Dark World XXIII
Dark World XXIII
~Metria's POV
Nakatuon lamang kami kay Grano kung anong susunod na mangyayari sa kanya ng ipa-inom ko ang Life of Lux na nagmula pa sa Poinsaz. Lahat kami ay nakatingin lamang sa kanya, hinihintay ang kanyang pagkamulat. Hindi siya pwedeng mawala dahil isang kawalan siya sa misyon naming kung gano'n. Si Grano ang unang nilalang na nakilala ko dito sa Dark World at ang tumulong sa misyon ko para hanapin si Jester kaya ngayon hindi ako papayag na mawawala na lang siya ng gano'n kabilis dahil hindi lahat ng mga pangyayari ay winawakasan sa madaling paaran.
Hindi kailangan mawala ni Grano. Kailangan niyang mabuhay.
Pero mukhang mawawalan kami ng pag-asa kung hindi magigising si Grano. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo sa pagkakaluhod ko. Hinarap ko naman ang pinunong kawal ng Duenya at muling napabuntong hininga na lamang.
"Ah, nakikiusap ako na baka pwedeng manatili muna dito si Grano hanggat sa magising siya." Pakikusap ko naman sa pinunong kawal, na nasa harapan ko.
Tumango naman ito sa akin bilang pag-sang ayon sa pakiusap ko at bahgyang ngumiti, "Ayos lang 'yon, kung gugustuhin niyo ay manatili din kayo ng ilang oras o araw pa dito." Aniya.
Pero mabilis naman akong napailing sa tugon niya, "Hindi pwede, pero salamat, may hinahanap kasi kaming kaibigan ko na nawala at nandito siya ngayon sa Dark World, hindi namin alam kung nasaan siya napadpad ngayon kaya nagbabakasakali kami na tumungo siya dito sa lugar niyo... may nakilala ba kayong Jester?"
"Jester?" banggit ni Dindi. "Wala akong kilala gano'n, ikaw ama?" tungo nito sa kanyang ama.
Pero napailing na lang din naman ito sa amin, "Wala akong alam pero may natatandaan akong nilalang na napunta noon dito sa lugar namin, nilalang na puro sugatan at sobrang hina para siyang nawala na ng lakas sa kanyang kata—"
"Teka lang, lahat ng mga binanggit niyong deskripsyon ay kahalintulad sa kaibigan at gaya ng sabi ng ibang napuntahan namin, sugatan at sobrang hina na ng nilalang na iyon. Pinuno, nasaan na siya ngayon?" mabilis kong pagtatanong sa kanya.
Hindi man nilala kilala sa Jester sa pangalan nito pero tama ang hula ko na sa deskripyon na kanyang binigay ay si Jester ang kanyang tinutukoy. Hindi ako nagkakamali dahil noon sa ibang lugar na aming napuntahan ay katulad lamang din ng sinabi niya. Iba na talaga ang narararamdaman ko, malapit na talaga naming makita si Jester. Kung nandito pa man siya sa Dark World ay sana nasa maayos na lagay pa rin siya at hindi napahamak. Isang tao pa rin 'yon kahit anong mangyari, buhay ang magiging kapalit kapag pinatay siya.
"Ano pong ginawa niyo sa kanya?" tanong ni Frixon sa pinuno.
Pero iling na lang muli ang unang tinugon niya, "Wala kaming ginawa sa kanya, kusa siyang tumuloy sa portal patungong pang-apat na lugar." Aniya.
"Saan 'yon?" mabilis kong tanong. Ibigsabihin, wala nga silang ginawa kay Jester, ibigsabihin lamang ay hindi nila sinaktan si Jester at nakakasigurado kami na sa pang-apat na lugar na kami makakakuha ng tamag impormasyon at baka nandoon na ang taong hinahanap namin.
"Sa pinakadulong parte ng Duenya, nandoon ang 4th dark place."
"Tara na!" ani ko.
"Teka lang! Metria!" pinigilan ako ni Yuta kaya napatingin naman ako sa kanya na nakataas ang kilay. "Hindi natin pwedeng iwanan si Grano, ikaw na ang may sabi no'n." napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya at muli napabalik sa kinauupuan ko.
"Oo nga, bata. Matagal na nangayri 'yon, ilang linggo na ang nakalipas at sigurado ako wala na siya muli doon, 'yon ang hindi ko sigurado pero subukan niyo pa rin pero sa ngayon, hintayin muna natin magising ang kaibigan mo."
