Chapter I

Chapter I

Gabi na nang pinasok naming tatlo nina Metria at Jester ang arko kung saan magtutuloy sa amin sa panibagong mundo kung saan hahanapin namin ang dumakip sa aking magulang. Hindi ko mapapatawad kung pati ang ina ko ay mawala pa sa tabi ko gayunman na ayos lang sa akin na wala sa tabi ko ang aking ama na siyang naging puno't dulo ng mga ito. Kailangan kong ibalik ang nasira, ang nawala para sa katahimikan.

"Kinakabahan na ako Xana, tutuloy pa ba talaga tayo?" takot at nanginginig na tanong ni Jester sa akin. Nasa pagitan namin siyang dalawa ni Metria kung saan nakapulupot ang kanyang mga kamay sa braso ko.

"Ano ka ba Jester! Kalalaking tao, duwag!" bulyaw ko naman sa kanya. Pinilit kong maging tahimik dahil baka kung ano pang mangyari sa amin kung may makarinig sa amin, hindi namin alam kung anong panganib ang dadalhin sa amin nito.

"Tama si Xana, Jester." Sang-ayon naman ni Metria. "Hindi mo na kailangang matakot. May lakas ka para lumaban, magagamit mo 'yon para iligtas ang sarili mo kaya 'wag ka babakla-bakla diyan." Ngisi pa ni Metria.

"Sinong bakla?!" aniya pa. Bigla nitong inalis ang kanyang mga kamay sa braso ko at tumindig ng nagmamatapang.

Ilang saglit lamang sa madilim na lugar na ito, sa aming paglalakad ay may narinig kaming ingay.

"Teka ano 'yon?" ani Jester.

"Shh, 'wag ka maingay." Tugon naman ni Metria sa kanya.

Naramdamanan ko na naman ang paghawak ni Jester sa braso ko pero hindi ko na lang pinansin dahil mas tinuon ko ang atensyon ko sa mga ingay na naririnig namin sa paligid. Nang pansin kong lumalakas na ang mga ingay sa paligid ay hinila ko kaagad ang dalawa na magtago sa isang sulok. Ilang saglit lang din naman ay mas lalong lumakas ang ingay at mga yabag ito ng mga paa at nang silipin namin ang mga ito ay mga nilalang na akala mo'y tao ngunit hindi.

"Ang Black Death." Ani Metria.

Napatingin naman kami sa kanya ng banggitin niya ang salitang iyon at binalingan ko muli ng paningin ang mga iyon. Hindi bababa sa limampu ang bilang ng mga ito.

"Para lang silang tao." Bulong naman ni Jester.

"Panoorin niyo." Sabi ni Metria at tinuro naman niya ang ilang miyembro ng Black Death kung saan ang mga anyong tao nila ay kusang nagbabago at kung ano anong klaseng nilalang na ang makikita mo pero nagkakapareho lamang sila sa mga sungay sa kanilang mga ulo.

Mukhang magiging isang malaking labanan ang mangyayari sa pagitan namin. Kung sila ay hindi mo na mabibilang sa daliri kung ilan sila pwes, hindi naman nakikita sa dami ang lakas ng isang grupo kung saan kung paano lumaban ng sama sama.

Mayamaya lamang ay unti-unti na ring nawala ang mga miyembro ng Black Death at tuluyan na rin kaming lumabas sa pinagtataguan namin pero mayamaya lang din ay may humablot sa akin at gano'n din kina Jester at Metria at nang takpan ang mata ko ay wala na akong nakita at may kung anong pinalaghap sila sa amin at nawala ako ng malay.

--Secrecy—

Nang pakiramdaman ko ang katawan ko ay nakatili ito, may piring ang mga mata ko kaya wala akong makita at may lubid sa bibig ko. nakakarinig ako ng mga boses sa paligid at pinilit kong hindi muna gumalaw para pakiramdaman sila.

