Dark World XX
Dark World XX
~Metria's POV
Nagpatuloy lang kaming tatlo sa paglalakad dito sa Santoperipico. Madilim ngunit mukhang hindi naman mapanganib ang mga tao dito na susugurin ka na lang ng basta pero sa ngayon kailangan namin masigurado na makikita na namin si Jester dahil sa dami na naming pinuntahan na lugar ay puro impormasyon na lamang an gaming nakakalap at kapag natutuon naman kami sa lugar na 'yon ay wala naman kaming madadatnan.
Maiihango nga ang pangalan ni Jester sa isang clown o sa isang mapaglarong tao, para niya kaming pinaglalaruan sa isang bagay na wala kaming alam. Kusa siyang kumikilos hanggat sa hindi namin nakukuha ang kanyang pinupunto pero malalaman din namin sa mga susunod na paglalakbay ang totoong hangarin ng katauhan ni Jester. Sa pangalan pa lang, mapapagtanto mo pa lang na mapaglaro at maingat ang isang 'to.
Habang naglilibot kami ay nadaanan namin ang ilang kabahayan na ang mga ilaw sa loob ay kulay pula. Pero may biglang humablot sa akin at nakita ko ang isang nilalang na nasa harapan ko na naka belo at hindi ko makilala kung sino ba ito.
"Bakit kayo nasa labas ng mga bahay niyo..." aniya. Boses ng babae ang nagsalita, ang ibigsabihin lamang ay babae itong humablot sa akin. Pansin ko rin sa kanyang mga mata ang matatalas na tingin at parang pusa na mga mata. "Hindi kayo nag-iingat." Matigas nitong sabi ngunit mahina't pabulong lamang.
Nataranta naman ako at tiningnan ko ang dalawa kong kasama at kahit silang dalawa ay walang maitugon dahil hindi naman nila nasisilayan kung anong nakikita ko ngayon.
"At kayo!" binaling naman nito ang dalawa kong kasama na si Frixon at Grano. Walang kaalam-alam ang dalawa sa nangyayari. Napapabalik-balik lang ang tingin ko sa dalawa at hindi alam ang gagawin. "Wala kayong suot na beloran."
Beloran pala ang tawag sa suot namin ngayon. Itim na belo.
Napakibit balikat lamang si Frixon sa akin. Wala siyang kaalam-alam.
"Ano bang nangyayari?" kamot pa sa batok ni Frixon.
Mayamaya lamang ay dahan dahan na inilipat ng nilalang na nasa harap ko ang kanyang kamay sa ulo ni Frixon at Grano at ilang saglit lamang ay parang nakakita ng isang demonyo si Frixon ng makita niya mismo sa harap niya ang nilalang na humila sa amin.
"Sino ba kayo!" agad itong purmorma na kakalabanin kami at maging ako ay humanda. "Anong ginagawa niyo sa Santoperipico, kampon ba kayo ng Dark Lord?!"
"Hindi." Ako na ang sumagot sa tanong niya. Sa akin naman siya humarap na nakataas pa rin ang mga kamay at nanlilisik ang mga mata. "Hindi kami kampon ng Dark Lord. Naparito kami sa lugar ng Santoperipico upang hanapin namin ang kaibigan kong si Jester."
"Anong sabi mo?" pag-uulit pa nito sa akin.
"Hinahanap namin si Jester." Sagot naman ni Frixon.
"Jester?" ulit pa nito.
"Ay, kailangan ba ulit-ulitin ang huling salita?" usal naman ni Grano na matawa-tawa.
"Kaibigan niyo si Jester?" tanong pa nito habang unti-unting bumababa ang kanyang kamay at lumalapit sa akin, nawala sa kanyang mga mata ang panlilisik na 'yon at naging mapanuri ang matang 'yon. "Hindi maaari." Aniya na parang hindi makapaniwala.
"Bakit? Anong alam mo kay Jester?"
Napayuko naman siya sa tanong ko at bumuntong hininga bago sagutin ang katanungan ko, "Humingi siya sa akin ng tulong para bumalik sa kinaroroonan niya pero masyadong mabigat ang hinihinilang niya, ang bumalik sa mundo ng mga tao." Iniangat niya ang ulo niya at napansin ko sa gilid ng kanyang mga mata ay lingid ito ng mga luha. "Hindi ko kayang gawin kung paano gagawin ang gusto niya, wala akong nagawa kundi napabayaan ko na lang hanggat sa isang araw... nawala na siya sa paningin ko." umiling naman ito at tumalikod sa akin.
"Bakit hindi mo kaya?" karagdagang tanong ko pa sa kanya
"Wala akong alam kung paano gagawin 'yon, muntik ko na nga rin siyang patayin dahil isa siyang tao. Hindi ko pinagsabi kung ano at sino siya dahil ayokong masaktan siya kung nasaan man siya ngayon." Nagsimula itong maglakad palayo sa amin. "Maiwan ko na kayo..."
