Chapter XIX

Chapter XIX

~Metria's POV

Gaya ng naging plano naming lima ay silang tatlo na ang magiging bahala kay Ostin para sagipin ito at kaming dalawa naman ni Xana ang haharap kay Lagarto. This is the time, alam kong prepared na rin ang mga Sandugo at Trainee's dahil pinadalhan ko na rin sila ng mensahe ko at iyon ay naghahanda na sila sa pagsugod sa Black Death at magbibigay lang kami ng hudyat kung kailan sila lalabas. Syempre, isa iyon sa plano na malaman ni Lagarto na kami lang ang mga lalaban sa Black Death pero hindi niya alam na libo-libo kaming susugod sa kanila.

"Mag-iingat kayo ah." Niyakap naman ni Xana sina Jester, Rabi at Shantera sa gagawin nila. Maging ako ay niyakap din ang mga kasamahan namin. Alam naman namin na hindi sila matatalo na lang bigla dahil hindi naman kami makakarating dito kung hindi nila kinaya kaya alam kong buong puso nilang gagawin at hindi mapapahamak sa misyong ito.

"Tara na!" ani Jester at sumunod naman sa kanya si Rabi at sinundan naman namin sila ng tingin papunta sa kaliwang kweba na ligtas naman silang nakapasok doon ng hindi man lang nakikita.

Pero bigla kaming napatingin sa likod namin ni Xana kung saan hindi sumunod kila Jester at Rabi.

"Shantera! Ano pang ginagawa mo dito? Dapat sumunod ka na sa kanila." Sabi naman ni Xana sa kanya. Tiningnan lang din ako siya nitoat nilipat ang tingin sa akin. Kung napapansinin ni Xana noon na may gusto sa akin si Shantera ay hindi siya maghihinala doon pero nang malaman niyang magkapatid pala kami ay nawala naman daw iyon sa kanya. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na may kapatid pala akong tunay maliban kay Zessa na siyang naging kapatid-kapatidan ko sa human world pero dahil sa mga imaheng pinakita sa akin ni Shantera ay nakumbinsi naman niya ako doon. Magkapatid nga kami at ayon na rin iyon sa kanyang mga kwento.

"Shantera, sumunod ka na doon." Ani ko naman sa kanya.

Ngunit inilingan naman kami nito, "Kuya, hindi ako sasama sa kanila kundi sa inyo. Kuya, hindi ko kayang makita na pati ikaw magiging hawak na ni Lagarto. Kaya kuya, hayaan mo akong sumama sa inyo."

Dahil wala na naman kaming magagawa ay amin ng minanmanan ang paligid at susugod na kami para sa nanay ni Xana. Nakasilip lamang kaming tatlo sa damuhan at kitang-kita namin sa aming direksyon si mama na nababalot ng itim na usok na siyang ginawa naman ni Lagarto. Hindi ko na kayang ang mga mahal namin sa buhay ay nahihirapan at sumusunod sa mga utos ng demonyong 'yan. Wala talagang kabutihang nananaig sa kanya.

"Simulan mo na Xana." Ani ko kay Xana. Hindi ko alam kung gagawin na nga niya ang paraan upang maging mahina si Lagarto pero sana kung magawa niya man iyon ay tumalab mismo kay Lagarto. Dahil sabi niya, mas magiging malaki ang tsansa namin na manalo mula sa kanya kapag nangyari iyon.

Sinimulan ni Xana sa pag-alog ng lupa. Hinawakan lamang niya ang lupa at ilang saglit lang ay nakaramdaman kami ng pagyanig nito. Naramdaman din naman iyon ni Lagarto at ng mga alagad ng Black Death kaya naging alisto sila bigla.

Tumawa naman ng nakakaloko si Lagarto. "Nandito ka na nga talaga, Anak!" sigaw pa ni Lagarto na tuwang-tuwa sa nangyari.

Mas pinaigting pa ni Xana ang pangyayari dahil ang kanyang mga mata ay namumula na nagkakaroon ng apoy ang mga mata nito at napatingala na lamang kami ng makita namin ang kalangitang umuulan ng apoy. Sinasalag naman iyon ng mga Black Death at nagagawa nila iyong pigilan at ginagawang bato na lamang.

Mas tumitindi pa ang pangyayari ng sunod na mangyari ay magpalabas ng napakalakas na enerhiya si Xana na nagpatalsik din umano sa amin at maging sa mga Black Death. Ang iba'y naglahong parang usok na lang.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at dahang-dahang lumabas si Xana sa kanyang pinagtataguan at doon nasilayan niya ng buo si Lagarto. Sumunod kami kay Xana at naiwan na lamang sa paligid ay si Lagarto at si Annera na walang malay.

"Sa wakas nandito ka na." ngisi pa ni Lagarto. "Handa ka na bang maging prinsesa? Pero bago 'yon, gagantihan muna kita."

Kahit ako ay gusto kong sugurin si Lagarto ng aakto itong papatayin si Annera ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid.

"'Wag!" pagpigil ni Xana na ngayon ay nanumbalik sa kung ano katauhan niya.

Umusbong ang ngisi sa mga labi ni Lagarto. "Kung gano'n, lumapit ka na dito."

Hahakbang pa sana si Xana pero hinawakan ko ang kanyang kamay. Napalingon naman siya sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata. "Hindi mo kailangang gawin 'yan Xana." Sabi ko pa sa kanya. Delikado kung gagawin niya iyon. Hindi pa man din siya nagagawa ang paraan upang mapahina si Lagarto ay mukhang maagang matatapos ang laban na ito.

