Chapter VIII

Chapter VIII

Akala namin sobrang lapit na ng tinutukoy ni Ostin pero parang wala pa nga ata kami sa kalahati. Naaawa lang ako kay Metria dahil dinadaing niya 'yong naging tama niya sa balikat kaya no'ng sinabi ko naman na magpahinga kami sandali pero hidni pumayag si Metria at sabi niya na ipagpatuloy na lang namin ang paglalakad namin dahil kung tagalin kami sa isang lugar ay baka may umatake na naman sa amin, mahirap na.

"Pagod na ako." Ani Jester. Bigla niyang nabitawan si Metria at nasalo naman siya nina Ostin at Rabi.

"Sige, saglit lang tayo ha." Ani Metria.

Inalalayan naman ng dalawa na maupo si Metria at ingat na ingat akong tumabi sa kanya dahil baka matamaan ko ang tama niya sa kanyang balikat. Medyo namumula pa ang balikat niya, dapat ako 'yong nandoon eh, dapat ako 'yong tinamaan pero sinagip ni Metria ang buhay ko. Niligtas niya ako kaya gagawin ko ang lahat para mailigtas din siya.

"Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa kamay ng Life Taker na 'yan." Pinipigilan ko lang maiyak dahil sawang-sawa na ako. Kung pwede lang na sumuko an lang at ibigay ko na ang buhay ko sa Life Taker ay matagal ko ng ginawa pero ayoko naman na ang maging kapalit noon ay ang kaligtasan at kapayapaan ng buong mundo, hindi lang dito sa Other World kundi ang masailalim sa kadiliman ang mundo ng mga tao.

Metria comforted me. "Everything will be alright, Xana. Kailangan lang nating wakasan ang muling pananatili ng Life Taker o 'yang si Lagarto. All you need is to believe in yourself at 'wag na 'wag kang magpapahulog sa kanyang mga salita. They were all traps."

I took a deep sighed. "Mabuti nga siguro na tapusin na natin kaagad ito."

"I believe in you, Xana. I know you can do this... again," he chuckles. "Ngayon ka pa ba aatras matapos mong talunin ang Life Taker at Dark Lord? Papatalo ka pa ba kay Lagarto."

"But Lagarto is even more powerful than Life Taker."

"Pero sinabi mo diba bago tayo pumunta dito na, ibang Xana na ang masasaksihan namin mula sayo? Siguro ngayon, hindi mo pa pinapakita ang totoong lakas na tinataglay mo. Better to save it until the last." He smiles.

I nodded, "tama ka, this is not the end. I'm so sure that we might be heading to a true fight on our way."

"That's Xana Etoria." He hugged me. "Tara na." at dahan dahan naman itong tumayo.

Nabahala naman bigla ako sa kanya at napatayo na rin, "Sure ka? Kaya mo na ba talaga? We can spare some more hours para makaya mo na." pag-aalala ko pa sa kanya.

But he just smiled. "Okay na Xana, tara na." saka siya tumungo.

So nagsimula na rin kaming maglakad muli. Hindi namin alam kung hanggang saan ang lalakarin namin. Alalay pa rin ni Jester si Metria pero medyo nakakaya na rin naman ni Metria ang sarili niya. Mabuti nga 'yon for him, ayoko siyang nahihirapan because of me.

"Mukhang malapit na tayo." Napatingin naman kami kay Ostin na siyang nagmadali sa aming maglakad.

"Oo nga!" na sinundan naman ni Rabi.

Tumakbo ang dalawa pero at sumunod din naman ako at nang makalapit ako sa kanila ay nakita ko ang sinasabing Stone peak. Isang matayog na bato ang nasa gitna nang lugar na ito. Mistulang nasa gubat pa rin ang paligid ngunit sa sobrang lawak ng lugar na ito ay akala mo isang village na kagaya sa Uran pero ibahin mo 'to, isang bato lamang ang nakatayo sa gitna.

"Metria, tingnan niyo 'to!" pinagmadali ko naman silang dalawa ni Jester at nang makalapit naman sila sa tabi ko ay namangha rin sila sa nakita nila.

Nang tingnan ko muli ang batong iyon. May mga isang puting bilog kung saan nakapaloob sampung talampakan na kulay gray na bato. Kakaiba ang batong iyon.

"Tara, lumapit tayo." Ani Ostin.

Naglakad naman kami papunta doon sa gitna kung saan nakapwesto ang tinuturo nilang Stone Peak. Akala ko pa naman may kakaiba na dito at mas magiging madali ang daan namin papunta sa Cave of Death pero mukhang hindi dahil nowhere to be found na kami ngayon ay hindi na namin alam kung saan kami pupunta.

"So ito na ang Stone Peak?" tanong ni Jester habang inuupo si Metria sa mga batong nakakalat lang din sa paligid.

"Ito na nga." Ani Rabi. "Kaso hindi ko alam kung bakit dito tayo tinuro ni Akbar. Eh sa meron namang ibang daan para pumunta tayo sa Cave of Death."

"At kung titingnan sa mapa, medyo malayo pa tayo." Ani Ostin.

