Epilogue
Epilogue
~Xana's POV
Akala ng lahat tuluyan na akong nawala pero hindi. Gaya ng sabi ni Rabi, lubos ko lang nagamit ang lakas ko kaya bigla akong nawalan ng malay. Akala nila sign na 'yong sinabing kong tapos na ang misyon ko at hanggang doon na lang ang huling buhay ko pero hindi pa pala.
Sa loob ng maraming taon na lumipas, ang pananatili at ang paghihimagsik ni Lagarto ay tuluyan ng natapos. Madami mang buhay ang naging kapalit, nawala para sa labanang ito pero hindi naman mababalewala ang mga buhay na kanilang sinugal para sa madugong labanan na ito bagamat naging makabuluhan dahil naging parte sila ng isang laban para sa kapayapaan at kaligtasan ng buong mundo.
Akala ko huli na rin ang lahat na tuluyan na akong mako-kontrol ni Lagarto. Wala na akong alam sa mga pinag-gagawa niya sa akin noon dahil mismo ang sarili ko hindi ko alam kung anong ginagawa ko habang kontrolado niya ako pero sa kabila ng mga iyon habang nasa panig ako ng kalaban ay gumawa pa rin ng paraan ang mga kasama ko na iligtas ako.
At hindi koi yon pinalalampas dahil isang pagkakataon iyon dahil muli akong nabuhay.
Nakwento nila sa akin na matapos akong ikulong ni Lagarto sa isang itim na usok at doon ay inangat pa daw ako sa ere at sila naman daw na pilit na pinipigilan si Lagarto pero in the end, nangyari ang hindi inaasahan. Ang makitang wala na akong malay.
At ang mahirap pa doon ay kailangang pumili ni Rabi sa pagitan naming dalawa ni Ostin kung sino sa kanila ang pipiliin niyang buhayin muli. At ngayon, ang pangalawang binigay sa akin and it's because of Rabi.
Habang nagkakausap-usap naman ang lahat ay pasimple ko siyang nilapitan sa gilid na nanahimik lamang. Nandito pa rin kami sa Other World sa kampo ng Sandugo at dito muna kami nanatili sa haba at paghihirap namin sa labang iyon.
"Ah, Rabi." Nginitian ko ito at tumabi sa kinauupuan niya.
Napatingin naman sa akin ng bahagya si Rabi at nginitian niya rin ako.
Nagsimula rin naman akong magsalita sa kanya. "Alam kong nakakalungkot ang sinapit ni Ostin, alam kong malaking desisyon 'yong ginawa mo. Na piliin ako kumpara sa kaibigan mo na malapit talaga sayo. Pasensya na ha?"
"Hindi, hindi mo naman kailangang mag-sorry Xana." Aniya. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya at bahagyang napangiti na rin. "Oo, masakit na nawalan ka ng matalik na kaibigan pero naging makabuluhan din naman ang pagkamatay niya dahil nakatulong siya sa atin. Kahit na hindi ko siya pinili, sana hindi niya isipin na. Hindi ko siya kaibigan o pinagkatiwalaan, pinili ko lang din ang nararapat kaya hindi naman ako nagsisisi kasi alam kong nakuha ko rin naman ang hustisya sa pagkamatay niya."
I patted his shoulder, "Alam mo ang tapang mong nilalang, Rabi. Hindi ko inakala na may kakaibang pagka-nilalang ka rin pala. Akala namin noon, medyo mahina ka lang at isang healer pero pinatuyan mo na isa ka pa ring malaking instrumento sa labang iyon. Nagamit mo man ang lakas mo ng dalawang beses, sana hindi mo makakalimutan na dahil sa ginawa mo, isang buhay ang pinagkaloob sa akin."
"Salamat din Xana." Ngiti niya sa akin at pansin ko na naman na wala na ang lungkot sa mga mukha niya. "Dahil sayo, binalik mo ang kapayapaan sa Other World, hindi man dito kundi ang buong mundo. Salamat."
Niyakap ko naman siya. "Salamat din Rabi dahil sa inyo, hindi ako sumuko. Hindi rin ako nawalan ng pag-asa na lumaban mula kay Lagarto. Kayo ang dahilan kung bakit ako naging matatag."
Umalis din naman ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ah, puntahan ko muna si Gastor ha?" paalam naman nito sa akin.
