Chapter IX

Chapter IX

Habang nasa madilim na kweba kami at ang ilaw na nagmumula lamang sa mga kamay ni Jester at Ostin ang nagiging paraan anmin upang makita namin ang mga nadadaanan namin. At mukhang mahaba-habang daan an gaming tatahakin dahil sa ngayon, hindi kami sigurado kung nasaan na ba kami ngayon. And we're not even sure if this cave is already the Cave of Death. Ostin wasn't sure about it kasi dahil daw sa kweba ito baka, ito na nga daw pero hindi pa rin kami maninigurado habang wala kaming nakikitang pruweba.

"Mahaba pa ba 'to?" asar na sabi ni Jester. Hindi ba magbabago mood nito at lagi na lang asar or badtrip kung makipag-usap. Pero hinahayaan ko na lang din siya dahil alam kong bago sa kanya ito pero siguro hindi na naman kasi 'yong naging karanasan niya sa Dark World, oh well, wala nga pala siya sa sarili noon.

Wala pa rin akong natatanaw na ilaw o ilawanag sa dulo ng mga kwebang ito, sign na kasi 'yon na malapit na kami sa isang lugar or di kaya sa Cave of Death. Umaasa ako na ligtas at hindi sinaktan ni Lagarto ang nanay ko dahil hindi ko mapapatawad kung pati ang nanay ko ay mawala pa sa akin.

Habang naglalakad kami ay nahinto na lang din kami dahil napansin namin ang tatlong daanan ng kweba. Nagkatinginan pa kami dahil hindi namin alam kung saan kami dadaan. Hindi kami siguro kung saan papatungo ang bawat kweba na 'yan.

"May naririnig kayo?" ani ko. May napakiramdaman na naman ako kasi at sa bandang gawing kanan na daanan ay biglang nagsulputan ang mga paniki.

Nawala ang ilaw na nagbibigay liwanag sa amin at pilit naming hinahawi ang mga paniki kahit nakadapa na kami upang hindi nila kami maabot. Napapasigaw na lamang ako kapag may lalapit sa akin at kalmutin ako, gayundin ang mga kasama ko. Nakakabingi pa ang mga ginagawa nilang tunog.

Mga ilang minuto nagtagal ang paniki sa aming ibabaw at isa-isa kaming napahilata sa lupa at hingal na hingal. Muling binuhay ni Ostin at Jester ang ilaw at ang una ko kaagad napansin si Metria kaya agad koi tong nilapitan.

Ang namumula niyang balikat ay may mga kalmot ng paniki at lalong inindi ni Metria iyon.

"Metria! Metria, kaya mo pa ba?" sa totoo lang naawa na ako sa kalagayan niya pero gaya nga ng sabi ni Rabi ay hindi pwedeng pilitin na gamutin ng healing powers niya ang sugat na natamo ni Metria dahil baka lumala pa daw ito.

Pinatong naman ni Metria ang kamay niya sa balikat ko. Bakas sa mukha ni Metria ang sakit pero tinitiis niya 'yon. "A-ayos lang, Xana."

"Nahihirapan ka na." sabi ko sa kanya. "Papagalingin kita."

"Pero Xana mukhang magpapadelikado sa kalagayan niya 'yon." Ani Rabi.

Inilingan ko naman si Rabi, "Magtiwala ka sa akin Rabi, hindi ko hahayaan na lumala ang kalagayan ni Metria. At kung lakas ko man ang mabawi doon kung kay Metria lang din naman iyon gagamitin, papatusin ko na." ngiti ko pa.

Wala na namang nagawa si Rabi pero si Metria naman ang pumigil sa akin.

"Hindi mo kailangan gamitin ang lakas mo sa akin, huwag mong sayangin para lang sa akin ang lakas mo. I'm not worthy to have that."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya, "But then you save my life once, at ako rin naman ang dapat tamaan niyan at hindi ikaw at hayaan mo na na ako ang gumaling dito." Ngiti ko pa sa kanya.

Pumikit naman ako at dinampi ko ang kamay ko sa balikat ni Metria. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghangin sa paligid at ang pagtaas ng aking buhok, nang idilat ko naman ang mga mata ko ay nasilayan ko na lang ang unti-unting naghihilom na sugat ni Metria gawa ng lakas ko. At ng tuluyang gumaling si Metria, dahan dahan akong bumagsak at mabilis naman akong nasalo ni Metria.

"Sabi ko sayo, hindi mo kailangan gamitin sa akin 'yan." Nakatingin siya sa akin mga mata. "Pero salamat, maayos ko ng nagagalaw ang balikat ko." at niyakap niya ako.

