Chapter XX

Chapter XX

~Metria's POV

Nang masigurado naming nakabalik kami ng ligtas sa hide-out namin ay napa-upo na lang din ako sa sulok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, ngayon na kinuha ni Lagarto si Xana at hindi ko alam kung saan nila ito dinala. Pero mabuti na lang ay nakalaya na si Ostin at Annera mula sa kanila pero ang mga magulang naman namin ni Shantera ang nawala.

Halos hindi ko matanggap na ito na pala ang huli naming pagkikita. Kaya mas naging determinado akong labanan si Lagarto upang maipaghiganti ko naman ang mga pinatay niyang mahal ko sa buhay.

Pansin ko naman sa mga kasama ko ang halo-halong emosyon. Si Shantera na umiiyak sa pagkawala ng magulang namin at ang sakit na iniinda niya dahil sa lakas na tinira sa amin ni Lagarto. Kahit ako, medyo masakit dahil tinamaan talaga kami. Swak na swak nga eh. Si Ostin at Rabi naman na masayang masaya dahil ayos na ulit sila. Binalingan ko naman ng tingin si Annera na gayong wala pa ring malay.

Lumapit naman ako kay Shantera para damayan ito sa pagdamdam niya sa pagkawala ng magulang namin. Hindi ko inakala na isa sila sa magiging pain ni Lagarto para sa labanang ito. Mukhang under the dark power na rin talaga sila kaya hawak na ni Lagarto ang buhay nila kaya madali lang kay Lagarto na wakasan sila.

"'Wag kang susuko, Shantera. Kaya natin 'to." Hinagod ko ang likod niya upang kumalma siya.

Niyakap naman niya ako at pinipigilan nang hindi maiyak. Kahit ako, nang makita ko ang scenario na iyon ay kulang na lang ay umagos ang luha ko pero tinatagan ko ang sarili ko na hindi mangyari 'yon pero wala pa rin akong nagawa eh.

"Kuya, wala na sila." Aniya.

"Tahan na Shantera, hindi magtatagal ang lahat ng ito. Makukuha natin ang lahat ng katarungan na dapat nakuha na natin. Hindi natin hahayaan na pati si Xana ay maging alipin niya lang."

"Gagawin natin 'to para sa magulang natin at kaligtasan ng buong mundo." Aniya.

Tumango naman ako sa kanya. "Tama ka, Shantera."

"Xana!" nagulat kaming apat maging si Jester na kakapasok lang nang biglang magising si Annera mula sa pagkakawala ng malay.

Napalapit naman kaming dalawa ni Jester sa kanya upang kamustahin. Inaabot lang din naman siya ng tingin ng tatlong nasa likod namin. Pansin ko kay Annera na hingal na hingal ito at sobra ang pagkahina niya sa kanyang katawan.

"Annera, huminahon ka." Pagpapakalma ko sa kanya.

"Hindi! Kasalanan ko 'to, kasalanan ko ang lahta ng ito!" aniya.

Pilit pa rin naming pinapakalma si Annera. Tinawag ko naman si Rabi upang gamutin muna si Annera at doon naman siya kumalma hanggat sa matapos nito ang kanyang paggamot sa ina ni Xana.

"Si Xana, nasaan ang anak ko?" tanong nito sa amin.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming lahat na mistulang nag-aabang ng sagot mula sa amin pero agad ko na itong inunahan.

"Hawak ngayon siya ni Lagarto." Tugon ko sa kanya.

"Hindi, hindi pwedeng mangyari 'yon." Pag-aalala niya.

Kumunot noo naman ako sa mga sinasabi ni Annera. Oo alam ko naman na delikado ang buhay ngayon ni Xana sa kamay ni Lagarto pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sobra-sobra sa pag-aalala si Annera doon. Alam kong kayang protektahan ni Xana ang kanyang sarili lalo na't nagawa niya ang kanyang paraan upang mapahina si Lagarto na siyang isa sa delikadong paraan kaya ngayon, nasa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay.

