Chapter XXIII

Chapter XXIII

~Narrator's POV

This is the Death War.

Ang War na siyang magsisilbing paghihiganti ni Lagarto sa pagkawakas ng kanyang buhay pero ito ang magiging daan nila Metria upang matigil na ang lahat.

Mula sa kanang kampo ay makikita mo ang mga grupo nina Metria na kinabibilangan nina Annera, Shantera, Ostin, Rabi, Jester, Winona, ang mga kapatiran ng Sandugo na pinamumunuan ni Gastor at ang mga Trainee's na siyang pinangungunahan ni Louel. Hindi mo mabibilang sa iyong mga kamay ang kanilang bilang dahil umaabot ng daan-daan ang kanilang kampo na buong determinasyong iligtas at ibuhay muli ang kapayapaan sa bawat mundo.

At sa kabilang kampo naman ay pinamumunuaan ng mga alagad ni Lagarto na Black Death at kasama na doon si Xana.

Bakas sa mukha ni Metria ang mga kasama nito sa pagkabahala na kung anong mangyari kay Xana pero hindi nila kailangan panghinaan ng loob dahil nasa kabilang kampo si Xana. Kailangan nilang iligtas si Xana mula sa under ni Lagarto. Hindi pwedeng manatili siya bilang gano'n at maging isang prinsesa.

Una silang sinugod ni Xana. Hindi naman nagpatalo ang kampo nila Metria at sinugod na rin ang mga kalaban. Tila isang malaking pagsubok sa lahat ang digmaan an ito. Dito masusubok ang kanilang katatagan at kanilang mga lakas.

Mabilis naman iniwasan ng kampo nila Metria ang mga Death Archers na siyang nagkakalat sa paligid na kung hindi sila mag-iingat ay tiyak na matatamaan sila ng poison arrow. At nang magsalubong na ang dalawang kampong magkalaban ay kakaibang mga lakas ang pinakita ng bawat isa.

Nagkatapat si Metria at si Xana at ni Annera.

"Sumama ka na sa akin, matitigil ang digmaang ito." Ani Xana sa kanyang nanay.

"Hindi. Hindi ako sasama sayo!" agad na binato ni Annera si Xana ng kanyang lakas ngunit mabilis naman naiwasan iyon ni Xana. At gayundin na tinira ni Metria si Xana na siyang tinamaan sa balikat. Nagkaroon n asana ng tsansa na makuha nila si Xana pero agad itong bumawi at tinamaan si Metria doon.

Hinabol naman ni Annera si Metria sa lakas ng impact ng lakas ni Xana. Hindi na rin nila matuon ang atensyon sa ibang kasama dahil kailangan nilang kalabanin si Xana.

At ang buong paligid ay nababalutan ng kadiliman. Kung nababawasan ang pwersa ng Black Death ay gayundin ang nangyayari sa kampo nila Metria. Hindi nila maiwasang hindi mag-alala dahil kung hindi, lagot na sila.

Nang lumapit si Xana kay Annera at kay Metria ay nilahad nito ang kanyang kamay.

"Sumama ka sa akin." Ani Xana.

"Kailangan mo ng bumalik sa totoong ikaw Xana! Hindi ikaw 'yan!" sigaw ni Metria sa kanya.

"Manahimik ka diyan!" agad na binalutan ni Xana si Metria ng itim na usok dahilan para hindi ito makakilos ngunit nakikita niya pa rin ang lagay ng paligid gayundin ang pagyayaya ni Xana kay Annera.

"Annera! 'Wag kang sumama sa kanya!" sigaw ni Metria.

Ngunit mukhang nakuha ni Xana ang loob ni Annera at tumayo ito at dahan dahan na lumapit sa kanyang anak ngunit bago pa man niyang ilahad ang kanyang kamay ay agad na tumilapon ng napakalakas si Xana at biglang nawalan ng malay si Annera. Walang magawa si Metria kundi titigan at panoorin na lang ang mga pangyayaring iyon.

Sa pag-atake ni Annera kay Xana ay bigla na lamang itong natigil sa kanyang kinatatayuan at mayamaya lamang isang malaking enerhiya ang kanyang pinalabas dahilan upang matigil ang lahat sa kanilang pakikipaglaban. Lahat ay natuon ang atensyon sa enerhiyang nanggagaling kay Xana. Gumawa ng depensa si Jester upang hindi tamaan ng enerhiyang iyon kasama ang iba niyang mga kasama.

