Dark World XXVII
Dark World XXVII
~Xana's POV
After I've enter the portal, the inner part of me we're just crumbling and when I just came out of the portal, I saw Asylum with my mom sitting on the porch of our house.
"Xana!" and when my mom saw me, she ran like a runner towards at me and hugged me like a baby—a one less lonely girl. "Akala naming, tuluyan ka ng hindi makakabalik." Masyadong mahigpit ang mga yakap sa akin ni mama na sa halos araw araw naman ay gano'n ang ginagawa niya sa kain pero siguro labis na pagaalala ang dinala ko dahil sa napunta ako sa Dark World.
Nang alisin naman ni mama ang yakap niya sa akin ay napunta naman ang paningin ko kay Asylum na may bakas din ng pag-aalala ang kanyang mukha kaya agad ko siyang niyapos ng aking yakap at sinabing, "Mabuti na lamang ay sa portal na napasukan ko ay nando'n sina Metria." Buntong hininga ko pa.
"Nagkita kayo?" ani Mama.
Umalis rin naman ako sa pagkakayakap kay Asylum at tinapik na lamang ang balikat ko, hinarap ko naman si mama at tinanguan sa kanyang tanong, "Opo ma, dalawang beses na po kaming nagkita ni Metria, una ay 'yong nagpunta kami sa Aldimoir at 'yon isa, doon sa portal na napasukan ko." hinto ko. "May masama akong balita."
Sa pagkasabi ko ng mga salitang 'yon ay mga nagsalubong ang mga kilay nila at may halong pagtataka.
"Xana, anak, ano 'yon?" takang tanong ni mama.
"Oo nga Xana, anong ibigsabihin no'n?" ani naman ni Asylum.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot sa kanilang mga tanong. Hindi ko alam kung paano sasabihin din kasi nahihirapan akong tanggapin na hawak nila si Jester pero wala akong magagawa ngayon kundi magtiwala na lamang sa magagawa nila Metria at mga kaibigan nito sa misyon nila. "Hawak ng Dark Lord si Jester."
"Ano?!" pagkabigla ni mama. Ang mga reaksyon nila na gulat na gulat sa sinabi ko. Alam kong hindi nila ako papaniwalaan dahil no'ng sinabi sa akin ni Metria 'yon akala mo nagbibiro lang siya pero hindi, walang bakas at halong biro ang mga sinabi niya. "P-paano?" hinawakan na ako sa magkabilang balikat ni mama sa sobrang pagaalala.
"Siya 'yong kaibigan mong hinahanap nila Metria, Xana?" tinanguan ko naman si Asylum sa tanong niya. "Delikado kung gano'n." aniya.
"Ano nang ginagawa nila ngayon?" ani mama.
"'Yon na nga po, ginagawa na po nila Metria ang makakaya nila upang sagupain din ang Dark Lord. Ngayon, pinabalik niya ako rito upang pagtuunan ko ang misyon ko, ang nilalang na gumagambala ngayon sa Paaralan." Huminto ako. "Ma, babalik ako sa Dark World. Kailangan ako para matalo ang Dark Lord."
Pero inilingan kaagad ako ni mama, "Hindi, Xana. Hindi, anak, hindi mo kailangan bumalik sa Dark World."
Napapikit na lang din naman ako sa sinabi ni mama at umiling-iling, "Kailangan ma."
At nakaramdam na lamang ako ng mahigpit na yakap ni mama. Maging si Asylum ay yumakap na rin sa amin. Mahigit limang minuto kaming nakatayo sa ilalim ng madilim na kalangitan. At doon ko lang din na-realize ang misyon ko.
"Asylum, kailangan na natin pumunta sa paaralan." Sabi ko sa kanya.
Tinanguan naman ako ni Asylum, "Oo Xana, tara na."
Pero bago pa kami tumuloy sa aming misyon ay isang umalingawngaw na tunog ng isang hindi ko maipaliwanag na sobrang sakit sa tenga. Napaluhod na lamang ako sa ingay na 'yon at hindi ko mainda sa pagtakip lamang ng kamay ko sa tenga. Pinilit kong huwag pakinggan pero tumatagos 'yon sa magkabilang tenga ko. Maging si Asylum at si mama ay dinaranas din ang nangyayari sa akin.
Ilang minuto ang nagdaan, nawala ang ingay na 'yon. Hinihingal kaming napahiga na lamang sa damuhan. Mabilis na kabog ng dibdib at ngayon, tuloy tuloy pa rin ang kaba ko sa dibdib ko, hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong kakaiba na mangyayari ngayong masama. Something will happen but I don't know what will set us free.
Dahan dahan naman kaming tumayo.
"Asylum, tara na."
Agad agad na naming tinahak ni Asylum ang paaralan at nang madatnan namin 'yon ay nababalutan ito ng isang hoplon shield. Sinuri pa muna namin ni Asylum kung paano kami makakapasok sa loob. Nang sinubukan kong ipasok ang kamay ko ay nakuryente ako sa lagay na 'yon at delikado dahil ididikit mo pa lamang ito mararamdaman mo na kaagad.
"Paano tayo makakapasok nito?" tanong ko sa kanya.
Napakamot naman sa ulo si Asylum pero may naisip naman siya kaagad, "Alam ko na, subukan kaya nating pagsamahin ang lakas natin baka sakaling makapasok tayo."
Agad ko namang sinang-ayunan ang suhestyon ni Asylum at nagtabi naman kaming dalawa at pumwesto, itinaas namin ang dalawa naming dalawa at humanda.
"Handa ka na?" sabi ko.
"Handa na." ngisi pa ni Asylum.
