Dark World XIV
Dark World XIV
~Narrator's POV
Isa-isang nagdaratingan ang mga alagad ng Dark Lord na tila sugatan at ang iba ay hindi makapaglakad ng maayos. Dali dali silang luminya at yumuko sa kanilang tinitingalang pinuno. Agad namang napansin ng Dark Lord ang mga sugat at dugong nangingintab sa katawan ng kanyang mga alagad. Napatayo ang Dark Lord sa kanyang trono at pinandilatan ang bawat alagad niya at tila ang bawat alagad niya ay hindi magawang iangat ang mga ulo.
"Anong katangahan ang ginawa niyo, bakit puro dugo kayo!" galit na tugon ng Dark Lord.
Mabibilang mo sa mga daliri mo ang mga alagad na natira sa pagsagupa sa grupo nila Metria at nabigo sila doon. "Hindi na po mauulit, Aming mahal na pinuno."
"Talagang hindi na mauulit, dahil tapos na kayo." Agad na nagtaasan ang mga ulo ng kanyang mga alagad at nakita ang nakataas na kamay ng Dark Lord at maya-maya lamang ay lumabas ang nag-iinit at lumalagablab na apoy sa mga palad nito at tuluyang ginawang abo ang mga alagad nito."Mga inutil."
Naupo ang Dark Lord sa kanyang trono at hindi na maalis ang magkasulubong na kilay nito. Maya-maya lamang ay hinarap niya ang kanyang palad sa harapan niya at sumiklab ang apoy, ilang saglit lamang ay nagkaroon ng imahe na kung saan nakikita ang ilang kalalakihan sa bundok ng Imflora.
"Humanda kayo. Katapusan niyo na."
Sunod sunod na umalingawngaw sa paligid ang nakakapanindik balahibo niyang tawa. Hindi magpapatalo ang Dark Lord dahil kung anong gusto niya, masusunod sa paraang kaya niyang gawin.
~Xana's POV
Late na akong nakatulog kagabi dahil sa inaalala ko pa rin 'yong nangyari kay Asylum na nasunog ang balat niya at tinawag niya itong socranom. Lason daw ang tawag doon. Wala naman akong alam sa bagay na 'yon pero kung iisipin mo pa lang at babanggitin ang salitang 'yon ay hindi mo na babalakin pang makita 'yon.
Papasok na rin ako ngayon sa paaralan pero hindi ako makaalis ng bahay sapagkat lumabas panandalian ng bahay si mama at naiwan ako. Simula ng matuklasan ko ang kakaibang tinataglay ko ay hindi na rin ako natahimik dahil pakiramdam ko hindi normal ang mga ginagalawan ko. Nagpaikot-ikot naman ako ng paningin sa loob ng bahay at wala namang pinagbago, naging malinis lang at maayos.
Aalisin ko na sana ang paningin ko sa isang lamesa ng maagaw ang atensyon ko ng isang envelope. Matagal na rin ako hindi nakakakita ng ganoon kaya nilapitan ko naman 'yon pero kukuhain ko na sana ng maagaw bigla sa akin ni mama ang sobre at bigla na lamang niya itong tinago sa kanyang likod.
"Ma, anong laman niyan?" tanong ko sa dala ng kuryusidad.
Mabilis namang umiling sa akin si mama, "Wala 'to anak. Isa lang 'tong kalat. Sige na, umalis ka na baka mahuli ka pa sa klase niyo."
At ang nakakagtaka lamang ay tinulak-tulak ako ni mama palabas ng pinto at hindi ko maialis ang kunot ko sa noo ko. Ano bang nangyayari kay mama?
"Eh ma, saan ka ba galing?"
"May tiningnan lang ako."
"Na ano po?" pagtatanong ko pa.
"Sige na, mauna ka na."
Napatango na lang din naman ako kay mama dahil mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin kung ano man 'yon. Kaya nagpaalam na lang ako sa kanya at tinahak ang daan kung saan wala akong matanaw ni isang tao na naglalakad. Napapa-angat na lamang ang kilay ko dahil ni isa, o mga estudyante ay wala akong makita.
Masyado ba akong napaaga o late na ako kaya wala na masyadong naglalakad. Minadali ko na lang din ang paglalakad ko at tinuon ang daan patungo sa paaralan namin. Pagdating na pagdating ko sa gate ay nadatnan ko doon si George na nakatayo at nakatanaw lamang sa paaralan. Agad ko naman siyang nilapitan at tinapik sa balikat.
