Dark World VII

Dark World VII

~Xana's POV

Ngayo ang itinakdang araw ko para hanapin ang gumawa nang krimen o hindi maipaliwanag na pangyayari sa likod n gaming paaralan. Hindi ko alam kung saan nagsimula 'yun o kung anong dahilan bakit nagkakaroon na naman nang mga ganitong bagay pero ngayon mas alam ko na ang gagawin ko kung gaya nang dati na wala pa akong alam dahil hindi ko pa alam na isa pala akong anak ng isang demonyo then suddens came out my strengths come out. I could actually handle it rather than before.

            "Xana, sigurado ka ba diyan sa gagawin mo?" Tanong sa akin ni Mama. Hindi naman ako nagdalawang isip na gagawin ang misyong ito dahil nasa akin naman talaga kung ang desisyon pero mas pinili kong gawin ang nararapat at mapatahimik muli ang may kagagawan nang mga bagay na ito.

            Tumango naman ako kay Mama, "Ma, kahit kailan naging handa ako." Muli naman akong niyakap ni Mama upang magbigay gabay sa akin. Alam naman din ni Mama ang kanyang gagawin sa posibleng mangyari sa akin o kapahamakan na nakabalot sa akin sa kapaligiran ko ngayon dahil wala si Metria na hihingan ko rin nang tulong.

            Kaya kong mag-isa.

            Muli naman akong tumango kay Mama at tuluyan nang lumabas ng bahay namin. Gabi ngayon at tahimik ang daanan. Walang katao tao dito dahil marami na ring kababalaghan ang nagpapakita sa daan pero 'yun daw ay mga history na daw at kung magagawan yun nang paraan upang mapatahimik sila'yun ay ang mga magulang ni Metria na ngayon ay nasa ibang dimension.

            Marahan at tahimik naman akong naglalakad patungong paaralan. Sa paaralan na 'yun naranasan ko ang lahat—ang maging matapang, agresibo at walang inuurungan. Dahil sa mga nangyari sa amin 'dun naging kaya kong mag-isa. Hindi na rin ako natatakot dahil lang sa mga nilalang na 'yun dahil sa akin dapat nila akong katakutan dahil ako ang anak ng tinaguriang Life Taker pero dahil nandito nga ako sa mundo ng mga tao ay wala rin silang laban sa akin.

            Pero mas malakas ang kapangyarihan ko sa Dark World, kung tutuusin.

            Nang makarating na ako sa paaralan ay nilibot ko muna ang paningin ko sa impyernong paaralan na 'to. Akalain mo 'yun, nagtagal ako dito at ngayon ay ako na ang sumusugpo sa mga hindi pangkaraniwang nilalang. Hindi naman alam ng mga estudyante ang mga pinaggagawa ko dahil sa lakas ko na makakalimutan nila ang bawat pangyayari sa lupa kaya kahit anong makita nila mula sa akin, balewala ang lahat.

            Dahan dahan ko namang binuksan ang kinakalawang na gate ng paaralan. Maingay ito kaya minarahan kong dahanan dahil ngayong gabi ay paglalaruan ko kung sino man ang taong likod sa mga patayan sa paaralang ito.

            Unang kilos ko lang ay may naramdaman agad akong mga kaluskos sa paligid. Napangisi na lamang ako dahil mukhang tama ang naging tiyempo ko na ngayong gabi gagawin ang misyon niya, kung si Metria ay hinahanap ang kaibigan kong si Jester sa Dark World ako naman ay ang misyong hanapin ang pumatay sa mga estudyante dito.

            Hindi naman ako nagkakamali na tao ang nasa likod nito dahil ang layo kung sa mga nilalang nang Dark World ito manggagaling dahil lahat sila ay nalusaw na at bumalik sa kanilang dapat paglunggaan. May binigay rin sa akin si Mama na amulet, ito raw ang amulet kung saan kaya kang protektahan at pagalingin. Mabisa rin naman ito dahil umiilaw ang amulet na 'to kapag may malapit na kasamaan sa paligid.

            "You can't run to your death." Ngisi ko pa.

            Dinahan ko namang tinulak ang pintuan ng main building. Naaninag ko naman ang madilim na kapaligiran ng bawat silid ng espasyo ng paaralan. May kaunting liwanag naman na binibigay ang buwan kaya mas mabuti na maging maingat at maliksi sa magiging misyon ko rito. Naghanda naman ako nang armas ko dahil sa posibleng pag-atake nito sa akin kaya mas mabuti nang maging proteksyonan ang sarili ko.

