Chapter XIII

Chapter XIII

~Narrator's POV

Mas nararamdaman na ni Annera ang hirap at pagod sa kanyang sarili. Ilang araw na siyang hindi nakakakain at parang tuluyang naging bilanggo ang turing sa kanya ni Lagarto. Walang magawa si Annera dahil bukod sa nakatali ang kanyang buong katawan ay hindi siya makaalis at wala man lang liwanag ang dumadaloy sa kanyang silid.

Kung tuluyan man siyang mamatay ay isa na lamang ang kanyang iniisip na sana maging ligtas si Xana. Kung papunta man siya at para iligtas siya ay sana maligtas niya rin ang kanyang sarili mula sa nakapalupit na si Lagarto.

Napakiramdaman muli ni Annera na may palapit sa kanya, isama mo pa ang liwanag na nakita niya. Nang dahan dahan niyang i-angat ang kanyang mga mata ay nagulat na lamang ito na may isang nilalang din ang binato mula sa kanyang tabi. Napatingin na lang doon si Annera sa gulat na baka si Xana na iyon pero dahil madilim at hindi magtama ang mga liwanag sa mukha ng nilalang na iyon ay hindi niya makilala.

"Dalawa na kayong magiging pain namin kay Xana, humanda kayo dahil kapag nahuli namin siya. Mawawala na rin kayo." Ani ng isang alagad ni Lagarto at muling sinara ang silid na iyon at nabalot muli ng dilim ang paligid ng kanyang mga mata.

Nang mawala sa pakiramdaman ni Annera na wala na ang alagad ay pilit niyang nilalapit ang kinauupuan sa nakahalndusay na nilalang na iyon.

"X-xana... ikaw ba 'yan?" utal na tugon ni Annera at umaasa na si Xana nga iyon pero iniisip niya na sana hindi rin, dahil alam niyang hindi magpapatalo ng gano'n si Xana na lang. sinuri naman iyon ni Annera at doon niya napagkilanlan na babaeng nilalang pala iyon. Nanlaki ang mga mata niya at gustong lapitan ang babaeng iyon, "Xana! Gumising ka!"

Tila patuloy na umaagos ang mga luha ni Annera sa kanyang pisngi. Hindi niya kayang makita ang anak na naghihirap sa isang sitwasyong ito dahil sa simula pa lang naman, siya na ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito.

~Metria's POV

"Xana!" sigaw ko pa sa pangalan niya. Hindi ko alam kung saan na nagpunta ang babaeng iyon. Nawala na lang kaagad siya sa paningin namin kaya ngayon alalang-ala kami dahil baka kung saan na nagpunta iyon. Hindi ako magdadalawang isip kung nakuha man ng Black Death si Xana, tiyak na ako ang gaganti para sa kanya.

"Xana! Nasaan ka na?!" sigaw naman ng kaibigan nitong si Jester. Halos kaunti na lang ay mapuputol na ang litid nito sa leeg dahil kanina pa rin kami sigaw ng sigaw.

Naglalakad lang kami hanggat sa mawala siya sa tabi at paningin namin kaya doon kami agad na nag-alala sa kanya. Hindi na kami nagbakasakali pang maghiwa-hiwalay dahil baka hindi na kami magkitaan pa kaya ang pagsigaw na lang ang naging paraan na namin para mahanap siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si Xana. Alam kong ako dapat ang nagpo-proteksyon sa kanya, kaya nga ako ang sumalo ng lakas na itinira ni Lagarto na dapat ay sa kanya pero ngayon, hindi ko papatawarin ang sarili ko kung napahamak man siya. Ang hirap isipin nang ganito!

"Xana!" muli kong sigaw.

"Ano ba kayo, Metria, Jester, Ostin at Rabi! Ang ingay niyo, baka marinig kayo ng Black Death!" irap pa nito sa amin at saka hinigit si Shantera. Nabigla naman kaming lumabas siya sa isang gilid at pinagsabihan kaming apat. Halos matulala kami ng makita siya at nasa ayos naman pala siyang kalagayan kaya ngayon atleast kahit papaano ay na-relieve na kung anong dapat ipangamba ko.

"Tara sundan natin sila!" at nang masundan namin sila Xana at Shantera at napanganga na lang din kami ng makita namin na nasa dulo na kami ng kagubatan. At ibigsabihin lang ay nakalabas na kami doon. Una kong napansin sina Shantera at Xana na nag-uusap.

Bahagyang umiling ito kay Xana. Nagulat na lang ako ng bigla itong lumingon sa akin at binalik ang tuon sa kanya. Atleast ngayon, safe na ang lahat. Wala dapat kaming pag-aalalahanin, gayundin nahanap ni Xana ang palabas ng kagubatang ito.

Lumapit naman sa amin sina Xana at Shantera.

"Metria at kayong tatlo, sasama na sa atin si Shantera.

Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Xana, "Bakit?"