Hindi ko maintindihan kung anongpinag-uusapan nila dahil wala akong ideya. Baka mamaya miyembro din pala ng Black Death ang mag ito. Tapos ang laban. Pero hindi maaari. Hindi kami papatalo.

Ilang saglit lamang ay narinig ko si Jester na nagsisigaw at mukhang nagkagulo sa paligid kaya medyo kinakabahan na ako sa nangyayari at mukhang naglalapitan naman sila sa pwesto ni Jester, pinapakinggan ko na lang 'yong mga yabag nila at kung saang direksyon sila tumatakbo hanggat sumisigaw sigaw na rin si Metria.

Nabahala kaagad ako ng may marinig akong, "Tumigil ka, papatayin kita!" at doon biglang gumalaw ang paa ko at pumadyak ng malakas at mabilis na nasunog ang piring ko sa mata at doon ko na lang nakita ang mga nilalang na iyon na gulat na gulat at takot na takot na nakatingin sa akin. Maging sina Jester at Metria ay nabigla rin sa nakita nila sa akin.

"Pakawalan niyo kami, Black Death." Ngisi ko pa. Hindi ko alam kung anong hitsura ko ngayon pero nararamdaman ko kung anong lakas ang dumadaloy sa katawan ko. Unti-unti ko ring nasusunog ang mga tali na nakapalibot sa akin at tumayo ako palapit sa kanila. Sinusundan lang nila ako ng tingin papunta kila Jester at Metria na tinatanggal din ang mga tali sa katawan.

"Paano mo nagawa 'yon?" tanong ni Jester sa akin.

Napangisi na lang din ako kay Jester, "Tumayo ka na diyan, dali." Utos ko pa sa kanya.

"Saglit lang!" napatingin naman ako sa nilalang na umagaw ng atensyon ko at itinaas ko ang kanang kamay ko at hinarap ang palad ko. "Ibaba mo 'yan, nagkakamali ka, hindi kami ang Black Death."

Napangisi naman ako sa sinabi niya, "Talaga?"

At tinanguan naman ako nito.

"O baka nag-aanyo lang kayong tao para linlangin kami?"

"Totoo! Hindi kami nabibilang sa Black Death!" pagpapaniwala pa nito sa akin.

Lumapit naman sa akin si Metria at binaba nito ang kanang kamay ko at sinabing, "Mukhang nagsasabi ng totoo ang nilalang na 'to, Xana, wala silang tattoo ng bungo kung saan sumisimbolo bilang isang miyembro ng Black Death." Aniya.

"Tama kayo, hindi kami ang Black Death." Aniya.

Huminahon din naman kaagad ako, "Sino kayo?"

"Kami ang Sandugo."

"Sandugo?" tanong ni Jester na lumapit din sa amin.

"Tama, isa kami sa mga kalaban ng Black Death at kami ang gumagawa ng paraan para tumigil sa kasaaman ang grupong ito ngunit hindi namin sila kayang talunin dahil sobrang lakas nila, nagagawa lamang namin silang talunin kapag wala ang kanilang lider o kaya nasa katauhang tao sila."

"Matutulungan namin kayo." Boluntaryo ko.

"Xana!" ani Jester na hindi ko naman pinansin.

"Talaga?!" hindi makapaniwalang tugon sa akin ng nilalang na ito.

"Oo pero sa isang kundisyon, tutulungan niyo rin kaming mabawi ang nanay ko sa kamay ng Black Death." Hinto ko pa. Inilahad ko ang palad ko. "Deal?"

Tumingin ito sa kasamahan niya at tinanguan naman siya. Bumuntong hininga ito bago abutin ang kamay ko at makipagkamay. "Deal."

"So, ako si Xana. Siya si Metria at Jester. Ang tutulungan sa inyo."

"Ako naman si Gastor, ang lider ng Sandugo." Ngumisi naman ito. "Kailan tayo magsisimula?"

"Ngayon na." ani ko pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top