"Baka naman kasi niloko lang tayo ni Akbar at dito tayo dinala?" bwisit na tugon ni Jester. "O baka naman, isa siya sa mga kakampi ng Black Death kaya dito tayo dinala?"

"You can conclude with that Jester pero nakakasigurado ka ba kung bakit dito tayo pinunta ni Akbar? Alam kong may alam siya kaya dito niya tayo tinuro."

"Guys..." napatingin naman kami kay Metria at napansin namin na umaalos ang batong kanyang inuupuan. Biglang tumayo si Metria na inalalayan naman ni Jester para makalaya doon.

Hanggang sa ang buong mga bato sa paligid at gumagalaw. Gumagalaw at palapit ito sa amin, paatras naman kami ng paatras dahil hindi namin alam kung anong nagaganap sa paligid at kung bakit kusang naglalapitan ang mga bato sa amin. At mayamaya lang din ay lumabas ito sa totoong anyo nabigla kami dahil sobrang dami nila.

Halos napapaligiran nila kami. At kaunti na lang ay mapapasok na namin ang putting bilog kung saan parang bantay sa batong ito. Nakapaikot sa aming lima ang mga iyon. Hindi ko alam ang tawag pero ayon sa nakikita ko ay gawa sila sa bato, mga mga buhok silang matataas at nagliliyab iyon sa apoy ngunit parang balewala lang sa kanila kung nasusunog ang mga iyon. Ang mga laway nilang tumutulo at mga matang kulay pula.

"Kung hindi ako nagkakamali, they were stone trolls."

"Huh?" lahat kami ay napakaunot sa sinabi ni Rabi.

Hindi pa rin kami tinatantanan ng mga ito dahil unti unti pa rin silang lumalapit sa amin. At nang matapakan ko ang puting bilog ay wala namang nangyari sa akin kaya hindi na ako nag-atubili pa na hatakin papasok ang mga kasama ko at doon kami tuluyang inatake ng mga stoen trolls na nanlilisik ang mga mata sa amin.

Napapikit na lamang ako dahil mukhang ito na yata ang katapusan pero ilang beses kong pinakiramdaman pero walang nangyari. At nang imulat ko ang mata ko ay nagulat ako dahil sa loob ng bilog ay naging ligtas kami.

Napayakap na lang ako kay Metria pero agad nitong dinaing ang kanyang tama kaya nag-sorry at umalis ako sa kanya.

Nakakapangilabot sa tutuusin ang mga stone trolls na ito dahil sa mga kinikilos nila ay mukhang gusto nila kaming patayin at ngayon na nasa loob kami ng putting bilog na ito ay mas naging agrabyado pa silang atakihin kami.

"Sa tingin ko, hawak sila ng Dark Power." Sabi ni Metria.

"Paano mo naman nasabi? Baka sini-secure lang nila ang batong ito kaya gano'n." tugon ko naman sa kanya.

Pero agad akong inilingan ni Metria, "Hindi eh. Tingnan mo ang kanilang mga mata, nanlilisik at mapupula. Nakikita ko lamang ang mga gano'ng mata kapag kampon ng Dark Power o kaya nasa-pwersa ka nila at hindi ako nagkakamali sa nakikita ko ngayon." Ani Metria.

"Tama si Metria, nasa pwersa sila ngayon ng Dark Power. Stone trolls ay afraid of fire kaya nakakabigla ng makita kong umaapoy ang kanilang mga ulo even if they were stone." Ani Ostin.

Mukhang marami talagang nalalaman sina Ostin at Rabi sa mundong ito kaya pasalamat na lang din kami na sila ang isinama ni Gastor sa pagpunta namin sa Cave of Death.

"Paano kaya kung tirahin natin sila." Pipigilan pa sana namin si Jester ngunit naitira na niya ang kanyang enerhiya sa mga stone trolls na nagtalsikan.

Hinintay naman namin kung anong sunod na mangyayari. Kinakabahan ako na ewan, dahil nasa pinapaligiran kami ng stone trolls at hindi namin alam ang gagawin kapag nakawala at mawalan ng epekto ang depensa ng puting bilog na humaharang mula sa mga iyon.

Ngunit ilang saglit lamang ay bumangon muli ang mga stone trolls at mas naging agresibo pa ito.

Kung magtatagal kami sa lugar na 'to, hindi namin alam kung anong kahihinatnan namin.

"Itulak natin 'to!"

"Huh?" lahat kami natanga sa suhestyon ni Rabi. "Maniwala kayo sa akin, kaya tayo dinala ni Akbar ay nandito ang daanan."

"Rabi, ano bang pumasok sa isip mo at makakakaya nating itulak ang sampung talampakang bato na 'yan?" asar na sabi ni Jester.

"Gamitin natin ang lakas natin." Simple nitong tugon sa amin. "Sige na, at sa mahuli pa ang lahat. Gawin na natin 'to."

Wala naman kaming ibang magagawa kundi sumunod sa sinabi ni Rabi. Isa isa naming hinawakan ang Stone peak at dahan dahan naman itong gumagalaw. Pansin ko rin sa mga stone trolls na unti unti na nilang nababasag ang depensa ng puting bilog.

