Dark World XIX
Dark World XIX
~Metria's POV
Ilang saglit lamang ng pasukin namin ang portal na nagmumula sa Imflora ay iniluwa naman kaming apat nito sa lugar na sinasabi nilang Santoperipico. Agad kong napansin sa kapaligiran na nababalot ito ng kadiliman at kakaunting liwanag lamang ang makikita at ayun ay ang mismong daanan ng lugar na ito.
"Madilim dito, posible na naka-amba ang panganib sa paligid." Ani Grano.
Sinuri ko naman ang paligid subalit hindi pa rin nagliliwanag ag paligid at medyo naman ay nakapag-adjust na rin ang mata ko sa dilim at doon lamang umapekto sa akin ang kakaibang pangyayari dahil unti unti ko ng nasisilayan ang paligid, madilim ngunit ang mga nilalang na narito ay nakikita ko na, walang pinagbago sa kadiliman ngunit nakikita ko na sila maging ang kanilang mga tahanan.
"Nandito na sila..." sabi ko sa kanilang apat.
"Oo nga, unti-unti ko na rin silang nasisilayan." Usal naman ni Yuta.
"Teka lang!" ani Frixon. Napakunot naman ang noo ko sa kanya, napapamaywang pa ito at tila naguguluhan sa pinagsasabi namin ni Yuta. "Anong nakikita? Madilim oh, walang kakaiba." Pagtutukoy niya pa sa kapaligiran.
Mas nag-igting naman ang kunot sa noo ko na hindi pala nakikita ni Frixon ang kayang makita namin ni Yuta. Tiningnan ko naman si Grano at iling na lang ang itinugon sa akin. Maging si Grano ay hindi nasisilayan ang lugar kundi kaming dalawa lang ni Yuta ang nakakakita sa Santoperipico. Ibigsabihin lamang noon na maingat ang mga nilalang dito at nagagawa nilang itago ang mga sarili sa dagat ng kadiliman.
"Kung gano'n, anong gagawan nila?" tanong ni Yuta.
Tiningnan ko naman si Yuta at tinaasan na lamang ng kilay. "Sasama sila sa atin, wala namang masama doon. Hindi lang nila nakikita ang lugar pero hindi ibigsabihin no'n ay hindi na sila sasama sa atin. Kasama naman nila tayo, kaya susundan na lang nila tayo... Yuta." Sagot ko naman sa kanya.
Tinalikuran na lamang ako ni Yuta at kahit pagsang-ayon ay wala akong nakuha sa kanya. Noong una pa lamang ay medyo hindi maganda ang magiging tunguhan namin dahil may nakikita akong katauhan sa kanya na lider-lideran o nagmamagaling-galingan subalit hindi naman dapat pinapairal ang ganoong ugali dahil kapag ang isang msiyon ay walang pinuno kundi lahat ng miyembro ay marunong makisalamuha at maging matalino sa kahit anong gagawing paraan.
"Alam mo banas na banas na ako diyan kay Yuta, bakit nga ba natin siya sinama sa misyong ito?" naiinis na sabi ni Frixon.
Pinakinggan ko na lamang siya at hindi na nagsalita. Ayokong macaroon ng away sa pagitan namin dahil ang intension ko sa ngayon ay ang mahanap si Jester. Kung hindi lang talaga mahalaga kay Xana ang taong 'yon, hindi na ako susugal na pumunta pa dito sa Dark World dahil alam kong mapanganib at buwis buhay ang kapalit pero ngayon na nalalagpasan ko naman ang mga pwedeng humadlang ay mas nagagamit ko ang kalakasan ko dahil alam kong kaya ko.
"Grano at Frixon, sa akin lang kayo susunod. Nakikita ko ang kapaligiran nitong Santoperipico kaya huwag kayong mabahala."
Tinanguan na lang din naman ako ni Grano at Frixon.
"Tara na..." usal ko.
Nagsimula na rin naman akong magmasid sa paligid. Nawala na rin sa paningin ko si Yuta kaya napailing na lang din ako. Kung susuriin mo ang Santoperipico ay isang maliit na lugar lamang pero nababalot masyado ng misteryo at hindi mo maipaliwanag dahil lahat ng nilalang na narito ay nakabalot ng mga itim na belo at mga mismong mapupulang mata lamang nila ang makikita mo.
Nakakahindik balahibo ang mga matang nila 'yon dahil nakatingin 'yon ng diretsyo sa mga mata mo.
"Metria, anong meron?"
"Nakatingin sila sa atin..." sagot ko.
"Sa atin?" di pa siguradong pag-uulit ni Frixon sa sinabi ko, "O baka, sayo dahil ikaw lang ang nakikita nila."
Oo nga ano. Kung gayon, sa akin lang din sila nakatingin. Yumuko na lang din naman ako baka sakaling iwasan na nila ako ng tingin. May masisilayan ka namang ilaw sa paligid kaya 'yon na lamang ang sinusundan kong itahak na daan at nagulat na lamang ako ng may humablot sa aking kwelyo at nagtago kami sa isang tabi, nang mapansin ko kung sino 'yon ay si Yuta pala.
