Epilogue
Epilogue
~Xana's POV
After that moment, our world and Dark World have it's peace. No Dark Lord manipulating all of the circumstances, no Darkness covered our life. It takes a time to get what you want, for what you dreamed of but somehow you will know there's a light in the end of the darkness.
First, I saved my life and my schoolmates from the death of my father, The Life Taker but suddenly, after it goes, Dark Lord unveil himself for the justice of his brother—the life taker. I'm the one that chosen to kill them, to take their deaths along their evilness and I've won. I'm a alive. Smiling and keeping strong.
Ngayon, nandito ako sa paaralan. Gaya ng ginawi namin ni Metria noon, binura namin sa kanilang isipan ang mga nangyaring hindi maganda sa kanila. Kailangang burahin 'yon dahil magdadala lamang ng pangit na imahe sa susunod na henerasyon. Ngayon na nagawa ko na ang misyon ko, natapos na ang dapat. Naligtas ang Dark World sa kalupitan ng Dark Lord.
Kasama ko sila Metria, Jester at maging sila Asylum at mga kaibigan ni Metria na sina Frixon at Grano ngayon sa loob ng paaralan.
"Tapos na Xana..." ani Metria saka niya ako niyakap.
After a long days, nagawa naming tapusin ang misyon namin. Buo kami at ligtas. Noong nangyari kay Metria na siya pa ang mawawala sa amin, akala ko huli na ang lahat ngunit ang Lux of Life na kanyang pinainom sa akin ay may natitira pang laman at umasa ako doon n asana mabuhay siya.
Iyak lamang ako ng iyak noon hanggat sa maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang kamay sa mukha ko. Hindi nawala si Metria sa akin.
Pagkatapos namang yumakap sa akin ni Metria ay nilapitan ko naman ang matalik kong kaibigan na si Jester na sa loob ng napakatagal na araw, nakita ko ulit siya. Nakakatawa nga lang dahil siya na rin pala mismo ang nakakalaban namin at wala kaming alam doon. Mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya. Simula kasi ng manatili siya sa Dark World, hinahanap hanap ko na 'yong moment nang pagkakaibigan namin at ngayon na bumalik na siya. Masaya ako dahil hindi siya tinuluyan ng Dark Lord.
"Jester, salamat at ligtas ka." Ngiti ko pa at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. "Jester, may aaminin ako sayo."
"Ano 'yon Xana?" aniya.
"Jester, hindi ka normal na tao. Kagaya ka namin." Pagtutukoy ko pa sa mga kasama ko. "May dugo ka ring Dark Worlder Jester, hindi mo nga alam pero ngayon, siguro alam mo na ang gagawin mo."
"Teka lang! Mukhang may nakakalimutan kayo ah!" napalingon naman kaming lahat sa nagsalita at ng makita naman ay napangiti na lang din kami. "Oh? Ano? Nakalimutan niyo ata ako." Ngisi pa ni Rigor.
"Salamat Rigor!" sigaw ko naman sa kanya.
Nginitian niya at tinanguan na lang ako.
Bumalik naman ako sa kausap ko na si Jester at pagkatingin ko dito ay nag-iba ang mga tingin nito at bigla akong napalayo sa kanya at nagulat sa nakita.
"Xana, anong meron?" nang pumikit ako ta umiling-iling. Namamalikmata lang ata ako at nasanay na sa gano'ng histura ni Jester.
Umiling naman ako sa kanya, "Wala, Jester. Basta ligtas ka, masaya na ako!" ngiti ko pa.
"Salamat din sa'yo..." lumingon naman siya kay Metria, "At ikaw, salamat sa oras mo sa paghahanap sa akin."
"Walang anuman." Tugon naman ni Metria.
At nilapitan ko naman si Asylum at niyakap ko ng mahigpit. Siya ang naging kasa-kasama ko sa msiyon ko dito sa lupa. Siya ang naging kakampi ko sa lahat. Kahit na wala si Metria sa tabi ko upang tulungan ako, nandito naman si Asylum para siya namang tumulong sa akin. Ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin kong pasasalamat sa kanya. Mayakap ko man lang siya, alam na niya siguro sa sarili niya na kahit anong mangyari, naging malaking bagay si Asylum sa akin. Sa buhay ng mga estudyante, ng paaralan at maging ang kanilang lugar.
"Maraming salamat, Asylum, you we're the one who proves that in every battle there's a way of having the good reason to live. We can still be friends?"
Tinawanan niya lang ako, "Naman, Xana. Ikaw pa ba? Salamat din sa mga tinulong mo sa amin, dahil sayo, sa atin, nagawa nating iligtas ang mundo."
Muli naman kaming nagyakapang dalawa.
