula sa hinihigop na portal. Pagod na pagod siya at sa tingin ko ay kaluluwa na rin ang dinadala nito.
"Magmadali tayo." Agad kaming napalingon ni Jester kay Metria na hindi ganun kaganda ang tingin sa amin.
"Metria, salamat." Sabi ko pero hindi ako pinansin ni Metria kundi agad agad din itong lumabas sa silid. Inalalayan ko naman si Jester na makatayo upang makasunod kami kay Metria.
Hindi pa nagtatapos ang peligro namin dito.
"Metria!" Tumakbo kaming palapit sa kanya. "Paano tayo makakalabas dito?"
"Hihintayin muna natin ang gabi bago tayo makalabas."
"Ano?" Angal ni Jester, "Ang aga aga pa at hihintayin pa natin ang gabi. Nak nang pucha naman oh! Mas delikado nga kapag gabi na diba?!"
"Titigil ka ba o gusto mong manirahan na dito nang habangbuhay?" Agad tinutukan ni Metria si Jester nang kung anong bagay na agad namang nagpatahimik sa kanya.
Sa gabi, hindi kami ligtas dito.
Masyadong delikado.
"Pero diba sabi mo nasa'yo pa rin ang pisikal mong katawan, bakit natatakot ka?" taka ko pang tanong sa kanya dahil kung sa amin, kaluluwa na lang din kami. "Mababalik din ba kami sa dati naming katawan?"
"Oo, may posibilidad 'yon, at sa ngayon walang magagawa ang pisikal kong katawan para makaalis tayo rito, kaya manahimik na lang kayo at maghintay." Sa bawat salita ni metria ay hindi naaalis ang tono niya ng pagkamasungit o kaya naman nangbabanta.
Pero ngayon, susundin muna namin siya. Buhay ang nakasasalay sa amin. Hindi ko kayang baliwalain na lamang ng agad 'yon. Mahal ko ang buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top