Chapter XXI

Chapter XXI

~Metria's POV

Umaayon na ang mga plano namin sa gagawin naming hakbang para sa paglusob sa Black Death maging kay Lagarto. Hindi na kami basta basta na magpapatalo kay Lagarto dahil sa malakas siya, kaya naming ipagsama ang mga lakas namin para matalo siya. Kung meron man siyang malalakas na alagad, gaya ng mga Death Ninja's, Death Giants, Death Wings, Stone Trolls, Death Archers at si Death Suvir ay kaya namin iyon kapag nagsama-sama ang mga kampo namin.

Hindi kami magpapatalo sa isang bagay na kaya naman namin.

Mabilis naman kaming kumilos para sa gagawin naming plano. Ito ang naging plano namin para sa gagawing pagsalakay sa Cave of Death. Hanggat maaari habang wala pa si Lagarto doon. Isa ako sa papasok sa kanang kweba kung saan nandoon ang kanilang pinaka-headquarters kumbaga at magmamanman sa paligid habang sina Jester at ang dalawang miyembro ng Sandugo ay ililigtas si Death Suvir o Winona na ngayon ay nagbabantay sa Cave of Death.

Kailangan siyang mailigtas dahil kung hindi ay magiging katulad ang kanyang katapusan katulad ng ginawa ni Lagarto sa mga magulang namin ni Shantera. Maiiwan naman sina Annera at ang kapatid ko dito sa aming hide-out, kailangan muna ni Annera na magtago mula kay Lagarto dahil baka kunin siya ulit nito. Mas maganda ng maging ligtas mula sa kanyang mga kamay.

Tinanguan ko naman sina Jester, Rabi at Ostin na kailangan na naming umalis dito at tumungo doon. Nang makababa naman kami ng hide-out ay nagtago kaming apat sa damuhan upang hindi muna kami makita ni Death Suvir. Hindi naman sa kalayuan iyon pero mas maganda ng maging ligtas.

"Kaya niyo na?" tanong ko sa kanilang tatlo.

Tinanguan naman nila ako. "Para kay Xana at kaligtasan ng buong mundo." Ani Jester.

"Mag-iingat kayo." At tuluyan na silang kumilos patungo kay Death Suvir na siyang nagbabantay sa kweba. Kailangan muna nilang agawin ang atensyon ni Suvir bago ako tuluyang makapasok sa kweba. Pinanood ko naman ang bawat kilos na ginagawa nila Jester at mukhang nahahalata na sila ni Suvir at doon ito pumwestong lalaban. Nang sabay sabay naman na lumabas ang tatlo ay hindi alam ni Suvir kung sino ang kanyang titirahin dahil nasa likod niya si Ostin, sa harap niya si Jester at sa gilid naman si Rabi. Muntik na ring tamaan si Rabi pero nakaiwas ito.

Habang nasa kanila ang atensyon ni Suvir ay agad na rin akong kumilos kung saan dali dali akong tumakbo papasok ng kweba. Mabilis ko lang iyong nagawa at hindi agad ako napansin ni Suvir. Alam kong kaya na nila Jester iyon. Alam kong determinado sila na matapos an ang kaguluhang ito.

Nang tuluyang kong mapasok ang madilim na kweba na ito ay tahimik lamang ang paligid. Hindi ko alam kung saan ako patungo ngayon. Hindi ko rin alam kung sana banda dito ang kanilang headquearters pero kailangan kong maging maingat sa mga kinikilos ko. Hindi rin ligtas kung gagawa ako ng liwanag dahil baka sa malayo pa lang ay makita na nila ako. Lagot na kung gano'n.

Tuloy-tuloy lang din naman ako sa paglalakd hanggang sa may mga narinig akong mga ingay sa paligid. Agad naman akong nagtago sa isang sulok at tiningnan kung sino ang mga iyon at nakita ko naman ang mga nilalang ng Black Death. Alam kong pagdating ng ng Death War ay mas magiging malakas ang mga Black Death dahil isang bilang dark creature ay doon sila mas malakas hindi sa porma ng isang tao. Mas madali sana namin magagawa ang laban kung human form sila pero hindi gano'n ang mangyayari.

Nang makalayo na naman ang mga nilalang na iyon ay agad naman akong bumalik sa paglalakad. Binilisan ko na upang walang makasunod sa akin hanggat sa matanaw ko ang isang pulang pinto na may dalawang torch pa sa magkabilang gilid nito.

Agad naman akong lumapit doon.

"Ito na siguro 'yon." Aniko.

Nilingon ko pa ang paligid ko kung may mga nakabuntot ba sa akin o wala. Nang maramdaman at masigurado ko namang safe ako ay dahan dahan kong binuksan ang pulang pintong iyon. Nakakakilabot pakinggang ang pagbukas ko sa pinto dahil mukhang may badya nga ng kasamaan ang lugar na ito.

