Chapter IV
Chapter IV
Ngayon na ang araw ng pag-alis namin. Nauna akong nagising sa mga kasama ko at pansin ko naman na mahihimbing ang mga tulog nila kaya hindi ko na inabala na gisingin muna sila dahil mamaya-maya pa naman kami aalis at kailangan ko lang paghandaan ang gagawin naming unang hakbang. Lumabas naman ako ng silid na tinutulugan namin at agad ko naman napansin ang isang anino na napadaan sa harapan ko.
Napakunot noo naman ako dahil sa pagkakaalam ko ay wala pang gising sa mga ito pero kung sino man 'yon, baka miyembro ng Black Death iyon. Sinundan ko naman kung saan nagpunta ang anino na iyon at dahil medyo madilim naman at hindi ko makita ang dinadaanan ko ay dahan dahan lang ako sa paglalakad hanggat sa may bumangga sa akin dahilan para matumba ako maging ang nakabangga sa akin.
"Aray..." bakas naman sa boses ng nakabangga ko ang sakit na natamo niya sa pagkakabangga sa akin. Ay aba! Siya pa ba aangal, eh siya 'tong hindi tumitingin.
At ilang saglit lang din naman ay nakilala ko kung sino ang nakabangga ko.
"Bakit gising ka na? Anong ginagawa mo?" mataray nitong tanong sa akin habang hinihimas ang noo niya na tumama sa noo ko rin.
Tumayo rin naman ako at mabuti na lang hindi masyadong maingay 'yong nagawa naming ingay dahil tiyak na magigising sila.
"Bakit ano ba kasing ginagawa mo doon?" balik na tanong ko naman sa kanya.
"As if, syempre, uminom ng tubig at naghahanda ako." Aniya.
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Naghahanda? For what? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya sasama sa amin at siya na rin mismo ang nagsabi na ayaw niyang sumama sa amin dahil mas may importante pa siyang kailangang gawin kaysa sa amin. Edi okay, gawin niya ang gusto niya. Basta ako, humihingi lang din ako ng tulong nila para sa ikaaayos ng lahat.
"For what?" tanong ko sa kanya.
"Magmamasid ako sa arko at baka lumabas din ako doon." Aniya.
"Ikaw lang mag-isa?"
At taas noo naman niya akong sinagot nang, "Oo, papalag ka?"
Agad ko naman siyang ilingan dahil ayoko ng patulan dahil baka kung saan pa mapunta ang pag-uusap na 'to.
Mayamaya na lang din ay biglang nagkaroon ng ilaw at nang lingunin naman namin iyon ay nakita namin si Gastor na siyang nagbukas ng ilaw at nakita ko rin sina Metria at Jester na nasa pinto ng silid.
"Anong meron?" tanong ni Jester habang nagkakamot pa ng mata niya. Halatang na-istorbo sa tulog niya, kawawa naman. Ang ingay kasi ni Winona eh.
"Ano na naman pinagsasabi m okay Xana, Winona? Diba sinabi ko na sayo na kakampi siya."
Naningkit naman ang mata ko sa sinabi ni Gastor. Nang balingan ko naman muli si Winona ng tingin ay inirapan na lang nito si Gastor at tuluyang pumasok sa isang silid na siguro'y kanyang kwarto.
"Pasensya na, Xana kay Winona." Pagpapaumanhin naman sa akin ni Gastor.
Tinanguan ko naman siya, "Okay lang..." ngiti ko pa sa kanya at bago naman umalis at bumalik si Gastor sa kanyang silid ay tinawag ko pa ito at lumingon naman muli siya sa akin. "Pinagdududahan ba ako ni Winona?" tanong ko naman sa kanya.
"Ah..." nagpalinga-linga pa ito sa paligid niya.
"Ano Gastor?"
Bumuntong hininga naman ito bago sumagot, "Oo, ikaw daw kasi ang anak ng Life Taker at alam niya na nanalaytay iyon sa dugo mo kaya hindi buo ang tiwala niya sa iyo, maging sa mga kaibigan mo."