Tumango na lamang ako sa pinunong kawal. Nagpaalam din naman siyang umalis at naiwan naman kaming tatlo rito kasama si Dindi na nakatingin sa amin, hindi pala, kay Frixon.
"May namumuo sa pagitan ng dalawa." Kantyaw ni Yuta.
"Ha? Ano?" biglang sabi ni Dindi na napaghalataan naman kaagad.
Napangisi na lang din naman ako.
"Ikaw, may pagtingin ka kay Frixon."
"Hoy, Yuta! Ano ba!" sinuntok pa ni Frixon sa balikat si Yuta. At natawa na lamang doon si Yuta sa ginawa niya.
"A-ano ba kayo, wala naman talaga eh." Yumuko siya at napansin namin ang malalim na kanyang pagbubuntong hininga. "Tutol ang ama ko maging ang lider n gaming lugar na makipagsundo sa ibang nilalang sa kabilang lugar dahil isang napakalaking labag iyon sa batas namin dito sa Duenya, kaya huwag niyo nang pagpilitan na may gusto ako sa kanya. Sadyang may attracted side lamang ang kaibigan niyo." Iniangat naman nito ang kanyang ulo kasabay ng masilayan namin ang kanyang napakagandang ngiti at ang maging kanyang matulis na tenga at gumagalaw sa kasiyahang nadarama niya, "Maiiwan ko muna kayo." Saka siya tuluyang lumabas ng pagamutan.
Tuluyan ngang kaming tatlo na lamang ang naiwan dito sa pagamutan kasama ng ibang mga taga-Duenya na nagpapagamot din. Kung magiging epektibo man ang Lux of Life kay Grano ay tiyak na ang matitira ay para sa akin na lamang para sa kinahaharap na sagupaan. Alam kong may mas malaki pang mangyayari na darating na dapat naming abangan at hindi dapat kami magpachill-chill lamang dahil baka hindi namin alam tinitira na pala kami patalikod wala pa kaming alam.
"Asux..." ani Frixon nang tumalon ito sa lapag na kanina lamang ay nakahiga sa dibdib ni Grano. "Bawal ka lumayo sa amo mo." Dagdag pa ni Frixon. Tatayo sana ito para sundan si Asux at pinigilan ko naman siya at ako ang nagprisinta na sumunod kay Asux.
Mabilis na tumakbo papasok sa isang silid si Asux at nang masundan ko naman ito ay nagtungo na lamang ito sa isang sulok. Nabalutan ng dilim sa sulok si Asux kaya kailangan ko pang lumapit sa kanya at nang lumapit ako doon ay bigla akong kinagat nito.
Agad na nagdugo ang daliri ko sa kanyang pagkagat.
"Asux, anong ginagawa mo?" usal ko. Patuloy pa rin sa pagdugo ang daliri kong kanyang kinagat ngunit tinahulan lang din ako at nang lumabas ito sa dilim ay namumula ang kanyang mga mata.
Agad akong napalayo sa kanya.
"A-asux, anong nangyayari sayo?" usal ko pero patuloy pa din ang tahol nito sa akin. Tunay ngang nakakatakot si Asux kapag nasisilayan mo na ang tunay niyang anyo pero alam kong babalik din sa dati si Asux dahil nasa peligro pa ang buhay ni Asux.
"Asux?" napatingin ako sa likod ko ng makita ko si Grano na gising na at nakakalakad na at nang balingan ko naman ng tingin si Asux at agad naman akong dinamba nito. Napahiga ako sa sahig at pilit ko siyang nilalayo sa mukha ko ang mga ngipin nito ay parang gustong mangain. Parang naging ulol ang isang ito.
Agad namang kinuha sa akin ni Grano ang kanyang alaga at naging maamo bigla ang isang ulol na akala mo nakawala sa isang hawla. Biglang nawala ang pamumula ng mga mata ni Asux habang hinahaplos haplos ni Grano ang mga balahibo nito.
"Grano, ano bang nangyayari diyan sa alaga mo?" tanong ko.
Bago niya ako tiningnan ay hinalikan niya pa ang kanyang alaga sa mabalbong balahibo nito. "That was a sign of our death, kapag nangyari kay Asux ang nangyari sa akin posibleng magawa ko rin ang nagawa niya sayo pero ngayon, ayos na ulit ako hindi na mababahala sa kawakasan."
