Chapter II

Chapter II

Nagpaiwan naman kaming dalawa ni Gastor sa isang silid kung saan pag-uusapan namin ang gagawin naming hakbang upang mapabagsak ang organisasyong iyon. Hindi ko pa lubos na kilala ang grupong iyon pero kung kakalabanin nila kami, hindi kami magpapatalo dahil wala kaming aatrasan lalo na ako dahil buhay ng magulang ko ang nakataya dito.

Kung papansin ang lugar na pinanglulunggaan ng grupo nila Gastor ay mukhang liblib at tagong tago mula sa kanilang mga kalaban. Nasa isang gubat ang kanilang pinagtataguan nila. Akala mo'y nasa mundo ka rin ng mga tao ngunit ibang iba sa hangin na nalalanghap mo at kung ano ano pa. Mala-copy cat nga ng mundo ng mga tao itong pinuntahan namin.

"Ngayon Xana, nandito kayo sa Other World."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "Other world, parang Dark World?" aniko.

Inilingan naman ako nito. "Malaki ang pagkakaiba ng Other World at Dark World, Xana. Una ang Dark World ang tahanan ng mga demonyo at kung ano-ano pang masasamang nilalang na nabubuhay sa ibabaw at sa ilalim ng lupa gayon ang Other World naman ay ang mundo kung saan naninirahan ang mga nilalang na may ugnayan sa lupa."

"Huh?" naguluhan ako bigla sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin do'n?"

Umayos naman ito ng pagkakaupo, "Ang mga nilalang na dito, kabilang na ako ay half-human and half-creature, at ibigsabihin lang noon ay may natatangi kaming lakas na hindi kayang taglayin ng mga dark worlders at mga tao."

Napatango na lamang ako sa kanya. Ibigsabihin, ang mga Black Death din ay mga half-human at half-creature kung saan, nagagawa nilang magbago ng anyo. Hmm, madami pa akong kailangang malaman sa mundong ito dahil kung hindi, mapaglalaruan lang kami dahil bago lang ito sa akin ngayon.

"Ano nga palang dahilan kung bakit kinuha ng Black Death ang magulang mo?" tanong ni Gastor sa akin.

Napaisip din naman kaagad ako bigla. "'Yon ang hindi ko alam pero noon pa man ay may pinapadala silang sulat kay mama at wala akong alam noon pero ito may dala akong sulat galing sa kanila."

Kinuha ko naman ang pulang papel at inabot ito sa kanya. Medyo nabigla pa si Gastor ng makita niya iyon, dahan dahan naman nitong kinuha ang papel at binasa. Ilang saglit lamang ay bumuntong hininga siya at tiningnan ako.

"Mukhang isang malaking labanan ang magaganap." Aniya nab akas sa mukha ang pangangamba. Inabot naman muli nito sa akin ang sulat at binalik ko sa aking bulsa.

"Ano bang ibigsabihin no'n?" tanong ko pa. Alam ko naman na tungkol sa Life Taker ang sulat na 'yon pero bakit kailangan pa namin madamay? Nanahimik na kami pero magsisimula na naman ba ang madugong labanan? Hanggang kailan ba matatapos ang lahat? Hanggang kailan magiging ganito ang buhay namin. Kailangan na tapusin 'to, kailangan na nilang tumigil. Walang patutunguhan ang lahat.

Black Death, prepare for a Death War.

"Ama mo ang Life Taker diba?" tanong pa nito sa akin na agad ko namang tinanguan. "Ikaw ang pumatay sa kanya diba?"

"Oo, bakit, ano bang meron sa kanya? Matagal na siyang wala pero bakit ngayon, pinipilit na buhayin pa?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Dahil kailangan nila ng kabayaran sa ginawa mo."

"Sa ginawa ko? Shit! Wala akong ginawang mali, tama ang ginawa ko. Tama na tapusin ang pananatili ng Life Taker."

"'Yon nga, Xana, hindi pa nananahimik ang Life Taker."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Pa'no?"

"Nabuhay ito sa katauhan ni Lagarto, ang leader ng Black Death." Aniya. "Matagal na namin mina-matyagan si Lagarto at noong isang araw nga ay naging tama ang suspetya ng isa naming miyembro na ang Life Taker at si Lagarto ay iisa."

"Kaya ba kinuha nila ang mama ko dahil siya ang magiging kabayaran ng lahat ng ginawa ko sa kanya, gano'n ba 'yon?"

"Posible 'yan Xana, kaya nga noon pa man ay pilit namin silang kinalaban upang hindi makalabas ng arko patungo sa mundo ng mga tao ngunit nabigo kami doon, nagawa nilang makatawid—pabalik balik at palabas labas na sila sa arkong iyon. Wala kaming nagawa kundi, hayaan sila sa ginagawa nila."

"Kaya ngayon, wala na kayong nagagawa para pigilan sila?"

At tinanguan naman ako doon ni Gastor, "Wala na naman kaming magagawa pa lalo na't ang Life Taker pala ay nasa mundo na namin."

