Chapter 1
Chapter 1
ISANG mapanindig balahibo ang pagbabalik ng mga estudyante sa kanilang sintang paaralan mula sa suspensyong nangyari na umabot ng isang buwan pero hanggang sa huli wala pa rin silang nakuhang ebidensya o kung sino man ang may gawa dahil kahit anong gawin nilang paghahanap sa isang misteryo na wala naman silang alam ay magiging mailap ang mga ito para sa kanilang mga katanungan. Kung ano-ano nang ginawa nila pero sa huli bigo sila na makuha ang inaasam na mga sagot.
Ang mga estudyante ay naglalakad na sa kani-kanilang mga silid ngunit ang ibang estudyante ay binabagalan ang paglalakad dahil namumuo na sa kanilang dibdib ang takot at kaba na kanilang hindi ginustong mangyari. Sa isang buwan na nangyaring suspension, sa panandaliang walang kababalaghan na umaaligid sayo, masaya at walang takot sa paligid pero nabali agad 'yon ng magsimula na muli ang kanilang mga pasok. May mga estudyanteng nabalitaan na lumipat na ng paaralan sa kabilang bayan ngunit sumunod sa kanya ang malas ng kanyang sintang paaralan. Hanggat sa umabot sa kabilang bayan ang tungkol sa kanilang paaralan.
Namatay. Walang alam kung sino. Walang ebidensya. Walang buhay.
Ayan na lang lagi ang maririnig mo sa mga imbestigador na susuri sa mga pangyayaring 'yon dahil sila clueless at walang alam kung anong nangyari.
Pero ang inisiip nang ibang tao ay may malas nga bang itinuring ang paaralan kung bakit nangyayari ang ito na tila isinakbit na sa paaralan at maging sa mga estudyanteng nag-aaral kung saan, umalis man sila, wala silang takas. Kamatayan ang abot nila.
"Natatakot na ako dito sa paaralan natin, hindi 'ko na alam kung maayos pa ba ang lahat ng 'to." Ani ng isang estudyanteng nangangalang Xana Etoria na presidente sa kanilang klase dahil noong mga panahon ng election ng kanilang klase ay walang nagbakasakali na umani ng pagiging presidente kundi si Xana lamang dahil kaakibat din itong gawain. "Nagbabalak nga akong lumipat eh." Nguso pa nito.
"Nako!" biglang nag-sign of the cross si Jester na ikinabigla din naman ni Xana. "Anong nagbabalak?! 'Wag ka nang magbalak Xana! Hindi mo alam kung anong mangyayari sayo kapag lumipat ka pa ng paaralan." Hinto pa nito. "at saan ka naman lilipat kapag gano'n, sa nilapitan ng dating estudyante dito na namatay naman doon sa paaralan na 'yon." Ngisi pa niya. "Hindi ka na tatanggapin do'n."
Napakuno noo na lang din si Xana dahil sa napakadaming sinabi ng kaibigan nito. Napakamot naman siya ng ulo niya at sinabing, "balak lang naman diba at edi sabi mo, edi hindi. Anong pinuputok ng butchi mo dyan Jester?" mataray pa na sabi ni Xana. "Pero what if kaya diba?"
Sa mga huling salitang binitawan ni Xana ay biglang umihip ng malakas na hangin gayundin din na bumulabog na bumukas ang pinto ng kanilang silid. Gulat, kaba at bumalot sa mga estudyante na nagpa-ingay na naman sa kanilang silid. Pero ilang saglit lamang ulit ay biglang umihip ang hangin na sobrang napaka-init naman.
"Ang init!" paypay naman ni Xana sa kanyang leeg gamit ang kamay nito. "Nako naman."
"Ha? Anong mainit diyan, nakita mo nang humangin ng malakas." Sabi pa ni Jester.
"Mainit naman."
"Mainit?"
Hindi na sinagot ni Xana ang kaibigan dahil parang sa baliw lang din siya nakikipag-usap. Init na init si Xana pero parang siya lang din ang nakakaramdam ng mga 'yon. Siya lang dahil napapansin niya ang mga kaklase niya na nagtatago pa sa mga jackets nito at mga bag. Tila, nahiwagaan naman si Xana. Anong hangin naman kaya ang dumapo sa kanya?
Hangin ng impyerno? Hindi rin.
At maya-maya lang din ay parang lumang pintong sumasara ang pinto ng mag-isa at dahil sa nakakakilabot na tunog nito ay natigil ang bawat tao sa silid na 'yon habang pinapanood na magsara ang naturang pinto na 'yon. Sabay na sumara ang pinto at pagpikit ni Xana pero muling bumukas ng malakas ang pinto at napuno nang sigawan ang bawat gilid ng kanilang silid.
Napatakip na lang si Xana ng tenga at nakitang pumasok ang kanilang guro. Sa mga yabag nito ay natigil ang mga estudyante sa kanilang pagsisigaw na kanilang guro lang pala nila 'yon at wala dapat na ikabahala.
