Chapter V
Chapter V
"Teka lang, Xana?"
Nabigla din naman ako ng banggitin nito ang pangalan ko. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin naman naaalala kung sino siya, I have no idea who is he. Tantsya ko na nasa 21 ang edad niya dahil mukhang bata pa naman ito pero kilala niya ako, sino naman kaya 'to?
"Pakawalan niyo sila, kilala ko sila—este si Xana." Aniya. Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nakatingin sa akin pero kinibit balikatan ko na lang din namin sila.
"Ah, sir, anong gagawin namin sa iba." Pagtutukoy ng lalaking humarang sa amin kanina sa mga kasama ko.
Nang balingan ko naman ng tingin ang nilalang na kilala kuno ako ay nginitian niya ako at inutos naman niya agad na isa-isa na kaming pakawalan dahil alam niyang hindi kami gagawa ng masama at sa tingin ko rin naman ay siya ang namumuno sa lugar na ito. Sa tingin ko lang din naman.
Inalalayan din naman ako ni Metria na makatayo dahil medyo ramdam ko pa ang pagkakaparalisa ng katawan ko sa ginawa nila sa amin kanina.
"Mga kawal, turukan na sila."
Agad naman kaming napalingon sa mga kawal niya na palapit sa amin at dali dali nila kaming tinurukan ng isang insekto sa aming mga leeg. Naramdaman ko ang pagtusok ng matulis bagay na iyon sa leeg ko at ilang saglit lamang ay nararamdaman ko na ang katawan ko, wala na ang pamamanhid at pagkaparalisa.
Nagkatinginan naman kaming lahat sa lalaking nakangiti lang sa amin.
"Anong ginawa mo sa amin?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong insekto ang tinurok nila sa amin, baka mamaya may side effect na pala iyon at ikalason pa namin. O baka mamaya, nasakop na pala ng Black Death ang lugar na ito at alam na nila na dito kami papunta ngayon.
"Ayan ay gamot." Nakangiti pa nitong tugon sa akin.
Eh?
"Biro lang." matawa-tawa pang tugon ng lalaking nasa harap namin.
"Di naman nakakatawa." Ngisi naman ni Jester na halatang naburyo sa lalaking 'to.
"Akala ng mga kawal namin na intruders kayo o Black Death kaya nila kayo hinarang at pinaralisa, so ang insekto na tinurok nila sa inyo ay isang Traigan." Napakunot naman kami sa sinabi niya. Wala pa akong naririnig na Traigan kaya clueless ako. "Isa 'yang cure kung saan nakakapag-pagaling ng paralyze, poisons at kung ano ano pa."
At isa isa kaming napatango sa sinabi niya.
"At sino ka nga pala?" at umeksena na si Metria. "At bakit mo kilala si Xana?"
Natawa naman itong lalaking nilalang na ito bago sumagot sa tanong ni Metria. "Ah, ako si Akbar. Ang tagabantay ng Uran." Paglalahad niya ng kamay sa amin ngunit nagkatinginan lang kaming lahat at napapalakpak na lang siya sa amin. "At nakilala ko si Xana dahil sa mga chismis noon pa man."
"Tungkol naman saan?" tanong ko.
"Tungkol sa pagpatay mo sa Life Taker." Aniya.
"Paano niyo naman nalaman na ako 'yon?"
"Akbar!" at agad naman kaming napatingin sa lalaking tumawag kay Akbar at nang lingunin ko naman ito ay napatitig na lang din ako dahil may histura ang nilalang na ito ngunit ang kanilang ibabang parte ay paa ng mga leon. Kakaiba ngunit nakakabilib. Half-creatures and human nga ang mga naninirahan dito, pero baka may maligaw na mga demonyo. Hindi natin masasabi.
"Sibal!" tawag naman ni Akbar sa lalaking palapit sa kanya. "Tawag ka ng kapatid mo, may hindi magandang nangyayari."
"Ha! Ano?!"
