Dark World XXVIII
Dark World XXVIII
~Metria's POV
When the world meets Darkness there will be a light that will lead us where we belong, were should we fight, we can stand strong.
Hindi ko pa rin maiwari sa isip ko na sa tagal at sa dami na nang lugar na aming napuntahan para lamang makita si Jester ay sa lupa lang din pala siya matatagpuan pero hindi bilang si Jester kundi bilang alagad ng Dark Lord na si Devil Child Rej. He was under the dark power of Dark Lord that his true identity kept by his dark features.
Hindi pa rin talaga siya magsink-in sa akin na sa lahat ng bagay, paghihirap na inabot namin. Sa ganoong paraan pa magpapakita si Jester. Madaming nangyari sa aming paligid, marami akong nasaksihan na nasirang lugar, mga kapwang nilalang na binawian nang kani-kanilang buhay. Ngayon, ang atensyon namin ay magtutuon sa Dark Lord na kung saan kailangan naming talunin upang ang lahat ay bumalik sa dati.
Ang kasama ni Xana si Jester, ang katahimikan ng Dark World.
"Xana, gaano kalala si Jester ng makita mo?" tanong ko kay Xana.
Patungo rin kaming lima ngayon sa Impyerno kung saan naninirahan ang Dark Lord at ang pinakasentro ng Dark World. Mas magiging mapanganib ang aming tatahakin dahil sa mapupunta na kami sa lungga ng kadiliman. Lahat ng kailangan naming tapusin ay mangyayari na.
"Malakas siya, Metria. Hindi siya 'yong Jester na nakikilala natin no'n. Pero sa tingin ko, ginagamit lang nila si Jester at nasisigurado ko na walang malay si Jester sa kamay ng Dark Lord." Ani Xana.
"Pero kailangan nating talunin si Jester o ang Devil Child Rej." Tugon ko naman sakanya.
Sa pagkasabi ko noon ay napatigil na lang si Xana sa paglalakad niya at napatingin na lang din kami sa kanya. Nakayuko at nakatingin lamang siya sa lupa kaya nilapitan ko na siya. Hinawakan ko ang baba niya at unti-unti itong iniangat. Nang magtama ang aming mga mata ay bigla na lang din niya akong niyakap at mabilis ding umalis.
"Hindi natin pwedeng talunin si Devil Child Rej, Metria. Kahit anong mangyari, siya pa rin si Jester." Anito sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya at tinanguan na lamang siya. Hindi ko naman maipapangako na magagawa kong hindi talunin si Devil Child Rej, oo nasa katauhan niya si Jester pero kailangan na matigil ang lahat ng ito.
"Metria! Metria! Metria!" naghuhumerantado na lumapit si Frixon sa akin habang binabanggit ang pangalan ko. "Alam mo ba, ang lahat ng Dark Places ngayon ay sinusugod na ng kampon ng Dark Lord. Ayon sa nasagap ko sa akin isipan, malapit na makuha ng Dark Lord ang mundong ito maging ang lupa."
"Ano?!" hindi ko makapaniwalang sagot sa kanya. "Hindi dapat nananaid ang kasamaan. Tara na at baka mahuli pa ang lahat!" saka ko hinigit ang kamay ni Xana, "Magtiwala ka lang Xana, matatapos din ang lahat ng ito."
At sa hindi kalayuan ay napasok na namin ang daanan papasok ng Impyerno. Tuloy tuloy din kami sa isang daan na sa gilid ay mga nagbabagang apoy. Isa isa lamang kaming naglalakad hanggat sa marating namin ang dulo.
"M-metria..." nauutal na banggit ni Frixon sa pangalan ko at nang lingunin ko naman siya ay sa isang nilalang naagaw ang pansin ko na kung saan doon din nakatingin si Frixon.
"Frixon, Dalian mo! Tumakbo na tayo!"
"J-jester..." usal ni Xana pero agad kong hinablot ang kamay niya at nagtatakbo na kami sa isang madilim na paraiso.
Halos matanaw na namin sa kinalalagayan namin ang palasyo ng Dark Lord na napapaligiran ng mga kampon nito. Pero sa mabilis na pagtakas namin sa nilalang na 'yon ay mabilis naman kaming nasundan nito at napahinto naman kaming lima sa pagtakbo at ngayon na kaharap na namin ang tinuturing nilang Devil Child Rej o mas kilala bilang si Jester.
