Dark World XVII
Dark World XVII
Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng punong pagamutan ay bumungad na sa amin ang kampon ng Dark Lord at ang mga punong kabahayan ay nasusunog na. Pero sa bawat pagpatay ng ibang alagad sa mga kalaban ay kusang dumadagdag ang mga kalaban. Ano bang nangyari at kung saan kami magpunta ay hindi na kami nilalayuan ng mga kalaban at pilit kaming pinipigilan sa kung anong gagawin namin. Kung may hangarin ang Dark Lord na pigilan kami sa gusto namin, pwes nagkakamali siya dahil simula pa lamang ngayon ng matinding sagupaan ng panig ng bawat kadiliman.
"Grano, Frixon at Yuta gawin niyo ang makakakaya niyo. Kailangan nating pigilan ang pagkasira ng Imflora."
Agad naman nila akong tinanguan at isa isa na kaming naghiwalay ng pupuntahan. Sumama naman ako kay Retura at sa bawat na may susugod sa amin ay sinusugod din namin at kaagad din naman itong mga naglalaho na umuusok na nag-aapoy at tuluyang naging abo.
"Paano sila nakapasok dito?" tanong ko kay Retura habang iniiwasan ang mga nagliliparang bolang apoy sa paligid.
"Sinira nila ang portal kaya nakapasok sila dito sa Imflora... Metria! Ilag!" nabigla naman ako sa pagkasigaw ni Retura at nang hindi ko naman mapansin ay dinaganan niya ako at nagpagulong-gulong kami maduming lupa. Tinapik naman ako ni Retura sa balikat ko at mabilis naman akong tumayo mula sa pagkakadagan niya rin sa akin.
"Salamat doon, Retura." Ani ko habang pinapagpagan ang damit ko.
Napangisi naman sa akin si Retura, "Sige na, kailangan na natin maghiwalay." Tumango rin naman ako kay Retura at tumakbo na ako sa panig nang bandang maraming kalaban ang sumusugod. Dahil hindi na rin ako nakatiis ay ako na ang sumugod sa mga kalaban, habang patakbo ako sa kanila ay pinapatamaan nila ako ng bolang apoy at pilit kong iniiwasan, kaliwana't kanan. At nang makalapit na ako ay inilagay ko ang kamay ko sa kanyang mukha at doon unti-unting nasusunog ang kanyang mukha at tuluyan naman itong naglaho na parang abo.
Gaya ng iba ay patuloy na sumusugod sa akin, nakikita ko rin ang iba kong kasamahan na nahihirapan na rin dahil sa padami ng padami ang lumulusob sa amin. Mas naging mahirap sa akin ang pakikipaglaban ng pati mismo ang mga Beetoa ay lumulusob na rin. Wala akong nagawa kundi ilabas ang pulang punyal ko at ilang saglit lamang ay nagkaroon ng malawakang ilaw at tumakbo na lamang ako upang makalayo sa mga kalaban.
Dahil nababalutan pa rin ng liwanag ang paligid ay napunta ako sa direksyon ng punong pinuno at hindi na rin naman ako nag-alinlangan pang hindi pumasok sa loob dahil kahit ang mga alagad ay sumusugod na rin sa mga kalaban. Nang makapasok ako sa loob ay isang malaking paitaas na kabahayan ang naririto ngayon pero ang umagaw sa pansin ko ay ang isang palapag na lumulutang. Naghanap naman kaagad ako ng pwedeng madaanan patungo doon ay nang makita ko ang isang kahoy na hagdan na paikot na nakadikit sa dingding ng puno.
Hindi na naman ako nag-hintay pa ng oras kaya tinungo ko na kaagad ang hagdan. Wala pa man din ako sa pinaka hagdan ay tinalon ko na ang medyo may katas para lamang mapadali ang pagpunta ko doon. Nandito ako ngayon sa punong bahay ng pinuno ng Imflora na si Florandale pero bakit hanggang ngayon, wala pa rin siyang ginagawa na sa kasalukuyang nilulusob ang kanyang teritoryo.