Tumango naman ako sa kanya at pumunta naman siya sa kinauupuan ni Gastor na kausap ang ilang myembro ng Sandugo na nakaligtas mula sa Death War. Nakakabilib din ang determinasyon nilang lumaban, kahit na nabawasan sila sa kanilang grupo ay hindi sila nagpatinag kundi lumalaban din sila hindi para sa kapayapaan kundi sa kanilang mga kasama. Pati na rin ang Trainee's na pinamunuan ni Louel, kahit na namatay ang iba ay hindi nawalan ng pag-asa si Louel dahil sa huli ay ang mga natirang Trainee's ay siyang magiging dahilan upang lumaki muli ang kanilang kampo.
Nakakataba lang ng puso dahil sa lahat ng nangyaring ito. Hindi pa rin sumusuko ang lahat. Kung ano mang hamon ang dumaan ay kailangan lagpasan. Hindi naman kasi pwedeng mag-stay na lang sa isang hamon na wala kang plano kung paano mo iyon tatapusin. Kailangan mo makita ang goal mo sa isang bagay bago mo pagpurisigihin ang isang bagay na iyon.
At dahil doon sa buong determinasyon kong maibalik ang kapayapaan at kaligtasan sa buong mundo. Nakuha ko at nagwagi kami.
"Xana!" napalingon naman ako sa babaeng nilalang na tumawag sa pangalan ko. Tumakbo naman siya palapit sa akin.
"Asylum!" agad ko naman siyang niyakap. Hindi ko rin inaasahan na isa siya sa mga tutulong sa amin kahit na kailangan nilang maka-recover sa Dark World dahil sa kaguluhang dinala ng Dark Lord sa kanila noon pero tumuloy sila dito para tulungan kami. "Salamat." Napatingin din naman ako sa iba pang naglalapitan na naging kasama niya papunta dito. "Rigor, Grano at Frixon. Maraming salamat sa inyo."
"Walang problema, Xana." Ani Grano.
"Basta, ikaw." Kindat pa ni Frixon sa akin.
"Wala iyon Xana, basta kapakanan ng lahat. Handa kaming tumulong." Ani Rigor sa akin. Napangiti na lang din ako sa kanila. Sa kabila ng mga pinagdaanan nila noon, sinamahan pa rin nila ako sa pagsubok na ito. Isa ito sa hinding-hindi ko makakalimutan.
"Salamat dahil hindi ko inakala na magpupunta kayo dito para tulungan kami kahit hindi naman namin kayo hiningian ng tulong ay kusa kayong lumapit." Ani ko.
"Ano ka ba Xana!" tawa pa niya sa akin. "Kung tinulungan mo kami noon, ngayon naman 'yong time na kami naman ang magbibigay sa'yo no'n. Salamat din sayo." Aniya at muli ko naman siyang niyakap. "Oo nga pala, magpapaalam na kaming apat sa'yo kasi kailangan na naming bumalik ng Dark World."
"Sige, mag-iingat kayo." At muli ko naman silang niyakap na isa't isa at nagpaalam na sa akin.
Naging mapayapa na rin ang Dark World ng simula ng mawala ang Dark Lord pero kung nagwagi man si Lagarto sa kanyang hangarin ay muling makukulong na naman ang Dark World sa kadiliman ng kanilang pinuno at 'yon ay tuluyang magiging prinsesa ako ng Dark Lord at iyon ang pagsisisihin kong nabuhay pa ako kapag nangyari pero mabuti na lamang at hindi iyon nangyari. Unti-unti nang bumabangon ang Dark Places sa nangyari sa kanila noon at ang mga napamalupitan ng Dark Lord ay tuluyang bumabangon.
Wala ng pinunong mangrarahas na mamuhay pa muli. Wala ng mamamatay mula sa kanilang mga kamay.
Lumapit naman sa akin si Metria pagka-alis ng apat na 'yon.
"Umalis na sila." Aniya.
"Oo, nagpaalam sila sa akin." Tugon ko naman sa akin. "Teka, paano nga naman nila nalaman na nandito tayo sa Other World?" Tanong ko pa.
Nginisihan niya naman ako.
"Ah, alam ko na." tawa ko pa.
"Pinadalhan ko sila ng mensahe na kailangan natin sila, na kailangan mo sila kaya natuwa rin ako ng makita ko sila sa labang iyong dahil hindi nila tayo iniwan sa kung anong tulong na binigay natin sa kanila." Aniya.
"Kaya nga masaya rin ako kasi dumating sila."
