Dark World XVI
Dark World XVI
~Xana's POV
I can't still get off to the feeling of what George said to me. Nakatulala lamang ako habang nagtuturo ang guro ko sa physics at hindi pumapasok sa utak ko ang bawat salitang kanyang binibitawan. Tila nabibingi ako sa tuwing gusto siyang pakinggan pero may kung anong mga kakaibang mga hindi ko maipaliwanag na kusang magpapagulo sa isipan ko.
Nabalik lamang ako sa sarili ko na paluin ako ng guro ko sa ulo ko at nang tingnan ko siya ay galit na galit siyang nakatingin sa akin. Salubong ang mga kilay at kunot ang mag noo. Matatalas ang mga itim na matang nakatingin sa akin. Banat ang balat sa pisngi at pumuputok ang pulang lipstick sa kanyang labi at isama mo na rin ang magulong pagkapusod ng kanyang buhok.
Pumeywang ito sa harapan ko at hawak hawak pa rin ang isang manipis na tingting, "Bakit ka tulala diyan, Miss Etoria? At nakuha mo pa akong titigan ng ganyan." Bulyaw nito sa akin. Napalunok laway na lamang ako at nang pansinin ko si Asylum sa tabi ko ay nakatuon lamang siya habang tinitingnan ang ginagawa sa akin ng naturang guro ko. Mas napansin ko si George na nakaharap sa akin ngunit ng magtama ang mata namin ay humarap na muli siya sa blackboard at naayos ng upo. "Ano! Sumagot ka Miss Etoria!"
Napatingala naman ako sa kanya, "W-wala po Ma'am." Tugon ko na lamang sa kanya.
Pero hindi pa doon natatapos ang mga kagustuhan niya, "Ang kamay!" utos nito sa akin at pinalo ang arm desks ko. "Kamay!" ulit pa nito. Inilahad ko ang kamay ko at doon niya sinunod-sunod ang pagpalo sa mga palad ko. "Dapat ang mga katulad sa inyo pinaparusahan." Aniya pa. Tinitiis ko lamang ang pagpalo niya sa kamay ko na ngayon ay namumula na. Hindi naman ako makapagpigil sa ginagawa niya dahil nahuli niya akong tulala sa kanyang klase.
Pero isang malakas na pagpalo niya sa kamay ko ay hindi ko naramdaman subalit sa kanya bumalik ang enerhiyang kanyang binitawan. Para siyang nakuryente sa nangyari at napasalampak na lamang sa sahig, nabitawan niya rin ang hawak hawak niyang tingting. Ang klase ay nagtawanan sa kanilang nakita maging ako, hindi ko napigilan ang pagtawa sa kanya. Napahawak na lang siya sa kaliwang dibdib niya at parang kinabhana at natakot sa naramdaman niya.
Mabilsi naman akong napatingin kay Asylum at nakangisi siyang nakatingin sa aming guro. Mabilis namang tumayo ang aking guro at sumaglit ng tingin sa akin at mabilis itong naglakad sa table niya at dali dali na kinuha ang kanyang bag at lumabas ng silid namin. Bigla na lamang nagkaroon nang kasiyahan sa loob ng klase na tila nagpupunyagi dahil sa pag-alis n gaming guro.
"Xana, ang galing mo."
"Ha?" napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Asylum dahil hindi ko naman na-gets kung ano man 'yon at kung anong nangyaring kakaiba sa guro ko. "Anong nangyari sa kanya, Asylum?" taka kong tanong sa kanya.
Napahagikgik naman si Asylum sa katanungan ko kaya medyo naalibadbaran naman ako doon dahil kasi ako mismo hindi ko alam kung anong nangyari. Ang weird ng feeling na 'yon, dapat ako ang masasaktan sa pagpalo niyang iyon pero siya pa ang nakaranas noon.
"Kung sa physics may tinatawag na chemical reaction, ang tawag naman na nangyari sa inyo ay energy reaction na ang ibigsabihin ay kung ang enerhiya ng isang tao ay maipapasa sa isang taong may mas mataas na enerhiya o kalakasan na ngayon ay tinataglay mo, Xana. Kaya bumalik lahat ng lakas ng guro niyo sa kanya. That's the answer on it. Okay lang 'yon para matuto siya." Ngiti pa ni Asylum.
Hindi ko rin naman magawang ngumiti dahil binabagabag pa rin ako ni George na hindi ko maintindihan na hanggang ngayon ay parang naging kakaiba na ang turing niya sa akin at ang tingin ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang din naman ako. Bakit ba kasi ang tagal sumapit ng gabi para muling ipagpatuloy ang misyon namin ni Asylum.
"Asylum, kung ipagpaliban muna kaya natin ang misyon dahil nababahala ako kay George eh." Bulong ko sa kanya.
