Chapter VI

Chapter VI

Patulog na sana kaming lahat para bawiin ang mga nagamit naming lakas ay may kakaibang nangyayari naman sa labas. Nag-panic naman kaming lahat dahil nagkakagulo ang mga nilalang sa labas ng bahay. Agad naman kaming napabangon sa aming pagkakahiga at sabay sabay na lumabas upang masaksihan kung ano man ang nangyayari sa labas pero agad naman kaming natulala na lamang sa kalangitan n gaming makita ang kakaibang nangyayari sa mga ulap.

"Anong nangyayari?" tanong ni Akbar.

Inikot ko pa ang paningin ko at mukhang malawakan ang nangyayari ngayon sa kalangitan. Kakaibang itim na usok or formation of clouds na nagci-circulate sa buong kalangitan. Hindi ko maiwari kung ano man ang tawag doon dahil ngayon lang ako nakakita ng gano'n.

"Metria, anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.

Agad naman niya akong inilingan na wala rin siyang ideya sa kanyang nakikita. "Hindi ko alam ang tawag dito pero nakita ko na ito noon pa."

Napakunot noo naman ako sa kanya ng sabihin niyang nakit niya ito. So for the second time around, muli niyang nasaksihan ang ganito at hindi na bago sa kanya ito.

"Kailan mo nakita?"

"Bata pa lang ako no'n ng makita ko 'yan, kasama ko ang mga magulang ko sa mundong ito nang mangyari 'yan. At ang natatandaan ko na lamang no'ng araw na 'yon ay may sinabi sila sa akin na wala lang 'yon at ligtas kami pero makaraan ang ilang minuto ay nagkaroon ng pagyanig ng lupa at bigla silang lumabas ng bahay namin noon at hinintay ko silang bumalik ngunit hindi sila bumalik noon. At doon na rin kami nagwalay." Aniya.

"Pero sabi mo sa akin noon diba na nagpupunta sa dimensyon ng magulang mo?" tanong ko pa sa kanya.

"Oo." Tango pa nito sa akin. "Pero wala sila ng madatnan ko doon. Parang hindi na sila tuluyang bumalik." Aniya.

Niyakap ko na lamang si Metria dahil sa kwento niya sa akin. All this time, akala ko nakikita at nakakasama niya ang mga magulang niya dahil 'yong ang pagkakaalam ko no'ng nagpunta siya dito pero hindi ko inakala na pilit pa rin palang hinihintay ni Metria ang mga magulang niya. Gusto ko man pagaanin ang loob niya pero paano? Kung ako man ang nasa kalagayan niya, hindi ko rin alam ang gagawin ko.

Ngayon na nasa peligro ang magulang ko, nandito siya sa tabi ko at tinutulungan ako imbis na hanapin ang mga magulang niya.

Inalis naman ni Metria ang pagkakayakap niya sa akin at bumalik sa loob ng Obare. Nanatili naman kami sa labas upang panoorin kung anong sunod na mangyayari.

"Akbar!" tawag ko dito. "Pakalmahin mo ang mga nilalang dito, hindi makakabuti kung mag-iingay at gugulo lang ang paligid. Mas maganda na kung maging kalmado ang lahat." Wika ko sa kanya.

Tinanguan naman niya ako at agad siyang pumunta sa mga kasapi niya at sumunod naman ito sa kanyang utos. Matapos ang labing-limang minuto ay tumahimik ang paligid ngunit nababalot pa rin ng dilim ang kalangitan. Hanggang kailang nga ba mananatili ang ganitong sitwasyon? Mukhang mas palala pa ng palala ang mga pangyayari kung hindi agad namin matatapos ang misyon na ito.

Pumasok na rin naman kami sa Obare dahil mukhang mas tatagal pa ang kakaibang nangyayari ngayon sa kalangitan.