"Hindi ka pa pumapasok sa loob?"
Dahan-dahan naman siyang humarap sa akin at pansin ko ang pangangalumata niya at ikinabigla ko 'yon dahil nangingitim din ang ilalim ng kanyang mga mata.
"Puyat ka ba?" tatawa-tawa ko pang sabi sa kanya.
Umiling siya sa akin kaya nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya, "Hindi." Tipid pa nitong sagot sa akin.
"Edi ano?"
"Binangungot ako." Huminto siya sa pagsasalita kahit ako ay natulala na lamang sa kanya. "Pinapatay ako sa sarili kong panaginip at gustong kunin ang buhay ko. Buong gabi Xana, gising ako kasi ayokong mamatay."
Napabuntong hininga na lamang ako sa kinuwento niya, "Baka masyado mo lang iniisip kung anong nangyayari sa paaralan natin, George? Ayos ka lang ba talaga?"
Umiling ito na payuko, "Hindi talaga, Xana. Kasi nakita kita, ikaw ang pumapatay sa akin."
Natawa naman agad ako sa sinabi niya, "Naku, George, 'wag mo nga akong binibiro ng ganyan. Hindi ako mamamatay tao." Hindi ko alam pero napapangiwi na lang ako sa kanya at wala akong magawa dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.
"Pero, Xana, hindi rin ako nagbibiro."
Napahawak na lamang ako sa kaliwang dibdib ko. Ngayon ko lang ito muling naramdam simula noong sakupin ng Life Taker ang school pero ngayon sa takot na nararamdaman ko, isa akong mamamatay tao sa panaginip niya.
"George, nagkakamali. Bangungot 'yon. Hindi ako 'yon. George, sino ka ba talaga?" sa tanong ko sa kanya ay agad namang napaangat ang ulo niya sa akin. Diretsyo ang mga mata niya sa mata ko at hindi ko mabasa kung anong gusto niyang iparating sa akin.
"Ikaw, Xana, sino ka ba talaga at anong kailangan mo sa akin?"
Napaatras na lamang ako sa kanya, "W-wala, George..." utal ko pang tugon sa kanya.
"Xana..." aniya sa pangalan ko.
"Anong ginagawa niyo dito?" mas lalo akong nagulat ng biglang dumating si Asylum sa tabi ko at parang tambol na sunod sunod ang pagpalo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong mararamdam ko ngayon pero nababalutan ako ng kaba at takot sa paligid ko. "Xana, tulala ka diyan?" nabaling naman siya kay George, "Ano pang ginagawa niyo dito sa labas?"
"Papasok na ako." Tugon na lamang ni George kay Asylum.
Napatingin ako kay Asylum at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa paligid ko at hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari sa akin.
"Xana, may problema ba?"
"Ha? W-wala... tara na pasok na tayo." Saka ako napabuntong hininga. Masyadong werid ang umaga na ito para sa akin. Tuluyan naman kaming pumasok sa loob ni Asylum.
Kailan nga ba babalik ang dating Xana, o wala nang pag-asa na bumalik dahil nakatali na ako sa gayong sitwasyon dahil isa nga akong anak ng Life Taker.
~Metria's POV
Nang makaakyat na kami ni Yuta sa pinakatuktok ng bundok patungong Imflora ay hinihintay na lang namin ang mga kasama. Sabi nila mas mapapadali ang pagdaan nila sa punong iyon dahil 'yon agad ang magdadala patungo dito sa kinaroroonan namin ngayon pero hanggang ngayon ay wala pa si Grano at Frixon.
"Hindi kaya mali ang nadaan nila?" taka kong tanong.
Natawa naman si Yuta sa sinabi ko, "Hindi sila nagkamali ng daan. Sabi ko nga may diperensya ang isang 'yon kaya hindi natin alam kung anong dala n'on."
"Nasaan na sila ngayon?"
Nagkibit balikat na lamang sa akin si Yuta, "Hindi 'ko alam, pero 'wag kang mag-alala hindi sila mapapahamak."
Napatango na lang din naman ako sa sinabi ni Yuta at naupo sa isang kahoy doon. Kulay itim at pula ang kulay ng makikita mo kapag tumingala ka. Hindi naman pwedeng kalangitan ang maitawag doon dahil nasa Dark World kami kaya napakaimposible kung ganon.
"Sa tingin mo Yuta, nasaan na ngayon si Jester?"
