Dark World VIII

Dark World VIII

~Xana's POV

Kinabukasan, lahat ng nalaman ko kagabi at lahat ng nasilayan ko ay hindi ko pa rin mapantayan kung ano nga bang gustong iparating ng mamamatay na 'to. I don't even know who the hell it is pero nakakasigurado ako, kung hindi siya tao, isa siyang kampon ng mga demonyo na nananatili sa mundo ng mga tao. Dito ba naman sa paraalan kung saan tinawag na Impyernong Paaralan, hindi ka talaga magdadalawang-isip na sa loob ng pasilidad at paligid ng paaralan ay nagtatago ang mga malalagim na kapahamakan.

            "Xana, hindi kita napansing umuwi kagabi. Kumusta? Anong nangyari?" mabilis na tanong sa akin ni Mama. Napangisi na lamang ako sa tuwing maalala ko ang pagtangka ng nilalang na 'yun sa buhay ko. Akala niya, isang saksak lang ang makakapatay sa akin.

            Nagkakamali siya dahil ngayon na alam ko na gamitin ang lakas ko. Hinding hindi nila ako kayang patayin. Even the my bloody father, The Life Taker can't resist to kill his own finest daughter.

            "Hindi na kita inabala kagabi Ma, at tungkol sa pagpunta ko sa paraalan... Wala akong masyadong nalaman. Kagabi, may muli na naman siyang pinatay." Dire-diretsyo kong tugon kay Mama na ngayon ay tinanguan lamang ako. Pati si Mama ay gulong-gulo dahil dapat ngayon ay nakilala na namin ang mamamatay na 'yun pero dahil naging mailap siya. Hindi ganun kadali ang misyon ko para siya namang gantihan.

            Ang Impyernong Paaralan na tumahimik ngunit binalik ng isang nilalang upang pumatay muli.

            Umiling-iling naman si Mama at bakas naman sa kanya ang pag-aalala rin pero wala siyang magagawa dahil wala na namang magagawa si Mama gaya ng sabi niya dahil wala namang dugong itim na budhi si Mama kaya wala siyang lakas para lumaban. Moral support will do. "Basta Xana, anak... mag-iingat ka lang. Kung hindi mo talaga kaya tawagin mo si Me—."

            But I snapped out her from what she said, I shook against my head. "No Ma, we couldn't get Metria's help that he still has his Mission. I can do this on my own, I can do this in a way that I can. Ma, I have to go."

            She nodded and I left the house.

            As soon as I got to our school, the commotions are still there. I already heard what they'd know, what they scared all about. So ang kailangan lang mangyari ay maalis sa isipan nila ang pangyayaring ito. I don't have the strength to erase all of their memories but the 'pulang punyal' of Metria coud. But this time, just stay in the right way. Make no one knows, I'm the daughter of the, The Life Taker.

            Sa hallway pa lang ay laganap na ang chismis ng mga esdyante. Laganap na naman ang mga katatakutan at pangangamba sa paligid. Yes! Nawala nga ang mga nilalang na naninirahan dito na noo'y patuloy sa pangangambala but still, some of them are still here. Ewan ko kung paano nangyari. Hindi ko na lamang pinansin dahil mas nagiging agresibo ako sa magiging mission ko rito.

            Tumuloy ako sa classroom ko at naupo. Pinansin ko ang paligid ko. Wala na ang maiitim na aura sa paligid. Wala na rin ang mga masasamang nilalang para kumuha ng buhay ng mga estudyante pero nanatili pa rin ang takot ng estudyante simula ng may mabalitang patayan.

            "Xana! Nabalitaan mo ba?" agad na kwento sa akin ng kaklase kong si Anina. Tiningnan ko naman siya ng walang expression sa mukha. "Xana! Nakakatakot!"

            Sa loob loob ko natatawa na lang ako. Bakit ako? Hindi ako natatakot? Siguro dahil may lakas ako para labanan kung sino man 'yun pero alam kong hindi pa rin makakadepende ang lahat sa sitwasyon. Hindi natin alam kung anong pakay ng nilalang na 'yun. "'Wag kang matakot, baka isunod ka."

            "'Wag ka ngang magbiro niyan! Naku! Nakakaawa 'yung janitor, ginilitan sa leeg." At kumalat na nga ang chismis. Hindi ko nga rin alam kung bakit may janitor sa lalim ng gabing 'yun? Doon na ba siya natutulog? Nakakaawa.

            "Just stay calm Anina, walang mangyayari sayong masama." Sa sinabi ko ay natigil siya sa sobrang kaba niya at ilang saglit na tinitigan ako kasabay ng pagkunot niya nang noo niya.

            Tinulak nito ang noo ko. Napapikit at iling naman ako sa ginawa. How could she do that? "Baliw ka ba? Paano mo naman nasabi na dapat kumalma? Marami nang natatakot na estudyante, Xana. Could you understand the situation?" paghuhumerentado niya sa akin.

            I seat properly and smirked, "I definitely understand, Anina." Because I'm the one preventing this someone could kill anyone.

            "Oh! Matakot ka naman!"

            I shrugged, "Well, just I don't care."