"Tara na! Tara na!" ani no'ng Sibal at mukhang nakalimutan kaagad kami ni Akbar at tumakbo na ito kasabay ni Sibal. Hindi naman namin alam kung ano nang gagawin namin ngayon dito dahil ayaw pa namin pwersahin ang dalawa naming kasama kaya sinundan na lang namin ang direksyon kung saan napunta sina Akbar at Sibal.
Napunta naman kami sa isang bahay na pabilog na mas malaki kumpara sa ibang bahay din na katulad nito. Nang pasukin namin ang silid ay nanlaki na lamang ang mga mata ko sa nasaksihan ko.
"Sanz! Anong nangyayari sayo?! Huminahon ka!" ngunit hindi nagpatinag ang kapatid ni Akbar na tinawag niyang si Sanz dahil ang mga gamit na malapit sa kanya ay kanyang pinaghahagis papunta sa aming direksyon.
Natulala na lamang ako sa nasasaksihan ko.
Mapupulang mata. Itim na ugat na bumabakat sa kayang mga leeg. Hindi siya normal.
Dahan dahan akong napalapit sa nilalang na 'yon ngunit pinigilan ako ni Metria.
"Delikado Xana, may kung anong demonyo ang pumasok sa katawan niya." Ani Metria.
"Ano?!" gulat na sabi ni Akbar. "Hindi maaari! Hindi pwedeng makapasok ang mga demonyo at masasamang nilalang sa Other World! Hindi sila nabibilang dito!" sigaw niya.
Hindi na lang din naman kami sumagot sa kanya dahil huli na ang lahat. Dahil bukas arko na nagiging portal ng mga tao ay nagawa ng Life Taker na maging daan upang makapasok sa mundong ito ang mga demonyong nilalang.
Nakaramdam ako ng pagbabago sa katawan ko. Ngayon na control ko na ito, mula sa isang normal na Xana ay napalitan ng mapupulang mata, mahahabang kuko at maliksi. Mas malakas at hindi mahinang Xana.
"'Wag niyong sasaktan ang kapatid ko! Hayaan niyo lang siya!" pagpigil naman ni Akbar sa amin.
"Hindi! Hindi pwede na manatili siya sa ganyang katauhan!" bulyaw ko naman sa kanya.
"Xana! Ingat!" sigaw ni Jester sa akin.
Ngunit huli na ng makagawa ako ng move dahil dinamba na ako nito at mahigpit na sinasakal ang aking leeg. Hindi ako nagpatinag kundi ang mga mapupulang mata ko at tinitigan siya hanggat sa unti-unti siyang napapaso sa aking mga titig. Umalis siya sa pagkakadagan sa akin. Habang siya ay nagdaramdam sa sakit na natamo niya ay ako na ang sunod na gumanti.
Unti-unti kong pinalabas ang puting liwanag sa aking mga palad at ilang mga salita ang aking binitawan at tuluyan ko itong inilapat sa dibdib ni Sanz at nang alisin ko ang aking kamay ay nagliwanag na lamang ito.
Hiningal naman ako at inalalayan ni Metria.
"Okay ka lang?" tanong ni Metria sa akin.
"Oo, ayos lang ako." Tango ko pa sa kanya.
"Mukhang nagamit mo ang lakas mo."
"Sa tingin ko nga." Hinga ko pa ng malalim.
Matapos na mawala nag liwanag na bumabalot sa katawan ni Sanz ay naiwan na lamang itong walang malay sa sahig. Agad naman siyang nilapitan nila Akbar at Sibal.
"Hayaan niyo muna siyang mamahinga, nawalan lang siya ng malay ngunit babalik din kalaunan. Nagamit ng itim na nilalang ang kanyang enerhiya sa katawan kaya wala itong malay. Magigising din siya." Wika ko sa kanila.
"Hindi maaari, paanong may nakapasok na Dark Worlders dito!" aniya ng mahiga si Sanz sa isang kama.
"Dahil iyon sa Life Taker." Diretsyo kong tugon sa kanya.