Napatango na lamang ako sa kanya, "Mabuti naman at ayos ka na."
"Oo nga, Grano! Ginamit ni Metria ang Lux of Life niya sayo."
Napataas naman ng kilay si Grano sa akin at tinanguan ko na lamang siya. "Maraming salamat, Metria. Utang ko sayo ang buhay ko." ngiti pa nito.
"Ngayon na ayos na ang lahat, kailangan na natin tumungo sa 4th Dark Place." Ani ko.
"Teka, kakarating lang natin ah?" Kamot pa sa ulo ni Frixon.
"Kailangan, Frixon." Tugon ko na lamang sa kanya.
"Edi kung gano'n, tayo na!" ani Yuta.
Nauna naman akong lumabas ng silid na kaninang pinasukan namin at tumuloy kami palabas ng pagamutan pero sakto naman ng makasalubong muli namin si Dindi kasama ang kanyang ama na may dalang pagkain. Sinuri ko naman ang pagkain dala niya, hindi ko naman maiwari pero mukhang tinapay naman ang mga ito. Tinanggihan kaagad namin ito sa kanyang pag-aalok.
"Aalis na kaagad kayo?" tanong sa amin ng pinunong kawal.
Tumango ako, "Opo, kailangan na namin puntahan ang ika-apat na lugar na 'yon baka sakaling mahanap na namin ang tamang impormasyon kung nasaan na si Jester." Huminto ako at tumingin kay Dindi. "Dindi, maraming salamat sa pagtulong sa amin, kay Frixon at Grano. Hanggang sa muli..." pagpapaalam ko sa kanila.
"Walang anuman, Metria... mag-iingat kayo doon... at ikaw din, Frixon."
Kumaway na kami sa mag-ama at tuluyan na naming tinahak ang daan sa dulong parte ng Duenya kung nasaan naroroon ang portal daan sa panibagong lugar.
"Bilisan niyo!" sigaw ko.
Mas binilisan din nila ang kanilang mga lakad hanggat sa ilang saglit lamang ay narating na namin ang portal na sinasabi ni Dindi. Tiningnan ko naman sila bawat isa at kusa na kaming tumalon isa-isa papasok ng portal.
Pumasok ako ng nakapikit at madilim ng imulat ko ang mga mata ko. Inikot ko ang paningin ko ngunit hindi ko kasama ang tatlo. Ilang saglit lamang ay iniluwa na ako sa 4th Dark Place. Nataranta at inikot ko kaagad ang nasa kapaligiran ko ngunit hindi ko inaasahan ang lugar na kinatatayuan ko. Nasa isang matarog na kakayuhan kami na parang nasa isang maze kami. Mga kahoy ang pumapagitan sa paligid at may daan patungo sa ibang daan. Masikip ang ibang at tumutusok sa akin ang ibang sanga kapag hindi nag-iingat.
Nagkawalay kaming apat. Hindi pwede 'yon.
Sinigaw ko ang pangalan ng tatlo, "Grano! Frixon! Yuta!" pero gumawa lamang ng alingawngaw sa paligid ang ginawa kong pagtawag sa kanilang mga boses. Madilim ang mga ulap sa aming itaas na nagdadala ng panganib sa bawat isa.
Pinili kong lakarin na lang muna ang pasikot-sikot hanggat hindi ko pa nasisigurado kung nasaan na ako, kami.
Pero may narinig akong sumisigaw hindi sa kalayuan, "Metria! Grano! Yuta!" at hindi ako nagkakamali doon, boses iyon ni Frixon.
"Frixon! Nasaan ka?!" pabalik kong sigaw.
"Metria! Nandito ako!" balik nito.
Tinakbo ko na ang daan kung malakas kong naririnig ang boses nito pero natigil ako ng pakiramdam ko na parang may sumusunod sa akin. Nang maramdam ko na ang papalapit sa akin ay binilisan ko na ang takbo ko at gayundin na sumusunod na rin ang kanina ko pang nararamdaman. Nilingon ko ang humahabol sa akin at mga itim na pusa na may nagtatalasang ngipin ang humahabol sa akin at may taas ng limang talampakan.
"Metria!"
Nang marinig ko ang boses ni Frixon ay nagkabungguan na lang kami at natumba sa maruming damo.
"M-metria..." ani Frixon habang tulala na itinuturo ang nasa likuran ko.
