P R O L O G U E
P R O L O G U E
Inakala ng lahat na matatapos ang mga ito sa pagpatay sa tinaguriang Life Taker, kung saan lahat ng tao, pinatay nito ng walang patawad. Ang paaralan ang kanilang naging tahanan sa loob ng mahabang panahon, sa pananatili doon ay nawakasan na lamang 'yun nang dumating ang isang babae upang baguhin ang pananaw sa Impyernong Paaralan.
Si Xana Etoria—ang anak ng Life Taker. Ang mismong pumatay sa sariling ama upang ang sumpa na dinala nito ay mawakasan na.
Subalit sa maling panahon at pagkakataon, isang tao ang nawalay sa kanila na lubos sa pag-aalala dahil ang isang 'to ay isang normal lamang na tao na walang kamuwang-muwang sa dimensyong napuntahan.
Si Jester, nasaan na siya? Anong nangyari sa kanya at bakit siya ay hindi nakabalik sa mundo pagkatapos ng pagkawala ng Life Taker. Wala silang alam, hindi nila alam kung buhay pa ba si Jester dahil sa ngayon wala silang ideya kung nasaan siya ngayon.
Bumalik si Metria Xaxon upang hanapin ang nawawalang kaibigan ni Xana. Hindi rin lubos maisip ni Metria kung bakit wala sa normal na mundo ang kaibigan.
"Hinding hindi sila makakatakas sa kamay ng bagong pinuno!" umalingawngaw ang isang malakas na tawa sa kapaligiran at tila ito'y nagpasakit sa tenga ni Metria.
Madilim. Impyerno. Mga kaluluwang humihingi ng tulong, ilan lamang sa makikita sa dimensyong 'yun. Ang tanong paano makikita si Jester sa mundo ng dilim at kamatayan?!
"Handa ka na bang mamatay, muli?!"
Umiling si Metria, "Not like you've wished for."
Metria. Xana. Jester. Sa mundo ng kadiliman at kamatayan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top