"Life Taker?" taka pa nitong tugon sa akin. "Life Taker? Nasisiraan ka ba ng ulo Xana? Wala na ang Life Taker at ikaw mismo ang nagwakas doon at sasabihin mo na ang Life Taker ang may kakagawan no'n?! Nababaliw na kayo!"
"Akbar! Makinig ka muna sa amin!" ani Metria. Alam kong napikon din siya sa sinabi ni Akbar. Ang Sandugo lamang ang nakakaalam dahil ang nagmanman sa Life Taker at si Lagarto na iisa kaya ngayon, iniisip nila na walang Life Taker na nabubuhay pa.
Bigla na lang din lumapit si Rabi sa amin at may binulong, "Paalala lang po Xana at Metria, huwag po muna ipaalam sa kanila na si Lagarto at Life Taker ay iisa dahil kapag umabot sa Life Taker ang balitang iyon ay tiyak na mas malaking gulo ang aabutin ng Other World."
Tumango naman kami sa kanya bilang pagsunod sa utos na nagmula rink ay Gastor.
"Ano? Hindi niyo masabi kung bakit? Kasi wala na ngang Life Taker!" ani Akbar.
"Wala na nga, Akbar." Buntong hininga ko pa ngunit hindi ko na lamang pinahalata sa kanya. "Siguro ay naligaw lamang ang isang iyon at napadpad sa Uran pero ngayon na ligtas na muli kayo, 'wag na kayong mag-alala." Pinili ko maging kalmado dahil medyo hina pa ako sa lakas na nagamit ko sa pagwakas ng nilalang na dumako sa katawan ng isang Other Worlder.
"Ano nga palang ginagawa niyo dito sa Uran at anong kailangan niyo?" lumapit naman sa amin si Sibal.
Ngunit si Ostin at Rabi na ang humarap kay Sibal. "Kami ay naglilibot lamang sa Other World, Sibal." Ani Rabi. "At ngayon, naghahanap kami ng mas madaling daan patungong Cave of Death."
"Cave of Death?" ulit pa ni Sibal na tinanguan naman ng dalawa. "Anong gagawin niyo sa lungga ng Black Death?" tanong pa nito.
At sigurado akong mas hahaba pa ang usapan kung hindi ko pa sabihin kung ano talagang pasya namin sa lungga ng Black Death. "Dahil kinuha nila ang magulang ko."
Napatingin naman sa akin si Sibal. "Huh?"
"'Wag mo nang intindihin kung bakit Sibal, ngayon humihingi lang kami ng suhestyon kung paano kami makakarating doon ng ligtas at walang nakakasagupang mga Black Death." Ani ko.
"Meron akong alam." Ani Akbar at lumapit naman ito sa amin, "May alam akong papunta doon ngunit malayo-layo pa ang tatahakin niyo papunta doon pero may alam ako na mapapadali kahit papaano ang pagpunta niyo doon."
"Ang daming dada." Irap pa ni Jester.
Siniko ko naman 'to dahil nag-iinarte pa.
"Madadaanan niyo ang Stone peak." aniya. "Mas mapapadali ang pagpunta niyo sa Cave of Death kung doon kayo manggagaling, ngunit hindi niyo maiiwasan ang mga kalaban lalo na ang Black Death dahil kalat sila sa buong Other World at walang paraan para takasan kaya maging handa na lamang kayo sa anumang pag-atake ang gawin nila." Ani Akbar.
"Paano kami makakapunta doon?" tanong ni Ostin.
"Tuwing umaga ay may dumadaang karwahe kung saan patungo ito ng Stone peak. Paalala, single ride lamang ang papunta doon at isa pang paalala dahil hindi na babalik ang karwahe kung kayo man ay hindi umabot."
"Kung gano'n, kailangan pa namin manatili dito ng isang gabi." Ani Rabi.
"Ayo slang 'yon Ostin at Rabi, mapapahinga pa natin ang katawan natin at mabawi ang mga lakas." Ngiti ko pa sa kanila.
"Paano ang nanay mo Xana?" tanong ni Jester.
Sinimangutan ko naman siya. "Kaya nga gumagawa ng paaran para mapabilis diba?"
