Chapter XV

Chapter XV

~Xana's POV

Tama nga talaga si Louel sa sinabi niya na ilang milya pa an gaming lalakarin pero natatanaw na naman namin ang bundok na humaharang papuntang Cave of Death. Sa sinabi naman noon ni Akbar ay parang dinala lang kami sa panganib, ipinunta niya kami sa Stone peak kung saan may mga stone trolls pala at napunta pa kami sa isang kweba kung saan muntik na kaming lamunin ng rumaragasang dugo at sunod ay 'yong Replica of Human World pero it helps a lot naman dahil narating namin ang Trainee's Arellage at nakilala namin si Louel upang ituro kung saan talaga ang daan patungong Cave of Death.

Siguro tama nga talaga na dumaan ka muna sa mga pagsubok bago mo marating 'yong gusto mong marating kaya ngayon pipilitin na namin na marating ang Cave of Death na iyon upang ang lahat ng ito ay matigil na. Ayoko ng manaig pa ang kasamaan mula sa kabutihan dahil kung hindi, ano nang mangyayari sa mundo?

Suot-suot ko pa rin ang kwintas na siyang binigay sa akin ni mama na siyang nagamit ko noon bilang proteksyon ko sa mga masasamang nilalang. Ang naging sandata ko noon pero ngayon na alam ko na gamitin ang sarili kong lakas ay mukhang naipon na ang enerhiyang nasa kwintas ko. Mabuti na iyon kung mauwi naman sa wala pero isa ito sa mga pinakamahalagang kagamitan ko ngayon dahil si mama ang nagbigay nito.

"Napapagod na ako." Angal ni Jester.

Kahit ramdam na namin ang pagod ay hindi pa rin naman kami humihinto dahil malayo-layo pa an gaming lalakarin kaya hindi muna kami ngayon pwedeng magpahinga. Baka mamaya, ilang segundo lang ay agad kaming atakihin ng Black Death.

"Hindi tayo pwedeng magpahinga Jester, kailangan na nating puntahan ang Cave of Death sa madaling panahon." Tugon ko naman sa kanila.

Napabagsak na lamang ng balikat si Jester dahil sa sinabi ko. Alam naman niya sa sarili niya iyon talaga ang pinunta namin kaya hindi namin kailangan magpatumpik-tumpik pa.

"Kaya kong gumawa ng portal." Napatingin naman kami kay Shantera na nagsalita.

"Kaya ko rin naman pero hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng portal na 'yon." Ani naman ni Metria.

Napatango na lang din naman si Shantera kay Metria kaya hindi rin niya nagawa 'yong suggestion niya. Totoo naman talaga na medyo delikado ang paggamit ng portal dahil hindi mo alam kung saan ka ilalabas no'n. At baka kapag sinubukan naman nila ay dalhin muli kami sa Arc of Passageway at iyon ang pinaka-ayaw namin na mangyari.

Habang naglalakad kami ay may kakaiba kaming nakita sa kalangitan. Bukod sa itim na usok na pumapalibot pa rin sa kalangitan ay may nilalang kaming nakita na lumilipad. Agad naman kaming nagtago at tinitingnan iyon mula sa aming pinagtataguan. Tinanong ko ang mga kasama ko kung ano iyon pero ang sagot nila sa akin ay Black Death.

Ginamit ko naman ang mata ko kung saan nagagamit ko na makitang malapitan ang mga bagay bagay at ng sinubukan ko naman ay mukhang alagad nga ng Black Death iyon. Mga naka-itim sila ng damit at kitang-kita ko ang mga bungo na simbolo sa kanila bilang miyembro ng Black Death. Palipad-lipad lamang silang lahat at kung bibilangin ko ay nasa dalawampu sila. Mukhang minamatyagan nila kami kaya ngayon, hindi kami makalabas-labas dahil tiyak na susugurin nila kami.

"Mabuti naman nakapagpahinga rin tayo." Napatingin naman ako kay Jester.

"Pansamantala lang 'yan Jester." Tugon ko naman sa kanya.

Pero nagawa pa rin ni Jester magpahinga habang minamaytagan namin ang mga Black Death na iyon. Bahagya rin naman silang lumipad mula sa kanluran kaya medyo makakaalis rin kami dito at hindi nila kami makikita. Kinalabit ko na si Jester para bumalik sa aming paglalakad at ng masiguro namin na safe na kami ay tuloy tuloy na kami sa paglalakad.

"Mukhang malaki pala talaga ang kampon ng Black Death, una na nating nakita ang mga Death Archers, Death Ninja's, Stone trolls, Death Giants at itong mga Death Wings." Ani Metria. "Kung susumatutalin ay makakaya natin kung magsasama-sama rin tayong lahat, bukod sa Sandugo ay nandiyan na ang mga Trainee's at makakaya natin ang labanang iyon." Dagdag pa ni Metria.