Napangisi na lang din naman ako sa sinabi ni Gastor at bumalik na lang din naman sa kanyang silid. Nilapitan naman ako ng dalawa kong kasama na huwag ko na daw alalahanin 'yon dahil hindi naman daw si Winona ang ipinunta namin dito kundi ang maibalik ang magulang ko sa kamay ng mga Black Death na pinamumunuan ng Life Taker na kilala ngayon bilang Lagarto.
Ilang saglit lang din naman ay naghanda na kaming tatlo maging ang dalawa naming makakasama na sina Ostin at Rabi para sa aming pag-alis. Hindi ko alam kung hanggang kailan itatagal ang pagpunta namin do'n pero isa lamang ang inisiip ko na makakarating kami doon ng ligtas at buo at uuwi kami ng dala ko ang magulang ko.
Nang mahanda ko naman ang sarili ko ay hinihintay ko na lang din ang mga kasama ko at naghintay na lang ako sa labas ng tirahan nila. At ilang saglit lang din naman ay lumabas si Winona kasama ni Gastor.
"Mag-iingat ka doon, Winona. Magpadala ka kaagad ng impormasyon kapag may hindi magandang nangyari." Ani Gastor sa kanya.
Bago pa man sumagot si Winona kay Gastor ay tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa at sabing, "Oo Gastor, masusunod." Nakangisi pa nito. Niyakap naman siya ni Gastor bago ito naglakad palayo sa amin. Alam kong may kakaibang lakas ding tinataglay si Winona ngunit hindi ko alam kung ano man 'yon pero nasisigurado ko na kaya niyang lumaban ng mag-isa.
Nang makaalis naman si Winona ay lumapit ako kay Gastor.
"Bakit wala siyang kasama?" taka kong tanong kay Gastor.
Peor ngiti ang unang sumagot sa akin, "Gusto ni Winona iyon. Kahit na labag sa loob ko na mag-isa siya ay nagpumilit ito at may tiwala naman ako sa kakayahan ni Winona at hindi naman siya iiwan ng mga Sandugo dahil gaya nga ng sabi ko, kalat ang aming pwersa." Aniya.
Napatango na lang din naman ako sa kanya, "Edi kung gano'n, ano bang kakayahan ang tinataglay ni Winona?"
"She can make poisons out of her body."
"Paano 'yon?"
"Siya lang ang nakakaalam no'n." aniya. "Eh kayo, hindi pa ba kayo aalis?" pagbabali naman ng tanong nito sa akin.
"Hinihin—" at biglang lumabas ang apat kong makakasama sa pinto, "Ayan na pala sila!" turo ko naman sa kanila.
"Ayan, Ostin at Rabi alam niyo na ang tungkulin niyo ha." Ani Gastor sa kanyang dalawang ka-miyembro. Tumango naman ng sabay ang dalawa. Lumapit naman sa akin si Metria at Jester na excited na excited sa aming gagawin.
Nagpaalam na rin naman kami kay Gastor at sinimulan naming tahakin ang masukal na daan patungo sa Uran village daw kung saan mas mapapabilis ang daan namin kung doon daw kami dadaan. Pinangunahan naman nina Ostin at Rabi ang paglalakad namin na nagtatalo pa kung saan liliko at dadaanan. Natatawa na lamang kami dahil nagtatalo pa silang dalawa.
"Anong oras na ba?" tanong ni Jester na sigurado ako'y naiinip na.
"Walang oras-oras dito Jester, tumingin ka lamang sa posisyon ng araw at doon mo malalaman kung anong oras na." ani Rabi.
"So complicated! Duh!" ani pa ni Jester.
Pinalo ko naman ito sa braso dahil ang dami pa niyang angal, hindi na lang sumunod. Hindi pa nga din kami nangangalahati sa paglalakad namin ay mukhang gusto na agad mamahinga.