Nang pumasok naman kami sa loob ay sinecure na nila Akbar at Sibal ang paligid ng tirahan upang kung ano mang panganib na dumating ay may kakaibang lakas silang ginamit sa Obare. Mahimbing naman akong natulog sa isag malambot na higaan na gawa sa mga bulak habang sina Metria, Jester, Ostin at Rabi ay sa lapag na nakahiga sa mga pinagtagpi-tagping dahon ngunt hindi naman sila malalamigan doon.

Kailangan ko ng bumawi sa nagamit kong lakas. Maaga rin bukas upang matungo ang Stone peak na tinutukoy ni Akbar.

--Secrecy—

"Xana... tulungan mo ako." Wala akong magawa kundi tingnan lamang si mama na humihingi ng tulong sa akin habang pinagmamalupitan ni Lagarto.

"Pakawalan mo ang nanay ko! Kung ako ang gusto mo, ako ang patayin mo!" sigaw ko dito.

Dahan dahan namang lumingon si Lagarto sa akin, may kung anong pagbabadya siyang gagawin sa akin. Hindi ko maikilos ang mga paa ko, kamay ko. Ang luha lamang sa mga mata ko ang patuloy na dumadaloy.

"Si Annera ang magiging kabayaran, Xana." Hindi ko kayang tingnan ang mga nangyayari ngayon pero hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya. Dinidilaan ni Lagarto ang mama ko sa pisngi na mukhang sabik na sabik na. Tumutulo na ang kanyang laway sa sahig ngunit parang wala siyang pakealam hanggat sa ilapit ni Lagarto ang kanyang bibig sa bibig ni mama at unti-unti nitong hinihigop ang kaluluwa ng aking magulang.

Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko para gantihan siya pero parang nabato na lamang ako sa kinatatayuan ko.

At ang huli niyang ginawa niya ay ang dukutin sa dibdib nito ang puso ng mama ko.

Hingal na hingal akong bumangon sa pagkakahiga ko at nagulat pa ang mga kasamahan ko dahil nabigla rin sila sa pagsigaw ko. Kalagitnaan ng gabi pero kung ano-anong napapaginipan ko.

"Xana, anong nangyari?" tanong ni Metria.

Hindi ko siya nasagot kundi natulala na lamang ako. Nilapitan naman niya ako saka niya ako niyakap. Inabutan naman ako ni Ostin ng baso ng tubig at ininom ko naman iyon. Atleast hindi totoo ang lahat pero paano na lang kung signs na pala ang mga iyon.

"Kailangan na nating magmadali Metria, ayokong maging huli ang lahat."

Hinaplos ni Metria ang ulo ko, "ginagawa naman natin ang lahat Xana at ngayon, matulog ka muna aalis din tayo mamaya pagkasikat ng araw."

Huminga na lamang ako ng malalim at sinunod ang sinabi ni Metria. Pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi ko pa rin maiwari ang napanginipan ko, isa 'yong bangungot. Hindi ko man makita ang kabuuang mukha ni Lagarto pero sa kinikilos niya, gusto niya talagang pagbayaran ko ang lahat.

Una, ang gusto lamang niya ay ang makuha ako bilang maging prinsesa ng kadiliman ngunit itinago ako ni mama mula sa kanya at nang malaman ko na siya pala ang ama ko, hindi rin ako nag-alala o naawa dahil sa mga buhay na kanyang winasak para lang makuha ako. Hindi ko masisisi si mama kung itinago niya ako sa demonyong iyon dahil ang kaligtasan ang inaalala niya sa akin pero ang isang paraan upang mawakasan ang Life Taker ang wakasan siya ng sarili niyang anak—at ako mismo 'yon.

At hindi ko rin gugustuhin na maging Prinsesa ng kadiliman kahit na may dugo akong nanalaytay niya, hindi pa rin iyon ang mananalo kundi ang kabutihan at kapayapaan.