"Kaya kailangan hindi tayo sumuko, we can do all this things." Positive cheer up ko pa sa kanilang lima na kasama ko.

Noong una ay medyo dehado kami sa labanang ito dahil kaming tatlo lang nila Metria at Jester ang nandito para bawiin ang mama ko pero nang makilala namin ang grupo nila Gastor ay naging determinado kami sa laban dahil alam naming may back-up na kami at isama mo pa ang Trainee's. Ngayon, humanda ka Lagarto sa iyong katapusan dahil lahat ng ito magwawakas na.

Natatanaw naman na namin ang bundok pero mukhang medyo malayo pa nga sa amin iyon. Kitang kita na rin namin ang usok na bumabalot sa paligid nito at tiyak na kapag nandoon kami ay madilim ang paligid pero gustong-gusto ko na marating iyon dahil ilang araw na kaming naglalakad para puntahan iyon. Kung kaya lang din namin ang magteleport papunta doon ay ginawa na namin peor hindi eh. Hindi iyon sakop ng kakayahan ko.

"Mukhang aabutin tayo ng hanggang gabi dito sa paglalakad lang." ani Ostin.

"Mukha nga." Sang-ayon naman ni Metria.

Hindi na naman ako pumalag dahil kailangan din namin magpahinga pagdating ng gabi upang kinabukasan ay mabawi na namin ang mga lakas namin na nawala. Ngayon kailangan muna naming ipagpatuloy an gaming paglalakad.

Mayamaya lang din ay nakarinig kami ng kakaibang ingay sa itaas. Hindi namin alam kung anong ingay nagmula iyon at nang mapatingala naman kami ay nagulat kami ng makita ang mga Death Wings. Agad kaming napatago sa ilalim ng mga puno at damuhan para lang hindi kami makita.

Sinundan ko naman ng tingin ang Death Wings at papunta silang hilaga. Papunta rin sila sa bundok at tuluyang nilamon ng itim na usok doon. Mukhang doon na nga talaga ang kuta ng Black Death kaya ngayon kailangan na naming abisuhan ang mga kasamahan namin para sa mangyayaring kadiliman sa pagitan namin ni Lagarto.

"Sa tingin ko, 20 kilometro na lang an gating tatahakin dahil mukhang malapit na rin sa atin ang bundok na iyon." Ani Ostin.

"At kailangan pa natin akyatin 'yon diba?" tanong ni Metria sa amin.

"Mukhang gano'n na nga." Sang-ayon ni Ostin.

--Secrecy—

Napagpasyahan na rin namin na magpahinga at magpalipas ng gabi dahil mas mukhang delikado kung tatahakin namin ang daan ng madilim. Hindi kami sigurado sa kaligtasan ng bawat isa. Kampante naman kasi na safe kami dahil hindi naman kami matatanaw ng mga Death Wings dito na mukhang bird watchers na siyang nagde-determine kung nasaan na nga ba kami.

Agad naman na nakatulog si Jester na siyang pagod na pagod na. Nakita ko ring mahimbing na natutulog si Shantera at si Ostin at Rabi at naiwan na lang din kaming dalawa ni Metria na gising pa. Nakasandal lang siya sa puno habang nakayuko, mukhang malalim ang inisiip niya.

"Metria." Tawag ko sa kanya.

Napa-angat naman siya ng ulo at tumingin sa akin, kinunotan lang ako ng noo nito.

"Anong iniisip mo? Ang lalim yata." Tanong ko pa sa kanya.

Napailing naman ito sa akin, "Iniisip ko lang kung anong posibleng mangyari kung makaharap na natin ang Black Death pati na rin si Lagarto. Alam naman natin na hindi maiiwasan na may mawala sa atin kung 'yon man ang tinadhana pero ngayon kailangan natin maging malakas sa kung ano mang gagawin ng Black Death." Aniya.

Dahan dahan naman akong napatango sa sinabi niya, "totoo naman ang sinabi mo Metria. Hindi natin maiiwasan na may mawala sa atin pero syempre ayaw naman nating mangyari 'yon diba? Kaya kailangan nating maging mailap."

"Kaya nga natatakot ako para sayo."

"Para sa akin?" taka kong tanong sa kanya.

Tumango ito sa akin, "Oo, ang plano mo na pahinain si Lagarto."

Napabagsak naman ako ng balikat. Mukhang inaalala nga talaga ni Metria kung anong posibleng mangyari doon pero may tiwala naman ako sa sarili ko na hindi ko sasayangin ang buhay ko para dito. Lahat ng ito may dahilan.