At ilang saglit lamang ay naghiwalay na kaming lahat. Bumalik na sina Asylum, Rigor, Frixon at Grano sa kani-kanilang lugar sa Dark World. Nagawa nga nilang tapusin at pagtagumapayan ang kanilang misyon na katulad ni Grano na sa simula pa lamang ang misyon na sa sarili ay ang mawakasan ang buhay ng Dark Lord at hindi naman siya nabigo sa hangarin niya, kung hindi dahil sa kanya hindi ko rin magagawang talunin ang Dark Lord. We fight together at hindi kami nagsarili dahil alam namin na kapag nagtulungan ang lahat ay magkakaroon ng magandang resulta sa bawat isa.
Kagaya rin ni Rigor na muli nang makakabalik sa kaniyang lugar dahil sa kinuwento niya sa akin noon na kaya lamang siya nanatili dito sa mundo ng mga tao ay dahil tinatakasan niya ang Dark Lord dahil sa may kung anong gagawin sa kanya kapag nagkataon na mahuli siya roon ngunit, dito siya sa Dark World nahuli ni Devil Child Rej pero sa huli, naging ligtas pa rin ang lahat at maibabalik na sa normal ang kanyang buhay.
Gayudin si Frixon na walang sawang tumulong kay Metria sa kanilang misyon sa kaniyang lugar. Masaya ako sa lahat sa amin. Nagawa naming tapusin ang lahat.
Nang makaalis na sina Asylum, Rigor, Grano at Frixon ay sakto namang oras na nang uwian ng mga klase. Sakto na rin para kami ay makauwi. Napansin na rin naman na nagsisilabasan na rin ang mga estudyante at lumabas na rin kami ng gate. Bagamat may mga nasawi sa paaralan na ito, maaalis sa kanilang isipan at wala silang maaalala sa mga nangyari. Lahat ay dapat kalimutan na. Dapat lahat ay maging normal na.
"Babalik na sa normal ang lahat, Xana..." ani Metria.
Napangiti na lamang ako sa kanya at inakbayan niya ako.
"Alam niyo, simula ng magkita tayo Metria, may something na ba sa inyo ni Xana?" singit ni Jester.
Natawa naman kami sa sinabi niya, "Matagal kang walang malay Jester, naging mabilis lang din ang takbo ng oras sayo, pero maraming nangyaring hindi moa lam." Sabi ko na lamang sa kanya.
Nang makarating kami sa bahay ay pumasok na rin naman ako ng bahay ngunit iba ang nadatnan namin pagkapasok namin. Samutsaring mga sulat na kulay pula na nakalagay sa isang envelope.
"Anong meron, Xana?" tanong ni Metria.
Umiling naman ako dahil hindi ko alam.
"Ma?!" tawag ko kay mama ngunit walang sumasagot. Naglakad naman ako paakyat upang tingnan sa aming mga kwarto ko pero inisa-isa ko na at wala pa rin akong nakikita. Pinuntahan ko rin sa kusina, banyo at mga sulok ng bahay ngunit wala si mama. Bumalik naman ako kila Metria at Jester na ngayo'y hawak hawak ang mga pulang envelope. "Wala si mama..." ani ko.
"Xana..." aniya. Kinutuban na kaagad ako sa pagbanggit pa lamang niya ng pangalan ko. "Tingnan mo 'to..." iniabot naman niya sa akin ang envelope at binasa ko ang sulat.
Habang binabasa ko ang mga salita sa sulat na 'yon ay hindi ko maiwari at maisip. Bigla bigla na lamang pumatak ang mga luha ko at nang matapos kong basahin ang sulat ay nabitawan ko na lamang 'yon. Ang mga sulat na 'to. Ito ang mga tinatago sa akin ni mama at sinasabi niyang wala lang at hindi importante. Sinasabi niya rin sa akin na mag-iingat ako pero dapat siya ang sinabihan ko na mag-ingat.
"Metria, anong gagawin natin?"
"Babawiin natin ang nanay mo." Aniya.
Napabuntong hininga na lamang ako, "Hindi pa pala magiging normal ang lahat, Metria."
Niyakap na lamang ako ni Metria.
"Sasama ako diyan ha?" ani Jester at tinanguan ko na lamang siya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang mga sulat na 'yon, nagpapatungkol lahat sa pagkamatay ng Life Taker o aking ama na kailangan, mamatay rin ni mama bilang alay sa mundong iniwan ng aking ama. Hindi maaari. Hindi niyo pwedeng kunin sa akin ang mama ko.
Magtutuos tayo. At doon lang nagdilim ang paningin ko. Nakaramdam ako ng pag-iiba ng katauhan ko.
"Metria, magsisimula na tayo."
At ang lahat ay hindi nagtatapos sa isang kapanabik-nabik na kasiyahan, nagkamali ako sa inakala ko, ang lahat ay magsisimula pa lamang. Ang lahat ay magtutuos. Ako si Xana Etoria, ang magiging tagapagligtas ng aking mundo. Ma, maghintay ka lang babawiin ka namin.
"Ano, magsisimula na ba tayo?" ngisi pa ni Metria.
Tumango ako.
Sa ngalan ng magulang ko. Handa na ako.
--WAKAS--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top