Ayoko ng magdusa ang lahat ng mga tao o kaya ang mga nilalang na sobrang naapektuhan sa ginawa niya. Ang lahat ng ito'y magtatapos sa isang matinding labanan sa pagitan namin. Kung ako lamang muli ang paraan upang makitil siya ay hindi ako uurong kundi, isusugal ko ang buhay ko.

Lahat ay nakataya dito kaya hindi ko dapat aksayahin ang oras dahil kung hindi, kung mas tatagal pang mangyayari ito. Mas lalakas ang mga tinataglay ng Black Death maging ang Life Taker.

Ilang oras ang lumipas ay naghanda na rin kaming lima sa aming pag-alis papuntang Stone peak. Inayayahan pa kami ni Akbar na kumain ngunit tumanggi kami except kay Jester na hindi nagpalampas. Ramdam ko na rin naman na bumalik na ang kalakasan ko kaya kampante na ako sa magiging ligtas kami papunta doon.

Paglabas namin ng Obare ay nagulat ako dahil ang tahimik at mukhang walang mga nilalang na naglalakad-lakad sa paligid pero kaya pala gano'n dahil may papalapit sa aming mga pana. Agad naman kaming bumalik sa loob ng Obare at lumusot ang mga iyon sa pinto nila.

Napatingin ako kila Akbar at Sibal maging si Sanz na takot na takot. At nga pala, bumalik na rin ang alaala niya, salamat kay Rabi.

"Nandito na sila." Iyon na lamang ang nasabi ni Akbar.

"Hindi pwede, kailangan naming makakaalis kundi mahuhuli kami sa karwahe." Sabi ko.

"Pero delikado kung lalabas kayo ngayon, nandito na ang Black Death."

"Pero paano?" taka kong tanong sa kanila. "Anong ginagawa nila dito?"

"Siguro Xana, nakilala nila ang pwersa na nagamit mo kaya nila natunton kung nasaan tayo." Ani Metria.

Nabahala naman ako kaagad dahil hindi pala magiging ligtas kung gagamit at gagamit na lang kami ng lakas namin dahil nararamdaman pala ng kampo ng Black Death. Kailangan pala namin maging mas maingat.

"Kailangan na natin lumabas." Sabi ko sa mga kasama ko.

"Xana, may kalaban sa labas? Ano go lang ng go?!" ani Jester.

Binatukan ko naman kaagad ito, "Baliw ka ba! Hindi tayo makakaalis dito kung hindi tayo lalabas at baka mahuli pa tayo ng karwahe, mag-isip ka nga Jester." Inis na sagot ko sa kanya.

Sinimangutan na lamang niya ako at naghulakipkip pa.

Tinanguan ko na naman ang mga kasama ko bilang paghanda sa aming paglabas.

"Jester, kung maaari lang ay gamitin mo ang lakas mo upang maging defense natin habang patungo tayo doon sa karwahe, habang si Metria naman ay siyang umaatake." Ani ko.

"Eh anong gagawin mo?" ani Jester.

"Edi aatake kung kailangan, gayundin sina Ostin at Rabi na tutulong sayo sa depensa."

"Okay."

At isa isa na kaming tumakbo palabas ng Obare at sinimulan na rin kaming tirahin ng mga panang may lason ngunit nagagawa naman salagan nina Jester iyon at nang dalawa pa naming kasama at ilang saglit lamang ng makita ko na ang karwahe ay bigla na lamang itong paalis.

"Dalian niyo! Umalis na ang karwahe!" sigaw ko sa kanilang lahat.

Nagmadali naman kaming lahat at pilit na hinahabol ang karwaheng palayo ng palayo sa amin pero agad naman namin itong nasabayan. Nagulat pa ang nagmamatakbo nito nang makita na kami at hindi na rin naman kami hinahabol ng mga pana. Inalalayan ako ni Metria na makasakay sa loob at siya rin naman ang inalalayan ko hanggat sa okay na kaming lahat at nakapasok na sa loob ng karwahe.