"Frixon, kapag sinabi kong takbo, takbo..." tinanguan niya ako. "Isa... dalawa... takbo!" at sabay kaming tumakbo palayo sa mga higante itim na pusang iyon. Pilit pa rin kaming hinahabol sa aming pagtakbo ngunit na-trap kami sa isang kakahuyan dahil ito'y dead end na.
Napaharap kami sa mga humahabol sa amin. Naglalakad na sila palapit sa amin, tatlong naglalakihang itim na pusa na may mapupulang mata, matatalas na ngipin at matutulis na kuko sa darili. Tiyak kamatayan ang abot kapag nilapa ka ng isa sa mga ito.
Pero biglang naglaho ang mag ito ng may marinig kaming isang kahol na may liwanag ang nagpawala sa mga itim na pusa sa harapan namin. At ilang saglit lamang ay lumabas si Grano kasama ang alaga niyang si Asux.
Nagyakapan agad kaming tatlo na masiguro naming ligtas kaming tatlo.
"Paano mo ko nahanap?" tanong ko kay Grano.
At tiningnan lamang niya ang alaga niyang si Asux, "Syempre, mabangis sa pang-aamoy ang alaga ko at nahanap ko at dahil naamoy niya ang mga itim na pusang iyon."
"Pero nasaan si Yuta?"
Agad akong napaisip doon. "Tara na, hanapin na natin 'yon."
At tinakbo namin ang makipot na kakahuyang maze. Nagkasugat sugat naman ang braso ko dahil sa mga sangang tumutusok sa amin. Nang maramdaman namin ang pagod sa paa at katawan namin ay nahinto kami sa paglalakad. Nandito pa rin kami sa delikadong lugar na ito at hindi alam kung paano makakalabas.
"Nasaan na ba tayo, akala ko ba dadalhin tayo sa 4th Dark Place?" taka kong tanong sa kanila.
Hinihingal namang tinapik ni Grano ang balikat ko, "Nandito na nga tayo, Metria. Ang Illuminar.
"Ano? Illu?" kunot noo pa ni Frixon.
"Illuminar. Hindi ko inaaasahan na ganito pala ang lugar na ito bukod sa sabi sabi noon na delikado nga dito, hindi pala talaga sila nagkakamali at napatunayan ko 'yon sa sarili kong mga kamay at paa."
"Ang ibigsabihin, Illuminar? Isa ring mapaglarong lugar?" ulit ko pa.
Tumango siya sa akin, "Posible 'yang iniisip mo, Metria. Nasa maze tayo, ibig sabihin lang noon nagiging laro sa lugar na ito ang kamatayan."
Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Kailangan na nating makalabas dito." Ani Frixon.
"Kailangan muna nating hanapin si Yuta."
Pero ngisi na lang din ni Frixon ang narinig namin ni Grano at tuluyan kaming tumakbo. Isang diretsyong daan naman an gaming natunton at sa dulo ay may daan sa kaliwa at kanan, nang marating naman namin ang dulo ay sag awing kanan ay makikita mo pa lamang ay may patibong na nang nakahanda ngunit sa kaliwang banda naman ay maaliwalas.
"Dito tayo dadaan." Turo ko sa gawing kanan.
"Hindi, dito tayo Metria." Pagtutol ni Frixon.
"Frixon.... Dito tayo." Ulit ko pa.
"Mas mapapadali tayo dito, walang anumang haharang sa atin." Aniya.
"Bahala ka, basta ako dito ako." Saka ako tuluyang naglakad patungo sa kanang gawi.
"Frixon, dito tayo dadaan." Utos sa kanya ni Grano.
"Pambihira, lagi na lang akong kawawa dito." Pagmamakaawa pa niya at nang makasabay na sila sa akin sa paglalakad at sinimula na naming muli ang pagtakbo at nang may bumalandra sa amin mga itak ay napaiwas kami kaagad. "Sabi na eh, hindi dapat tayo dito dumaan."
"Chill ka lang, Frixon. If there's a danger, the end is there." Ngisi ko pa.
Tuloy-tuloy lang kami sa pagtakbo habang pasa,ubong ng pasalubong sa amin ang ibang patibong at nang may tatami na sa aming patibong na hindi kayang maiwasan ay ginamit ko na ang lakas ko at itinaas ang kamay at lumabas sa aking palad ang asul na liwanag nito. At ilang saglit lamang ay may natatanaw na kaming daan palabas ngunit hindi pa rin namin nakakasalubong o nakikita si Yuta.