At lumabas mula sa aming mga palad ang kakaibang lakas na aming pinakita at habang patagal ng patagal ay wala pa ring nangyayari sa ginagawa namin pero mas pinaigting pa namin ang aming kalakasan.
At mayamaya lamang, "Xana, nasisira na natin!" anito.
"Oo nga, Asylum. Sige pa!" at itinodo na namin ni Asylum ang aming makakaya hanggat sa lumawak ang butas nito. Natigil saglit ang aming pagsira sa hoplon shield at ang napansin naman namin dito ay ang pagbabalik nito sa dating anyo, kaya minadali na namin ni Asylum ang pumasok sa loob.
Sakto ng pagkapasok namin ay sumarado at bumalik sa dati ang hoplon shield.
"Tara na!"
At tinungo na namin ang main building ng school. At pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay bumungad sa amin ang walang malay na si Rigor. Agad kaming napatakbo doon ngunit mas nauna sa akin si Asylum at ang napahinto lamang ako ng biglang tumilapon pabalik sa pinanggalingan naming pinto si Asylum.
"Asylum!" nilapitan koi to. Iniindan nito ngayon ang sakit ng kanyang likod na tumama sa pinto at nang balingan ko naman si Rigor ay may katabi na itong nilalang. "Saglit lang, Asylum..."
Nilapitan ko ang nilalang na 'yon, hawak hawak nito sa collar si Rigor habang walang malay. At nang makalapit ako ng hindi nakakaramdam ng katulad kay Asylum ay nagawa kong lapitan ang mga 'yon. Nang huminto at tumitig sa mga mata ko ang nilalang na humahawak kay Rigor ay doon ko lang nakilala ng pagmumukha nito.
"Jester?" banggit ko sa pangalan nito.
Ngisi lamang ang narinig ko dito, "Ako si Devil Child Rej."
Devil Child Rej? Rej? Je...R.
Lalapitan ko pa sana ito at gustong yakapin pero agad ako itong naglaho kasama ng itim na usok kasama si Rigor. Napaluhod na lamang ako at napatulala na lang sa aking nasilayan. Hindi ako makapaniwala. Nanlalabo ang paningin ko at naramdaman ko na lamang itong dumaloy sa aking pisngi.
"X-xana..."
"Hindi eh... hindi pwedeng si Jester 'yon."
"Ha? Ano Xana?"
Napatingin ako kay Asylum na nanlalabo ang paningin dahil sa luha sa mga mata ko, "Ang kinakalaban nating nilalang ay ang kaibigan kong hinahanap nila Metria."
Nagulat at natulala na lang din si Asylum sa akin at hindi alam ang isasagot sa akin.
Nakaramdam na lang din ako ng yakap sa kanya.
Hindi ko akalain na aabot pala sa ganitong pangyayari ang lahat. Na si Jester pala, na kaibigan ko, ang nilalang na aming makakalaban. Ngayon na siya ang nilalang na gumagambala sa paaralan, hindi ko alam kung paano siya pipigilan.
Pero may naisip akong isang dapat na tapusin.
Ang Dark Lord.
~Metria's POV
Nang tuluyang madatnan namin ang lugar ng Helloverde ay isang karumal-dumal na pangyayari lamanga n gaming nadatnan. Hindi kami makapaniwala na sa tinatanaw-tanaw lamang namin kanina ay 'yon na palang katapusan ng lugar na 'to. Lahat ng nilalang na narito ay wala ng mga buhay at tuluyang naging abo at usok.
Lahat ng madadaanan namin ay mga wala ng buhay.
At umagaw naman sa aming pansin ang isang nilalang doon na sa tingin ko ay ang pinuno nila ay isahang tirahan lamang ng kampon ng Dark Lord. Agad naming sinugod ang mga 'yon at nasapul naman namin at tuluyang nawala.
At hindi nga ako nagkakamali dahil ang pinuno ng 1st Dark Place ang nasa harapan namin na nag-aagaw buhay na, "Mga magigiting na nilalang, iligtas niyo ang Dark World mula sa kamay ng Dark Lord. Kasamaan lamang ang kanyang dala, talunin niyo siya at maging..." at pumikit ang pinuno at naging abo mula sa aking mga kamay.
Tumayo naman kaming tatlo, kung iikutin mo ang paligid ay halos wala ng natira sa paligid ng Helloverde. Lahat ay naubos ng panandalian sa kakagawan ng Dark Lord at ngayon ang katapusan niya. Lahat ng lakas niya, mauubos sa isang sagupaan.
"Frixon at Grano, humanda na kayo. Bababa na tayo ng Impyerno."
"Ito na ang laban na hinihintay ko." Ani Grano.
"Makakapaghiganti na ako sa lugar kong Treimora." Dagdag ni Frixon.
"Hindi magpapatalo ang anak ng Life Taker." Napatingin kami sa babaeng nagsalita at nakita namin si Xana na muling nasa harapan namin at may kasamang babae.
"At ipaglalaban ang lugar kong Aldimoir." Ngisi pa ni Asylum.
Agad kong nilapitan si Xana at niyakap pero nabigla ako sa sinabi niya, "Metria, si Jester ang Devil Child Rej na gumagambala ngayon sa Paaralan." Mas lalo akong nag-init sa mga sinabi ni Xana. "Nandito ako para tapusin ang pagkakaupo ng Dark Lord sa kanyang trono."
"Xana, sama-sama tayo. Lalaban tayo." At humarap ako sa iba naming kasama, "Humanda na kayo, dalawang mundo ang nakasalalay sa labanang ito. Tayo na't tumungo sa Impyerno." Ngisi ko pa.
Now, we will go down to Hell. Fight for our rights and peace. Dark Lord will be vanished. Dark World will be free.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top