"Paanong hindi?" tanong ko naman.

"Dahil kapag tuluyang nagwagi si Lagarto sa kanyang hangarin ay tuluyan niyang gagawing prinsesa ng dark world si Xana at siyang magiging kontrolado nito. Delikado dahil wala na tayong magagawa para doon. Tuluyan na niyang masasakop ang mudo ng mga tao, other world at ang kanyang pinaghahariang dark world. Alam ko nagsimula ang lahat ng ito dahil sa sa akin, ako ang dapat magbayad sa lahat ng ito."

"Hindi. 'Wag niyong sisihin ang sarili mo, Annera. Wala kang kinalaman dito. Si Lagarto mismo ang dahilan kung bakit nangyayari sa ating lahat ng ito. Hindi sana tayo nagdudusa at nagpapakahirap kung tuluyan na siyang nawala pero bakit ngayon, sobrang lakas niya sa inaasahan ko. Mukhang hindi kakayanin ni Xana ang mag-isa sa labanang ito."

"Mali ka Metria. Dapat hinayaan niyo na lang din akong mamatay sa kamay ni Lagarto. Ako naman ang dahilan kung bakit nagsimula ang lahat ng ito."

"Huh? Di ko po kayo gets." Kamot naman ni Jester sa kanyang ulo.

"Oo ako ang dahilan." Buntong hininga naman nito.

"Sige po, handa kaming makinig." Tango ko pa sa kanya.

Huminga muna ng malalim si Annera at ngayon ay medyo kalmado na rin siya at dahil bumalik na kahit papaano ang mga lakas na nawala sa kanya.

"Nagsimula iyon noong magpunta ang Life Taker sa lupa, sa mundo natin, sa human world. Pumunta siya doon para hanapin ang magiging tagapagmana ng kanyang trono na may halong dugo ng tao at demonyo pero hindi ko alam ang lahat ng iyon ng makilala ko siya."

"Huh? Paano po?" tanong na naman ni Jester.

"Nasa isang parke lang ako noon habang nagliliwaliw, ako lang mag-isa noon dahil gusto kong mag-isip-isip muna hanggat sa mapansin ko na may isang lalaki na pasulyap-sulyap sa akin, kung saan ako pumunta ay sinusundan niya ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong totoong gusto niya sa akin pero ilang saglit lang ay lumapit siya sa akin. Natakot pa ako noon pero agad niyang kinuha ang kamay ko. Nagpakilala siya bilang Xian noon. Wala akong kaalam alam na isa palang demonyo ang nakakausap ko noon—na makikipagsundo ako kay kamatayan." Naiiyak na pagku-kwento ni Annera. "Parang isang tao talaga siya kumilos, gwapo at perpekto sa paningin ko hanggat sa isang gabi ay nagkaroon ng hindi dapat mangyari."

"What? Nagpatukso ka po?" gulat na sabi ni Jester.

"Parang gano'n na nga." Ani Annera. "Gano'n naman talaga gagawin ng mga demonyo eh, ang matukso ka sa mga bagay na hindi mo naman dapat ginagawa. Hindi ko rin akalain na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya hanggat sa mabuo sa sinapupunan ko ang magiging anak namin. Hindi ko alam kung paano nangyari ang gabing iyon, tila parang hinawakan niya lang ang anak ko at kinabukasan ay kusa na lang akong nakaramdam ng simtomas ng pagbubuntis."

Mariin pa rin kaming nakikinig sa kanya.

"Hanggat sa ipanganak ko si Xana. Doon nagsimula ang lahat. Akala ko kung anong gagawin ni Xian noong makita ko siya na itatakas niya sana si Xana noon pero hindi ko siya pinayagan hanggat sa nakipagmatigasan ako sa kanya at doon biglang lumabas ang totoong anyo ni Xian bilang Life Taker. Sinabihan niya akong babalikan niya ako para kunin muli si Xana dahil gagawin niyang prinsesa si Xana ng Dark world upang siya ang maupo sa trono ng kaharian nila."