"Dalian niyo, babalik na si Lagarto!" umalingawngaw na boses ng isang nilalang na nagmumula sa pinanggalingan ko kanina. Nanlaki naman ang mata ko at binilisan ko ang kilos ko. Nang makapasok naman ako sa pinto ay halos magtayuan ang buong balahibo ko sa katawan sa nasilayan ko.

Isang lawa ng dugo ang pumapaikot sa paligid ng silid na ito. At isang malaking trono ang nasa gitna ng silid na ito na mukhang nagsisilbing trono na Lagarto dito. May mga kalansay ding nakasabit sa paligid at ang iba'y sariwa pa ang mga balat at ang iba'y gumagalaw pa.

Nang unti-unting bumukas ang pulang pinto ay agad akong nagtago. Dahan dahan naman akong sumilip at sinundan ang mga nilalang na iyon at nang sundan ko pa ng tingin ay nakita ko na si Lagarto, kasama si Xana na wala pa ring malay.

Basta basta na lang nila itong nilapag sa lupa na parang wala ng buhay. At hindi ako makakapayag kung tuluyan ngang binawian ni Lagarto si Xana. Pero hindi niya 'yon magagawa dahil ayon sa plano ni Lagarto ay siyang gagawing prinsesa si Xana ng dark world upang siya na ang maghari doon kaya imposible na mamatay na si Xana.

"Pinuno, saan po kayo nanggaling?" tanong ng isang alagad ni Lagarto.

"Wala na kayo doon, lumayo lang ako para hindi nila makuha si Xana at ngayon na hawak ko na ang dapat na matagal ng nasa akin ay ngayon, magagawa ko na ang buong plano ko." halakhak pa ni Lagarto.

"Kung gayon po pinuno, ano na pong mangyayari sa Black Death?" tanong pa nito.

"Maninilbihan pa rin kayo sa akin at dito pa rin kayo mananatili sa Other World."

Mukhang gumagawa na ng plano si Lagarto para sa sunod na mangyayari sa kanyang misyon. Pero hindi ko naman hahayaan na magwawagi na lang siya. Sa isang mabilis na paraan, hindi niya iyon magagawa. Kung ginagamit niya lang ang lakas niya para makipaglaban sa amin ay nagkakamali siya, kung mag-isa lang din naman siya. Tiyak na may pag-asa pa ring manaig ang mga tagapagligtas ng mundo.

"Lumabas na kayo at magbantay sa labas. Hanapin niyo rin si Death Suvir!" utos ni Lagarto.

Napansin ko namang mabilis na sumunod ang mga alagad ni Lagarto na lumabas ng silid na iyon. Nang balingan ko naman ng tingin si Lagarto ay nakaupo ito sa kanyang trono habang naka-cross ang mga paa at pinagmamasdan ang walang malay na si Xana.

Umiba ako ng pwesto kung saan mas makikita ko ang kinapu-pwestuhan nila Lagarto at Xana. Kung pwede ko lang sugurin si Lagarto dahil sa ginawa niya kay Xana ay kanina ko pa ginawa pero hindi ko pwedeng gawin 'yon dahil makakasira iyon sa plano. Hindi ko pwedeng hayaan na lang kasing magdusa si Xana sa pagiging konrtolado ni Lagarto pero hindi rin ako pwedeng lumabas na lang dito sa pinagtataguan ko. Lagot na kung gano'n.

Nang tingnan ko naman si Xana ay unti-unti itong gumagalaw. Palipat lipat ang tingin ko sa dalawang iyon at nang tuluyang bumangon si Xana ay nagulat din ito ng makita niyang nasa harapan niya ngayon si Lagarto. Pansin ko pa rin ang panghihina ni Xana. Gustong-gusto ko na siya lapitan kaya lang wrong move kung gagawin ko 'yon.

"Gising ka na, anak ko." ngisi pa ni Lagarto.

"Hindi mo ako anak, wala akong ama na kasing sama tulad mo!" bulyaw naman ni Xana sa kanya.

Natawa na lang din naman si Lagarto, "Masasabi mo 'yan ngayon pero kung hindi dahil sa akin, wala ka siguro ngayon. Ako ang nagbuhay sayo Xana kaya dapat sa akin ka lang mapunta, at maging prinsesa ng aking kaharian."

"Hindi!" sigaw ni Xana. "At kahit kailan, hindi ako magpapa-alipin para sa isang katulad mo. Hindi ako sasama sayo!"

"Talagang ha? Kung makakaya mo." Ngisi pa ni Lagarto.

"Bakit ka ba bumalik! Bakit ka nabuhay! Winakasan na kita, anong ginagawa mo dito!"

Kinilabutan ako sa gawang paghalakhak ni Lagarto. "Bumalik ako para bawiin ka. At kala mo, gano'n lang ako kadaling mawakasan, hindi. Nagkakamali ka Xana, winakasan mo lang ang pagiging Life Taker ko kaya ngayon, binabalikan kita. Kukunin na kita. Maghahari tayong dalawa."