"Anong ginagawa mo, Yuta?" taka kong tanong sa kanya. Ang mga mata niya ay diretsyo sa akin, salubong ang kanyang mga kilay at akala mo gusto na akong patayin. Pero agad naman siyang napailing sa akin at binitawan ang pagkakahawak sa kwelyo ko.
"Anong nangyari! Metria!" rinig kong sabi ni Frixon at nang makita naman niya si Yuta ay kumunot ang noo nito, "Yuta, anong nangyari?"
Tiningnan lamang siya ni Yuta, "Wala." At mayamaya lamang ay may inabot sa akin si Yuta na belong kung itim, kinuha ko naman ito sa kanyang mga kamay. "Gamitin mo 'yan para di kanila makilala." Aniya. Tiningnan ko namang inaayos ni Yuta ang belo at pinaikot niya ito sa kanyang ulo hanggang sa mata na lamang ang makikita sa kanya. "Metria, at kayong dalawa... magkita na lamang tayo sa isang kulay pulang poste."
"Sige..." pag-sangyon ko naman sa kanya.
"Mauuna na ako..." saka tuluyang umalis si Yuta at naiwan naman kaming tatlo.
"Tingnan mo 'yon, iiwan na lang tayo dito." Iiling-iling pa na sabi ni Frixon.
"Pabayaan mo na siya, Frixon. Kung gusto niya naman tayo makasama hindi 'yon mag-iisa pero mukhang gusto niyang magsarili ng mundo kaya hayaan na lang natin." Ani Grano kay Frixon.
Tinapik ko naman ang balikat ni Frixon, "Oo, Frixon, hayaan na lang natin kung anong gusto niyang gawin. Magsasawa rin 'yan at kusang babalik sa atin."
Pero mukhang hindi pa rin nakuntento si Frixon dahil magkasalubong pa rin ang kanyang mga kilay at ramdam ko ang inis sa kanya pero kailangan na mawala muna sa isipan niya ang katigasan ng ulo ni Yuta dahil kung hindi, baka mawala sa pokus at konsiderasyon.
"Basta, sa ngayon, hahanapin muna natin si Jester at mangangalap tayo ng impormasyon kung nasaan na siya ngayon."
"Baka naman Metria, wala na ang kaibigan mo, hinahanap-hanap natin, wala na pala."
Napailing naman ako sa tugon ni Grano, "Hindi maaari 'yon, kung iisipin sobrang hina ng nilalang na 'yon pero alam kong mapaglaro din ang isang 'yon. Kaya naniniwala akong makakalusot 'yon gaya ng ginawa niya dati sa Huanbe na nakatakas mula sa kulungan kaya siguro ngayon ay hindi pa rin nakalalayo si Jester dito.
"Tara na at baka mahuli pa tayo..." ani ko.
Sinunod naman ako ng dalawa at tuluyan kaming umalis sa pinagtataguan namin kanina pero napansin naming dalawa ang paghinto ni Grano at ang pagtahol ni Asux sa kanyang amo.
"Grano, anong meron?" taka kong tanong sa kanya.
Inilibot nito ang kanyang ulo sa paligid gayundin naman ako, wala namang pagbabago kundi ang lugar pa rin ng Santoperipico, "Ito na pala ang Santoperiperipico." At tama ang hula ko sa iniisip niya.
"Pambihira! Ikaw, Grano nakikita mo tapos sa akin wala? Pambihira naman oh!" parang bata na nagdabog naman si Frixon.
Natawa naman ako sa kanilang dalawa, "Biro lang, wala talaga." Tawa pa ni Grano.
"Tss..." ani na lamang ni Frixon.
"Kayong dalawa oh, tara na, maglilibot na tayo sa madilim na lugar ng Santoperipico." Ngisi ko pa.
~Xana's POV
Isang malagim na pangyayari na naman ang hindi namin inaasahan kagabi dahil sa pag-atake ng misteryosong nilalang kay Rigor peri unti-unti na naming nakikilanlan ang nilalang na 'yon. Una ay kampon siya ng Dark Lord at ang kakakuha lamang naming impormasyon ay isa siyang lalaki ayon sa hugis ng mukha nito.
Ngayon ay inumaga na naman ako ng walang tulog at sigurado na namang mapapagalitan na naman ako mamaya sa oras ng klase, kung hindi tulala baka inaantok ako. Mabilis lamang ang oras kaya dapat hindi inaaksaya dahil baka sa mga susunod na araw hindi na natin alam kung anong kahihinatnan ng nakapaligid sa atin.
Palabas na ako ng kwarto ko para pumasok ay biglang bumungad sa akin si Mama. Niyapos niya kaagad ako ng kanyang mga yakap, hindi ko naman naintindihan kung para saan ang yakap na 'yon at nang umalis si mama sa pagkakayakap sa akin ay nakatingin ito sa aking mga mata at nakahawak sa magkabilang balikat ko.