"Ano ba kayo! Rinig na rinig ko ang sigaw niyo sa labas! Kung hindi kayo ang maiingay na section, ang kabila naman! Kailan ba kayo titigil diyan sa kakasigaw niyo! Para kasi kayong mga tanga! Pinaiiral niyo ang takot niyo!" bulyaw sa kanila ng kanilang guro.
Napatungo na lang din naman si Xana.
Agad siyang napahawak sa kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na nararamdaman niya.
"Miss Etoria, anong nangyayari sayo?!" nabaling ang lahat ng atensyon sa kanya.
Umayos naman ng pagkakaupo si Xana at umiling sa kaniyang guro. "Wala po, echos ko lang po."
Nang-galaiti sa inis ang guro dahil sa sinabi ni Xana at pinagtatarayan naman siya ng kanyang mga kaklase. Akala rin kasi ng mga kaklase ni Xana na katapusan na nila dahil sa madalas na mangyari ang gano'n pero hindi pa rin naaalis sa kanilang mga isipan ang pagkamatay ng kapwa nila estudyante. Hanggang kailan ba tatagal ang misteryong ito at kakatukan sa mga estudyante.
Habang nabubuhay ba sila o hanggat matatag na nakatayo ang paaralan?
Habang nagtu-turo ang guro ng kaniyang tinakdang lesson mula sa kanyang lesson plan ay natigil iyon dahil sa isa niyang estudyante na naghahalumpasay at namumuti ang mga mata. Naglapitan ang mga lalaking estudyante sa babaeng kaklase nila na malakas kung pumiglas.
"Sir! Sinaniban si Dhang!" tarantang sabi nito habang hinahawakan ng mahigpit ang kaklase niyang babae.
Walang nagawa ang kanilang guro dahil sa sinasanibang mag-aaral niya. Binabalot na rin siya ng takot at kaba dahil sa nakikita niya. At hindi lang 'yon kundi nangyari pa din sa ibang estudyante, walang pinipili kung anong kasarian mo basta't may katawan ka, papasukin nila 'yan. Hindi na alam ng guro ang kanyang gagawin kundi nagtatakbo itong lumabas ng silid at wala ng nagawa.
Nakatingin at nakatayo lamang sa malayo si Xana at Jester habang pinagmamasadan nila ang kanilang mga kaklase na natataranta at nahihirapan sa mga kaklaseng kung magpumiglas ay dambuhala ito pero hindi, masamang kaluluwa ang pumasok sa kanila. Naghahanap nga ba ng tulong o daan para may sumunod sa mga namatay.
"Xana, anong gagawin natin?" tanong ng kaibigan nitong si Jester na nasa likuran niya.
"Tara lumapit tayo." Matapang na sabi niya.
Dahang-dahan na lumapit si Xana at Jester sa kanilang kaklase na ngayon ay binabasahan ng ilang mga salita mula sa bibleya pero mas lalong nag-iigting ang pagkakakalas ng mga ito. Matindi ang mga pagkakahawak ng mga lalaki nilang kaklase na buong pwersa na ang nilalabas para hindi makapiglas.
Nang makalapit si Xana sa unang babaeng sinaniban ay pinandilatan siya nito at mabilis na dinuro-duro.
"Ikaw! Ikaw!" atsaka tumatawa ito ng nakakaloko. "Ikaw ang isusunod ko!"
Napaatras ng bahagya si Xana dahil sa nasaksihan niya at bumalik na lang siya kung saan siya nakatayo at pinagmamasdan ang mga 'yon. Hindi makapaniwala si Xana dahil siya ang dinuro-duro nito at hindi pa natapos ang lahat. Lahat ng sinaniban na kanyang kaklase ay walang ibang bukambibig kundi ang pangalan ni Xana kaya ang lahat ay takang-taka, una na doon si Xana.
"Xana, bakit ka nila kilala?" tanong ni Jester.
"Syempre, kaklase natin sila." Pagbibiro ni Xana pero namumutawi sa kanyang mukha ang kaba.
"Ano ka ba! Xana, binabanggit nila pangalan mo, hindi sila normal okay? Sinasabinaban sila. Xana." Sabi pa ni Jester.
"H-hindi ko alam." Kahit anong sabihin ni Xana, wala talaga siyang alam kung bakit siya ang bukambibig ng mga ito.
Hanggat sa dumating ang kanilang guro na may dala-dalang holy water. Pinagtatalasikan ang bawat estudyante na sinasaniban at binabasahan ng bibliya at nakahinga na lang ng maluwag ang lahat ng mawala isa-isa ang mga sinasaniban. Napaupo na lang din si Xana dahil pakiramdaman niya ay nahilo na lang siya ng bigla.
"Anong nangyari sayo, Xana?" nag-aalalang tanong ng kanyang kaibigan.