Nag-isip naman ako ng ilang saglit. Kailangan matigil ang lahat ng ito, kailangan bumalik sa normal ang Other World, kailangan ko ring mabawi ang magulang ko. Kailangan mawala ni Lagarto, o ang Life Taker. Hindi ko inaasahan na muli kong makakasagupa ang aking ama, akala ko noon, doon an lang ang lahat pero hindi pa pala. Bakit pa siya bumalik? Para may magbayad sa ginawa ko sa kanya, hindi, hindi pwede.

"Gastor, makinig ka." Pinalapit ko naman siya ng bahagya sa akin. "Kaya kami nandito sa Other World ay para bawiin ang magulang ko sa Black Death pero gaya ng napagkasunduan natin ay magtutulungan tayo, tutulungan niyo akong mabawi ang magulang ko. Tutulungan ko kayong gumanti sa Black Death at bumalik ang kapayapaan sa inyong lugar. Ngayon, ang unang gagawin natin ay kailangan natin pag-aralan ang bawat kilos nila at kung anong mga ginagawa nila."

"Alam ko, mas mapapadali ang pagsalakay natin kung nasa katauhang tao sila dahil mahina ang kanilang lakas kumpara kapag nasa ibang anyo sila."

"May isa na tayong way para matalo sila, at ano pa ang nalalaman mo tungkol sa kanila?" tanong ko pa sa kanya.

"Bukod sa isang iyon ay karamihan ay kalat sila sa Other World so ibigsabihin, kailangan natin maging maingat sa ating pagsalakay dahil sobrang dami nila."

"Paano natin sila matatalo?" tanong ko pa sa kanya.

"Sa tutuusin, hindi namin alam kung paano pero dahil sa mga lakas na tinataglay namin ay nagagawa namin silang talunin ngunit hindi sapat para tuluyan silang maglaho. Masyado silang malakas lalo na ngayon na may ini-ingatan silang isang tao na hindi dapat makuha sa kanila, ang magulang mo nga."

"Saan ba namamalagi ang mga Black Death?"

"Hindi pa namin napupuntahan iyon pero sa dulong parte ng Other World iyon kung saan may mga alagad na nakabantay at mahirap pasukin."

"Pero magagawa naman natin dahil tulong-tulong tayo." Ngisi ko pa.

"Tama ka." Aniya.

Mayamaya lamang ay may pumasok na isang ka-grupo ni Gastor.

"Pinuno, dumating na si Winona!" anito.

Napatayo naman kaagad si Gastor at mabilis na sinundan ang kanyang miyembro palabas ng silid. Sinundan ko rin naman ito palabas ng silid at bumungad naman sa akin sina Jester.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Saglit lang, Jester." Aniko.

Napanguso naman ito. Sinundan ko pa rin si Gastor patungo doon sa isang babaeng nilalang na mukhang armasado at matapang dahil sa tindig nito.

Niyakap naman ito ni Gastor at ilang saglit lang din naman ay napansin na nila ako.

"Winona, siya nga pala si Xana." Pagpapakilala naman sa akin ni Gastor.

"Kilala ko siya, sino ba namang hindi, diba?" ngisi pa ni Winona.

"Kung gano'n, magpapakilala ulit ako." Ngiti ko pa. "Ako si..." ngunit hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Sino siya?" agad naman akong napatingin sa nilalang na kanyang tinutunuro at nang humarap naman ito ay si Metria pala ito. Pinalapit ni Gastor ito sa amin. At pansin na pansin ko na hindi naaalis ang mga tingin ni Winona kay Metria, habang si Metria naman ay nakangiti sa akin. "Anong pangalan mo saka bakit ka nandito?" at naagaw ni Winona ang atensyon niya.

"Ah, ako si Metria, kasama ko si Xana na magpunta dito." Aniya.

Bigla naman akong tiningnan ni Winona at inirapan bigla. Nagulat naman ako sa inakto niya kaya hindi ko alam kung anong ibigsabihin no'n.

"Ngayon na magkakakakilala na pala kayo." Masayang tugon ni Gastor. "At nga pala Xana, si Winona ang isa sa tutulong sa atin."

Dahan dahan naman akong tumango bilang pag-sang-ayon dahil wala naman akong magagawa kundi um-oo na lang din.

"Ah, maiwan muna namin saglit kayo ni Winona." Umalis naman sa harapan namin silang dalawa at sila naman ang tumuloy sa silid.

"Ooh! Ang ganda no'n, kilala niyo 'yon?" sabi ni Jester ng makalapit sa akin at inakabayan pa kaming dalawa ni Metria.

Tinaasan ko na lang din naman ng kilay si Metria, "Alam mo na." ngisi ko pa.

"Anong meron na hindi ko alam?" ani Jester.

"Wala." Aniko. "Samahan mo ako sa labas Jester at kwentuhan mo ako kung anong nangyari sayo sa Dark World." Kinuha ko naman ang kamay niya palayo kay Metria.

"O-okay." Aniya.

Nandito kami para sa isang misyon, ayokong pati si Metria mawala sa buhay ko. Pero ibang usapin na muna 'yon, ngayon kailangan kong mag-isip ng paraan para maligtas ang magulang ko.

��������L��@

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top