"Ma, anong meron?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
Ngumiti naman sa akin si mama at inilingan ako, "Basta, mag-iingat ka lang..."
"Ma, ano na naman 'to?"
Muli na naman niya akong inilingan, "Nothing, Xana. But for now, safe is the best key to get out from the dark room."
Nanliit naman ang mata ko sa sinabi ni mama, "Ma, kung ano man 'yon, sabihin mo na sa akin."
"You don't have to, you don't have the right to know what it is."
"Ma, sinasabi mo na kailangan kong mag-ingat pero hindi mo sinasabi sa akin ang rason kung bakit?"
Hinimas ni mama ang balikat ko, "Kasi may posibilidad na mawala ka na sa akin." Agad naman akong tinindigan ng balahibo sa sinabi ni mama. Kinabahan ako panandalian pero natawa na lang ako sa sinabi ni mama. Ang hilig talaga magburo ni mama. "Sabi ko sayo, mag-iingat ka lang."
"Kung 'yon ang sabi mo ma, gagawin ko. Mauuna na ako."
Tinanguan na lamang ako ni mama at tuluyan akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Ang weird. Lagi na lang ganyan si mama at hindi ko magets kung bakit gano'n na lang ang kanyang mga kinikilos.
Ako may posibilidad na mamatay? Nakakatawa kung iisipin pero baka nga tunay ngang may kahulugan lahat ng sinasabi sa akin ni mama. Kung mag-iingat ako, kanino at saan? Napapailing na lang ako sa mga oras na ito dahil sa dami ba naman ng iniisip ko, sinong hindi gugulo ang isip. Isama mo na ang nilalang na hindi pa rin natatahimik sa paaralan.
Nang tinatahak ko na ang daan patungo sa paaralan ay malayo pa lamang ako ay natatanaw ko na ang nagkukumpulang estudyante sa harap ng gate. Nang makalapit naman ako ay sinalubong naman ako ni Asylum.
"Anong meron, bakit hindi pa kayo pumapasok?" tanong ko.
"'Yon nga Xana, hindi ko alam kung pero kahit anong gawin, wala ni isang makapasok sa loob ng paaralan." Aniya.
"Kahit umaakyat sa gate?"
"Ayun oh..." tinuro naman ni Asylum ang lalaking estudyante na nakahawak sa kanyang balikat at mukhang hirap na hirap, "Nalaglag siya noong nasa itaas na siya ng gate, pakiramdam ko nga may kung anong enerhiya na tumutulak sa mga estudyante na bawal pumasok sa loob."
"Ano na naman kayang nangyayari?" naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan. Kapag patagal ng patagal ay lumalala ang sitwasyon sa paaralan namin. Kagaya lamang dati na habang tumatagal maraming namamatay na estudyante, sa ngayon hindi pa naman laganap ang pagkamatay ng mga estudyante tulad noon pero mukhang babalik ang nakaraan sa ngayong panahon.
Nagkaroon ng hiyawan ang mga estudyante na nakatungo sa gate. Nang silipin naman namin ni Asylum kung anong nangyari ay nakita na lang namin si Rigor na nasa loob na nang gate at nakapasok siya sa loob ng gate, may ilang nagsubok na pumasok pero tumilapon lang ang mga ito.
Tila bumilib ang mga estudyante sa pinakita ni Rigor, akala nila isang normal lang si Rigor, nagkakamali sila dahil isa palang prinsipe ang kanilang nakikita, prinsipe ng 1st dark place ng dark world.
"Subukan din natin pumasok." Suhestyon ko naman kay Asylum.
"Eh paano kapag nalaman nila?"
"Hindi 'yan, nakita nila na nagawa ni Rigor kaya hindi tayo uurong. Baka sakali tayo ay makapasok."
Humugot muna ako ng malalim na hininga at lumapit sa harapan ng gate.
"Huwag na kayo magbalak, titilapon lang din kaya kagaya namin." Sabi sa amin ng isang estudyante ngunit hindi na lamang pinansin iyon ni Asylum kundi pinagpatuloy namin ang paglalakad papasok ng gate, wala akong naramdaman.
Nakapasok kami sa loob ng gate.
"Sh*t! Paano nila nagawa 'yon!" hindi makapaniwalang tugon ng isang estudyante doon.
Tiningnan ko naman si Asylum, "Tara na."
Saka niya ako tinanguan.
Tinakbo na namin ang daan patungo sa main building at nang marating namin iyon ay nadatnan namin si Rigor.
"Mukhang may intensyon sa atin ang nilalang na 'yon kaya tayo lamang ang nakapasok sa loob ng paaralan. Kung ano man 'yon, wala akong alam..."
"Guys, tingnan niyo 'to..." napansin ko naman si Asylum na palapit sa isang dingding at nang tingnan ko rin iyon ay may mga nakasulat na hindi ko maintindihan.
"Anong ibigsabihin niyan?" tanong ko.
"Simula na ng madugong sagupaan." At nang banggitin ni Asylum ang mga salitang iyon ay biglang nag-ingay ang kapaligiran.
Ngayon pa lang magsisimula ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top