Dark World X
DarkWorld X
~Xana's POV
Mabilis naming tinunton ni Asylum ang likod ng building ng paaralan. Wala akong ideya kung anong nakita niya doon pero alam kong makakatulong sa akin si Asylum sa misyong gagawin ko. Napahinto kaming dalawa ni Asylum na masilayan ang isang poste doon na siyang nag-iisang ilaw sa paligid. Inilibot ko muli ang paningin ko, mabuti na lang din ay nakakapag-adjust na ang mata ko na kahit papaano ay maka-aninag sa dilim.
"Nasaan na Asylum?" Pagtatanong ko sa kanya. Muling natuon ang atensyon namin sa poste nang bigla bigla na lamang itong nagkurap-kurap hanggat sa mawalan ito ng ilaw. Nakaramdam ako ng paghawak ni kamay ko. "Ano na nangyayari?"
Mas naramdam ko ang paghigpit na paghawak ni Asylum sa kamay ko. "Nandito lang siya sa paligid. Xana, umalisto ka. Walang inaatrasan ang kampon ng Dark Lord." Aniya.
Tumango naman ako sa kanya. Pinakiramdam ang bawat paligid. Malalamig na hangin. Mag tunog ng kiliglig ang maririnig at amoy na patay na ang ang amoy sa likod ng building dahil siguro ay kadalasan dito natatagpuan ang mga pinapatay.
Muling bumukas ang ilaw at ang kakaiba lamang sa nasilayan namin ngayon ay nakatayo ang kanina pa naming hinahanap. Nagkatitigan kaming dalawa ni Asylum at dali-daling sinugod ang nilalang na nakatayo umano sa liwanag ng poste.
Umangat ang ulo nito at tumama ang namumulang mga mata saka na lamang naglaho na parang usok. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa nasilayan ko. Tumingala ako sa ilaw ng poste at matatag naman ito.
"Nalagutan na tayo." Ani Asylum. Napakunot noo na lamang ako sa simabi niya. Wala kaming alam kung saan na sunod na pumunta ang nilalang pero hinding-hindi siya makakalabas ng paaralang ito.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ko kay Asylum.
Umiiling iling ito at naupo. Napahawak pa siya sa ulo niya at ginaya ko naman siya na naupo. "Malakas ang isang nilalang na ito."
"Paano mo nasabi?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Alam ko naman na kapag taga-Dark World ka may natatago kang lakas na ikaw lang mismo ang nagtataglay at kahit ako na anak ng Life Taker, may lakas ako na ako lamang ang nakakagamit.
"Mukhang kontrolodo siya ng Dark World. " Aniya. Napatingin na lamang ako sa kanya habang pinapasok ko isa-isa ang mga salitang binitawan niya. Ngayon na taga Dark World ang nilalang na 'to isa lang din ang masisiguro ko. Hindi nagkakalayo ang lakas namin. At labis na pingangambahan ko rin 'yun. "Kontrolado siya dahil lahat ng galaw niya hindi niya gawain. Like what you see in those eyes. It's red. And it has only means, that Dark Worlder got manipulated by the Dark Lord."
Napailing na lang din ako sa sinabi, "Anong gagawin natin?"
Lumapit sa akin si Asylum at nagkaroon kami ng masidhing plano, "Ito ang gagawin natin. Mamanmanan muna natin ang mga galaw ng nilalang na 'yun at kapag nakuha na natin ang bawat galaw niya ay doon tayo susugod pero we need to take a move."
"Paano?" Tanong ko muli.
Ngumisi siya sa akin, "Just like I said, mamanmanan lang muna natin siya. Xana, 'wag ka mag-alinlangan sa akin dahil ako tutulong ako sa paghahanap at pagpatay sa nilalang na 'yun dahil lugar at pamilya ko ang pinatay niya." Seryoso nitong sabi sa akin.
Napakunot noo na lang din naman ako sa sinabi niya. Kaya ba siya nandito sa mundo ng mga tao para patayin ang nilalang na 'yun? "Ano bang ginawa ng nilalang na 'yun sa lugar at pamilya mo?" Interesado kong tanong sa kanya.
Bago niya ikuwento sa akin ang pangyayati ay napabuntong hininga na lamang siya at bumagsak ang balikat. "Maraming nagulat noong isang araw na isang kampon ng Dark Lord ang susugod sa lugar namin. Ang nakakatawa pa doon ay iisa lamang siya pero dahil hindi namin akalain na kaya niyang patayin ang mga Aldimoirer. Pangatli kami sa pinakamalakas sa Dark World ngunit nagawa pa ring mawakasan ang mga buhay ng nilalang na 'yun." Saka may tumulong luha sa pisngi niya na tumuloy pabagsak sa madamong lupa. Umiling siya at pinunasan ang pisngi.