Naging ilang ikot pa ang nangyari sa akin bago ako makarating sa pinakaitaas. Sobrang lapad ng punong ito at nasa isang daan taas ang kataasan. Ilang minuto ang nakalipas ng marating ko rin ang pinakataas na palapag. Ramdam na ramdam ko ang pagkahingal ko at bilis ng tibok ng dibdib ko. Nang tanawin ko ang labas at nakita ko ang umuusok na kapaligiran at nag-aapoy. Nakita ko sina Grano, Yuta at Frixon na nahihirapan na rin at tumatakbo paatras sa mga kalaban.
Nang ibalik ko naman ang paningin ko sa kinatatayuang palapag ko ay nakita ko ang kanilang pinuno na si Florandale na nakaupo lamang sa kanyang silya, at walang ginagawa na parang walang alam sa mga nangyayari at pinabayaan na ang sariling territoryo.
"Florandale!" sigaw ko sa pangalan niya habang palapit sa kaniyang kinauupuan. Nagtama naman ang aming mga tingin pero hindi ko matimpi kung anong nararamdaman ko ngayon dahil hindi niya alam kung anong dinadala ng kampon ng Dark Lord sa kanyang teritoryo. "Anong inuupo-upo mo diyan?! Hindi mo ba nakikita ngayon ang teritoryo mo? Sinisira na ng Dark Lord!" bulyaw ko pa sa kanya.
Ngunit parang ingay lamang sa kanya ang naging pagsasalita ko at hindi iyon pinansin.
"Katapusan na ng Dark World." Ito na lamang ang binigkas niyang mga salita.
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami pang iisipin nakuha niya pang gumawa ng konklusyon. Sa katunayan, hindi lahat ay nagagawang makuha ng kadiliman dahil sa simula lamang sila nananaig pero sa huli, ang kabutihan pa rin. Pero masasabin mo bang kabutihan ang tawag sa amin dahil pinipigilan namin ang paglusob ng kampon ng Dark Lord sa amin, hindi. Pare-pareho lang kami ng mithiin pero hindi ganoon kasama.
Hinablot ko ang kwelyo ni Florandale dahil mukhang wala siyang gagawing hakbang kundi panoorin na matupok ang kanyang teritoryo gaya ng Protoax na nilamon ng Fire Koi Dragon at tuluyang nawala sa listahan ng makakapangyarihang terirtoryo ng Dark World. Pero hindi ko nagawang saktan man lang ang kanilang pinuno kundi nabitawan ko rin ang pagkakahawak sa kanyang kwelyo. Nag-iigting ang mga panga ko sa galit.
"Florandale, huwag mong hayaan na burahin ang Imflora sa listahan ng mga makakapangyarihang lugar sa Dark World. Alam kong hindi mo hahayaang malugmok at maubos na lamang ng panandalain ang teritoryong inyong pinagka-ingatan. Kaya ngayon pa lang, gumawa ka na nang paraan. Talunin mo sila."
Humarap naman sa akin si Florandale, "Paano?" isang salitang tanong nito sa akin.
"Florandale, pinuno ka ng Imflora kaya alam ko kung paano mo sasagipin ang teritoryo mo. Binura na nila ang Protoax..."
"Pero matagal ng burado ang Protoax sa listahang iyon, nagawa lamang silang lusubin dahil sa utos ng Dark Lord."
"Edi kung gano'n, hahayaan mo na lang ba na mangyari na katulad sa Protoax ang mangyari dito sa Imflora?" napabuntong hininga na lamang ako sa kanya dahil mukhang nawawalan na siya ng pag-asa at tiwala niya sa sarili niya dahil hindi niya alam sa sarili niya kung paano malalagpasan ang lahat ng ito. Ang kampon ng Dark Lord.
Tumayo muli sa kinauupuan ang pinuno at dahan dahan na tumingin sa akin, "Kung kaligtasan na aking kapwa Imflorers ang kagustuhan mong iparating sa akin. Tara na."
Napangiti naman ako sa inusal ni Florandale. Mayamaya lamang ay hinawakan niya ako sa balikat ko at gayundin naman ako ay humawak sa balikat niya.
"Anong mangyayari?"
"Basta, walang mangyayaring masama."
