Dark World XVIII

Dark World XVIII

~Metria's POV

Napatungo na lamang ako sa tanong ni Retura sa akin maging sina Frixon, Grano at Yuta ay pinabayaan na sa akin ang magiging kahilingan sa pagpapasalamat ni Retura sa akin.

            "Dalhin mo kami sa kulungan niyo dito, kung maaari lamang Retura 'yon na din ang magiging daan para mapasalamatan mo ako." Sagot ko naman sa kanya.

            Tumayo naman siya at tinanguan ako, "Sumunod kayo sa akin."

            "Tara! Tara!" pinasunod ko rin naman sina Frixon, Grano at Yuta.

            Sinundan na rin naman namin si Retura at lumabas kami ng punong pagamutan. Nang pansinin ko muli ang kapaligiran ay hindi ko maiwari kung paano nagagawa ng ganoon kadali ng Dark Lord ang sirain ng walang kahirap-hirap ang isang teritoryo. Kung sa aming lugar niya ito gagawin niya ako ang kakaharapin niya dahil doon niya makikita kung paano gumanti ang isang Xaxon.

            Napapansin na rin namin ang ibang Imflorers na nag-aayos na naglilinis na nang mga nasirang mga punong kabahayan at ilang kanilang mga patibong ay nasira na rin dahil sa paglusob ng mga kampon ng Dark Lord. Hindi ko man nagawang ibigay ang lahat ng lakas ko para tulungan dahil hindi ko talaga kaya dahil mas malakas ang kadiliman pero ginawa ko naman ang lahat pero sa kasamaang palad ay kapalit noon ang kanilang magaling na pinuno.

            Ilang saglit lamang ng aming paglalakad ay narating namin ang isang kubo na natatabunan mga patibong at mga patusok na kahoy. Isa isang inalis ni Retura ang mga patibong na aming madadaan at tuluyan kaming nakapasok sa loob. Kung susuriin na may kaliitan lamang ang loob pero nang pumasok na kami ng tuluyan sa loob ay namangha na lamang ako sa laki nito dahil nagkasya ang ilang mga bandido na nagtangkang sirain ang Imflora.

            "Metria, sino diyan ang hinahanap niyo?" tanong ni Retura sa akin.

            Hinagilap naman ng mata ko si Jester, inaalala korte ng mukha at hitsura. Dati ay may nakuha ako mula kay Xana na kagamitan ni Jester na daan para malaman ko kung sino sa kanila si Jester dahil sa amoy pa lamang nito ay malalaman ko na kung sino pero kung sa mata pa lamang kung susuriin ay mukhang malabo dahil mga taga Dark World ang nakikita ko kasi dahil si Jester ay normal na tao lamang.

            "Saglit lang..." umabanta ako at iniiisa-isa ko ng tingin ang mga bandido sa paligid. Lahat sila ay matatalim ang mga tingin sa akin dahil alam nilang malakas ako kumpara sa kanila. "Jester! Kung nandito ka man, lumabas ka na."

            Pero para akong naging tanga ng magsalita at banggitin ang pangalan ni Jester at kasunod na lamang noon ay ang mga tawanan ng mga nilalang na kasama namin ngayon sa loob.

            "Metria! Baka wala naman dito si Jester!" sigaw ni Grano at kasabay nito ang pagtahol ni Asux.

            "Hindi!" natigil naman ako at narating ko ang dulong parte ng kulungang ito at may isang nilalang ang nakatalikod at hindi ko maiwari kung si Jester ba 'yon dahil nakatalikod ito at kahugis ng katawan. "Saglit lang..." sigaw ko pabalik sa kanila.

            Dahan dahan naman akong naglakad sa sulok, napapansin ko ang paghikbi ng isang 'to at nang dahan dahan kong ilapit ang kamay ko sa balikat niya at natigil din ako, naiatras ko ang kamay ko subalit itinuloy ko pa rin at nang nailagay ko na ang kamay ko, "Jester!" banggit ko sa pangalan nito.

            Nanlaki ang mga mata ko nang biglang humarap sa akin ang nilalang na ito. Agad akong dinamba nito sa dibdib ko kaya natumba na lang din ako. Nangingiliati ito sa akin habang ang mga matatalas na ngipin ay gustong kagatin ang braso ko na iniilag ko sa kanya para malayo siya sa akin.

            Nagkaroon ng ilang sigawan sa paligid at doon ko na lamang napansin ang ibang mga nilalang na susugurin na ako. Agad agad ko namang kinuha sa bulsa ko ang pulang punyal ko at agad kong itinaas ito. Natigil ang dumadamba sa akin at napatingin sa hawak ko pero ilang beses kong hinintay na magliwanag ang pulang punyal ko pero hindi nangyari.