"Gusto niyang tumulong sa atin dahil pinagaling din natin siya at nagbabakasali siyang mahanap niya ang magulang niya at ang nawawala niyang kapatid. Ano diba, mas maganda kung malaki ang kampo natin atleast kahit papaano ay hindi tayo matatalo agad." Ngiti pa ni Xana sa amin.

Nagtanguan naman kaming lahat sa desisyon nito. Nang balingan ko naman si Shantera, totoo nga rin ang sinabi ni Xana na ang weird ng babaeng ito na parang may something sa kanya na hindi ko rin alam kung ano 'yon. Hmm, nakakapagtaka. Gusto kong malaman kung ano 'yon pero mas mahalaga pa kaming kailangang tapusin.

Dahil nasa labas na kami ng kagubatan ay isang lugar an gaming natanaw. Lugar kung saan mas angat sa Uran Village. Tinakbo naman natin ang daan papunta doon hanggat sa mapunta kami sa harapan nito at ang signage na nakasulat ay Trainee's Arellage. Natawa naman kami doon dahil ang weird at trainee's pa talaga ang pangalan at ng pinasok naman namin ang lugar na iyon ay doon lang namin napagtanto kung bakit ganoon ang pangalan ng lugar na ito. Sa bawat paligid namin ay nakikita namin ang mga nilalang na todo ang ensayo at kung ano anong kakayahan ang kanilang ginagamit.

"Dito nanggaling si Jelo diba?" narinig kong tanong ni Ostin kay Rabi.

"Oo pero bakit kaya sumapi siya sa Sandugo kung meron naman palang mas makakapagturo sa kanya kung anong dapat na gawin." Ani naman ni Rabi.

Umeksena na ako, "teka lang, Ostin at Rabi. Anong lugar ba 'to?"

Hinarap naman ako ni Ostin, "Ah, Metria. Ito ang lugar kung saan ang mga gustong maging kawal o mga sandata ng kabutihan ay dito nagpupunta upang mag-ensayo pero sa pagkakaalam kong meron din ang ilan na napupunta sa Black Death." Aniya.

Napatango na lang din naman ako.

Mukhang mas makakatulong ang lugar na ito para sa aming kapakanan.

Amin namang nilibot ang lugar at mukhang hindi naman kami napapansin ng mga nilalang dito kaya tinuloy namin ang paglalakad namin. Napapansin ko din naman ang pagiging malapit ni Shantera at Xana at siguro may napag-usap-usapan na silang mga bagay.

Napahinto kami sa paglalakad ng biglang may humarang sa amin. Mahabang puting balbas ang aming napansin sa kanya at ang kalbo nitong buhok gayunpaman ay human-alike din siya pero ang mga nagsasanay dito ay hindi, kundi mga half sila. Half-human-alike and half-creatures.

"Sino kayo at anong ginagawa niyo dito?" agad na tanong nito sa amin.

"Galing po kami sa kagubatan at ng makalabas kami ay dito kami napunta, sa Trainee's Arellage."

"Ano ngayon?" hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi ng matandang nilalang na iyon. Walang bakas na emosyon ang kanyang mukha at isang ekspresyon lang din ang pinapakita niya.

"Ah, papunta po kasi kami ngayon sa Cave of Death." Ani Xana.

Nanlaki bigla ang mata ng matandang nilalang na iyon at sumigaw ng nakapalakas kung saan umagaw sa atensyon ng mga magsasanay dito, "humanda kayo! Nandito ang kampon ng Black Death!"

Hindi agad namin na-idepensa ang sarili namin sa pagsigaw ng matandang nilalang na iyon dahil biglang pumabilog sa amin ang sari't-saring uri ng mga nilalang dito. Masasama ang kanilang mga titig na tila gusto na kaming patayin pero nanatili kaming kalmado at hindi pinakita ang pakikipaglaban.

"Nagkakamali ho kayo, hindi kami kalaban." Ako na ang angsalita.

"Hindi, pero sa Cave of Death ang tungo niyo. Posible na kampon kayo at gusto niyong sabotahin ang aming lugar." Tugon nito sa akin.

"Pero hindi nga!" matigas kong tugon sa kanya.

"Hindi kami kalaban kundi isa kami sa kanilang kalaban. Kinuha nila ang nanay ko kaya ngayon papunta kami sa Cave of Death para iligtas ang nanay ko." ani Xana. Ramdam ko naman na medyo kumalma na ang paligid.

"Patunayan mo." Dagdag pa ng matandang lalaki.

Inabot ni Xana ang dalawang pulang envelope sa matandang lalaking nilalang na iyon at nang basahin naman nito ang mga nakasulat ay binalik ulit ito kay Xana.

"Safe tayo, hindi sila kalaban. Bumalik ang lahat sa pagsasanay." Utos naman nito. At mukhang siya ang namumuno sa lugar na ito dahil napapasunod niya ang kanyang mga nasasakupan. "Sumunod kayo sa akin." Ani pa nito.