"Saglit lang!" pagpigil ko pa sa kanya.
"Kung maaari lamang, pwede ka bang makausap tungkol pa kay Jester?"
Dahan dahan naman niyang ipiniling ang ulo sa kanyang kaliwa at tumango siya, "sumunod kayo sa akin..."
Tinanguan ko rin naman ang dalawa kong kasama at sumunod sa mga ginawang yapak ng nilalang na nakakilala kay Jester. Ilang lakaran pa ang ginawa, gayong sina Grano at Frixon ay tuluyan ng nakikita ang kadiliman ng Santoperipico ay nakayuko lamang sila upang hindi makilanlan ng mga nilalang na narito.
Napansin ko rin namang huminto itong nilalang na aming sinusundan sa isang bahay at tuloy tuloy naman itong pumasok sa bahay na walang pinto, bintana o kung ano mang butas pero masisilayan mo pa rin ang mga pulang ilaw na tumatawid sa butas ng bubong.
"Pasok na tayo..." yaya ni Grano. Tumango rin naman ako at si Frixon. Nauna akong pumasok kasunod si Frixon at Grano at alaga nitong si Asux. Tunay nga dilim lamang ang makikita mo sa kapaligiran ng bahay na ito, wala ni isang kagamitan kang makikita. Niluwa ng madilim na parte ng bahay ang isang babae na walang belo sa kanyang ulo, maputi ang mga balat at walang ilong ang mga ito, mga tengang kasinghugis ng dwende at mala-pusang mata.
"Ako nga pala si Anatea, nandito kayo sa Santoperico na tinatawag ding Lugar ng Kadiliman na obvious naman, hindi man ito ang totoong kadiliman dahil 'yon ang pinamumunuan ng Dark Lord subalit may kadiliman ding panganib ang lugar na 'to kung hindi mag-iingat, kaya ang lahat ng nilalang na narito ay may beloran..." ipinakita niya ang hawak niyang beloran na kanina ay suot-suot niya, "Ito ang nagiging tanda na kasapi ka sa Santoperipico at kapag wala kang beloran, isa lamang ang konklusyon na papasok sa amin isipan, isa kang kampon ng Dark Lord." Pagpapaliwanag niya.
"Kung gano'n, paano mo napagkatiwalaan si Jester?" pagtatanong ko pa sa kanya.
"Dahil sinusuri ko muna ang bawat isa, si Jester, hindi ko kaaagad siyang nakilala na isang kampon ng Dark Lord dahil sa sobrang hina niya, natagpuan ko siyang tulog sa gilid ng isang eskinita at nang magsalita siya, "tulong" ang unang salitang binanggit niya." Aniya.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong ni Grano.
Hinarap naman ni Anatea si Grano, "Ginamot ko ang mga sugat niya, sobrang lubha ang mga 'yon, sinubukan ko pang tulungan pero ang hiniling niya ay ang makabalik siya sa mundo ng mga tao. Mahirap dahil mahirap na ang makapasok sa mundo ng mga tao dahil sa naging sarado na ang lagusan ng mga nilalang ng Dark World ng anak ng Life Taker kaya ngayon, sobra akong nababahal kung nasaan na si Jester."
"Kung hindi mo siya natulungan, saan siya nagbalak na nagpunta?" dagdag na tanong ko pa.
Nagkibit balikat pa sa akin si Anatea, "Hindi ko na alam kung nasaan an siya ngayon, matagal na 'yon. Sobrang tagal na nang lumisan siya sa lugar na ito pero bakit ngayon, hindi niyo pa rin ba siya nakikita o nahahanap?"
"Pupunta ba kami sa lugar na 'to kung nahanap na namin si Jester, hindi diba?" ani Frixon na tila naaasar dahil sa dami pa ng gustong sabihin ni Anatea ngunit wala namang impormasyon na maitutulong sa paghahanap kay Jester. Nagpunta nga si Jester sa lugar na ito subalit umalis na naman siya.
"Pasensya na, wala na talaga akong alam kung nasaan siya ngayon." Aniya.
Ilang saglit lamang ay nakarinig kami ng malakas na kalembang ang aming narinig. Napatakip kaming tatlo n gaming mga tenga ngunit si Anatea ay nakatingin lamang sa amin. Pilit na pumapasok sa aming tenga ang malalakas na banayog ng kalembang na iyon, at nang ilang segundo lamang ay huminto na rin ang isang 'yon.
"Ano ba 'yon!" iritadong sabi ni Frixon.
"'Yon ang oras ng kadiliman, bawal lumabas ng walang beloran kundi kamatayan ang iyong pang-abot, bawal gumala dahil isang labag sa batas ng Santoperipico 'yon at ang huli, maglalaho ang lahat ng makikita mo."
"T-teka..." ani ko nang unti-unting nawawala sa paningin ko si Anatea.
"Sh*t! Ano nang gagawin natin?" tanong ni Grano.