            "Arggh!" bakit ngayon ka pa hindi gumana!

            Muli na naman natuon sa akin ang atensyon ng nilalang na nasa harapan ko at pilit pa rin akong inaabot at gustong tusukin ng kanyang matatalim na ngipin ang aking balat at katawan pero ilang saglit lamang ay napatalsik ang nilalang na iyon at napunta sa dingding na may pana sa kanyang dibdib.

            Mabilis naman akong napatingin kung saan nanggaling ang panang iyon at nanggagaling anman iyon kay Retura na kanilang armas dito sa Imflora. Napansin ko rin ang ibang nilalang namistulang susugod sa akin kanina ay nakahalumpasay na sa sahig at ang iba naman ay duguan.

            "Ano, Metria?" ani Retura at inilalayan niya naman akong makatayo. Pinagpagan ko naman ang sarili ko.

            "Akin na nga 'yan." Inagaw ko kay Retura ang pana na kanyang hawak hawak at inasinta ang nilalang na dumamba sa akin. Dire-diretsyo naman itong tumama sa kanyang nakabukang bibiga at saktong sa lalamunan niyang tumama. Binalik ko rin naman kay Retura ang kanyang pana. "Mukhang wala dito sa Imflora ang taong hinahanap ko." usal ko.

            "Kung ganoon, saan niyo na balak hanapin ang kaibigan mo?" tanong naman ni Retura sa akin.

            "Sa 6th Dark Place."

            "Ang Santoperipico." Usal naman ni Retura.

            "Metria, lahat ba ng darkp place ay kailangan nating puntahan? Hindi pa pwedeng diretsyo na kaagd tayo sa Dark Lord? Pinapahirapan mo lang sarili mo." Singit ni Yuta.

            "Yuta, pagpaumanhin mo, ang misyong ito ay misyon ni Metria na hanapin ang kaibigan niya. Kaming dalawa ni Frixon ay sumama lamang kay Metria upang tulungan siya at may kasunduan naman kami..."

            Ipinagpatuloy naman ni Frixon ang pagsasalita ni Grano, "Na kapag nahanap namin ang kaibigan niya ay siya namang tutulong sa amin na gantihan ang Dark Lord. Kaya ngayon, Yuta. Alam mo na kung anong misyon ang sinamahan mo."

            Napangisi na lang din ako sa sinabi ni Frixon. Tama naman talaga si Frixon, dahil ang mukhang intension lamang ni Grano kaya siya sumama dito sa misyong ito dahil sa kaukulang paghihiganti niya sa Dark Lord pero ang totoo ay nabuo ang misyong ito para sa paghahanap ng kaibigan ko syempre bilang utang na loob, doon ko na gagawin ang hiling nila.

            "Okay, hindi na ako aangal." Aniya na hindi na muling sasabat sa kung anong magiging pakay namin sa misyong ito. "Kung ganoon, paano tayo mapupunta sa Santoperipico?" nakangisi pa niyang tanong sa akin.

            "Akong bahala!" pagprisinta naman ni Retura sa amin. "Sumunod na kayo sa akin." At agad namang tumalikod si Retura at naglakad na. Sinundan ko rin naman siya at nang makalabas na kami ng kulungang iyon ay ibinalik ni Retura ang mga patibong na nakalatag doon.

            At napangiti na lang din ako ng balikan ko ng tingin ang kapaligiran ng Imflora ay nagiging maayos na ang paligid na parang walang nangyari at maayos na ang lahat pero hindi na maalis sa kanilang isipan ang ginawa ng Dark Lord sa kanilang lugar. Nang balingan ko naman ang mga kasama ko ay nauuna na sila sa akin at naiwan na ako.

            Tumakbo naman ako palapit sa kanila at inakbayan lang ako ni Frixon.

            "Ayos ba?" nakangiti pang tanong nito sa akin.

            "Maayos kung makikita na natin si Jester."

            "Alam mo, magaling magtago 'yang kaibigan mo. Hindi agad natin nakikita." Tawa pa nito. Natauhan naman ako sa sinabi ni Frixon sa akin, "Oh, ano na namang iniisip mo?" taka nitong tanong sa akin.

            "Hindi kaya..." sabi ko habang malalim ang iniisip. "Di bale na, baka nag-iisip lang ako masyado."

            "Naku, naku Metria..." tawa pa niya.

