Chapter X
Chapter X
"Xana!" sigaw ni Jester.
Agad naman kaming napalapit sa kanya. At nang makita naman namin kung anong kinagulat niya ay ang picture frame na nakapatong sa drawer na 'yon. Sinamaan naman namin siya ng tingin dahil kung makapag-react ay akala mo may nangyari ng masama. 'Yon kasi ang picture kung saan may litrato kaming tatlo—ako, si mama at ang Life Taker. Hindi ko nga alam kung paano nangyari 'yon eh at nandoon din nalaman ni mama na wala na ang Life Taker at sa ngayonk, wala na ito.
"Pinagloloko mo ba kami Jester?" iritang sabi ni Metria sa kanya.
"Hindi!" iiling-iling pa nitong sagot kay Metria. "Hindi naman kasi ang picture ang sinasabi ko, kundi ito!" at may kinuha siyang isang bagay at iyon ay nasa ilalim ng picture frame at nakita namin mula sa kamay niya ang pulang envelope na iyon.
Nagulat ako dahil paano napunta 'yan dito.
Agad kong inagaw iyon sa kamay ni Jester. Sinuri ko pa ito at ang nasa bulsa ko, parehong-pareho ang mga ito. Binalik ko naman ang sulat na nagmula sa human world at binuksan ko ang envelope na iyon. Katulad ng maraming papel na aming nabasa noon ay gano'n din ang texture nito, hindi ko lang alam kung anong nakasulat dito pero pursigido akong malaman kung ano man ito.
Kung galing din ba ito sa Black Death.
Dahan dahan kong binuksan ang papel ngunit kakaibang tinig na tinig an gaming narinig. Ang sakit sa tenga at pansin namin na nanggagaling iyon sa sulat. Nabitawan ko na lang iyon at bumagsak sa sahig. Hindi ko alam kung anong nangyari pero may kakaibang ingay ang bumalot sa kapaligiran ng buksan ko iyon.
"Anong meron diyan sa sulat na 'yan?" magkasalubong na tugon ni Metria na halata naman na gusto niyang malaman kung anong meron sa sulat na iyon. Nabigla lang din talaga kami at hindi inaasahan. Paano kaya kung signal iyon para matuntun kami ni Lagarto at kung saan kami nagtatago ngayon. Sana hindi. Delikado.
"Buksan niyo ulit." Ani Jester.
"Hindi, delikado kung may makarinig pang iba niyan."
"Pero mas maganda nang malaman kung anong nakasulat diyan diba?" dagdag pa ni Jester.
"Teka nga lang, tumigil kayo." Pag-aawat ko naman sa kanila. "Oo, Jester, gusto natin malaman kung anong nilalaman niyan pero hindi natin alam kung anong dalang kapahamakan ang dalhin niya sa atin." Naiinis kong tugon sa kanila.
"Bahala kayo, nagsu-suggest lang din naman ako." Saka siya naglakad pabalik sa couch, maging sina Ostin at Rabi.
Nagkatinginan naman kami ni Metria at muli niyang kinuha ang sulat na iyon. May bakas ng pag-aalinlangan sa aming mga mukha pero kailangan talaga namin malaman kung anong laman no'n kaya si Metria na ang naglakas loob na buksan iyon. Binalaan namin sina Ostin, Rabi at Jester na magtakip na lamang ng kanilang mga tenga.
Binigyan ko ng tango si Metria at doon niya binuksan ang sulat. Tumatagos ang malalaking tunog na iyon sa aking mga kamay papunta sa aking tenga bamagat ilang segundo, napawi iyon.
"Wala na." ani Metria.
Dahan dahan ko din namang tinanggal ang palad ko sa tenga ko. Lumapit muli sa amin sina Ostin at Rabi para makiusyoso.
"Xana, mukhang hindi galing sa Black Death ang isang 'to." Ani Metria. Inabot naman niya sa akin ang sulat na iyon, unang bumungad sa akin ng makita ko iyon ay ang dugong ginamit na panulat dito.
"Kay, mama galing ang sulat na 'to." Napatingin naman ako sa kanila. Nakilala ko din ang handwriting niya pero bakit kailangan na dugo ang ipanulat niya. Nakakapagtaka.
"Anong sabi sa sulat?"
Binalingan ko naman iyon at binasa.
"Xana, kung mababasa mo man ito. Iligtas mo na ang iyong sarili. Hindi natin alam kung anong banta sa buhay natin ang pagbabalik ng Life Taker pero nasisigurado ako na mas malakas diumano siya ngayon. Xana, hayaan mo na akong kunin ng ama mo. Iyon ang nararapat upang matigil ang gulong ito." Hindi ko namalayan na dumadaloy na pala ang mga luha ko sa aking pisngi.