"Anong nangyari sa pamilya mo?" Napalunok pa ako sa naging katanungan ko. Hindi man sa namamasok ng buhay ng may buhay pero daan na rin 'yun para makilala ko siya ng lubos at bakit niya ako tinutulungan.
"They've been killed. I'm just the one saved from our family because that time, I have a training then after that we had all know that Aldemoir is been attacked by a Dark Lord. But me with some Aldemoirer is trying to builded up again our place." She stood up and look at me, "Umuwi na tayo Xana."
Tumayo ako at hinawakan ko siya sa braso niya, "I'm grateful that you're here to help with my Mission..."
"I am glad too." She smile and nodded.
"But before the night will end, gawin na natin ang pagmamanman sa Nilalanf na 'yun." Sabi ko sa kanya na mabilis naman niyang tinanguan.
Mabilis naman kaming pumasok sa loob ng school. Madilim ang bawat paligid. Tila naalala ko na naman ang mga pangyayari noon na kailangan kong hanapin ang The Life Taker at kung saan saan pa kami napunta hanggat sa pinatay ko ang sarili kong ama. But it isnt a big deal for me atleast the school is free again from those Dark Worlders but now it happen again.
Hindi naman kami naglayo ni Asylum sa paglalakad. Sinusuri ang bawat paligid. Madilim pero dahil ngayona nakakaaninag na ako kahit papaano sa dilim ay nagagawa ko namang makita kung ano ang nandoon.
"Xana..." Naramdaman ko ang pagkapit ni Asylum sa kamay ko. "Tingnan mo 'to." Aniya. Mabilis ko namang nilingon ang tinitingnan niya.
Napatulala na lamang ako na makita ko kung ano ang nasa ding-ding ng paaralan at ito talaga ang bubungad sayo pagpasok na pagpasok sa pinto ng paaralan.
"Just take a moment, you're all be dead one by one." And when I read the sentence, we just got freezed. May umalingawgaw sa paligid na isang halakhak. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan aa nakakakilabot na halakhak. "Anong ibigsabihin nito?" Naguguluhan kong tanong.
Mauulit na naman ba ang mga pangyayari noon? Hindi maaari. Kaya't ngayon habang maaga pa, kailangan ng matigil ang nasimulan ng Dark Lord.
"Isa lang ang ibigsabihin nito Xana. Hindi titigil ang Dark Lord hangga't hindi namamatay lahat ng estudyante maging ang mga guro pati na rin ang mga janitor na may pinatay na." Alam niya ang nangyari. "Tapusin natin ang gabi ngayon Xana. Babalik tayo bukas para magmasid sa nilalang na 'yun."
Tatalikod at lalabas na sana kami ni Asylum ng biglang kumalabog ng sara ang pinto. Nagkatitigan kaming dalawa ni Asylum at sabay kaming tuamlikod at tama nga ang naging hinala namin. Nakatayo sa harap namin ang nilalang na kanina pa namin hinahanap. Mayamaya lamang ay sumugod ito sa amin pero mabilis kaming nakaiwas ni Asylum at tuloy-tuloy na lumabas ito ng pinto.
"Sundan natin!" Ani Asylum. Tumakbo naman kaming dalawa palabas ng silid at inikot ang paningin sa paligid.
"Wala na siya." Mahina kong tugon.
At dahil magpapasado alas dose na ay napagpasyahan namin ni Asylum na itutuloy na lang kinabukasan ang aming misyon. Nauwi ako sa bahay at mabilis na nagpahinga. Matatapos din ang pamamalagi mo dito, nilalang.
~Metria's POV
"Handa na ba kayo, mga bata." Nagising ako ng marinig ko ang boses ng lider ng Huanbe na si Hebe. Tumayo naman ako at sila Grano at Frixon ay sumunod sa akin papalapit kay Hebe. "Pumwesto na kayo." Utos nito sa amin.
Pumila naman kaming tatlo. Ako, si Grano at si Frixon. Pinanood lang namin si Hebe habang ginagaw ang kanyang orasyon. Malilipat na naman kami ng ibang lugar at sana sa pagkakataong 'yun mahanap na namin si Jester. Itinaas ni Hebe ang kanyang kaliwang kamay at mayamaya lang ay umilaw ito at sumugod ito papunta sa akin.
Unti-unti namang nawawala ang ibang parte ng katawan ko at tuluyan naman akong napunta sa ibang lugar. Nang iikot ko ang paningin ko ay nasa isang lugar ako na hindi ko maintindihan. Nakita ko rin na sumunod na rin sina Grano at Frixon. Nagulat din sila sa nakita nila kahit ako. Hindi ko aakalain na dito kami dadalhin ni Hebe.