"Hindi mangyayari ang gusto mo Lagarto." Matigas na sabi ni Xana sa kanyang ama.

"Nagkakamali ka." Agad na tinira ni Lagarto si Xana ng kanyang dark power. At nabalot ang kanyang buong katawan sa itim na usok na 'yon. Pinigilan ko lang ang sarili ko na hindi sumugod dahil hindi ko alam kung anong gagawin sa akin ni Lagarto.

"Pakawalan mo ako!" pagpupumilit ni Xana. Ang kanyang ulo na lamang ang nananatiling hindi nababalot ng itim na lakas ni Lagarto at kung mangyari man iyon ay tuluyang magiging kontrolado ni Lagarto si Xana.

"Sinong tanga para gawin 'yon, anak ko." ngisi pa ni Lagarto.

Hindi na rin nakapagpiglas si Xana dahil mukhang wala rin siyang takas kung gagawin man niya iyon.

"Alam mo kung hindi ko napuntahan ang Other World na ito, siguro wala pa rin akong nagagawa para bawiin ka. Nang tuluyan mo akong winakasan bilang Life Taker ay ako namang gumawa ng paraan upang makabalik at makapaghiganti sa inyo, at ngayon, mukhang successful naman ang mga plano ko. Nang dahil sa Black Death, nagawa kong kunin ka."

"Paano ka nakapasok sa Other World, sa pagkakaalam ko hindi basta basta nakakapasok ang isang dark worlder sa mundong ito." Ani Xana.

"Simple lang, sinira ko ang Arc of Passageway at pinamunuan ang Black Death. Gano'n lang kadali at ngayon, gano'n ko lang kabilis nakuha ang misyon kong ito."

"Hindi ka magtatagumpay, Lagarto."

"Tawagin mo akong ama, ama Xana. Ama."

"Hindi. Manigas ka."

"Kung ayaw mo, akong gagawa." At tuluyang binalot ni Lagarto si Xana sa kanyang itim na usok. Habang pinapanood koi yon ay hindi na ako nakapagpigil at tuluyan na akong lumabas sa kinatataguan ko. Nabigla pa si Lagarto ng makita niya ako. Nang balingan ko si Xana ay halos mamilipit na ito sa loob ng itim na lakas na iyon. "Sabi ko na nga, may ibang nilalang kaming kasama dito." Ngisi pa ni Lagarto.

"Pakawalan mo siya, Lagarto!" sigaw ko. Kumukulo na ang dugo ko sa sobrang galit sa kanya at hindi ko mapigilan ag nararamdaman ko. Itinira ko kaagad ang naipon kong lakas kay Lagarto ngunit ginamitan niya lang iyon ng kanyang kamay at nailaga niya iyon.

Nabigla pa ako doon dahil nakaya niyang ilagan iyon.

"Ang batang Xaxon, ang anak-anakan ni Hanu." Ngisi pa niya.

Bigla ko na namang naalala si Master Hanu na naabutan na lamang naming patay na sa kanyang silid.

"Ikaw ang pumatay kay Master Hanu." Nanlilisik kong tingin sa kanya.

"Magaling." Aniya. "Pero hindi ako ang pumatay sa kanya, mismo ang sarili niya. Papatayin ko pa lamang siya ngunit inunahan niya ako. Pinatay niya ang sarili niya. Kaya, wag ako ang sisihin mo, batang Xaxon. Ang ama-amahan mong matandang walang kwenta ang sisihin mo."

"Ikaw ang walang kwenta!" tinira ko kaagad si Lagarto ng lakas ko pero agad akong binawian nito at tumilapon ako hanggat sa tumama ako sa dingding ng silid.

Habang dinadaing ko ang sakit na natamot ko ay nakita ko naman si Xana na nawawala na ang itim na lakas na bumabalot sa kanya.

"Sa wakas, hawak na kita anak." Halakhak ni Lagarto. "Ngayon, patayin mo ang batang Xaxon."

"Masusunod, ama." Tugon ni Xana.

Nagulat ako sa tinugon ni Xana dahil hindi ko inaasahan iyon pero mas nabigla ako ng nag-iba ang mata nito at nanlilisik na nakatingin sa akin. Ang mga kamay na nababalutan ng itim na enerhiya.

"Xana..."

"Magpaalam ka na, Metria!" ngisi ni Xana at agad akong tinira nito. Mabilis naman akong nakailag sa kanya at lumabas ng pulang pinto pero sinusundan pa rin ako nito.

Shit lang! Wala na akong takas nito! Hindi ko kayang saktan si Xana, dahil kahit anong mangyari. Kontrolado man siya ni Lagarto, si Xana Etoria pa rin iyon. Shit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top