Ang mga Sandugo at Trainee's ay naapektuhan sa malakas na enerhiyang nilabas ni Xana dahilan upang maging abo na lamang sila. Gayundin ang mga Black Death. Tila luminis ang kapaligiran sa ginawa ni Xana ngunit lubos itong naka-apekto sa dalawang kampo. Mas lalong tumindi ang pangyayari ng umulan ng apoy mula sa kalangitan habang inaatake ni Xana ang kanyang mga kaibigan. Hindi nila alam ang gagawin kung paano maliligtas si Xana gayong malakas na death power ang komo-kontrol sa kanya.

"Pagsama-samahin natin ang lakas natin!" sigaw naman ni Winona.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Winona at ang mga natirang Sandugo at Trainee's ay nagsama-sama at ang mga kaibigan ni Xana. Mag-isang nakatayo si Xana harapan nila Metria na siyang nakakawala dahil sa enerhiyang nilabas ni Xana na siyang nagpawalang-epekto.

"Gawin na natin!" Ani Metria.

Pumwesto naman silang lahat habang si Xana ay malakas na enerhiya ang bumabalot sa kanyang katawan. At ilang saglit lamang ay itinira na nilang lahat ang kanilang mga pinagsama-samang lakas ngunit nabahala sila bigla ng may mga Death Wings ang umatake sa kanila at ang nakakapanlumo doon ay isa sa kampo nila Metria ang nadali nila.

"Ostin!" sigaw ni Rabi.

"Ano ba 'yan! Lagi na lang nakukuha!" ani Jester.

Ngunit parang walang pakelam ang iba kundi ang kanilang mga pinagsama-samang lakas ay isang kamay lamang sinasalag ni Xana. Buong lakas namang binibigay nila Metria ang kanilang mga natitira pang lakas pero agad iyong nabali ng bawian sila ni Xana. Tumilapon silang lahat at dama ang sakit na natamo.

Mabilis na naubos ang lahat pero hindi magtatapos ang lahat sa isang kadiliman.

Mayamaya ay bilang lumabas si Lagarto sa tabi ni Xana.

"Huli na kayo." Ani Lagarto. "Dahil si Xana na ang bagong prinsesa ng Dark World." At dahan dahan na pumwesto si Lagarto sa likod ni Xana at isang koronang kulay pulang may bungo sa pinaka-gitna ng koronang iyon.

"Hindi pwede!" at tumilapon mula sa kamay ni Lagarto ang koronang ilalagay niya sana sa ulo ni Xana na ngayon ay tuluyan nang nalusaw. Nang mapatingin naman sila Metria doon ay nakita nila si Annera ang may kakagawan no'n. At mayamaya ay tinira ulit ni Annera si Lagarto pero mabilis itong nailagan ni Lagarto.

"Hindi mo ako pwede kalabanin! Mamatay ka na!" at dahil doon, tumalipon si Annera sa itim na enerhiyang tinira sa kanya ni Lagarto ngunit pilit na lumaban ni Annera ngunit lahat ay nabigla ng walang lakas ang lumalabas mula sa kanya. At mukhang dahil doon sa nangyari ay tuluyang nabawi ni Lagarto ang lakas na napunta noon kay Annera. "Sabi ko sayo, wala kang kawala sa akin."

At sa hindi inaaasahang pangyayari, kahit sila Metria ay nagulat ng atakihin ni Xana si Lagarto.

"Nilalabanan ni Xana ang sarili niya." Ani Jester.

"Delikado." Ani Metria.

Pilit na nilalabanan ni Xana ang lakas na komokontrol sa kanya upang kalabanin nito ang kanyang mga kaibigan at si Lagarto ang kanyang tinira ngunit dahil doon ay mas lalong nanggalaiti si Lagarto at ito'y kayang ini-angat sa ere.

"Pakalawan mo ang anak ko! Demonyo ka!" sigaw ni Annera.

"Matagal na, Annera!" halakhak pa ni Lagarto at muli niyang inatake si Annera at ito'y lumipad sa kinaroroonan nila Metria. Agad naman nilang tinulungan si Annera habang pinapanood si Xana mula sa ere pero ang kinabigla nila ang bumagsak mula sa taas na si Ostin.