            "Naku! Naku! Siguradong ikaw ang susunod." Aniya. Iiling-iling pa niyang sabi. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay at hindi na muling pinansin. Napakatagal ng oras. Ang tagal tagal.

            Dumating ang professor namin na noo'y laging may kasamang itim na dwende pero ngayon wala at tuluyan ng umalis sa pugad niya. Masama ang itim na duwende na laging nakalambitin sa likod and that's the worst black elf I've been seen.

            Natapos ang guro magturo. Mabilis na umandar ang oras hanggat sa natapos ang klase. Ang lahat ng estudyante ay handa na magsiuwian dahil maski isa sa kanila ayaw magpahuli o maiwan sa loob ng impyernong paaralan. Sinong masisisi nila kung ang bawat oras hindi ka mapapalagay, kailangan mo laging makiramdam.

            Nakisabay ako sa alon sa hallway ng paaralan. Bumabagal ang oras, tila nag-slow motion ang paningin ko na sa bawat makikitang kong estudyante ni babae o lalaki bakas na bakas ang takot. Pinakiramdam ko sila at bahagya akong pumikit.

            "Sh*t!" I cussed. Mabilis kong inikot ang paningin ko at tumama sa isang nilalang na nakatayo ngunit nakatalikod sa direksyon ko. Umalis ako sa kumpulan ng tao at tinunton ang kinatatayuan ng nilalang. Hindi ko makuha kung babae o lalaki ang nilalang. Balot na balot ito ng itim na damit. Maski sa galaw, hindi ko makilanlan.

            Sa paglapit ko, siyang layo naman nito at sa pagtakbo ko ay tuluyan na siyang kinain ng kadiliman. Agad akong lumapit sa switch ng ilaw pero nabigla ako ng mawala na doon ang nilalang na sinusundan ko.

            "Imposible..." sambit ko. "Kung hindi tao ang gumagawa nito, malamang nilalang mula sa Dark World ang isang 'to. Paano nangyari?" nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggat sa mawala na ang inaalon na estudyante makalabas lamang ng silid.

            Kung hindi ko matatapos 'to ng maaga, tiyak na malagim ang kahihinatnan nito.

~Metria's POV

Pinapanood ko lamang si Grano habang nilalambing niya ang kanyang alagang si Asux. Imposible rin na pumayag si Grano sa kagustuhan ng matanda dahil silang dalawa ang mapepeligro dito. Iisa ang buhay nila, kapag nawala ang isa tiyak na mawawala rin ang isa. Mahirap kung tutuusin pero saglit lang 'to, dinawit kasi ang buhay. Napaka!

            "Paano kay Metria? Mukhang hindi bibigay si Grano sa gusto ng matanda?" tanong sa akin ni Frixon na pinapanood din si Grano at Asux. Masaya si Grano kasama ang alaga niyang weird pero sobrang talas ng amoy kaya dinala kami dito sa kulungan na 'to.

            Napailing na lang ako, "May iba pa atang paraan pero kung hindi, hindi na natin kailangan ang tulong ng matanda." Namintig ang panga ko sa sinabi ko. Hindi ako susuko hanggat hindi namin nakikita si Jester. Nangako ako kay Xana na babalik ako na kasama si Jester. I would never ruin my promise to her.

            Ano na kayang balita sa kanya? Xana, mag-ingat ka diyan.

            Binalik ko ang tingin ko sa matanda na aming nakausap. Nagme-meditate pa rin ito pero nang sakto akong mapatingin sa kanya ay nginisihan ako nito saka siya tumalikod. Pakiramdam ko talaga may ibang gusto ang matandang 'yun, hindi lang si Asux... hindi lang ang dugo nito. Nilibot ko pa ang paningin ko, sari-saring nilalang na na-trap sa kulungan na halos ilang dekada sa kulungang ito.

            Tumayo ako, "Frixon, Grano at Asux."

            Tiningalaan naman ako ni Frixon, "Bakit Metria?" Tanong ni Frixon. Si Grano ay tiningnan lamang ako. Ayaw niyang pag-usapan tungkol sa dugo ng kanyang alaga.

            "Gagawin natin ang kondisyon ng matanda."

            "Hindi!" agad na pagpupumigil ni Grano sa akin. "Hindi ko ibibigay ang dugo ng alaga ko sa matandang 'yun. Hindi maaari, Metria. Pasensya na pero mahal ko ang alaga ko." pagmamatapang niya at hindi pagsang-ayon sa kagustuhan ko.

            Hindi pa niya kasi ako pinapatapos, "Hindi dugo ni Asux. Kundi sayo."

            "Pero!" Ani Frixon pero pinigilan ko kaagad siya.

            "A-anong dugo ko?"

            Naupo naman ako at lumapit sa kanilang dalawa at marahan na binulong ang mga salitang bibigkasin ko, "Iisa lamang ang buhay ni Asux at Grano at posible rin na iisa lang din ang dugo niyo. Grano, ikaw ang gagawa."

            Napatingin naman sa akin si Frixon na gulong gulo, "Baka hindi tumalab 'yan, Metria? Alam mo magkaiba silang dalawa?"