Tango naman ni Metria sa akin. "Tara, kailangan na nating bumalik sa human world."
Napatingin naman ako sa kanya at medyo nag-alala rin ako bigla sa kanya.
"Oh, bakit? Anong meron?" tanong pa niya sa akin.
Napayuko naman ako bigla sa kanya, "Sorry dahil wala akong nagawa para iligtas ang magulang mo."
"Naku, tara nga dito." At niyakap niya naman ako. Alam kong nakakapangsisi dahil wala akong nagawa para iligtas ang mga magulang niya. Sa mga ginawa sa akin ni Metria ay iyon na lang sana ang paraan para masuklian ko 'yong mga tulong na binigay niya sa akin pero wala. Wala akong nagawa. Namatay ang mga magulang niya sa kamay ni Lagarto. "Alam kong mabigat sa dibdib na tuluyan na silang mawala, na hindi ko man lang nakasama sa tagal ng panahon pero alam kong ginawa naman natin ang lahat 'yon nga lang ay hindi naging sapat ang lahat. Peor ngayon, kasama ko naman ang tunay kong kapatid atleast may kasama ako kahit wala na ang mga magulang namin."
Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ag mga luha sa pisngi ko. "Salamat Metria, sa dami ng tinulong mo sa akin. Sa ginawa mo sa akin, hindi ka sa akin sumuko."
"Ikaw pa ba?" ngisi pa niya. "Syempre, hinding-hindi." Aniya.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong posisyon. Huminga ako ng malalim at napagpasyahan na naming umalis na at bumalik na sa human world.
Nagpaalam na rin naman kami kay Gastor at sa ibang miyembro ng Sandugo dahil sila ang unang naging sandigan namin sa labanang ito. Sila ang tumulong sa amin. Lumapit naman sa akin si Winona at niyakap ako. Nagpasalamat siya sa akin dahil sa pagtulong niyang mabawi ako mula kay Lagarto, sinabihan ko naman siya na wala iyon at isang simpleng tulong mula sa mga kaibigan ko rin ang dahilan kung bakit siya naging ligtas.
Ngayon na payapa na ang Other World ay ang Sandugo ang magiging tagabantay ng Other World. Sila na rin ang magiging pinaka-pinuno ng Other World at ang mga galing sa Trainee's ay may posibilidad na maging miyembro ng Sandugo at ang mga Other Worlders naman na gustong mapasali sa mga grupong ito, kabilang na ang lugar na pinamumuna ni Akbar ay magtutungo muna sila sa Trainee's bago mapunta sa Sandugo.
It's a way na rin 'yon para mas mapanatili ang kapayapaan sa buong Other World.
Nang makapagpaalam na rin naman kami sa buong Sandugo ay tumungo na rin kami sa Arc of Passageway na siyang magiging daan namin pabalik ng human world. Kasama ko ngayon si mama at Metria, ang kaibigan ko na si Jester at kapatid ni Metria na si Shantera. Doon na din kasi mananatili sina Metria at Shantera sa human world para kung gano'n mabantayan pa rin ako.
Hawak hawak kamay naman kaming naglakas papasok ng Arc of Passageway. Ipinikit ko ang mata ko at parang wala naman akong naramdaman na kakaiba dahil pagkamulat ko ng mata ko ay nasa human world na kami.
"Welcome home." Ngiti ko pa. Huminga naman ako ng malalim. "Matapos ang lahat, babalik na sa normal ang lahat."
"Tama ka diyan, anak, ito na ang simula ng pagbabago sa ating buhay." Ani mama.
Ngayon na natapos na ang Death World at nawakasan na rin ng tuluyan si Lagarto o Life Taker o bilang Xian ay babalik na ang kapayapaan sa buong mundo. Babalik na sa normal ang buhay namin. Magiging mapayapa na ulit ang lahat.
Wala ng makakapigil pa sa amin. Wala ng kadilimang lalaganap pa.
"Tara na, umuwi na tayo!" saka kami naglakad.
--Secrecy—
Isang taon na ang nakalipas simula ng matapos ang Death War. Tuluyan na nga naming nakuha ang kapayapaan sa human world. Nabalitaan ko rin sa Other World na maraming umanib sa kanilang mga magsasanay kaya buong determinado sila na mas lalakas ang kanilang kampo upang hindi na ulit masakop.
Masaya ako, natapos na ang lahat ng ito.