"Ostin!" sigaw ni Rabi pero pinigilan naman siya nina Jester na makalapit sa kaniyang kaibigan. Nabigla din sina Gastor at Winona ng makita nila ang sinapit ng kaibigan. Lapnos ang mukha nito at wala ng malay doon.

Hindi na napigilan ni Rabi ang mangiyak dahil sa isa na namang pagkakataon. Muling nawalay sa kanya ang kanyang kaibigan.

"Hayaan niyo kaming tumulong kay Xana! Tara na!" at nagkatinginan naman ang lahat sa isang babaeng nagsalita at nakita nila sila Asylum, Rigor, Frixon at Grano. Nagulat si Metria sa nakita niya pero hindi na sila nag-aksaya pa ng oras kundi sinunod nila ang sinabi ni Asylum.

Habang patuloy na binabalot ni Lagarto ng kanyang itim na lakas si Xana ay siya namang gumawa ng paraan ang samahan nila Metria na alisin si Xana doon. Kanilang lakas ay pinagsama-sama sa pag-atake kay Lagarto at sa huling pagkakataon ay binibigay nila ang kanilang buong lakas upang matalo lamang si Lagarto.

"Hindi!" isang malakas na sigaw ni Lagarto ang umalingawngaw sa paligid. Tinamaan si Lagarto ng mga pinagsama-samang mga lakas nila. "Hindi kayo magwawagi. Wala na si Xana. Wala ng magliligtas sa inyo. Mamatay kayong lahat!" at nagbabagong anyo si Lagarto upang mas maging malakas ang kanyang tinataglay pero kailangan agad na gumawa ng nila Metria ng paraan upang matigil ito.

Nilapitan nila si Xana pero wala na nga itong malay at tuluyan ng binawian ng buhay.

"Hindi, Ostin!" ani Rabi. "Saglit lang, bubuhayin kita!"

At doon namintig ang tenga ni Metria ng marinig si Rabi. Agad niyang nilapitan si Rabi at ito'y kanyang kinausap.

"Rabi, buhayin mo si Xana. Iyon lang ang magiging paraan para matalo si Lagarto. Kaligtasan ng lahat ang nakasalalay dito. Rabi, ikaw ang inaasahan namin." Ani Metria sa kanya.

"Hindi! Hindi ko pwedeng hayaan na mawala si Ostin!" aniya.

Tinapik ni Metria sa balikat si Rabi. "Mas magiging makabuluhan ang pagkawala ni Ostin kung tutulungan mo si Xana na mabuhay muli. Dahil kung gano'n, parang napaghigantihan mo na rin si Lagarto." Aniya. Napatingin naman si Metria sa direksyon ni Lagarto na siyang pinapalagananp na ang kadiliman sa buong paligid at ang buong lakas na kanyang tinataglay. "Please, Rabi. Gawin mo 'to para sa ating lahat."

Muling napatingin si Rabi sa kaibigang si Ostin na binawian na ng buhay at bumalik ang tingin kay Metria at tumango ito.

"Dali!" aniya.

Mabilis naman silang lumapit kay Xana at mabilis ginawa ni Rabi ang kanyang pagpapagaling at muling pagbibigay buhay kay Xana. May naturang healing powers si Rabi. Nagamit na niya noon ang isang paraan na 'to na dalawang beses lamang niyang pwedeng gamitin at ito na ang panahong iyon.

"Dalian niyo!" sigaw ni Jester dahil ilang saglit na lamang ay magsisimulang umatake si Lagarto.

"Saglit na lang!" pinagpapawisan na si Rabi sa ginagawa niya at ilang saglit lamang ay napaupo ito sa lupa at hingal na hingal sa kanyang ginawa. "Hindi ko kaya." Aniya.

"Hindi pwede." Iiling iling na tugon ni Metria. "Hindi pwedeng mangyari 'to."

Pero mayamaya lamang ay dahan dahan na bumangon si Xana na ikinabigla ng lahat. Ngunit parang walang alam sa nangyari si Xana at kanyang hinarap si Lagarto.

"Magtutuos tayo, Lagarto." Ngisi ni Xana.

Halos hindi makapaniwala ang lahat sa nangyayari at doon mas naging determinado ang buong kampo na magiging matagumpay ang kanilang misyon.

"Nabuhay ka!" at siyang sinugod ni Lagarto.

"This Death War will end, Lagarto." Ngisi ni Xana.

hP^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top