Itinaas nito ang kanang kamay nito at mayamaya lamang ay may lumabas na kakaibang enerhiya mula sa mga kamay nito at mabilis naman namin naiwasan ang mga 'yon. Mabilis naman kaming nakatayo at bumawi sa nilalang na 'yon pero hinawakan ni Xana ang kamay ko upang pigilan na gumanti kay Jester.
"'Wag Metria... si Jester pa rin 'yon."
Kanina pa rin ako nababanas dahil hindi rin nagpapaawat si Xana dahil gusto niyang pagpilitan ang mga bagay na gusto niya pero lahat naman 'yon hindi maganda ang resulta. Kung magpapaubaya kami sa Devil Child Rej na 'yon ay kami naman ang matatalo at mababalewala lamang ang misyon namin. Napatingin naman ako kay Grano at Frixon na nakatingin lamang din sa akin pero tinanguan ko silang dalawa at doon kami lumusob kay Jester na ngayon ay wala sa kanyang kalagayan kundi nasa kamay ng Dark Power.
"Metria!" isang alingawngaw ng boses ni Xana ang narinig ko na lamang habang sinusugod namin si Jester.
At nang tuluyan kaming makalapit dito ay tumilapon na lamang kami sa isang tapat lamang ng kamay nito at ligwak na agad kami. Paano namin matatalo si Jester kung ganito siya kalakas, tama nga si Metria, hindi si Jester ang nandito ngayon kundi nasa ilalim siya ng dark power at kailangan 'yon maalis mula sa kanya.
Pero pinilit pa rin naming lumaban dahil iyon ang tama. Iligtas ang buong mundo, hindi lang ang dark world kundi mundo rin ng mga tao sa kadiliman.
Nang inilabas ko naman ang pulang punyal ko ay itinapat ko ito sa kanya. Nagkaroon ng putting liwanag sa paligid at ilang saglit lamang ay nandoon pa rin si Devil Child Rej na nakatayo na parang walang nangyari sa kanya at kami pa itong nakaramdaman ng lubos na pagkakahina. Napaluhod na lamang ako at naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Xana.
"Metria... mahirap man gawin... gagawin ko na rin para sa atin." Agad akong niyakap nito at nasilayan ko na lamang siyang pasugod sa Devil Child.
Kaya mo 'yan Xana...
~Xana's POV
Kahit mahirap sa damdamin ko na kalabanin ang mismo kong malapit na kaibigan ay kailangan ko ng gawin para hindi ako masaktan dahil hindi ko kayang makita na kinakalaban ko mismo si Jester.
"Jester! Gumising ka!" sigaw ko rito.
"Xana?" aniya. Nabuhayan naman ako bigla sa sinabi nito na parang na-realize na ako ang tumawag sa kanya pero agad na nagbago ang lahat at inatake ako bigla nito. Tinamaan ako sa tiyan at balikat ko sa ginawa niyang inatake. Naramdaman ko naman ang pagbabago ng anyo ko at ilang saglit lamang ay sinusugod ko na si Jester. Habang kinakalaban ko siya, hindi ko magawang hindi maiyak, kapag nagtatama ang mukha namin parang gusto ko, ako na lang ang sumuko dahil hindi ko kaya.
"Xana!" sigaw ni Metria nang tamaan ako ng enerhiya ni Jester sa kaliwang dibdib ko subalit hindi ako nagpanaig pero inalalayan ako ni Asylum at nakita ko na lamang na si Frixon, Grano at Metria ay napatumba si Jester.
Napatayo ako ng mabilis at lumapit sa nakahalundusay na katawan ni Jester.
Nang pagkalapit ko ay sakto naman itong naglaho. Napatulala na lamang ako sa nangyari at napaluhod at tuluyan ng bumuhos ang luha sa mga mata ko.
"Wala na... wala na si Jester." Iyak ko.
Hinagod naman ni Metria ang likod ko, "Xana..." aniya habang pinapatahan ako.
Wala na ang kaibigan ko. Wala na si Jester.