Napatango na lang din naman ako kay Florandale at naglakad kami sa isang malaking bintana na napapasukan ng hangin at kitang-kita ang naghihimagsikan sa ibaba. Inunang inilabas namin ni Florandale ang kaliwang paa.
"Talon!" sa pagkasigaw niya ay sabay naman kaming dalawa na tumalon sa napakataas na punong pinuno. At ang nakakamangha lamang ay wala pa ni isang segundo ay nasa ibaba na kami. May lumipad sa banda naming bolang apoy kaya nagkatulakan kaming dalawa ni Florandale. "Metria, kailangan natin silang kumpulin sa iisang pwesto para hindi tayo mahirapan."
Tinanguan ko si Florandale, "Masusunod!"
Agad namana kong tumakbo at pinuntahan ko si Yuta na may natamong sugat na rin sa kanyang binti pero hindi niya ito iniinda.
"Yuta, sumama ka sa akin!"
"Metria, saan ka ba nanggaling?!" tanong nito sa akin habang may kinakalaban. May sumugod din sa akin at nagawa ko namang ilagan iyon.
"Kay Florandale, ngayon kailangan natin pagkumpulin ang mga kalaban dahil may plano ang pinuno sa kanyang gagawin."
"Tara!" at bago pa kami umalis sa pwestong iyon ay binigyan niya ng huling atake ang kanyang kalaban.
Nilapitan din namin sina Frixon at Grano at sumunod din naman kaagad sila sa akin kabilang na rin ang ibang alagad ng Imflora at si Retura ay sumunod na rin sa amin. Nang makalapit na kami sa pinuno ay pumwesto kami sa kanyang likuran gaya ng kanyang utos at siya ang nasa unahan namin.
Ngayon, dahan dahan na nagkakaroon ng linya ang mga kalaban kabilang ang mga alagad, mga Beetoa at mga bolang apoy na kanina pang nagliliparan.
"Sigurado bas i Florandale sa gagawin niya?" takang tanong ni Frixon.
Tumango ako sa kanya, "Oo, may tiwala ako sa kakayahan ni Florandale bukod sa siya ang pinuno ng Imflora kundi responsable niya ang kanyang teritoryo."
Hindi na naman nagdagdag ng katanungan sa akin si Frixon kundi napansin na lamang naman ang pagporma ni Florandale ng kanyang mga palad sa pagitan niya. At ilang saglit lang sunod-sunod na sumugod ang mga kalaban at doon gumawa ng ilang pormasyon ng kamay si Florandale at nagulat na lamang kami ng biglang umuga ang lupa at nilamon nito ang mga kalaban.
Natira na lamang ay ang mga Beetoa at mga bolang apoy sa itaas.
"Pinuno, kami na ang bahala diyan." Ani Retura.
Pero pinigilan siya ni Florandale, "Ako na ang bahala dito, Retura. Kapakanan ko ang kaligtasan niyo. Manood na lamang kayo."
Gaya ng sabi ni Florandale ay pinanood na lamang namin siyang gawin ang gusto niyang gawin para sa kanyang teritoryo.
At ilang patibong ang umusbong at tuluyan nawala ang mga Beetoa at Bolang apoy pero sa kasamaang palad ay may nakalusot na iilang Beetoa na inatake si Florandale. Napaupo na lamang kaagad ang pinuno dahil sa kanyang natamo.
"Sugod!" sigaw ni Retura at sinugod naman ng alagad ng Imflorers ang mga kalaban maging kami. Si Retura naman ay binuhat ang kanyang pinuno at dinala ito sa punong pagamutan.
Unti –unti ay nagagawa naming matalo ang mga kalaban hanggat sa naubos ang mga ito.
Pagod na pagod at hingal na hingal kami sa nangyari. Puro sugat at galos sa katawan ang natamo namin pero ang matandang pinuno ang labis nilang inaalala dahil sa nangyari dito. Kung titingnan mo ang lugar ng Imflora ay mukhang winasak na ng kadiliman pero hindi ganoon katulad ng nangyari sa Protoax na nilamon na talaga hanggat sa maubos.
Tinungo rin naman naming apat ang punong pagamutan kung saan nandodoon sina Retura at Florandale. Nakita naman namin agad sila at nilapitan.