"Sorry Metria, pero kay mama." Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para bumitaw na lang din sa kanyang mga kamay. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Xana at anong gagawin niya kaya ngayon nalilito ako sa mga desisyon.

"Ang magkapatid na Xaxon." Ani Lagarto.

Hinigit ko naman palapit sa akin si Shantera dahil baka kung anong gawin pa niya sa amin.

"Huwag kayong mag-alala, hindi ko kaya sasaktan. Hindi kayo, dahil sila." Napa-huh na lang din kaming Shantera dahil sino naman 'yong tinutukoy niya. Mayamaya lang ay biglang lumitaw si Death Suvir at siyang humawak kay Annera at mayamaya lamang ay lumabas mula sa magkabilang kweba ang aming mga magulang.

"Mama! Papa!" sigaw ni Shantera pero hindi siya narinig nito dahil under sila ngayon ng dark power.

Halos hindi naman ako makapaniwala na ngayon ay nakikita ko sila. Hindi ko akalain na sa haba ng panahon ay makikita ko sila pero sa hindi magandang sitwasyon. Nakakainis lang dahil hindi ko sila nakasama sa buhay ko kaya nakakapansisi rin iyon.

"Bitawan mo sila, Lagarto!" sigaw ko naman sa kanya.

"Matapang ka, batang Xaxon pero huli na ang lahat."

Kusang naglalakad naman an gaming mga magulang sa harap at magkatabi na nakatayo ang mga magulang namin. Gustong gusto namin lumapit at ng sinubukan naman ni Shantera na lumapit sa aming mga magulang ay siyang tinira nito ng Dark Power maging si Lagarto ay ginatungan pa iyon.

"Wala kang patawad!" bulyaw ko sa kanya.

"Kahit kailan, hindi magkakaroon ang isang demonyo ng kapatawaran. Ngayon, panoorin mong mawala ang mga magulang mo."

Sa sinabi ni Lagarto ay gusto ko pa sana siyang pigilan pero huli na ang lahat. Tuluyang winakasan ni Lagarto ang mga magulang ko. Sinubukan pa naming lapitan ni Shantera ang mga magulang namin pero wala na silang malay.

Hindi ko man lang sila nakausap. Sa tagal ng panahon, ganito ang masasaksihan ko.

"Mama! Papa!" sigaw ni Shantera.

"Wala na kayong magagawa." Ngiting nakakaloko ni Lagarto.

Napatingin naman ako kay Xana na ngayon ay nakatayo lang sa gilid namin at mistulang pinapanood lang kaming dalawa ni Shantera sa nangyayari. Umiiyak din siya pero wala siyang ginagawa para pigilan ang mga nangyayari. May itim na usok na bumalot sa katawan ng aming magulang at bigla itong pumunta sa direksyon ni Lagarto na siyang inangkin muli ang lakas na kanyang pinaubaya.

Pinipilit kong maging matatag kahit na ang sakit sakit na. Tinayo ko na si Shantera at pinigilan si Xana sa kanyang gagawing pagsuko.

"Dalian mo Xana, kung ayaw mong pati ang nanay mo makita mong mawala sayo."

"Xana! 'Wag kang makinig sa kanya! Nililinlang ka lang niya!" sigaw ko naman sa kanya ngunit bigla kaming inatake ni Lagarto kaya naging masama ang lagay namin ni Shantera. Pilit ko pa ring sinisilayan si Xana.

"X-xana..." ngatal kong banggit sa pangalan niya.

Nakikita kong humakbang si Xana papunta kay Lagarto. Kung kaya ko lang pigilan ngayon. Hindi ko rin magawang gumawa ng signal para iligtas kami ng mga aming napagkasunduan, nahihirapan ako ngayon. Lalo na't nawala na ang mga magulang ko.

"Ayan, lumapit ka pa." ngiting demonyo ni Lagarto. Tutal demonyo nga naman talaga siya, walang mas lulupit pa sa kanya.

Habang pinapanood kong makalapit si Xana kay Lagarto ay biglang may umatake kay Winona na siyang napakawalan si Annera. Doon din nagkaroon ng chance si Xana na kanyang inatake si Lagarto. Sinakal niya sa kanyang leeg at hinigop ang naturang lakas nito at gamit ang kwintas na binigay sa kanya ni Annera noon ay naging sandata niya para hindi siya gantihan nito. Ngunit natigil iyon at nawalan ng malay si Xana at bumagsak sa mga kamay ni Death Suvir. Mabilis na umatake si Lagarto pero agad din silang naglaho pero hawak nila ngayon si Xana.

Nakita ko na papalapit sa amin sina Rabi, Jester at ang buhay na buhay na si Ostin at ang kanilang niligtas na si Annera na ngayon ay sobrang hina.

"Nagawa niyo..." ani ko sa kanila.

Tumango naman si Jester sa akin, "Pero paano si Xana." Tanong niya.

Kahit ako nababahala sa kung anong mangyari dahil delikado ngayon ang sitwasyon lalo na't hawak nila si Xana. Ang daan para maging matagumpay ang misyon ni Lagarto.

"Saglit lang, bumalik muna tayo sa hide-out para mapagaling namin kayo." Ani naman ni Rabi." Inalalayan naman ako ni Jester. Buhat buhat naman ni Ostin si Annera at inaalalayan naman ni Rabi ang kapatid ko.

Hindi ko lubos maisip na mauuwi sa ganitong sitwasyon ang lahat. Ngayon, masasabi ko na mag-uumpisa na ang Death War. Ngayon pa lang, Lagarto. Maghanda-handa na kayo ng alagad mo. Kung wala man sa amin si Xana, nandito pa naman kami at kumpleto para sa kaligtasan ng lahat.

Humanda na kayo sa madugong digmaan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top