"Malayo pa ba ang tinutukoy niyong Uran Village?" tanong ni Metria sa dalawang nasa unahan namin.
Humarap naman si Ostin sa kanya, "Malayo-layo pa po, tiis tiis na lang muna po tayo at maghanda sa mga posibleng umatake." Aniya.
Mabuti na lang din ay may mga alam ang mga pinasama sa amin ni Gastor dahil kung hindi ay magmumukha kami tanga ngayon at mas malala pa siguro ay naliligaw na kami sa mga oras na ito pero dahil mukhang gusto rin ng dalawang ito na mapagtagumpayan at maging tahimik ang Other World ay ginagawa rin nila ang gusto nila para muling makuha ang kapayaan na binawi ng Black Death.
Ilang saglit lang din ay tumigil muna kami sa paglalakad dahil nakakaramdaman na kami ng pagod. Naupo nama ako sa isang bato doon pero mayamaya lang ay naramdaman koi tong gumalaw. Mabilis akong napa-posisyon sa pakikipaglaban maging ang mga kasama ko ng mapansin naming nagtatawanan ang dalawa naming kasama.
"Bakit kayo tumatawa? Nagpapatawa ba kami ha?" ani Jester sa dalawa.
Pinigilan naman nila ang kanilang pagtawa. "Sorry po, normal lang pong gumagalaw ang mga batong iyan. 'Yan po ang Morock, kapag naupuan po ang mga iyan ay kusang gumagalaw."
At napangiwi na lang ako dahil mukha akong tanga kanina dahil preparado na ako para makipaglaban at hindi naman pala pero mayamaya lamang ay may tumamang pana sa amin, gayundin upang tama ang kanang braso ko at ngayon ay may hiwa na ito at dumadaloy ang dugo.
Agad naman kaming napatingin sa direksyon ng pinanggalingan nang pana na iyon.
"Sino 'yon?" tanong ko habang pinapakiramdaman ang paligid dahil sa badya ng kapahamakan.
"Hindi po kami sigurado." Ani Ostin.
"Hindi baka ang mga Black Death Archers iyon!"
"Tama ka nga! At may dalang mga lason ang mag pana na iyon na pwedeng kumitil sa pnandaliang oras!" pagsang-ayon naman ni Ostin sa sinabi ni Rabi.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ko naman. Mukhang delikado kung matamaan kami noong lasong may pana na iyon kaya kailangan ng dobleng pag-iingat.
At mayamaya lamang na pagtingin ko sa kalangitan ay umuulan ng pana na siyang tatami sa amin. Wala akong nagawa kundi tumulala lang pero agad akong natauhan ng nasalag ang mga iyon nang makita ko si Jester na may kakaibang lakas na inilabas.
"Wow! Ako 'yon! Magic ba 'yon?" amaze na amaze na sabi ni Jester habang sinusuri pa ang kanyang kamay.
"Ang adik mo Jester pero magaling!" ani Metria.
"Kailangan na po natin umalis dito dahil hindi na tayo ligtas!" ani Rabi.
Sumang-ayon naman kaming lahat sa kanya at sumunod na lang pero bago ako tuluyang umalis ay huminto ako ng panandalian. Huminga ng malalim at dahan dahan kong itinaas ang aking kamay kasabay noon ay nakita ko ang mga miyembro ng Black Death na lumulutan sa ere, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kundi itinapon ko na kaagad ito sa malayong lugar upang hindi kami masundan nito.
Nilapitan naman ako ni Metria at sabay na kaming sumunod sa iba pa naming mga kasama.
Alam kong hindi pa nagsisimula ang laban na ngayon ay mukhang may ideya na sila sa gagawin naming hakbang sa pagligtas sa magulang ko.
Nang napagod naman kami sa pagtatakbo ay pinili na muna naming mamahinga. Siniguro muna namin na walang nagmamasid at walang banta ng kapahamakan ang paligid namin lalo na't nasa gubat kami at masukal ang paligid. At wala naman daw ibang daan para mas mapadali ang aming pagpunta sa Black Death.