"'Wag ka sa akin mabahala, Xana." Nagulat na lamang ako ng may nagsalita sa harapan ko at nang i-angat ko ang ulo ko ay si George ang bumungad sa akin. Hindi ko naman magawang itanggi ang sinabi dahil mismo siya ay narinig mula sa akin. "Xana, kung gusto mo alamin kung sino ako. Kilalanin mo ako, hindi 'yong patago." May babala sa tono ng boses ni George. Naibaba ko ang tingin ko dahil sa loob ng ilang taon naging kaklase ko si George pero hindi pa rin siya lubos na kilala dahil hindi naman siya lagi ang taong napapansin ko, ngayon lang. As in, ngayon lang.
"Hindi George, ang gusto ko lang malaman kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng mapaginipan mo ay ako pa?" taka kong pagtatanong sa kanya.
Agad naman siyang nabakibit balikat sa tanong ko, "'Yon ang hindi ko alam, Xana. Ikaw ang nakita kong pumapatay sa akin." Huminto siya sa pagsasalita at lumuhod at unti unti niyang inilalapit ang kanyang bibig sa aking tenga at ibinulong ang, "Ikaw ang anak ng Life Taker diba?"
Napatayo at napaatras ako mula sa kanya. Labis na pagkagulat ang nakuha ko sa mga binigkas niyang salita at hindi ko lubos maisip na makikilala niya ako sa ganoong pagkakakilanlan. Itinago ko na at isinantabi ang pagiging anak ng Life Taker kahit alam kong siya ang Ama ko ay labis labis ang inis ko sa ginawa niya noon. Kaya ngayon na nakikilala ako doon, parang gusto kong bawiin ang lahat na sana hindi na lang ako nabuhay sa mundong ito.
"P-paano mo nalaman?"
Napangisi naman ito sa akin, "Ano ka ba, Xana... matagal na kitang pinagmamasdan noong mga kasama mo pa si Metria subalit pinilit kong manahimik at siguro ngayon na ang tamang oras para ipakilala ko sayo ang sarili ko..."
Nang iikot ko ang ulo ko sa kabuuan ng silid ay parang hindi naman nila kami napapansin dahil may sari-sarili silang mga mundo at mukhang wala silang alam sa aming pinag-uusapan maliban lamang kay Asylum na nakikinig ngayon sa usapan namin.
"Sino ka ba talaga?"
"Rigor, ang tunay kong pangalan at kabilang ako sa Powerful Dark Places ng Dark World."
"Hindi nga?" eksenan naman ni Asylum. "Kung gano'n, saan ka nabibilang?"
"Ang unang lugar na makapangyarihan, Ang Helloverde. Isa akong prinsipe sa lugar namin ngunit pinaalis ako ng aking ama dahil sa panganib na nakaakma sa akin doon mula sa Dark Lord at kaya ako nandito ngayon, nabubuhay sa mundo ng mga tao kagaya nila, normal na normal." Ngisi pa nito sa akin.
"Pero bakit noon pa, hindi ka tumulong sa akin para sugpuin ang Life Taker?"
Napailing na lamang siya sa akin, "Dahil wala akong karapatan na tumulong Xana, ikaw lamang din ang makakagawang wakasan ang Life Taker kaya ngayon, sa pagbabago ng panahon na ang umuusbong na kadiliman ng Dark Lord ang nananaig ay hindi na ako magtatago na lang para sa kaligtasan ko."
"Anong gusto mong iparating?" tanong ni Asylum.
"Tutulong ako subalit kailangan niyong sabihin sa akin LAHAT ng gagawin niyo, lalo na ikaw Xana. Ayokong ipagkasundo ang buhay ko sayo lalo na't nakikita kitang papatayin ako."
Napaikot na lamang ang mga mata ko sa kanya, "Ilang beses ko pa bang uulitin, Geo—Rigor, na hindi ako tulad ng iniiisip mo. Hindi ako mamamatay tao o kung ano man, iba ang hanangarin ang talunin ang kadiliman, ang wakasan ang hindi dapat nananaig." Tugon ko naman sa kanya.
"Sige, papatol kami sa kagustuhan mo Rigor pero kailangan ka rin muna naming makilala. Mamayang gabi, pasado alas nueve magkikita tayong tatlo dito sa gate ng paaralan. Kung sino ang hindi dumating, magsariling buhay ka na. Xana, Rigor mamaya magkikita tayo." Pagkasabi na pagkasabi ni Asylum ay tuloy tuloy na siyang lumabas ng silid at ilang saglit lamang ay sinabayan na ito ni Geor—Rigor.
Napaupo na lamang muli ako sa silya. Napakarami ko nang iniisip at sa bawat araw na nagdadaanan halos dumudoble ang kailangan kong isipin. Una ang nilalang na nagbabalot ng kadiliman sa paaralan at ngayon naman si Rigor at si Jester na patuloy na hinahanap ni Metria sa Dark World.