"Teka lang po," ani Jester. "So, kaya po nabuo ang pangalan ni Xana dahil Xian+Annera=Xana? Gano'n po ba 'yon?" tanong ni Jester na nakaka-ewan.

Tumango din naman si Annera, "Oo, siya mismo ang nag-pangalan sa anak namin. Alam niyo noon, nag-propose pa siya sa akin ng isang kasal pero 'yon pala ang dahilan niya para matali ako sa isang sitwasyon at tuluyan niyang maging kontrolado si Xana pero hindi iyon nangyari."

"Nang umalis siya at bumalik sa dark world ay doon na rin ako nagpasya na umalis sa tinutuluyan ko at lumipat sa malayong lugar. At dahil sa ginawa niya sa akin ay merong lakas siyang naipasa sa katawan ko ng pinagbubuntis ko pa lamang si Xana kaya doon ko nagawa ang ritwal kung saan hindi malalaman ng Life Taker na kung saan namumuhay ang kaniyang anak."

"Naging matagumpay ang nagawa kong ritwal dahil sa loob ng 18 years ay nailayo ko si Xana sa kanyang ama at doon din mismo nagsimula ang kalbaryo ng paaralan kung saan hinahanap ng Life Taker sa bawat estudyante doon ang kanyang anak ngunit hindi siya nagtagumpay. Hanggat sa huli, nalaman ni Xana ang lahat. Nalaman niya na isang demonyo ang kanyang ama."

Buntong hiniga pa ni Annera. "Ako ang dapat sisihin dito, sa akin nagsimula ang kaguluhang ito. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ako nagpatukso at nahulog sa patibong ng Life Taker pero wala eh, kaya ang nangyari. Buhay ang mga naging kapalit."

Kung susumahin ang lahat ay nagiging malinaw na sa akin ang lahat. Napagtagpi-tagpi ko ang lahat ng mga tanong sa isip ko at wala naman akong dapat sisihin dahil nag-ugat iyon sa hangarin ng Life Taker na maging hari ng kanyang kaharian. Medyo nakakagulo lang ng isip at nakakabagabag pa rin sa akin ang lahat dahil nasa panganib ang buhay ni Xana.

"Teka lang, kailangan na nating sagipin si Xana." Ani Annera.

"Teka po, saglit lang, kailangan muna nating mag-isip ng plano dahil hindi natin alam kung anong sunod na mangyayari kung magpadalos-dalos lang po tayo. Huminahon muna tayong lahat, kailangan din nating manmanan ang paligid ng Cave of Death. Kailangan din nating abisuhan ang mga kakampi natin na susugod na tayo sa Black Death. Kailangan na nating paghandaan ang lahat ng ito."

"Teka lang, pati si Winona kailangan nating iligtas!" ani Ostin.

Napakunot noo naman kami sa sinabi niya. Paanong ililigtas iyong babaeng 'yon eh hindi nga namin 'yon kasama at sa ibang lugar iyon nagpunta.

"Oo, guys si Winona si Death Suvir." Ani Rabi.

"Paanong nangyari 'yon?" tanong ni Jester.

"Hindi ko alam kung paano pero nasisiguradong kong si Winona nga iyon. Sa mga mata pa lang niya ay nakilala ko na siya at alam kong under siya ngayon ng dark power ni Lagarto kaya ubod din siya ng lakas." Aniya.

Napa-iling na lang din ako. Marami pa kaming kailangang iligtas mula sa kamay ni Lagarto pero ngayon, kailangan na talaga namin maghanda.

"Shantera, Rabi, Ostin, Jester at Annera. Ganito ang plano." Ngisi ko pa.

������W����(�

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top