"Yuta!" sigaw ko sa pangalan nito.
Sa pagkatawag ko nang pangalan niya ay may narinig kaming isang malakas na sigaw at bigla akong nabahala na parang si Yuta ang nasa panganib. Natahimik panandalian at ilang saglit ay may nagliliparang mga itim na uwak sa aming itaas at libo-libo ang mga ito, rinig na rinig mula sa amin ang pagaspas ng kanilang mga pakpak at sa sa huling banda ay nakita namin si Yuta bitbit ng ilang uwak. Sinundan lamang namin ng tingin 'yon. Duguan si Yuta, walang malay at buhay. Wala na si Yuta. Nang makalayo sa amin ay pinagkumpulan ng ilang uwak at wala pang ilang segundo natira na lamang ang damit na nalaglag na sa lupa.
"Mukhang wala na tayong hihintayin pa." tugon ni Grano.
"Tara na!" sigaw ko at tuluyan na kaming lumabas ng maze na ito. Dahan dahan na nagsara ang mga kahoy nito mula sa malaking pagkakabukas nito at parang sinasabi na kapag narating mo na ang dulo wala ka nang pag-asa na balikan pa kung nasaan ka.
Lumapit naman ako sa damit na natira na lamang kay Yuta at hindi ko mapigilan na mainis na lamang.
"Metria..." napatingin ako kay Grano at itinuro niya ang mga nasa harapan namin at nang balingan ko naman ng tingin 'yon ay nakita ko ang mga nilalang na parang kawawa dahil sa kanilang mga damit pero ang kanilang mga tingin kulang na lang ay patayin ka na.
Napatayo naman ako at binitawan ang damit ni Yuta. Lumapit din naman sa akin si Frixon at Grano.
"Sino kayo?!" at agad silang pumorma na parang susugod sa amin.
Napaatras naman kami kaagad sa pag-alsa nila. "Hindi kami kalaban, kami dapat ang magtanong, anong nangyayari dito?"
"Nasa lugar kayo ng Illuminar at walang isa sa inyo ang dapat mabuhay." Banta ng isang lalaki na kasing porma ng tao postura ngunit lahat sila ay may mapupulang sungay at buntot ng diablo.
"Saglit lang, paumanhin niyo muna, hindi namin intensyon ang manira sa lugar niyo o kung ano man, hindi rin kami kampon ng Dark Lord kung sa iniisip niyo, mga estranghero kami na napadpad sa lugar niyo dahil hinahanap namin ang kaibigan naming si Jester." Sa mahinahong pagsasalita ko ay unti-unti nilang binaba ang kanilang mga armas at kamay.
Napatingin naman ako kay Frixon at Grano at pati sil ay kinakabahan sa nangyayari.
"Kung dito niyo hinahanap ay wala ang kaibigan niyo, walang Jester dito. Dahil lahat ng nilalang na naninirahan dito ay winakasan ng ng Dark Lord. Makakaalis na kayo kung ayaw niyong wakasan namin kayo."
"Sige, kung gano'n, nasaan ang portal patungong 3rd Dark Place?"
At sabay sabay nilang itinuro ang isang tore doon at nakita namin ang umiilaw na portal patungo doon.
"Umalis na kayo, bibilang ako ng sampung segundo... isa!"
"Frixon, Grano! Tara na!"
At tuluyan kaming tumakbo papunta sa toreng tinuturo nila, pinagitan pa nila kami ng daan at tuluyan kaming napunta sa tore. Paikot ikot ang daan at nang nasa harapan na namin ang portal ay narinig namin ang huling bilang ng isang lalaking nilalang na 'yon.
"Isa!" muli silang humanda.
Para hindi na kami maghiwa-hiwalay ay hinawakan ko na ang kamay nila Grano at Frixon at tuluyan kaming pumasok sa portal.
Mabilis ang mga pangyayari. Nawala si Yuta sa panandaliang lagay na 'yon at ngayon na tatlo na lamang kaming gagawin ang misyon na ito, iaalay ko rin ang misyon na it okay Yuta at sa lugar nitong sinaksihan. Malapit na rin namin makaharap ang Dark Lord. Tahimik siya ngayon, malamang naghahanda sa isang sagupaan. Kailan kaya matitikman ng Dark Lord ang hagpis ng isang Metria Xaxon.
"Woah!" at tuluyan kaming niluwa ng portal sa 2nd Dark Place.
"Sh*t! Anong nangyari dito?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top