Pinainom nila ako ng tubig at bahagyang nagpahinga muna kami saglit. Hindi namin akalain na aatakihin kami ng mga paniking iyon. Akala namin na ligtas na kami dito sa baba pero mukhang hindi pa pala dahil wala kaming matatakasan kundi ang tumakbo at tumakbo na lang.

Makalipas ang kalahating oras ay napagpasyahan na rin namin ang umalis pero bumalik na naman kami sa diskusyon kung anong daan ang tatahakin namin. Ang sa kanan kung saan nagmula ang mga paniki, o sa kaliwa at sa gitna.

"Saan tayo dadaan?" tanong ni Jester.

"Sa gitna." Suhestyon ni Metria.

"Sa kaliwa po tayo." Ani naman ni Ostin.

"Sa kanan tayo!" confident pa na suggestion ni Jester pero agad namin siyang sinamaan ng tingin dahil alam na ngang baka sagupain pa kami ng mga paniki kaya ang nangyari, nagbato-bato-pik sina Ostin at Metria kung anong daan an gaming tatahikin.

"Walang magagalit ha, kayo na rin ang ginusto 'to." Ani Metria.

At sa isang bagsakan, nanalo si Ostin. Poker face na lang din si Metria kaya gumawi na kaagad sa kaliwa upang daanan.

"Sabi ko na nga ba dapat hindi na rin natin ginawa 'yon." Bulong ni Metria. Natawa na lang din naman ako sa kanya.

Habang nasa kahabaan kami ng paglalakad ay may napansin kaming mga kakaibang amoy sa paligid ng dinadaanan namin.

"Grabe naman! Ang baho, masusuka na ata ako dito!" protesta ni Jester.

Kahit ako ay hindi ko nakayanan ang amoy pero ng tapatan nila Ostin at Jester iyon ng kanilang mga palad ay nakita namin ang mga nilalang na nakahalandusay at labas ang mga laman nito. Hindi namin nakayanan ang mga ito kaya nagmadali kami umalis doon. Nang medyo humupa na ang amoy ay doon kami nakahinga ng maluwag.

"Ano bang nangyari do'n?" ani Jester. "Mukhang mga pinaslang na ewan, nakakadiri pa."

"Isa lang ibigsabihin no'n, hindi tayo ligtas dito sa ibaba ng lupa." Ani Metria.

"Tama ka, Metria. Dahil anumang oras, sa dilim na bumabalot sa kweba mamaya ay may mga sumugod na sa atin." Ani naman ni Rabi.

"Paano naman tayo makakalabas dito? Wala nga tayong nakikitang lagusan eh."

"Meron kaya." Napa-huh kaming lahat kay Jester ng lapitan niya ang isang bilog na bakal na sa susuriin ko ay isang daanan, hindi ko alam kung anong daanan pero baka 'yon na ang way para makaalis na kami dito.

"Sige, bukas niyo!" sabi ko. Nagtulong-tulong naman ang mga kalalakihan na buksan ang lagusan na iyon at ilang beses na pagsubok na buksan ay kakaibang amoy na naman ang bumati sa amin at ang umagaw ng atensyon ko ay ang likidong dumadaloy sa paa namin ngayon na nanggagaling sa loob ng lagusan na iyon.

Lumapit ako para hawakan iyon, malapit at kulay pula. Inamoy ko ito pero agad kong nilayo dahil sa sobrang baho at nang medyo lumakas ang agos mula roon ay nabahala na kami.

"Hindi ito isang lagusan, isa 'tong trap." At nang tingnan ko ang mga kasama ko ay agad agad nilang sinarado ang lagusan pero huli na ang lahat. Tinutulak na ng dagat ng dugo ang lagusan.

"Tumakbo na kayo!" sigaw at pauutos na sabi ni Metria.

"Hindi, hindi namin kayo iiwan!" sigaw ko sa kanya.

"Xana, delikado kung lamunin tayo nito!" sigaw ko namang pabalik sa kanya.

"Wala ring kasiguraduhan kung may malulusutan na tayo!"

Pero inilingan na lamang ako ni Metria habang tinutulak pabalik ang lagusan na patuloy sa pagdanak. Apat na sila pero hindi nila kinakaya.

"Sa bilang kong tatlo, tatakbo na kayo. Humanda sa bilang kong isa." At tumango naman kami kay Metria. "Isa... dalawa... tatlo!" at kasabay n gaming pagtakbo ang mabilis na paghabol sa amin ng dugong iyon pero dahil kailangan naming makaalis mula rito ay ginamit ko na ang lakas ko, pinaghawak-hawak ko silang apat at ako ang humigit sa kanila upang tumakbo ng mabilis.

Nang medyo makalayo na rin naman kami doon pero rinig pa rin namin ang ragasa ay naghanap na agad kami ng malulusutan.