"Okay, sabi mo eh." Wala lang ata talaga masabi si Jester kaya sabat ng sabat.
Sinabi rin ni Akbar na papatuluyan niya muna kami dito sa kanilang Obare—ang tawag sa mga bahay ng Uran Village. Ilang saglit lang din naman ay nagising na mula sa pagkawala ng malay si Sanz. Agad naman itong nilapitan ni Akbar at niyakap. Nakababatang kapatid na babae pala ni Akbar iyon, at si Sanz na lamang ang natitira nitong kapatid bagamat si Sibal ang kasintahan ni Sanz.
"Sanz! Magaling ka na!" galak na galak na tugon ni Akbar.
"Sino ka?" at halos lahat kami at nabigla at nabato sa narinig naming lumabas mula sa bibig ni Sanz. "Sino ka at anong ginagawa ko rito?"
"Sanz!" nilapitan naman ito ni Sibal. "Ako ito, ang 'yong kasintahan."
Pero tinulak lang ni Sanz si Sibal palayo sa kanya, "Wala akong kasintahan at hindi mangyayari iyon dahil hindi ko rin kayo kilala. At kayo, sino kayo!" at kami na ang tinutukoy ni Sanz. "Pinagsamantalahan niyo ba ako?" aniya na nagbabadya na iiyak.
"Hindi! Sanz, hindi!" ani naman ng kapatid nito. Lumingon naman sa akin si Akbar na salubong ang mga kilay. "Anong ginawa mo sa kapatid ko? Akala ko ba pinagaling mo siya pero mukhang pinalala mo pa ang sitwasyon!"
"Teka lang! Huminahon ka! Ginawa ni Xana na pagalingin ang kapatid mo pero hindi niya sinasadya na hindi niya kayo maalala." Awat naman ni Metria.
Nagtago na lamang ako sa likod ni Metria dahil ako rin naman ang may kakagawan kung bakit nangyari 'yon pero hindi ko naman sinasadya na magkagano'n 'yon, atleast nga nakatulong pa ako. Hindi ko alam na may gano'ng side effect pala ang lakas ko.
"Saglit lang, nagkaroon lamang siya ng Acute Amnesia at magagawan ko 'yan ng paraan." Ani Rabi.
"Paano?!" galit na tugon ni Akbar dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyang kapatid.
"Akong bahala." Lumapit naman ito ng bahagya sa kapatid ni Akbar na si Sanz at mayamaya lamang ay may kung ano-ano na siyang ginawa habang ang isang kamay ay nasa ulo ni Sanz at ilang saglit lamang ay bumagsak na ulit si Sanz at mukhang nawalan na naman siya ng malay.
"Ano anng nangyari?"
"Okay na siya, kapag ka gising niya okay na ang lahat. Masyadong malakas sa kanya ang epekto ng lakas ni Xana kaya pati ang memorya nito ay naalis din sa kanya pero 'wag na mag-alala dahil okay na ang lahat."
Nakahinga naman lahat kami ng maluwag atleast ngayon panatag na kami.
"Anong healing process ang ginawa mo Rabi?" tanong ko sa kanya.
"Backmaskery ang tawag doon kung saan nagagawa ng katawan ko na ibigay muli sa kanya ang mga ala-alang dapat niyang alalahanin at 'yong mga nawala." At nahinto naman siya. "at dalawang beses ko lamang pwedeng gamitin ang lakas na 'yon, at dahil nagamit ko na ang isa, isa na lamang."
I pat his shoulder, "'Wag kang mag-alala Rabi. I-secure mo na 'yan dahil alam kong mas ka-kailanganin 'yan sa tamang panahon."
"Tama po kayo, sige po magpapahinga na kami." At tinanguan ko naman sila.
Naupo rin naman kami ni Metria at sumandal na lamang ako sa balikat niya at bahagyang nakatulog. Maaga pa para maubos ang lakas namin, hindi kami magpapanaig. Black Death man 'yan o Dark Worlders. No one can stop us.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top