Chapter XVI

Chapter XVI

~Xana's POV

Tila ako lang ang nakakilala kay Winona doon. Hindi ko akalain na siya iyon pero hindi ako sigurado kung siya nga ba talaga 'yon peor bakit no'ng tumingin siya sa akin at nakita ko ang kanyang mga mata ay si Winona na kaagad ang pumasok sa isip ko? Ang pagkakaalam ko ay pumunta siya no'n sa Arc of Passageway upang magmanman sa mga Black Death na maaaring labas-pasok sa arkong iyon. Hindi kaya... dinakip nila si Winona?

Ngayon, tatlong tao na ang aming aalalahanin dahil ngayon, ang mga malalapit sa amin ay sila ang nasa panganib. Ang mama ko, si Ostin at si Winona.

Pero dahil sa pursigido kaming marating ang bundok na siyang sa kabila lang ay ang Cave of Death na ay nandito na kami sa ibaba nito. Nakatingala kaming lima habang minamasdan ang mga itim na usok na siyang pumapalibot sa bundok. Kailangan namin maging maingat dahil for sure ay delikado kung tatahakin namin iyon pero wala naman kaming ibang madadaanan kundi iyon na lang.

Malapit na kami. Malapit ko na maligtas ang magulang ko. Magtatapos na ang lahat ng ito. Matatapos na ang pananatili ni Lagarto.

"Tara na, kailangan na nating maakyat 'to." Ani Metria.

Nagtanguan naman kaming lahat. May mga nilagay kaming panyo sa aming mga ilong upang hindi namin malanghap ang itim na usok na 'yon. Delikado kung mai-inhale namin iyon at maka-apekto pa sa amin. At ang mga usok na pumapalibot sa buong Dark World ay nagmumula sa ibabaw nitong bundok na siyang sinimulan ni Lagarto daan para sa kanyang paghihimagsik.

Dahan dahan naman kaming umakyat, may mga daan naman kaming madadaanan at hindi pa masyadong delikado pero siguro pagdating namin sa itaas ay matatarik an ang mga iyon. Habang naglalakad kami ay may kakaibang kabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano peor mukhang kinakabahan ako sa lagay na ito. Tama nga sila, kapag malapit na ang oras doon ka kakabahan na. Hindi ko alam kung anong magiging kalabasan ng Death War na ito pero isa lang ang sinisigurado ko na magiging ligtas lahat ng mga nilalang.

Si Rabi na rin ang nangunguna sa amin, dala-dala niya ang bag na naiwan ni Ostin kasama na rin ang mapa. Naaawa nga rin ako sa kanya dahil mukhang close talaga sila ni Ostin pero sa nangyari nga ay mukhang naapektuhan siya pero hindi niya iyon pinapakita pero alam kong isa lang din ang gusto niyang mangyari, ang maligtas ang lahat kasama na ang kanyang kaibigan.

Habang tinatahak namin ang daan na ito ay napansin naman namin sa kapaligiran na hindi na gaanong malago ang mga damuhan dito kundi parang sinunog at pinutol ang mga ito. Siguro ay epekto ito ng itim na usok kaya nagkakaganito ang paligid at hindi malayong mangyari iyon sa buong Other World.

"Kailangan na nating abisuhan ang Sandugo at ang Trainee's Arellage na malapit na tayo sa Cave of Death at ang gulong mangyayari. Kailangan natin at nilang maging handa sa labanang ito. Kung dehado tayo noon, ngayon hindi na." ani ko sa kanila.

"Ako ng bahala sa Sandugo, Xana." Walang gana na tugon naman sa akin ni Rabi.

"Sige, ako na magpapadala ng mensahe kay Louel sa Trainee's Arellage." Sabi naman ni Metria.

"Ngayon na nabawasan tayo, hindi dapat na unti-untiin tayo ni Lagarto at kampo ng Black Death. Kailangan nating lumaban at isipin na lang natin na ang mga dinakip nila ay buhay pa. Dahil hindi ko mapapatawad kung pati ang magulang ko ay pinatay ni Lagarto."

Lumapit naman sa akin si Metria, "hayaan mo Xana, maliligtas natin ang nanay mo."

Tumango naman ako sa kanya. Ngayon na malapit na kami sa Cave of Death ay magiging mabilis na lang ang pagpunta namin doon.

Ilang saglit lang din naman ay unti-unti na naming makakasalamuha ang mga itim na usok sa paligid at binalalaan kami ni Rabi na may dalang lason ang mga iyon kaya posible na maging maingat kami dahil ang mga itim na usok na 'yon ay siyang susunog sa balat mo hanggang sa abuhin ka na lang ng abo.

Mukhang mas delikado kami dito.