"Dito sa taas!" nagkatinginan naman kaming lahat ng may makitang ilaw. Agad naming pinagpapasan-pasan ang isa upang makalabas mula doon. Si Jester ang una kung saan sinira ang lupa sa itaas, nakakasilaw ang liwanag at naka-akyat na ito doon. Inalayayan niya ng ako na ang sumunod. Si Metria at si Rabi.

"Ostin! Humawak ka lang!" ngunit naabutan si Ostin ng rumaragasang dugo.

Apat kaming mahigpit siyang hinahawakan upang hindi mabitawan. Nagsasabi pa si Ostin na bitawan na lang at inabot ang puno ng dugong bag niya pero hindi kami sumuko na i-angat siya at sa tulong-tulong namin ay nagawa namin sagipin ang buhay ni Ostin.

Nakahalumpasay itong nakahiga sa lupa habang hinahabol ang hininga.

Nang masiguro namin na ligtas ang bawat isa ay siya namang sinuri ko ang paligid kung nasaan kami.

Napa-ikot na lang ako ulo ko dahil hindi ko inaasahan na nasa mundo ako ng tao.

"Metria, anong ibigsabihin nito, bumalik tayo sa mundo ng mga tao?"

"Hindi. Imposible." Iyon na lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ni Metria.

"Sa wakas! Nakauwi na tayo!" waging-wagi na sabi ni Jester na lumuluhod pa saka hinalikan ang lupa. "Yuck! Kadiri, bakit iba lasa?"

Napakunot noo na lang kami kay Jester. Tinitikman niya ba ang lupa maging sa mundo ng mga tao? Minsan ang weird talaga ni Jeste at mabuti na lang ay isa siya sa mga naging kaibigan ko. Pasalamat niya, ako ang kaibigan niyang iyon.

Maging sina Ostin at Rabi ay nagulat sa nakita nila. Akala nga ni Rabi ay bumalik siya sa templo ni Master Hanu dahil naalala niya iyong panahon na iyon pero ang weird naman dawn a napunta kami dito eh, sa Other World kami nanggaling.

"If I'm not mistaken, this could be the replica of human world." Napatingin naman kami kay Metria.

"Replica?" sabay sabay naming tanong sa kanya.

"I am not so sure about this, pero kung titingnan mo talaga. Parang nasa human world tayo, and look at that Xana, your school." Tinuro ni Metria ang school kung saan sinumpa na nga karamihang estudyante. Maging ako.

"Ang impyernong paaralan, hindi maaari." Hindi ako makapaniwala kung nasaan nga ba talaga kami dahil gayang-gaya nito ang sa human world. Hindi ko nga alam kung nasa human world nga ba talaga kami o ilusyon lang ang lahat.

"Sa tingin mukhang nasa Other World pa rin tayo." Napatingin naman kami kay Rabi na nakatingala at ng gayahin namin siya ay nakita namin sa aming itaas ang itim na usok na bumabalot doon. Isa lang ibigsabihin no'n na tama si Metria.

"Replica of human world?" ulit ko sa sinabi ni Metria. "Pero anong gagawin natin dito? Nasaan na ang Cave of Death?"

"Hindi ko alam kung nasaan na tayo pero nasa dulong parte pa ang Cave of Death." Ani Ostin nan aka-recover na rin.

"Mukhang dito tayo magpapalipas ng gabi." Ani Metria.

"Tara hanapin natin ang bahay namin, baka sakaling pwede tayo doon."

"Sa bahay hindi pwede?" nakatongan ko pa si Jester sa ginawa niya.

Wala rin kaming nakakasalubong na mga nilalang sa paligid. Parang ghost town na nga kung ituring eh. Ilang saglit ng paghahanap at paglalakad ay natanaw na namin ang bahay namin na gayang gaya sa human world. Paano kaya nangyari 'to? Paano nagkaroon nito sa Other World? Nakakapagtaka tuloy dahil parang nasa human world lang kami at lahat ng pinagdaanan namin ay muli na namang bumabalik sa isipan ko.

Pumasok naman kami sa loob ng bahay. Malinis at walang kalat. Noong iniwan namin ang bahay sa human world ay puno iyon ng mga sulat pero dito, wala ni isa. Nandito naman ang mga gamit, kung anong nasa human world gano'n din ang ayos. Ayon nga kay Metria, it was replica of human world. Pero hindi ko akalain na pati ang loob ng mga bahay ay parehong pareho sa kung anong nasa mundong kinabibilangan ko.

Naupo naman kami sa couch doon. Napansin ko naman sa mga kasama ko na pagod na pagod na sila. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil sinamahan nila ako sa misyon kong ito. Hindi sila sumuko para sa akin, ang laban kasing ito ay hindi lang para sa akin kundi para rin sa kanila.

"Xana!" agad naagaw ni Jester an gaming atensyon. Shit! Ano na naman ginawa nito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top