Natahimik na lamang ako habang pinapanood ko ang iba kong kaklase. Mga inosente. Mga walang alam. Sa loob ng isang taon na pamamalagi puro kasiyahan lamang ang alam nila. Takot at kaba'y nawawala sa kanilang mga dibdib, subalit sa susunod na mga araw magbabalik ang mga kakaibang presensya sa paaralang ito.
Kailangan ko ng wakasan ang lahat.
Metria, kailangan mo ng mahanap si Jester at tulungan mo ako sa misyong ito.
~Metria's POV
Kakaiba ang lugar na 'to kaysa sa mga lugar na, na aking napuntahan dahil iba ang pananahan nila dito at mukhang hindi naman ganoon kasasama ang mga nandito. Kakaiba lamang sila dahil kung ano sila dito. Mga animo'y kahoy na balat at nasunog na dahon ang kanilang mga suot. Ang mukha'y natatakpan ng mga itim na pintura at mapupulang mata.
Dinala ako ng paa ko patungo sa isang malaking espasyo na patungo sa napakalaking puno na naroroon nanirahan ang pinuno ng Imflora. Ilang saglit lamang ng paglalakad ay narating ko na ang pinakapinto nito. May mga alagad ang bawat paligid kaya mahirap kung papasok na lamang ako ng bigla at mapagkamalaman pa akong kabilang sa Dark Lord dito.
Napag-isip ko rin naman babalik na lamang ako kapag pwede kaming pumasok sa loob pero tatalikod na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin, no'ng alagad na kanina'y nagdala sa amin dito sa sentro ng Imflora.
"Wala, susubukan ko lang sanang maghanap ng impormasyon sa kaibigan kong nawawala."
Lumapit naman sa akin ang alagad na iyon, "Kung gayon, pwede ka naman pumasok sa loob. Oo nga pala, ako si Retura, ang pinuno ng mga alagad ng Imflora at alagad na pinuno ng Imflora." Nilahad niya ang kanyang kamay at gayundin ako na nakipagkamay sa kanya.
"Baka sakaling may alam ang inyong pinuno..."
"Siguro nga, Metria pero pagpaumanhin mo muna dahil maraming ginagawa ang Pinuno pero pwede naman tayong bumalik mamaya-maya..." napatango naman ako sa sinabi niya. "Ayos na ba ang kaibigan mo? Tara puntahan natin." Anyaya ni Retura.
Tinahak naman muli namin ni Retura ang punong pagamutan at nadatnan naman namin si Yuta na naghilom na rin ang namamagang kamay.
"Ano, nadala ka na ba, Yuta?" ngisi ko pa sa kanya.
Napangisi lamang ito sa akin dahil may dalang sarkasmong pananalita ang pagkabigkas ko noon. "Kung alam mo lang Metria, hindi naman lahat ng bagay nakukuha ng mga kagandahan sa labas pero may mga ilan na loob at labas ay may kabutihan."
"Pero nandito tayo sa Dark World, good virtues where not among in this place. We're absolutely in the place in so called hell so that no one could ever made some good duties and such. Dark World is an illusion so don't try to fall against the Dark power."
"Tss, so much talks, Metria..."
"Yeah, Yuta, Metria is right. Nasa Dark World ka, kahit anong gawin mo. Hindi iyon nagdadala ng kabutihan sa kapwa."
Sumunod na lamang ang mga tahol ni Asux sa aming usapan.
Ilang saglit lamang ay nataranta ang loob ng punong pagamutan at nang i-eksamin ko ay hindi ko malaman kung anong nangyayari hanggat sa may mga ilang alagad ang pumasok sa loob.
"Pinunong Retura, napasok na tayo ng mga alagad ng Dark Lord."
"Hindi maaari." Usal ni Retura. "Magsihanda! Bantayan niyo ang pinuno at tayo'y lulusob sa mga kalaban."
"Masusunod!" agad na umalis ang alagad.
Nagkaroon ng ilang pag-alog sa lupa at muntik na kaming matumba dahil sa matinding pag-alog na iyon.
"Kayong, apat! Tulungan niyo kaming pigilan ang mga kalaban. Lalo na ikaw, Metria." Aniya.
Tumango naman ako sa kanya, "Asahan niyo ako."
Tinanguan din ako ni Retura. "Magsihanda! Tara na!"
At isa isa naman kaming lumabas ng punong pagamutan at nakita namin ang sentro ng Imflora na ang ibang mga nagtatayog na puno ay nasusunog na. May mga nagliliparan na insekto sa aming mga itaas at ilang daan na mga alagad.
Agad naman akong humanda, isang laban na dapat wakasan.
Dark Lord, matatalo ka rin sa araw na wala ka nang kalakasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top