"Okay na ba kayo?" tanong ni Ostin.
"Si Xana hindi, may hiwa ang kanang braso niya." Ani Metria.
Medyo mahapdi nga ang hiwa sa braso ko at ang mabuti na lamang ay walang lason na nakapasok sa loob dahil kung hindi ay malalason din ang buo kong katawan.
"May alam akong chant para humilom ang isang 'yan." Ani Rabi. "Isa ako sa mga healer ng Sandugo."
"Hindi na, Rabi, kaya kong pagalingin ang sar—" pero agad akong pinigilan ni Metria.
"Hindi Xana, hindi mo kaya kaya ipaubaya mo na kay Rabi ang pagpapagaling diyan sa sugat mo, at isa pa healer si Rabi kaya mas alam niya ang gagawin." Ani Metria.
Wala naman akong nagawa kundi si Rabi na ang gumamot sa sugat ko. May mga ilang salita siyang binanggit at mga ilang segundo lamang ng alisin niya ang palad niya sa sugat ko ay naghilom na ito. Wala na akong nararamdaman na hapdi o kung ano man.
"Maraming salamat, Rabi."
"Wala pong anuman, narito po talaga kami para tumulong." Aniya.
"Oo nga pala, wala ba kayong mapa ng Other World?" tanong naman ni Metria sa dalawa.
"Meron, hinabilin sa amin ni Gastor ito." Ani Ostin.
"Pwede ko bang matingnan."
Agad namang kinuha ni Ostin iyon sa kanyang dalang kulay brown na bag at binigay naman ito kay Metria.
Lumapit naman ako kay Metria para tingnan din ang mapa. Namangha din ako dahil inakala ko na maliit lang ang mundong ito pero hindi ko inaasahan na napakalawak din pala nito.
"Nandito tayo kanina, ang headquarters ng Sandugo." Tinuro naman ni Metria ang lower left kung saan kami namalagi ng ilang oras at ang gitna sa ibaba ay ang arko kung saan ang nagiging daan ng mga taga Other World sa mundo ng mga tao.
"At ayan ang Uran Village." Tinuro ko naman ang pangalan na iyon sa mapa na hindi lamang kalayuan pero mukhang ang layo nang nalakad namin ay hindi pa namin nararating iyon.
"Teka guys, ano 'yon?" lahat kami ay napatingin kay Jester na nakadungaw sa damuhan doon. No'ng una ay hindi namin siya pinansin dahil baka kung ano lang 'yon pero sa pangalawang pagtawag niya ay lumapit na kami, "Dalian niyo kasi!" pagmamadali nito sa akin.
Sumilip naman kami sa damuhang iyon at ang bumungad sa aking mata ay ang isang lugar na ang pangalan ay Uran.
"Mukhang ayan ang tinutukoy niyo." Ani Jester.
"Tara na!" ani Metria.
Sumunod na rin naman kaming apat sa paglabas ni Metria pero nagulantang na lamang kami ng may humarang sa aming mga nilalang na may mga nakaturong mga armas—na gawa sa sanga ng puno.
"Sino kayo?!" tanong ng isang kawal doon o kung ano man iyon.
Walang nakasagot sa amin kundi isa isa nila kaming dinakip. Papalag pa sana ako pero may kung anong ginawa sila sa amin upang maparalisa ang mga mga katawan.
"Ano nang gagawin natin?" mahinga tanong ko kay Metria.
Ngunit mga titig niya lang ang nakuha ko. Kailangan naming makatakas dito, hindi kami kalaban.
"Pakawalan niyo kami." Pagsusumamo ko.
Dinala naman kami nito sa Uran Village at parang basura na binato na lamang ay ilang saglit na lamang ay may lumapit sa amin.
"Teka lang, Xana?"
�����v�8@�M
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top