"Metria, kung nakasugal man ang buhay ko doon pero hindi ko hahayaan na kunin na lang ito ni Lagarto. Kung ang pagiging prinsesa ko ang hiling niya at paghihiganti, hindi niya 'yon makukuha dahil ang lakas ng isang Etoria ag magpapabagsak sa kanya. 'Wag ka nang mag-alala, kaya natin 'to, kaya 'ko to." Ngiti ko pa sa kanya.

"Sana nga, malampasan natin 'to." Buntong hininga pa niya. "Tara na, matulog na tayo."

Tumango ako sa kanya at saka humiga na.

Kakapikit ko pa man lang din ng mga mata ko ng bigla akong may naramdaman sa paligid ko. Nanatili akong mulat ang mata at pinapakiramdaman ang paligid at ng makumpirma ko na mukhang may naka-aligid sa amin.

Napabangon ako sa pagkakahiga at hindi lang din pala ako ang nakaramdam dahil pati si Metria ay naramdaman niya iyon. Bakas sa mukha ni Metria ang kaba kahit ako naman. Baka na naman si Lagarto ito.

Nakita siguro kami kanina ng mga Death Wings kaya natunton nila kami. Sabi ko na nga ba, matatalas ang kanilang mga paningin. Delikado pala talaga kami.

Tumayo naman ako at lumapit kay Metria.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam." Tanging sagot sa akin ni Metria.

At napatalikod kami bigla ng may marinig kaming kaluskos sa damuhan. Tinanguan ko si Metria na lumapit doon para tingnan kung anong meron o kung sino man iyon at wala man lang kaming nadatnan kung sino iyon.

At ang sunod na nangyari na lang ay nakarinig kami ng sigaw. Tumakbo kaming pabalik ni Metria mula sa pinagpahingaan namin at ang isang nilalang an gaming nadatnan kung saan hawak hawak nito sa leeg si Ostin.

Nagising din an gaming mga kasamahan at kita ko si Jester na nakaupo sa sahig at takot na takot sa nakikita niya.

"Xana tulong!" sigaw ni Ostin habang pinipilit nitong tanggalin ang kamay ng nilalang na ito.

Dahan dahan naman na lumingon sa amin ang nilalang na iyon. Nabigla ako dahil bahagya kong nakita ang kanyang pagmumukha mula sa nakaharang na masked nito sa kanyang ulo. Nakilala ko kaagad siya pero hindi pwede 'yon.

"Bitawan mo si Ostin!" sigaw ko.

Pero parang winagayway lamang nito ang kanyang kamay ay napa-ilag na lang kami na kung saan biglang lumalabas ang mga apoy sa paligid. Kung saan ako pumunpunta ay sinusundan ako nito at mabuti na lang ay ginantihan ito ni Jester at natigil sa pagpuntirya sa akin ngunit hindi pa rin nito inaalis si Ostin sa kanyang mga kamay.

"Bitawan mo si Ostin, kampon ng Black Death!" sigaw ni Rabi sa nilalang na iyon.

Ngunit nakakalokong tawa ang binigay nito. "Ako si Death Suvir at hindi ako inuutusan sa ganyang bagay." At si Rabi naman ang kanyang sinilaban ng apoy mabuti na lang din ay mabilis kumilos si Shantera at nailigtas si Rabi.

At ako na ang magtatangka na gumanti sa kanya ay hindi ko na nagawa ng bigla itong maglaho na lang. Napupuno ng usok ang paligid kaya minabuti naming umalis doon. Hindi naman mapigilan ni Rabi ang mag-alala sa kanyang kaibigan na siyang dinakip ni Death Suvir.

"Kailangan na nating iligtas si Ostin!" sigaw ni Rabi.

"Huminahon ka Rabi, gagawin talaga natin 'yon kaya ngayon kailangan muna natin lumayo dito dahil baka sakaling bumalik ang nilalang na iyon." Ani Metria.

Hindi ko alam na magiging ganito pala ang kapalaran. Sabi ko na nga ba, hanggat nananatili kami sa isang lugar ay hindi maiiwasan ang may umatake sa amin at dahil doon nabawasan kami ng isa. Kinuha nila si Ostin. Ang nilalang na siyang tagapagsilbi naming guide pero paano na ngayon, nandiyan pa si Rabi pero iba pa rin kapag nandito rin si Ostin.

Bukod kay mama ay kailangan din namin iligtas si Ostin.

Naglakad-lakad kami. Ako, si Metria, Jester, Rabi at Shantera. Mas lumalaki ang mga alagad ni Lagarto pero hindi ko akalain o sadyang namamalikmata lang ako sa nakikita ko.

Hindi maaari iyon. Hindi naman siguro nagkakamali at namamalikmata lang ako. Death Suvir? Siya ba si Winona? Paano nangyari 'yon? Delikado.

e/

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top