"Handa ka na ba?" napatalikod naman ako ng makita ko ang isang nilalang na sa loob ng isang taon mas naramdaman ko na mahalaga talaga ako sa kanya.
Tumango ako sa kanya. Handa na ako. Hindi sa isang laban o kung ano man, handa na muli akong pumasok sa tinaguriang Impyernong Paaralan sa ikahuling taon ko na ngayon ay hindi na kinikilala bilang isang gano'n kundi napalitan na iyon ng isang paaralan kung saan nagmumula ang mga matatalino, atleast kahit papaano ay nabali ang pagtingin nila sa paaralan iyon.
"Tara na." at kinuha ni Metria ang kamay ko at sabay naman kaming naglalakad.
"Teka lang! Hindi niyo ba ako isasama?" napatingin naman kami sa gilid namin at nakita namin si Jester na ki-kindat-kindat pa sa amin.
"Dalian mo Jester, mahuli pa tayo sa klase natin." Ani Metria.
"Sungit mo talaga kahit kailan pero pagdating kay Xana, hindi." Ngisi pa ni Jester.
"Bakit Jester? Gusto mo ba si Metria?" pang-aasar ako.
"No way!" pagtatanggol niya sa kanyang sarili. "Hindi ano! Dalian na nga lang natin!" aniya.
Natawa na lang din naman ako at sabay na kaming tatlo na maglakad papunta sa paaralan habang may ibang mga kasabay na estudyante. Wala na sa pakiramdam nila 'yong mga takot nila, kaba na lagi naman nilang nararamdam kapag papasok pa lamang ng gate ng paaralan pero ngayon nakikita ko na ang mga ngiti nila sa kanilang labi.
Nagbago na nga ang lahat.
Pagkapasok namin ng paaralan ay bumungad sa amin ang mga bandera ng paaralan. Foundation week na kasi ngayon kaya abala rin ang iba sa mga gagawin nilang pakulo. Nagulat nga ako dahil noon, walang nangyayaring ganito kahit foundation week. Hindi mo ramdam noon pero ngayon, mapapansin mo na nagbago na nga ang lahat.
"Ah, miss, sali po kayo, mamaya po 'yan magbubukas." Ani ng isang studyante.
Kinuha ko naman 'yong flyers niya at nang binasa ko 'yon, "Horror House, free entrance." Aniko.
"Wow ha, nauso pa 'yan dito ha?" tatawa-tawa ni Jester. "Hindi nila alam noon na horror na ang paaralang ito." Aniya.
Pinalo ko naman siya sa balikat niya. "Baliw ka! Baka may makarinig eh." Ani ko pa.
"Tara na nga, tumuloy na nga lang muna tayo sa room natin. Mamaya pa rin naman magbubukas ang mga booths kaya panigurado na may klase pa." ani ko.
Sumunod naman silang dalawa sa akin at nang makapasok na kami sa building ay kung ano-anong pakulo ang bumungad sa amin. At ngayon na huling taon ko na sa paaralang ito, atleast na-feel ko na hindi na pala dapat pangambahan ang kung anong posibleng mangyari.
Habang naglalakad kami at papasok na sana sa room namin ay bigla kaming nakarinig ng isang malakas na sigaw na siyang umalingawngaw sa paligid.
Napatingin naman kami sa hallway na 'yon at nagulat kami ng wala kaming nakita na ni isang taong naglalakad doon, nag-hintay naman kami ng kung sino lalabas mula sa kanan o kaliwang daan pero walang lumalabas mula doon.
"Ang aga namang horror house no'n." ani Jester.
"Sa tingin ko, hindi galing sa horror house 'yon Jester." ani Metria.
"Sa tingin ko rin at feeling ko may kailangan na naman ng tulong natin."
"Teka, akala ko ba wala na?!" nagtatakang tanong ni Jester.
"Mas mabuti nang nakakasigurado, Jester." Ngisi ko pa. "Tara na!" At hindi na kami tuluyang pumasok ng room at pumunta sa hallway na pinanggagalingan no'n.
Kung naliligaw ka man ng pinuntahan mong mundo, kailangan mo ng bumalik. Hindi ka nararapat dito dahil tapos na, tapos na ang pamamalagi ng kasamaan sa mundong ito. And you should rest in peace for the sake of everyone.
Nagningning na naman ang mga mata ko at naging dilaw ang mga ito.
Diabolum iugulasti.
Xana Etoria is alive and forever will save the world.
--WAKAS--
i
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top