"May alam ako!" napatingin naman kami kay Jester na nagsalita. "Kaya kong gamitin ang lakas ko para gawin nating panangga sa mga itim na usok na iyon." Wika niya.

Naging maganda naman ang suggestion ni Jester kaya lumapit naman kami sa kanya at siyang gumawa ng depensa namin mula sa itim na usok na iyon. Ngayon ay nakapaloob kami sa ginawa niyang puting bilog at sinabi niya na hindi niya kayang itagal ang lakas niya dahil hindi pa naman daw niya buong kayang gamitin ang mga iyon kaya kailangan talaga namin magmadali.

Nang tuluyan na naming pinasok ang itim na usok ay nagiging matarik na rin an gaming mga dinadaanan kaya mas lalo kaming nag-iingat.

"Metria!" sigaw ko na ang matapakan ko ay biglang bumagsak. Mabuti na lang ay nahawakan ni Metria ang kamay ko pero nailabas ko naman ang paa ko kaya no'ng muntik ng may lumapit na itim na usok sa akin ay mabilis akong nai-akyat ni Metria. Hindi pa gano'n dumidikit sa balat ko ang itim na usok na 'yon pero ang sakit na sa balat. Lason nga talaga ang isang iyon.

Huminga ako ng malalim. Tinatalasan ko na din ang paningin ko dahil baka maulit na naman. Sa sobrang diliim sa paligid ay hindi namin makita ang dinadaanan namin at mabuti na lang sa ginawa ni Jester ay nahahawi ang mga iyon upang may madaanan kami.

"Ang hapdi no'n." ani ko.

"Gamutin natin." Ani Rabi.

"Hindi na Rabi, medyo mahapdi lang naman pero hindi naman dumampi sa balat ko kaya okay lang ako." Tugon ko sa kanya.

"Pero para sure?" dagdag pa niya.

Pero inilingan ko siya, "Okay na Rabi, i-reserve mo na lang din 'yang lakas mo dahil malapit na tayo sa Cave of Death."

"Guys hindi ko na kakayanin, nangangalay na ako." Ani Jester."

"Hindi! Kailangan mong tiisin 'yan!" bulyaw naman sa kanya ni Metria.

"Ang adik mo! Hindi ko na nga kaya!" sigaw naman sa kanya ni Jester.

"Tiisin mo lang muna, Jester hanggat sa makababa tayo dito, please?" tugon ko sa kanya.

"Sige sige, Dalian na natin!" aniya.

Mas binilisan na lang din namin ang kilos namin at ngayon patarik na talaga ng patarik ang aming dinadaanan at mukhang patungtong na din kami sa pinatuktok ng bundok na ito. Kakayanin namin 'to.

--Secrecy—

Ilang saglit na lang ay matutungo na namin ang pinakatuktok ng bundok na ito at natatanaw naman namin mula dito ay medyo iwas na iyon sa mga itim na usok pero kailangan pa rin naming bumaba para mapunta na doon sa Cave of Death.

"Kaunting tiis na lang, Jester." Giit ko sa kanya.

Hawak-hawak na niya ang kanyang kamay dahil nanginginig na siya at kung bibitawan naman niya iyon ay mapapahamak naman kami pati na rin siya. Inaalalayan na lang din ni Metria si Jester dahil sakit na sakit na nga ito.

"Kaya mo 'yan, lalaki ka!" tugon naman ni Metria sa kanya.

Tiniis naman iyon ni Jester.

Ilang minuto lamang ay narating na namin ang tuktok ng bundok na iyon. Napabulagta na lang si Jester sa pagkakahiga niya dahil sa sobrang pagod niya. Magpapahinga muna siya sandali at muli naming itutuloy ang pagbaba namin sa bundok na ito.

Inikot ko naman ang paningin ko at namangha naman ako sa nakita ko. Kitang-kita ko mula dito ang kabuuan ng Other World. Mula sa Arc of Passageway way na parang langgam na rin ang nakikita ko. At ang mga lugar na aming napuntahan. Sadya ngang malawak ang kagubatan na aming napasok at nakakabilib din na sa haba ng nilakad namin, narating na namin iyon.

Kung susumahin lahat ng paghihirap namin ay mukhang nagwagi na kami pero hindi pa nagsisimula ang lahat. Dahan dahan naman ako tumalikod upang makita ang nasa likod ng bundok na ito at doon ko nasilayan ang Cave of Death.

"Nakikita ko na Metria." Tugon ko kay Metria.

"Malapit na natin matapos 'to Xana, makakaya natin 'to." Niyakap naman ako ni Xana habang nakatingin kami sa direksyon kung nasaan ang Cave of Death.