Napatingin naman sa akin si Yuta sa kabila ng katanungan ko. Nailagay niya ang kanyang kamay sa ilalim ng baba at sabay ng pagkibit-balikat, "Sa ngayon, wala na akong alam kung saan siya matatagpuan pero kung patuloy lang tayo sa paghahanap panigurado naman na makikita natin siya."
"Itutuloy niyo ba ang paghihiganti sa Dark Lord?" tanong ko sa kanya.
Mabilis naman akong tinanguan ni Yuta sa sinabi ko, "Oo dahil 'yon lang ang paraan para matigil na ang kadiliman na kanyang pinapalaganap. Alam mo naman marami ng nagawa ang Dark Lord kaya ngayon kailangan na siyang pigilan."
"Makakaya niyo kayang talunin ang isang Dark Lord?"
Napangisi na lamang sa akin si Yuta, "Kung nabalitaan ko noon, isang babae ang nagwakas sa Life Taker, ako pa kaya."
Si Xana, ang tinutukoy niya sa babaeng sinabi niya.
"Tama ka diyan, pero iba ang Life Taker sa Dark Lord. Mas higit na malakas ito kumpara sa Life Taker, kaya nga nagawang wakasan ng isang babaeng diba?"
Muli naman siyang napangisi sa akin, "Kung kaya naman talaga namin, kaya naming talunin ang Dark Lord, Metria. At kung hindi na naniniwala sa kakayahan ko at nila, maiwan ka na dito."
Napailing na lang din naman ako at hindi na gumawa pa ng pagkakakomplikaduhan. Ilang minuto na rin ang nakalipas ay hindi pa rin dumarating ang dalawa kaya nabahala naman ako pero hinayaan lang ako ni Yuta dahil alam naman daw niyang darating ang dalawang 'yon, matatagalan nga lang daw.
"Saan ba sila manggagaling?" tanong ko kay Yuta.
Tinuro naman ni Yuta ang isang matarog na puno at nilapitan ko naman 'yon. Isang karaniwang puno lamang siya pero dito ang daan palabas pero bakit hanggayon ngayon wala pa sila at mas nauna pa kaming dumating sa kanila ha.
Naupo naman ako saglit.
"Metria, hihintayin lang natin magbukas ang portal patungong Imflora at kapag bumukas na ito at wala pa si Grano at Frixon, kailangan na nating mauna." Ani Yuta.
"Hindi, Yuta. Kailangan natin silang hintayin."
Wala namang naisagot sa akin si Yuta kundi pansin ko na lamang sa kanya ang pagtayo niya ng maliit na bahay na gawa sa mga dahon. Napailing na lang ako sa kanya at nakipagtitigan sa maugat na punong ito.
Napabuntong hininga na lamang ako. Nakakaramdam ako ng antok pero kailangan kong pigilan ito. Mayamaya lamang ay may naramdaman akong kung anong pumatak sa balikat ko. nakita ko ang isang malapot na transparent na likido at nang iangat ko ang ulo ko ay nakita ko ang mga higanteng nagliliparan na insekto.
"Yuta, tingnan mo 'to!" sigaw ko habang iniiwasan ang mga 'yon.
Agad naman napalabas si Yuta sa kanyang ginawang lungga at nakita niya ang nagliliparang insekto sa itaas namin.
"Mga Beetoa, ang mga 'yan. Labis na pagkahilo ang mararamdaman mo kapag tumusok sa balat mo ang buntot niya o kaya dulot ay kamatayan." At ang sumunod na nangyari ay sunod sunod na sumugod ang mga ito at pilit naming iniiwasan ang mga patusok nitong buntot.
"Metria! Yuta!" naagaw ang pansin namin ni Yuta ng tawagin kami ni Frixon. Napansin din nila ang mga insektong nagliliparan sa itaas at mabilis naman silang nagtago. Kasabay noon ay ang pagbukas ng portal patungong Imflora pero sa kasamaang palad ay natusok ang bandang leeg ko ng Beetoa at isang masakit at mahapdi sa balat ang naramdaman ko.
"Dalian niyo! Grano! Frixon! Alalayan niyo si Metria, papasok na tayo ng portal."
Dinadaing ko pa rin ang sakit sa leeg ko kaya hindi na ako masyadong makapagsalita dahil sa sakit at naramdaman ko na lamang ay paglagay ni Frixon at Grano ng kamay ko sa mga balikat nila at dali dali kaming pumasok sa loob ng portal.
Jester, magpakita ka na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top