Hingal na hingal naman kami dahil sa pagtakbo namin.

"Rabi yumuko ka!" pero mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko kaya ako na mismo ang yumuko sa kanya ng makita ko na may papalapit sa aming isang pana ng lason at mabuti naman ng mailagan namin ito.

"Salamat Xana." Aniya.

"Wala 'yon." Nginitian ko pa siya.

Nang tanawin ko naman sa labas ay mukhang nakakalayo na kami sa Uran Village at nang hiramin ko naman kay Ostin ang mapa ay mga ilang kilometro pa ang layo papunta Stone peak na iyon.

Kinuha naman ni Metria ang panang nakatusok sa kinauupuan ko.

"'Wag mong hawakan 'yan Metria, baka mapano ka pa." babala ko sa kanya.

Pero ang agad niyang ginawa niya ay pinutol niya ang patusok na bahagi ng pana at isinilid ito sa isang garapon. Wala naman kaming ideya kung anong ginagawa ni Metria.

"Anong gagawin mo diyan Metria?" tanong ni Jester.

"Hindi ko alam pero baka pwede natin 'tong gamitin sa susunod na laban." Aniya.

Habang namamahinga naman kami ay bigla namang pumasok sa isip ko si Winona. Hindi ko alam kung bakit ko naalala ang babaeng iyon pero may gusto akong malaman tungkol sa kanya syempre sa kasama naming dalawa ko iyon malalaman.

"Ah, Ostin at Rabi, may tanong ako." Tinanguan naman nila akong dalawa. "Gaano na katagal naninilbihan si Winona sa Sandugo?" napatingin naman ako ng bahagya kay Metria at pansin kong napataas siya ng kilay sa sinabi ko.

"She almost spend her life, saving other life." Ani Ostin.

"Pero bakit gano'n na lamang umasta si Winona sa akin or sa amin I should say."

"Her family died when she was young and its because of Black Death na hindi pa pinamumunuan ni Lagarto then the only way she could get her revenge is to fight for her family at doon namin siya naging kasamahan."

Napatango na lamang ako. May masakit palang nakaraan si Winona kaya minsan ang cold ng pakikitungo niya sa amin pero atleast she saves other life too, not only for her families justice.

"Paano nga pala nabuo ang Sandugo?" tanong naman ni Metria. "Kasi noon, no'ng bata pa ako, I heard nothing about Sandugo." Aniya.

"Ilang dekada na po mulipas bago mabuo ang Sandugo at iyon ay sa pamumuno ng ama ni Gastor na si Gadby. Si Gadby ang unang nagtatag ng Sandugo bilang isang tagapagligtas at tagapanatili ng kapayapaan sa Other World ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasawi si Gadby sa isang sagupaan kaya doon, si Gastor na ang namumuno sa aming mga Sandugo. Hanggang sa nalaman namin na namatay din ang pinuno ng Black Death at doon din umusbong ang aming suspetsya na ang Life Taker at si Lagarto ay iisa." Pagku-kwento ni Rabi.

"At walang alam na paraan si Gastor noon para pigilan si Lagarto. Kinakalaban namin sila upang hindi mabuksan ang arko ngunit huli na rin kami at nabuksan na ito ng tuluyan. Naging mahina ang aming kampo pero hindi namin iniisip na sa pagkawala ni Gadby ay tuluyan din kaming bibitaw sa kanyang sinimulan kaya ngayon Xana na isa ka sa mag tutulong sa amin, laking tulong sa amin ang iyong pagsama." Ani Ostin.

"Hindi lang din naman iyon ang pinunta ko kundi ang magulang ko. Siguro iyon na nga ang paraan upang mabalik ang kapayapaan at mawala ang kampon ng Black Death." Ngiti ko pa sa kanila.

Bumuntong hininga naman ako. Medyo malayo-layo pa kami sa Stone peak pero sana maging ligtas ang aming pagpunta doon.

5

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top