Isa siguro 'to sa mga sulat na tinatago sa akin ni mama noon, na ayaw niyang ipakita sa akin pero ngayon na kusang nagpakita sa amin ay hindi maatim kung anong mararamdaman ko. Parang tila sa bawat salitang nakasulat doon ay may pianparating na hindi na namin siya kailangang iligtas at isinakripisyo na niya ang kanyang buhay para sa kaguluhang ito.
Pero hindi iyon ang gusto ko, sana hindi pa huli ang lahat.
Niyakap na lamang ako ni Metria at nang mabasa niya rin ang mag salitang nakasulat gamit ang dugo sa sulat ay mas humigpit ang yakap nito sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko, kung magtatagal kami mas lalong malalagay sa panganib ang buhay ni mama. Normal naman sana ang buhay ni mama noon pero ng makilala niya ang Life Taker ay parang nakatali na rin ang buhay niya sa kamatayan at noong una, walang kaalam-alam si mama sa kung anong nangyari hanggat sa mabuo ang kanilang anak, na ako.
Hindi ko maisip na nahulog sa patibong si mama sa kamay ng Life Taker pero alam ko naman ngayon na pinagsisihan niya ang lahat ng iyon. Life Taker shouldn't be alive anymore, death will capture and lock him.
"Gagawin natin ang lahat ng makakaya natin, Xana. Hindi tayo magpapatalo kay Lagaro."
Wala akong naisagot kay Metria dahil naiisip ko kung anong sunod na mangyayari sa amin sa susunod na araw. Hindi ko alam kung may maaabutan pa ba kaming buhay o umaaasa na lang ako na buhay siya at kaya pa naming iligtas ang buhay niya.
Mukhang mas matindi ito sa kung anong ipinunta ni Metria para hanapin si Jester sa Dark World. Doon wala siyang alam kung nasaan na ba si Jester at naghahanap lamang siya ng impormasyon sa paligid hanggat sa ang hinahanap niya ay matagal ng nasa lupa na siyang kinakalaban namin. Pero ngayon, nasa ibang kalagayan naman kami ngayon. Alam namin kung nasaan ang mama ko pero hindi namin alam kung paano namin haharapin ang madugong labanang iyon.
Nakakapanindig balahibo kung babalikan ko lahat ng naging karanasan ko. Lahat iyon, nalampasan ko. Noong sa una, wala akong kaalam-alam sa mga mundo nila pero ngayon unti-unti ko ng nakukuha kung anong mundo ang kinalalagayan nila.
Maski sila, hindi rin sila ligtas sa kanilang mundo.
Pinili na rin naming magpahinga dahil bukas na bukas, kahit wala pang liwanag sa paligid ay amin nang tatahakin ang daan patungong Cave of Death.
--Secrecy—
Nauna akong nagising sa mga kasama ko. Naalala ko pa no'ng nasa Human World kami, masaya lang kami ni mama noon. Wala pa sa isip ko noon ang mga lagim sa kapaligiran at isang tanong lang din ang nagpapaikot-ikot sa utak ko noon at iyon ay kung sino ang ama ko? Wala ako ni isang natatanggap na sagot mula kay mama siguro baka ayaw niya lang pag-usapan ang tungkol kaya hindi ko na rin siya pinilit na alamin ko pa iyon dahil masaya naman ako na si mama ang kasama ko. She'll do everything for me, to make me happy all the time.
And when the time comes na kailangan ko ng pumasok sa Impyernong Paaralan na iyon. Pagkatapak ko pa lamang papasok ng gate noon ay pinangalibutan na agad ako ng mga balahibo sa braso at binti ko. Hindi naman malalim noong oras na iyon sadyang may kakaibang pakiramdam lang talaga noon.
Wala ako ni isang kilala noong magsimula sa klase hanggat sa lumapit sa akin si Jester para manghiram ng ballpen. Nawala n daw kasi ng tinta ang ballpen niya noon kaya pinahiram ko naman ng extra ballpen ko, hindi lang din talaga ako friendly noon pero ako pa rin ang nagagawa nilang gawing Class President hanggat umabot sa pangatlong baiting ay ako pa rin ang kinikilala nilang Class President.
Tho I have no doubt na iyon ang posiyon ko dahil nagagawa ko naman ng tama then the mysterious of this school comes, doon na nagsimula ang patayan. Kung sino gumawa at paano nangyari? Doon na rin ako halos nakakaramdaman ng kung ano-ano sa paligid. Hindi naman bukas ang third eye ko eh.
Hanggat sa kinilala bilang Impyernong Paaralan ang pinapasukan ko. Matagal na daw palang tawag iyon doon ngunit bumalik lang daw at muling nagsimula at doon ko na nakilala si Metria.
Una pa lamang ay misteryo na ang dating niya sa akin hanggat sa isyu nga ng pulang punyal niya at doon ko nalaman na kakaiba nga talaga siya.