Tama nga rin si Ostin na dalawang kweba ang meron ang Cave of Death. Kung saan ang isa daw ay pinaglalagian ng kanilang mga bihag at ang isa naman ay ang kanilang kuta o pinaglalagian. Umalis naman sa pagkakayakap sa akin si Metria at nilapitan naman si Jester at kinausap ito.

Huminga naman ako ng malalim. Matatapos na ang lahat ng ito. Hindi matatapos ang gulo na 'to na si Lagarto ang nagwagi dahil hindi ko papatawarin ang sarili ko kung gano'n. Kami na lang ang pag-asa na ibalik sa normal ang mundong mga kinagsignan namin.

Dahil sa may may kakayahan akong makita ng malapitan ang malayong lugar o bagay ay ginamit ko iyon. Nakita ko ng malapitan ang dalawang kweba na iyon. Hindi ko alam kung anong nasa loob noon pero nandito na kami, hindi kami susuko.

Mayamaya lang ay may nakita akong mga nilalang na naglalabasan sa kaliwang kweba. Isa-isang lumabas ang mga nilalang hanggat si Death Suvir ang aking nasilayan. Nakakapagtaka nga talaga na si Winona iyon. Kung alam ngayon ni Gastor ang sitwasyon na ang pinakamalapit sa kanyang si Winona ay ngayon ginagawang alagad ng Black Death.

Ilang saglit ay naka-recover na rin si Jester at gusto na rin niyang bumaba dito sa bundok. Napansin ko naman si Rabi na ang tahimik, hindi ko na kinausap dahil alam ko nama ang dahilan na si Ostin iyon. Naaawa lang talaga ako dahil hindi naman talaga namin ginusto na makuha ng Black Death si Ostin.

Huminga ako ng malalim at lumapit naman ako kay Rabi. Hinawakan ko naman ito sa kanyang balikat at napatingin ito sa akin. Ngunit isang mapait na ngiti ang binigay niya sa akin.

"Rabi, 'wag ka na malungkot diyan. We will saved him, magtiwala ka sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Salamat, Xana." Ani Rabi sa akin at inalis ang mga kamay ko sa balikat niya.

So lumingon ako kay Metria at Jester. "Tara na guys."

Tinanguan naman nila ako. Hinawakan ko naman ang kamay ni Shantera at kami namang pumasok sa ginawang depensa ni Jester. At nang masigurado na naming ligtas kami ay sumuong na kami sa itim na usok na iyon. Halos nakakaya na rin naman ni Jester pero dahil alam kong medyo nangalay siya sa ginawa niya kanina kaya ngayon pursigido siya na mabilis kaming makababa sa bundok na ito.

Hawak hawak namin ang isa't isa upang hindi kami mapatid o makalabas sa ginawang depensa ni Jester. Ang mga usok na tumatama sa amin ay siyang napupunta sa gilid. Nagkakaroon ng elektrisidad ang paligid ng depensang ito na siyang nagsasabi na delikado nga ang itim na usok na iyon.

Makalipas ang kalahating oras ay ligtas naming naibaba ang matirik na bundok na iyon. Hingal na hingal din kami dahil padalusdos din ang bundok dahil delikado iyon. Mga ilang lakaran na lang din ay mapapasok namin ang Cave of Death pero agad kaming napatago ng biglang may naglabasan sa kanang kweba doon. Nagtago kami sa mga damuhan at doon namin nakita ang mga alagad ni Lagarto. Ang Death Archers, Death Ninja's, Stone trolls, Death Wings, Death Giants. Lahat iyon ay lumabas at nahahalata ko na mukhang pinapahanap nila kami.

Mayamaya lang din ay lumabas doon si Death Suvir. Napatago ako bigla sa pagkakasilip ko ng biglang lumingon sa direksyon namin si Winona o Death Suvir.

"Ara—" sigaw ni Jester na agad ko namang tinakpan ang bibig dahil mas maaagaw niya ang atensyon ng mga kalaban kung gano'n.

"Doon tayo!" ani Metria at siya naman naming sinundan at nagtago sa isang puno. Nalaman din namin na ang punong iyon ay may kakaibang tirahan. Kumbaga sa human world ay tree house pero mukhang hideout ang turing ng isang 'to.

Isa-isa kaming pumasok sa katawan ng puno at kami namang hinigop nito paitaas. Unang nasilayan ko ay madilim ang paligid at nagkaroon na ng ilaw ng si Metria ay binuksan ang ilaw doon. Nang lahat na kami ay nasa loob ay mukhang ito rin ang magiging hide-out namin upang mapagplanuhan ang magiging pagsalakay sa Black Death.

"This is the time guys, prepare for the Death War." Ngisi ko pa.

���K��

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top