"Dalian natin!" sigaw ni Metria.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa kundi ginamit na namin ang lakas. Napapatingin ako ng bahagya kay Metria dahil iniinda nito ang kanyang sakit pero patuloy pa rin siyan tumutulong.

"Saglit lang." at bumaba ng kaunti ang Stone peak na noo'y umaangat na.

"Xana, anong gagawin mo! Kailangan nating magmadali!" bulyaw sa akin ni Jester pero hindi ko na lang din pinansin.

Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko at pinakiramdam ko sa paligid ko ang tubig. Nang maramdaman ko na ito ay iniangat ko ang aking mga kamay at kusang lumabas mula sa itaas ang tubig na aking nagawa.

"Ipagpatuloy niyo lang 'yan, susubukan kong pahinain sila." Utos ko sa kanila.

Mula sa isip ko ay pinagalaw ko ang tubig mula sa ere at pumalibot na ito mula sa aming itaas. Kapag binitawan ko na ito ay saktong babagsak ang mga tubig sa ulo ng mga Stone trolls na ito at bahagyang manghina sila.

"Ibuhos mo na 'yan para mas mapadali kami dito!" kaasar ka Jester!

Agad kong binitawan ang lakas ko sa tubig na iyon at bumuhos iyon sa mga Stone trolls. Napansin ko naman na lahat sila ay nawalan nang buhay at napangisi na lang din ako. Alam kong medyo mabilis lang ang epekto no'n sa kanila pero way na rin 'yon para hindi nila tuluyang matibag ang depensa diba.

Bumalik naman ako sa Stone peak at nang mahawakan ko naman iyon at unti-unti na muling umangat ito sa lupa. 1 inches pa lamang ang itinataas ay nabuhayan na muli isa-isa ang Stone trolls kaya mas binilisan pa namin ang pagpa-angat dito at nang tuluyan naman namin itong maingat ay nakakita kami ng isang butas sa ilalim nito.

"'Yan na ang daan!" ani Ostin.

At nang bitawan namin ang bao ay nanatili itong nakaangat sa ere.

"Dali dali! Bumaba na kayo habang hindi pa nasisira ng mga Stone trolls." Ani Ostin. Natataranta na rin siya dahil mas naging agresibo ang mga ito. Mas naging mapula ang kanilang mga apoy sa ulo. Mas nakagalit ata sa kanila ang pagbasa sa kanilang buhok pero atleast kahit papaano, nawalan sila ng malay.

Unang pumasok si Metria na sinundan naman ni Ostin at Rabi at nang si Jester na ang susunod ay unti unti ng nabibitaw ang shield ng puting bilog na 'yon at malalaglag na lang bigla ang Stone peak. Agad na pumasok si Jester at nang ilang segundo na lang ang pagitan ng ako'y pumasok saka tuluyang napasok ng Stone trolls ang puting bilog saka tuluyang bumagsak ang stone peak. Hinila pa ako ni Jester upang hindi matamaan.

Nakahinga kami ng maluwag ng makalusot kami sa lugar na iyon.

"Pero bakit ang dilim dito, saka nasaan ba tayo?" ani ko.

Mayamaya ay nagkaroon ng ilaw at iyon ay nagmumula sa mga palad ni Jester. "Ay ang galing! Sabi ko sa inyo, magic 'to eh!" bilib na bilib niya sa sarili niya.

Napasapok naman ako sa sarili ko, "Dark Power nga 'yan."

"Pero bakit puti ang lumalabas dito sa kamay ko?" tanong pa ni Jester.

"Naku, syempre, you use it in a prefect way hindi sa masama kaya gano'n din ang lumalabas, okay?" ngisi pa ni Metria.

"Teka nga, nasaan ba kasi talaga tayo. Saka parang wala lang din 'yang ilaw na nagagawa mo Jester." Irap ko pa.

"Buti nga meron, edi wag." At agad nitong winala. Pinagalitan naman namin siya at agad niyang binalik iyon.

"Nasa spiral staircase tayo at hindi naman ito mataas dahil sa ibaba nito ay may lupa kung saan sa dulo ng kwebang ito ay may malalabasan na tayo."

"Teka, ibigsabihin nasa Cave of Death na tayo?" tanong ko naman sa kanya.

"Siguro pero hindi ko sigurado dahil dalawang bahagi ang meron sa Cave of Death, ang pinaglulunggaan ng mga Black Death at ang mga tambakan nila ng mga nahuli at winakasan nila." Ani Ostin.

"Bakit ang dami mong alam do'n boy?" ani Jester.

"Kasi dito ako nakatira sa Other World kaya marami akong nalalaman." Seryosong tugon nito sa kanya.

"Ibigsabihin, nasaang bahagi tayo ng Cave of Death?"

Inilingan naman ako ni Ostin, "Hindi ko sigurado pero mukhang malayo-layo pa ang ating tatahakin papunta doon."

"Tara na, magsimula na tayo!" cheer up ko naman sa kanila.

Hindi pa huli ang lahat. Makakaganti rin ako.

tj'ޚ

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top