"W-wala, Jester, okay lang ako." Hingang malalim pa ni Xana at muling tumayo na kung saan na nakita niya muli ang kanyang mga kaklase na pagod na pagod at ang iba ay hingal na hingal at ang kaniyang guro na tinagaktak sa pawis.
Ano ba 'tong nangyayari? Aniya sa sarili. Hindi niya kasi mapaliwanag kung bakit parang mas lumalala ang lahat ng ito. Misteryo na hindi malaman. Magtatapos nga kaya ang lahat ng hindi nalalaman kung anong nasa likod nito?
**^**
NATAPOS ang buong araw na hindi na natuloy ang klase nila Xana dahil nagkaroon din ng emergency meeting ang mga staffs at teacher ng kanilang paaralan. Dahil bilang presidente ng kanilang klase ay siyang nagbantay sa mga kaklase pero binato siya ng masasakit na mga salita dahil wala daw itong ginawa noong nagkakagulo na sa kanila. Nakatingin lang siya at walang ginagawa. Dapat bilang presidente, ginagawa kung anong dapat niyang gawin, ayon 'yon sa kaniyang kaklase pero dinedma na lang din ni Xana iyon.
Nagpahuli nang lumabas sina Xana at Jester ng kanilang silid.
"Okay lang 'yan Xana, hindi na 'yan mauulit. Sure ako!" ngisi pa ni Jester.
Tinapik naman ni Xana ang balikat ni Jester, "ayos lang sakin 'yon, Jester. May ginawa naman dapat kasi ako no'n pero wala akong ginawa, nadala ako ng takot at kaba." Buntong hininga pa ni Xana. "Tara na nga." Yaya naman nito at lumabas na sila at tinungo ang hallway ng paaralan.
Nagmadali namang naglakad sina Xana at Jester nang mapansing nagkakakumpulan sa hallway tungo palabas ng building. At nang tumakbo si Xana papunta doon ay agad naman itong natigil sa kanyang pagtakbo dahil sa puting imahe na dumaan mismo sa harapan niya at mistulang nginitian pa siya nito. Nanlaki at natulala na din si Xana at anng madatnan siya ng kaibigan nito ay napalunok laway na lang din siya.
"Xana, anong nangyari?"
Pero hindi pa rin naaalis sa dibdib ni Xana ang kaba at takot.
"W-wala, Jester. Tara na!" isinawalang bahala na lang din naman niya at tinungo na nila ang umaalon na mga estudyante na walang ibang inisip kundi ang sabik na sabik na lumabas nang kanilang silid. "Anong meron?" mahinahon na tanong ni Xana.
"Ayaw kami pagbuksan ng pinto! Na-lock daw tayo!" sigaw sa kanya ng babaeng pinagtungan nito.
Napakunot noo na lang din naman si Xana.
Nakipagsiksikan sina Xana at Jester hanggat sa makarating sa unahan ng estudyante kung saan nandoon ang ilang guards at school staffs na alalang-alala rin naman.
Muling bumalik sina Xana at Jester sa likuran ng mga ito.
"Samahan mo nga muna ako sa locker ko." aniya.
Sinamahan naman ni Jester ang kaibigan nito pero halos malaglag ang kanilang mga panga ng madatnan nilang halos bukas lahat ang lockers nito mismo ang kay Xana. Ang mga gamit rin ay nasa ibaba. Agad naman na pinulot ni Xana ang mga gamit niya na nasa lapag.
"Kung sino man gumawa nito, arrgh!" panggi-gigil ni Xana.
Hindi rin maiwari ni Xana kung bakit ganito na lang din ang nangyayari sa paaralan nila. Kaya lamang gustong paglaruan at patayin ng mga hindi alam na nilalang ang mga inonsenteng ito dahil daw sabi ng mga paranormalists ay dahil sa takot na nadarama ng bawat estudyante. Kung hindi daw maaalis sa kanila ang takot patuloy lang silang guguluhin nito. Kung mas lalo silang natatakot mas lumalakas ang kapangyarihan noon dahil sa takot sila humuhugot ng lakas.
"'Wag kang matakot. 'Wag kang matakot!" ani ni Jester habang tulala sa likuran ni Xana.
"Ano ba 'yon, Jester?" takang tanong ni Xana at nang tumalikod naman si Xana ay nakita nito ang matandang babae na palapit sa kanila na hahawak sa ulo ni Xana pero agad na tinulak palayo ni Jester ang kaibigan at siya ang sumalo sa pagkakahawak ng nilalang na 'yon. "Jester!" mabilis na nag-atubili si Xana dahil bigla na lamang nawalan ng malay ang kaibigan niya.
Hindi maaari 'to. Hindi na nagkamali si Xana ng kanyang iniisip. May kung anong mga nilalang nga ang namamahay sa paaralan nila. Mag-ingat ka, baka ikaw na ang sumunod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top