            Nginisihan ko naman siyang muli, "Magkaiba sila sa kaanyuan pero magkatulad sila loob at laman pati na rin ang dugo." Muli kong binalik ang tingin kay Grano. Magkatitig silang dalawa ni Asux, bakas naman kay Grano ang pag-aalinlangan.

            Ilang saglit lamang, tumama ang mata niya sa mata ko, "Metria, kung dugo ko ang ibibigay para malinlang ang matanda, papayag ako." Mabilis naman akong napangiti sa sinabi niya.

            "Frixon, kumuha ka ng kutsilyo." Utos ko naman.

            Nag-aligaga naman si Frixon sa paghahanap ng kutsilyo at ilang saglit lamang ay bumalik na siya dala-dala ang isang matalas na patalim. Kumuha kami ng lalagyan na nakita lang namin sa paligid at sinalok. Hiniwaan ko ang braso ni Grano at lumabas ang itim na dugo, bumubula-bula pa ang mga ito. Mabilis ko namang hinawakan ang kamay niya at nawala ang hiwa na ginawa ko sa braso niya.

            "Gawin na natin." Tumango naman sa akin ang dalawa at naglakad kami palapit sa matanda. Kung wala lang siyang alam kay Jester bakit pa kami mag-aabala sa isang 'to pero dahil kilala niya si Jester at tinawag pa niyang 'Batang Jester'. Nakilala niya at nakasalamuha ang mortal na kaibigan ni Xana.

            Nang makalapit naman kami sa matanda ay humarap ito sa amin at pinandilatan ang hawak-hawak kong pinansalukan ng dugo ni Grano.

            "'Yan na ba ang dugo ng alaga mo?" ngumuso naman ito sa hawak-hawak ni Grano na si Asux. "Akin na 'yan!" agad namang inagaw sa kamay ko ng matanda ang dugo at mabilis naman nitong tinungga ang dugo.

            Napalunok na lamang ako sa kanya. Hindi ako normal na nilalang pero hindi naman ako umiinom ng dugo. Nakakasura.

            "Hindi ko kinakaya, Xaxon." Pandidiring bulong sa akin ni Frixon.

            Nagsalubong ang kilay ko nang bumungad na muli ang mukha ng matanda sa akin at pinunasan ang bibig na nilamutakan ng dugo. Itim na itim. Mabuti na lang at hindi niya nakilala kung kanino at mabuti na lang tama ang naisip ko, iisa lang ang dugo ni Asux at Grano.

            If anyone could kill them, may one of them sure ball din na mamamatay.

            "Ako si Recola, ang tumulong sa batang Jester. Sa totoo lamang ay hindi ko nasabi sa kanya ang daan palabas ng Dark World ngunit naitakas ko siya dito sa kulungang ito."

            "Paano pong sinabi niyong nasa ibang dimensyon na si Jester?"

            Humawak ito sa kanyang mahabang balbas na patulis at kanya itong hinimas-himas, "Hindi ako ang may gawa nun!" aniya. "Pero sa itaas ng kulungang ito, doon may maaring tumulong gaya ng pagalis ni Jester."

            Napapahaba lang ang usapang 'to, kailangan magmadali. "Sabihin niyo, paano?"

            Tumawa naman ito, "Ang lider ng Huanbe, siya mismo ang nagdala kay Jester sa ibang dimensyon. Doon kayo tumuloy, siya ang makakatulong sa inyo."

            "Tara na!" Ani Frixon.

            "Hindi pa tayo makakaalis hanggat nandito tayo sa kulungan."

            "Recola, maitatakas niyo ba kami dito sa kulungan?" pagtatanong naman ni Grano sa matanda.

            Agad naman siyang tinanguan ni Recola. "Oo, lumapit kayo dito." Utos niya.

            Maya-maya lamang ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nakita naming tatlo ang isang parisukat na hugis at mayamaya lang ay iniangat niya ito ng walang kahirap hirap.

            "Dito ang daan, dalian niyo bago pa may makakita." Nauna namang pumasok si Grano at ang alaga niyang si Asux at kasunod si Frixon. Papasok na ako nang mapansin ko na sa mismong kinpupwestuhan pala ay ang lagusan palabas pero mismo siya ay hindi umaalis.

            "Hindi ka ba sasama sa amin?"

            "Hindi, mas kailangan kong pangalagaan ang kulungang ito. Magmadali, kung gusto nilang umalis bigyan nila ako ng dugo. Sige na Batang Metria, umalis ka na."

            Tumango ako sa kanya at sumunod lamang sa dalawa kong kasama palabas sa isang lagusan. Napangisi lamang ako na makitang sa mismong nilabasan namin ay ang tinutukoy nilang lider ng Huanbe.

            Batang Metria? Tss. Lahat ata ay tinatawag niyang bata gaya ng kay Jester.

            Napalingon naman sa amin ang lider. Diretsyo ang tingin at tumango sa amin.

            "Anong kailangan niyo?" bungad nitong tanong sa min.

            Jester, lalong tumatagal lalong dumadami ang lugar na napupuntahan namin. Saan ka ba namin susuotin. Nakakainis na!

            

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top