            Ilang saglit lamang ay may hinandang pana si Retura na kakaiba ang hugis at nag-iilaw ang pinakadulo nito, "Humanda kayo, may limang segundo lamang kayo para makapasok sa portal na magtutungo sa Santoperipico kaya bilisan niyo ang pagtakbo... sa bilang kong isa... dalawa... tatlo!" agad binitawan ni Retura ang kanyang pana at isang force field ang bumungad at nagkaroon ng portal, "Bilisan niyo! Bilisan! Mag-iingat kayo doon!"

            Napatango naman ako kay Retura at sa huling segundo ay umabot kami sa portal.

            Habang nilalamon kami ng portal patungong Santoperipico ay hindi mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Frixon na magaling magtago si Jester. O kaya, ang dahilan kung bakit hindi namin makita si Jester ay siya ang tinago? Tss. Kailangan na naming magmasid sa paligid.

           

~Xana's POV

Hindi pa rin ako naging komportable kay Rigor dahil pansin ko lagi sa kanya na lagi niya akong tinitingnan kaya kapag magtatama ang mga mata namin ay natatakot akong tingnan siya dahil siya pa mismo ang may mukhang balak sa akin. Kung mapagsususpetsahan ko lang na baka siya ang nilalang na nanggagambala dito sa paaralan.

            "Rigor, Xana!" saway ni Asylum nang mapansin niyang nagkatitigan kaming dalawa. "Ano ba kayo! Hindi tayo naparito para kayong dalawa ang magkasagupaan, nandito tayong tatlo para hanapin ang kasagutan at makilanlan ang nilalang na naninira ng kapayaan."

            Ngisi na lang din naman ang tinugon ni Rigor at nagpakalayo-layo sa amin.

            Lumapit naman si Asylum sa akin at may binulong, "Hayaan mo, Xana... 'wag mo na lamang siyang pansinin."

            Tinanguan ko na lang din naman siya at tinungo namin ni Asylum ang mga silid ng paaralan na walang ilaw, tahimik at akala mo walang naninirahan na nilalang na maaring wakasan ang ilang buhay ng mga estudyante.

            Dati rati lamang ay kung may takot at kaba kang nadarama sa iyong sarili ay dapat pangambahan ka na dahil walang pinipili ang mga nilalang na 'yon na baiwan ka ng buhay pero sa kondiyon ngayon ay iba ang pinapakita. Kung sino man makita at kung anong gustong mangyari, gagawin niya.

            Ilang saglit lamang ng katahimikan ay nakarinig kami ni Asylum ng pagkagulo ng mga silya sa kabilang kwarto. Agad naman naming pinuntahan kung saan nanggagaling 'yon at nagulat na lamang kami ng madatnan ang mga kawawang tao na kanyang binuwisan ng buhay.

            Ang school guard, ang janitor at may ilang estudyante na nakahalatay at walang buhay.

            "Mas lalala ata ang mangyayari kung hindi na natin mapipigilan ang nilalang na 'yon. Nagpapahiwatig na siya na may isusunod na siyang papatayin."

            Napahugot na lamang ako ng malaim na hininga sa sinabi ni Asylum. Kung patuloy lang talagang mangyayari 'to, posibleng maubos ang estudyante dito at tawagin muling Impyernong Paaralan na noo'y nawala na sa mga isipan ng mga estudyante.

            "Anong nangyari dito?" nabigla kami sa pagdating ni Rigor. Nakatuon lamang kami sa kanya at ng siya na mismo ang tumingin sa aming nasilayan ay napamura na lang siya sa nakita niya. Pumasok siya sa loob ng silid at maging kaming dalawa ni Asylum ay sumunod pero nagulat kami ng bigla na lamang itong sumara.

            Pinilit kong ipihit na buksan ang seradura ngunit sarado na ito, "Na-lock tayo."

            "Patay..." ani Asylum.

            "Mag-ingat kayo, nandito lang siya sa paligid."

            Kinakabahan na naman ako. Pinapakiramdaman ko naman ang paligid ko at nang may marinig kaming kaluskos ay na lang namin si Rigor na nakasandal sa blackboard na animo'y may aninong sumasakal sa kanya sa leeg.

            "Anino... lalaki..."

            "Xana... Xana..." usal ni Rigor.

            Wala naman akong nagawa dahil hindi ko alam ang gagawin ko at nang tumama sa akin ang mata ng nilalang na iyon ay nawala na lang ito bigla na parang hinipan ng hangin at kasabay noon ang pagbukas ng pinto.

            Naubo si Rigor sa nangyari, "Malakas siya... malakas..." aniya.

            Nabahala naman ako sa nakita ko, bakit lalaking nilalang ang nakita ko kanina o sadyang mapaglaro lang ang nilalang na 'yon at kahit sino pinaglalaruan. Pag-iingat ang labis na kailangan, hindi natin alam kung anong dalang kalagiman ng nilalang na 'yon.           

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top