Sumunod naman kaming lahat sa matandang lalaki na iyon hanggat sa makarating kami sa isang bahay. Pumasok naman kami sa loob at isa isa kami nitong pinaupo. Katabi ko naman si Xana at si Jester sa tabi ko gayundin na din ang dalawa pa naming kasama mula sa Sandugo at ang bagong kakakilala namin na si Shantera.

"Bakit kayo nandito sa Trainee's Arellage? Mali ang tinatahak niyong daan papuntang Cave of Death."

Nagkatinginan naman kami ni Xana, "Saan po?"

"Ilang milya pa ang layo mula rito, dadaan pa kayo ng bundok at doon niyo na masisilayan ang Cave of Death."

Agad naman kaming nabuhayan dahil mukhang mas mapapadali na ang aming pagpunta doon dahil alam na namin ang aming mga dadaanan papunta doon. Desidido na talaga kami sa mga gagawin namin.

"Anong pangalan ng nanay mo?" tanong ng matadang lalaki kay Xana. "Oo nga pala, ako si :Louel. Ang namumuno at guro ng mga nagsasanay dito." Sabi ko na nga ba dahil mabilis niyang napasunod ang mga ito sa kanya.

"Annera Etoria po ang pangalan ng nanay ko."

"Ikaw si Xana Etoria." Titig pa ni Louel kay Xana.

"Paano niyo po ako nakilala?" tanong ni Xana kay Louel.

"Madalas ko ng naririnig ang pangalan mo noon na niligtas mo ang kaligtasan ng bawat isa mula sa Life Taker at kapayapaan sa Dark World." Ani nito. Hindi ko naman maitatanggi na mas kumalat ang kagitingang pinakita ni Xana para sa kaligtasan ng lahat. "Kaya ngayon, ng makita na kita. Hindi ko akalain na mukhang malakas ka nga, babae ka pero ramdam ko ang ibang kalakasan an tinataglay mo." Ani pa nito.

"Opo, ako nga po." Ngiti pa ni Xana. "May alam po ba kayong paraan para matalo si Lagarto?"

Nahinto naman saglit si Louel, mukhang mlalim naman kaya ang iniisip niya at ilang saglit, iling na lang din ang nakuha namin sa kanya. "Wala, wala akong alam kung paano pero kung kakampi ang kailangan niyo. Handa naman kaming tumulong, para na rin iyon sa Other World."

Nagningning naman ang mata ni Xana doon. Kahit ako ay hindi makapaniwala na mabilis nagtiwala sa amin ang matandang lalaki na ito lalo na kay Xana at mukhang pursigido rin itong matalo si Lagarto dahil alam nilang panganib ang kanilang sitwasyon gayong buhay at nananatiling malakas si Lagarto.

"Talaga po, hindi niyo po alam kung paano ako natuwa sa pagpayag niyong iyan. Bukod sa Sandugo ay sasama pa po kayo, makakaya po natin 'to." Ngiti pa ni Xana. " Maraming salamat po."

"Walang anuman, kaligtasan naman ng lahat ang nakataya dito." Aniya.

"Pero isang tanong pa po, may alam po ba kayong paraan para maging mahina si Lagarto?"

"Meron," iwas pa nito ng tingin kay Xana. "Ngunit delikado ang paraang iyon."

"Ano nga po iyon, sige na po."

Ngunit inilingan lang siya nito, "Hindi talaga pwede, lubhang delikado kung gagawin mo." Tumayo naman ang matandang lalaki. "Sige, maiwan ko muna kayo at pupuntahan ko lang ang aking mga estudyante." Anito.

Pansin ko ang pagkadismaya ni Xana doon. Alam kong iyon din ang mabilis na paraan pero ayaw ko rin naman na ipahamak ang buhay ni Xana doon. Delikado. 'Wag na lang ituloy, kung idadaan sa madugong labanan. Edi ituloy, mas maganda kung gano'n dahil mas magiging exciting ang labanan.

Tumayo naman ako at papunta sa labas ng bahay. Hindi ko napansin na sumunod pala sa akin ang tatlo kaya apat kaming nakaupo ngayon dito.

"Malapit na Metria, ano nang gagawin natin?"

"Edi umayon sa plano, ang wakasan si Lagarto." Simple kong tugon sa kanya.

"Pero diba, pwede rin 'yong paraan para humina si Lagarto?"

Nilingon ko naman siya, "Delikado nga, 'wag mo nang pagpilitan."

Napatingin naman kami kay Xana na sinundan si Louel. Tiningnan lang namin sila at mukhang nag-usap pa at lumapit sa mga estudyante ni Louel. Napatingin naman ako sa likod ko kung saan nakita ko ang babaeng nilalang na aming niligtas na si Shantera, nakayakap siya sa kanyang mga binti at tulala.

Napangisi na lang ako at binalik ang tuon kay Xana ngunit wala na sila doon.

Sana maging matagumpay ang lahat lalo na ngayon na malaki na ang pwersa namin. Kaya ngayon Lagarto, your war is meant to be stop.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top