Napaatras kaming tatlo na may lumalapit sa aming mga maliliit na nilalang. Mabilis na lumahad ang mga kamay ng mga nilalang na nasa harapan namin. Hindi namin maintindihan ang mga salitang kanilang binibitawan dahil ang liliit ng boses nila.
"Naiintindihan niyo ba?" Takang tanong ni Frixon.
Mas tinitigan ko pa ang mga nilalang, "Mukhang kailangan nila ng pagkain." Aniko.
"Anong ibibigay natin sa kanila?" Ani Grano.
Pero mayamaya lamang ay nagsitakbuhan ang mga maliliit na nilalang sa harapan namin. Napasunod na lamang kami bg tingin kung saan patungo ang mga nilalang na 'yun at kanilang mga tinatakbuhan. Napakibit balikat na lang din naman ako.
Kung susuriin mo ang paligid ng lugar na iyo ay parang nagkaroon ng digmaan. Umuusok ang paligid maging mga kabahayan. Mas mainit ang lugar na 'to. Lumapit ako kila Grano at Frixon pati sila nagugulumihan sa lugar na kanilang kahindi naman talaga dahil mukhang mbababang-uri ng mga nilalang ang nandito.
Mas mababa pa sa Treimora.
"Hindi kaya ito na ang tinatawag nilang 8 Powerful Dark Places?" Ani Frixon. Napakunot na lamang. Ako sa sinabi niya. 8 Powerful what? No.
"8 Powerful Dark Places but where is the powerful here?" Taka kong sabi sa kanilang dalawa.
"No, it isnt 8. There are 7." Singit naman ni Grano.
Mas naguluhan naman ako sa kanilang dalawa dahil mukhang magtatalo pa sila. Umeksena na rin naman ako dahil wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasabi nila.
"Anong mga pinagsasabi niyo?" Magkasalubong na kilay kong sabi sa kanila. Wala akong ideya sa mga sinasabi nila. Minsan lang ako mamalagi dito sa Dark World kaya wala akong kaalam-alam. "Anong mga Dark Places?"
"Isa lang ang ibigsabihin nito Metria, nasa sakop na tayo ng sentro ng Dark World." inikot k naman ang paningin at muling nagsalita si Frixon, "Nandito tayo ngayon sa pang-walo." Aniya.
"Sa pagkakaalam ko 7 lamang ang Dark Powerful Places." Naguguluhang sabi rin ni Grano.
Nagkibit balikat na lamang si Frixon sa kanya dahil mukhang hanggang doon lang din ang nalalaman niya. Mas mabuti dahil may alam siya, dahil ako ni isa. Wala.
"Anong ginagawa niyo dito?" Naagaw ng isang boses ang atensyon naming tatlo at ng hinarap namin ay nakita namin ang isang matandang babae. "Sino kayo?!" Aniya.
Napansin naman namin ang tagiliran nito na may sugat ay mayamaya lamang ay natumba ito. Agad naman namin itong tinulungan at dinala sa isang tabi. Nang mahiga naman namin ang matandang lalaki ay tiningnan oo ang sugat nito sa tagiliran.
"Mukhang malaki ang tama nito." Ani ko. Saka napailing-iling sa nakita.
"Ano naman kayang nangyari dito?" Ani Grano.
May narinig naman kami na papalapit sa amin pero matinis ang boses nito at nang hanapin namin kung saan nanggaling ang boses ay nagmumula ito sa isang nilalang na may kalakihan di umano kanina sa mga nilalang na malilit na nakita namin.
"Uma!" Tawag nito sa matandang lalaki na aming tinulungan. Humarap naman sa amin ang nilalang at masama ang mga itig nito. "Ona Awanig oyin!" Sigaw nito sa amin.
Napatayo naman kaming tatlo at bahagyang napaatras.
"Mukhang tayo ang inakala nitong nanakit sa ama niya." Aniya.
"Mga kampon rin siguro kayo ng Dark Lord! Umalis na kayo sa lugar namin!"
Nanatili naman kaming nakatayo habang sinisigawan kami nito pero nilakasan ko ang loob at lumapit sa nilalang at lumuhod.
"Nandito kami hindi para gumawa ng gulo. Hindi kami kaaway sa katunayan... kalabn din kami ng Dark Lord."
Sa sinabi ko ay kumalma naman ang nilalang na nasa harapan ko at napayuko na lamang siya.
"Sinira nila ang lugar namin. Wala na ang Protoax. Burado na sa 8 Dark Powerful Places."
Hindi ko talaga maintindihan. Anong meron sa 8 Dark Powerful Places? Nakakapagtaka lang dahil wala akong alam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top