"Xana 'wag ka mag-alala baka malay mo, kinuha lang muli siya ng Dark Lord... isipin mo na buhay pa rin siya. Xana, may mas matindi pang laban ang darating sa atin. Kailangan mong tibayan ang loob mo." Ani Asylum sa akin.
Napatango na lang din naman ako sa kanya. "S-salamat, Asylum."
"Xana, tara na..." inalalayan ako ni Metria na tumayo at nilakad namin ang papasok ng palasyo.
Habang nilalakad namin ang daan patungong Palasyo ay nabalutan ng kadiliman ang Impyerno. Maririnig mo ang paligid ang mga maiingay na kaluluwa na humihingi ng mga tuloung subalit wala ng pag-asa. Nag-iiba ang Impyerno at ilang saglit lamang ay may usok na pumapaikot na parang ipo-ipo ang tumambad sa aming harapan at doon dahan dahan na lumabas ang isang makapangyarihan na nilalang sa Dark World kasama... kasama si Jester na wala na sa katauhang Devil Child Rej at ngayon, wala na siyang malay.
Itinapon niya lang ito na parang basura sa isang gilid at nang makita kong ginawa niya 'yon ay nilapitan ko na lang ito ngunit naramdaman ko ang mabilis kong panghihina ng tamaan ko ng enerhiyang nagmumula sa Dark Lord.
"Hindi niyo ako matatalo! Simula pa lamang mga hangal na kayo sa katagumapayan ko! Lahat kayo, mawawala... mamamatay... isa-isa." At sa huling saglitang binigkas ay isa isa kami nitong tinira. Hindi ako nakaiwas dahil sa nanghihina pa ako. Si Metria ay nakaiwas ngunit hindi sina Frixon at Asylum, si Grano at ang alaga nito ay hindi ko napansin kung nasaan na.
Parang unti-unti akong nawawalan ng malay.
Unti-unti akong nawawalan ng pag-asa at... at... nakikita ko na lamang si Metria na palapit sa akin.
"Xana... Xana! Hindi ka pwedeng mamamatay!" rinig ko pang sabi nito ngunit sobrang nanghihina na ako. "Xana!"
Paalam na ba...
~Metria's POV
Hindi ko mapigilan ang galit, inis ko at lahat lahat na nang nakikita kong walang malay at buhay ngayon si Xana. Hindi ko alam ang gagawin ko pero agad kong kinuha ang natitira kong Lux of Life sa bulsa ko at pinainom ko kaagad ito sa kanya. Niyakap koi to ng mahigpit na sana ay mabuhay muli.
At nang tinapatan ako ng enerhiya ng Dark Lord ay tumama ito sa likod ko at sobrang sakit ang dinaing ko para lamang maligtas si Xana.
At ilang saglit lamang ay dumilat ng dahan dahan ang mga mata nito, mula sa pagkawala ng malay ay nabuhay muli ang babaeng mahal ko.
"Metria..." aniya at hinaplos ang pisngi ko.
"Xana..."
"Metria!" narinig kong sigaw ni Grano sa pangalan ko at nang makita ko si Grano na nasa likuran ng Dark Lord na ngayon ay umaatake ay binangon ko na si Xana. "Xana! Ngayon na!"
At sa pagsugod ni Xana sa Dark Lord habang ang atensyon nito ay na kay Grano at Asux ay nagawang talunin ni Xana ang Dark Lord. Nakangiti lamang akong nakatingin sa kanila.
Nagawa ni Xana na talunin ang Dark Lord na. Na alisin ang ulo nito sa katawan, ang kamay sa magkabilang braso at gamitan ng kanyang itinatagong lakas.
Magaling Xana... magaling.
"Metria!" sigaw nito sa pangalan ko. "Metria?!" lapit nito sa akin. "Metria!"
Mas maganda nang ibuwis ang buhay kapalit ng katahimikan ng mundo.
"Hindi ka pwedeng mawala!" aniya. Nakita ko sa paligid ko si Asylum, Frixon at Grano at maging si Xana na lahat ay may iniindang sakit pero ako ngayon, mawawala na. "Metria, hindi ka pa pwedeng sumuko."
Ngumiti ako.
"Ako yata ang magpapaalam, Xana."
Mananatili na ata ako sa Dark World habang buhay...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top