Marami kaming kinaharap na mga demonyo at kung ano ano pang nilalang at laging nandiyan si Metria para sagipin ako. Doon na rin nangyari na maiwan si Jester sa Dark World. Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na ngayon napagtapi-tagpi ko ang pangyayari at lahat iyon ay nagkakaroon ng kalinawan ng dumating ang Life Taker sa buhay ko.
Nakilala ko bilang prinsesa ng mga demonyo ang aking mama na siyang naging asawa ng Life Taker sa Dark World pero dahil sa nagawa namin siyang wakasan, doon ko rin nakilala na ang ama ko ay ang Life Taker. Pinalitan ang Life Taker sa kanyang trono at doon nakilala ang Dark Lord na siyang naging instrument para gamitin si Jester na makabalik dito sa human world upang isang kahindik-hindik na pangyayari.
Akala ko magiging katapusan na ang lahat doon. Akala ko matatapos na ang lahat doon pero hindi pala, nagwagi kami pero nagimbal na naman kami sa isang pangyayari. Nabuhay ang Life Taker bilang Lagarto.
"Xana..." agad akong napatayo sa kinauupuan ko at pinanlisikan ko ng mata ang nilalang na humawak sa balikat ko. Dahil nababalutan ng dilim ang paligid at ng masinagan ng liwanag ang kanyang mukha ay nakilala ko ito. "Ano bang ginagawa mo, ginulat mo ako." Sabi ko kay Metria.
"Pasensya na, hindi ko alam na ang lalim pala ng inisiip mo saka ang aga mo nagising."
"Ikaw rin naman, maaga kang nagising." Ngisi ko pa sa kanya. "Mamaya-maya din, aalis na tayo ha." Ani ko pa.
Tinanguan na lang din ako ni Metria at naupo naman muli kaming dalawa.
"Anong inisiip mo, mukhang lunod na lunod ka sa pag-iisip mo." Ngisi pa niya sa akin.
"Wala, iniisip ko lang lahat ng nangyari sa buhay ko. Gumulo ang lahat sa hindi ko inaasahang pagkakataon." Buntong hininga ko pa.
"You know, hindi naman ibigsabihin no'n eh kailangan mo ng pagsisihin ang lahat. May sense siguro kung bakit nangyari 'to sayo, kung bakit kami dumating sa buhay mo."
Napatingin naman ako sa kanya at tiningnan sa kanyang mga mata, "Bakit nga ba?" sabi ko. "Bakit nga ba dumating kayo sa buhay ko."
Agad naman niya akong kinibit-balikatan, "Hindi ko alam pero sigurado ako na kaya kami dumating sa buhay mo ay para maging ligtas ka sa paligid mo."
"Pero I can handle myself."
"Ngayon 'yan, hindi noon, Xana." He had a point.
Hindi na rin ako nakipagbangayan sa kanya at ilang saglit lang ay nagising na din sina Ostin, Rabi at Jester. Naghanda na rin kaming lima upang paghandaan ang pagpunta sa Cave of Death. Nang masigurado naman anmin na okay na ang lahat ay lumabas na kami ng bahay at parang wala namang nangyari, walang kakaiba simula ng dumating kami dito.
"Hindi pa rin nagbabago ang kalangitan." Ani Ostin. Tila hindi na nabago ang itim na ulap or usok na pumabalibot sa Other World at baka isa na rin 'yon na malapit na ring masakop ni Lagarto ang Other World.
"Tara na." sabi ni Metria.
Pero natigil na lamang kami ng may mga naglabasang ingay. Bumalik kami sa loob ng bahay at similip na lamang namin sa bintana.
"At paano nagkaroon ng tao dito?" ani ko.
"Hindi tao 'yan." Ani Ostin. "Sila ang mga naninirahan dito sa Replica of human world at hindi sila uri ng mga tao kundi isa rin silang Dark Creatures na nasa kamay na ng Black Death."
"Paano tayo makakalabas nito?" tanong ni Jester.
At isa-isa kaming nagakatinginan nang biglang gumagalaw ang door knob ng pinto at mukhang may papasok pa. Pinakiramdaman naman namin iyon at nawala bigla. Nanatili kami sa ganoong posisyon at ng sumilip kami sa pinto ay muli na namang mapayapa.
"Tara nab aka mahuli pa tayo." Ani Jester.
Pero pagkabukas namin ng pinto ay biglang bumungad sa amin ang nilalang na aming minamatayagan lamang sa bintana. Agad kami nitong sinugod pero ang pinuntriya ay si Ostin at mabilis nitong dinakip palabas ng pinto.
"Saan nila dadalhin si Ostin?!" natataranta na sabi ni Rabi.
"Sundan natin!" sigaw ni Metria.
Hindi pwedeng may mawala sa amin. Kung magiging delikado ang gagawin namin, wala akong pakelam. Walang makakapigil sa amin, may kailangan kaming iligtas.
Elz(M
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top