"Metria, sasama ako sa inyo para maghiganti sa Dark Lord. 'Yon lang ang paraan para maipaghiganti ko ang pinuno ko."
"Hindi," natigilan si Retura ng hawakan siya sa kamay ni Florandale, "Hindi mo kailangang sumama sa kanila para ipaghiganti ako sa Dark Lord. Retura, ikaw ang pag-asa ng Imflora..."
"Anong ibigsabihin mo, pinuno?" tanong ni Retura.
Ngunit sa inaasahan sagot na nagmumula kay Florandale ang inaabangan ni Retura ay wala na siyang nakuha mula rito. Pumikit ang mga mata ni Florandale at tumigil ito sa paghinga, natigil ang sirkulasasyon ng hangin sa loob ng katawan niya.
Natigil din si Retura sa nasaksihan, "Hindi maaari. Pinuno!"
Hindi ko lubos maisip na sa mangyayaring 'yon ay babawian ng pinuno ang kanilang teritoryo, tinapik ko sa balikat si Retura, "Retura, isa lang ang ibigsabihin no'n. Ikaw na ang bagong pinuno ng Imflora. Masaya kami para sayo dahil pinagtatanggol mo sa abot ng makakaya mo ang teritoryo niyo. Retura, kami ang gagawa ng paghihiganti para sayo."
Napabuntong hininga na lamang si Retura sa nangyari.
"Paano ko kayo mapapasalamatan?" tanong nito sa amin.
~Xana's POV
Nang sumapit ang ika-siyam ng gabi ay handa na akong bumalik sa paaralan para ipagpatuloy namin ni Asylum ang aming misyon kasama ni George o sa tunay niyang pangalan ay Rigor. Hindi ko na sinubukang magpaalam kay mama kung saan ako pupunta dahil alam kong hindi niya rin ako papayagan sa gagawin ko dahil alam niyang delikado kung ano mang babalakin namin pero para sa akin, hindi. Kaligtasan ng lahat ang nakasalalay dito.
Habang naglalakad ako sa gitna ng dilim sa kalsada ay maririnig mo ang mga umaalulong na hayop. Hindi ko maipaliwanag kung aso ba 'yon o mga lobo na kabilang sa kadiliman.
Nang marating ko ang impyernong paaralan ay nadatnan ko si Rigor na naghihintay na doon. Matalim ang mga tingin niya sa akin at hindi ako mapakali doon dahil hindi ako naging komportable sa mga inaakusa niya sa akin.
Hindi ako mamamatay tayo. Hindi ako dream killer.
"Mabuti at nandito ka na, Xana Etoria." Ngisi pa ni Rigor.
"Mas maganda kung maging maaga, Rigor." Sagot ko na lamang sa kanya.
"Tapatin mo nga ako, Xana. Bakit mo ginagawa ang mga ito?"
Natahimik naman ako sa sinabi niya. Bakit nga ba? Kasi gusto kong, maligtas sila sa mga kamay ng kadiliman.
"A-ano, Rigor. Hindi ako masama katulad ng iniisip mo, oo may dugo akong demonyo dahil sa ama ko, ang nanay ko na naging prinsesa ng demonyo. Sa tingin mo ba, Rigor mas pipiliin kong manaig sa katawan ko ang dugong demonyo?" tumaas na tono ng boses ko.
Napangisi naman siya, "Sige, pero hindi pa rin mawawala sa isipan ko kung paano mo ako pinapatay sa panaginip ko." huminto siya, diretsyo ang kanyang mga mata sa akin. "Isa kang bangungot, Xana."
Hindi ko talaga, maintindihan kung anong gusto ni Rigor.
"Nandito na pala kayong dalawa, lagi na lang ba akong late." Nakuha pang magpatawa ni Asylum. Pero nadama niya ang seryosong nanaig sa pagitan namin ni Rigor. "Sige, magsisimula na tayo. Xana at Rigor, at syempre ako... ganito ang plano."
Sana sa pagdating ni Rigor sa misyong ito, may magandang kalabasan. Hindi 'yong siya pa ang magiging dahilan ng pagkawasak ng paaralan at buhay ng mga estudyante.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top