"Hindi ko alam, maghintay muna tayo ng sandali."
"Pambihira." Ngisi pa ni Frixon.
"Metria..." may narinig akong boses sa paligid ko, "Ako ito si Anatea. Oras ng deadly hour sa Santoperipico at kung magpapalipas kayo ng walong oras dito ay babalik sa dati ang lahat. Makakalabas kayo ng bahay na ito na wala sa peligro ang buhay."
"Sige, mananatili kami rito."
Narinig ko namang bumuntong hininga si Frixon.
"Teka lang, papaano nga pala si Yuta? Kung ano nang mangyari doon." Naalala ko bigla si Yuta na hindi ko alam kung nasaan na ngayon. Hindi rin naman kami makakalabas dahil 'yon ang bilin ni Anatea at ang kitaan namin ay sa pulang ilaw na poste."
"Hayaan mo na lang siya doon." Ani Grano.
"Hindi pwede, kahit anong mangyari Grano, kakampi pa rin natin si Yuta. Kailangan nating hanapin 'yon at baka kung anong mangyari sa kanya."
"Hindi ba mas makakabuti kung manatili na lang muna kayo dito." Sabi pa ni Anatea.
Hindi mo siya nakikita ay nilibot ko na lang ang paningin ko, "Hindi pwede Anatea, kailangan namin siyang hanapin. Bigyan mo na lamang si Frixon at Grano ng beloran at tuluyan kaming makalabas ng Santoperipico."
"Kung 'yon ang gusto niyo, binalalaan ko na kayo, Metria."
Mayamaya lamang ay may lumitaw sa harapan ko na mga beloran at binigay 'yon kay Frixon at Grano.
"Salamat Anatea sa mga impormasyong ibinahagi mo, hanggang sa muli."
"Mag-iingat kayo, deadly hour was same as the power of dark creations."
Napangisi na lamang ako.
"Grano, Frixon... humanda na kayo." At tuluyan kaming naglakad sa kadiliman. Kailangan namin matanaw ang pulang ilaw na poste.
~Xana's POV
Maingay pa rin ang paligid ng paaralan at sinubukan na rin naming maghiwalay na tatlo para hanapin kung saan nagmumula ang mga ingay na 'yon. Habang tinatahal ko ang main building na kusang palakas ng palakas ang tinig ng mga boses na 'yon ay nagsimula na rin akong kabahan at binilisan ang mga lakad ko. Sinisilip ko ang bawat silid ngunit mga sarado naman ito.
Nagkagulatan pa kaming tatlo na magkasalubong.
"Nakita niyo?" agad na tanong ni Rigor.
Umiling ako gayundin si Asylum, "Saan naman kaya nagmumula iyon?" tanong ko.
"Hindi ka—" natigil sa pagsasalita si Asylum ng umalingawngaw sa aming paligid ang matinis na sigaw na iyon at nang iikot ko ang ulo ko mula sa pinanggagalingang sigaw na 'yon ay isang malakad na balandra ng hangin ang bumungad sa amin. Napaatras pa ako gawa ng sobrang lakad na 'yon. Naalalaya naman ako ni Rigor sa balikat ko.
"Ayos ka lang?" tanong nito sa akin.
Tango na lang din naman ang natugon ko sa kanya.
Umayos din naman ako ng pagkakatayo ko ay tatlo kaming tumakbo patungo doon sa harap ng gate nan gaming paaralan at nagulat kami ng makita namin ang mga estudyante na nag-iiyak at nagpupumilit na pumasok sa loob ng gate na iyon. Ang iba ay duguan at ang mga kamay ay ine-extend na humihingi ng tulong. Wala kaming magawa kundi panoorin sila sa nangyayari. Wala kaming alam kung anong dahilan pero nababalot ng sobrang ingay at iyakan ang paligid.
Ang ingay pala na narinig namin ay dito pala galing 'yon.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" ani Asylum.
"Hindi 'ko alam..." ang naitugon ko na lamang.
"Tara, tulungan natin sila!" agad namang tumakbo si Rigor para tulungan ang ibang estudyante na sugatan at duguan na. Nagkakaroon ng kademonyohan sa paligid. At nang palapit na kami ay nabuksan na ni Rigor ang gate at unti unti lamang na pumasok ang mga estudyante na akala mo ay may stampede na mangyayari, ang iba'y nadaganan sa siksikan.
Tinanaw ko lang ang dalawa kong kasama at tatlo kaming tulala sa pangyayari.
Sa bawat araw na nangyayari, hindi maiiwasan na palala na ng palala ang nangyayari dito sa paaralan at nang isa isa namang nagsipasukan ang mga estudyante sa paaralan ay kusang sumarado ang gate ng mag-isa.
Kinakabahan na naman ako.
"Kailangan na ba natin ng tulong ng Dark World?" ani Asylum.
"Hindi pa sa ngayon." Sagot ni Rigot.
Wala akong alam diyan. Titigil din 'to. Alam ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top