            Agad naman akong napa-iwas dahil sa may biglang bumungad na tao sa harapan ko na bigla akong tusukin ng matalim na kutsilyo pero mabilis ko naman itong naiwasan at nang ako na ang susugod sa kanya ay mabilis itong tumakbo at bigla na lang nawala sa paningin ko. Hindi ko nakilala kung sino 'yun dahil sa nakatakip ang mukha nito, hindi ko malaman kung babae ba o lalaki ang taong 'yun pero ang nararamdaman ko lang. Mahina ang isang 'to.

            Agad naman akong sinundan ang direksyon na dinaanan nang killer na 'yun. Wag siyang magtangka na pumalit bilang isang Life Taker dahil ngayon pa lang sinasabi ko na hindi siya magtatagumpay sa isang Xana Ethoria. Nang matungo ko naman ang daan ay bumungad sa akin ang lumang library nang paaralan. Hindi madalang mapuntahan ang lugar na 'to dahil sa bawal naman itong pasukan kaya dahan dahan akong pumasok sa loob nito.

            Nangati bigla ang ilong ko dahil sa alikabok na naamoy na pumalibot sa ilong ko kaya tinakpan ko naman ng panyo ang ilong ko at minatsyagan na ang paligid ng library. Madilim at malawak ang espasyo nang lugar na 'to pero sobrang kalumaan na lahat ng gamit dito. Nang matunton ko naman ang isang sulok ay tumambad sa akin ang nanuyot na dugo at dahan dahan ko naman itong sinuri.

            "Ang dami na pala nitong pinatay." Saka ako muling tumayo.

            "Huwag ka nag magtangka na kilalanin ako!" umalingawngaw naman ito sa paligid pero hindi ko pa rin makilala ang boses nito dahil parang naka electronic voice ito at binago. Mukhang pinapahirapan ako nang isang 'to at ngayon, mas nagiging exciting ang lahat ng ito. Lumabas naman agad ako nang library dahil mukhang wala naman akong impormasyon na makukuha dito, nilibot ko na lang din naman ang bawat silid, bawat kwarto. May ilang silid na patay ang sindi ang ilaw kaya in-off ko ang transformer dahil baka magkaroon pa nang sunog dito.

            "Ahhh!" isang matining na boses ang narinig ko. Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at itinakbo ang direksyo nang boses na 'yun at halos madatnan ko ang nag-aagaw buhay na janitor ng paaralan namin. May dugong dumadaloy sa leeg nito.

            Nilapitan ko naman siya.

            "Anong nangyari?" tanong ko.

            Pero hindi siya makasagot at patuloy sa pagsirit ang dugo niya sa leeg pero dahan dahan nitong iniangat ang kamay na nakaturo sa likuran ko. Agad naman akong nakaramdam at ginamitan ko na ito nang lakas ko. Nakita ko na lamang itong nakahalumpasay sa sahig at mabilis na bumangon at tumakbo.

            Huwag na huwag mo akong subukang patayin, hindi mo alam kung anong mas kaya kong gawin.

           

~Metria's POV

Sa madilim na paligid na bumalot sa amin ay unti unti naman itong nagkaroon ng imahe dahil sa nagkakaroon na ito nang liwanag at ngayon ay nakatayo kami sa lugar ng, "Ito na ang Huanbe." Ani Grano.

            Agad naman kumalag sa kanya si Asux na biglang tumakbo nang napakabilis kaya ang nangyari ay mabilis na nawalan ng malay si Grano. Inilalayan siya ni Frixon dahil mukhang hindi namin alam kung saan pumunta si Asux. Ano naman kayang nangyari 'dun at mabilis na tumakbo?

            "Asux..." nabigla na lang kami ng magsalita muli si Grano na ibigsabihin ay papalapit na muli si Asux at natanaw naman agad namin ang aso niya na may kagat kagat na pulang bagay. Kinarga naman ni Grano si Asux at kinuha ang nasa bibig ni Asux na pulang bagay. "Aray!" biglang nabitawan ni Grano ang bagay na 'yun.

            "Bakit?" tanong ni Frixon.

            "Mainit." Simpleng sagot ni Grano.

            "Ano bang lugar 'to?" pagtatanong ko kay Grano.

            "Ito ang daan patungong impyerno, ibigsabihin... nasa tamang landas tayo." Aniya. Napailing naman ako sa kanya dahil ang gusto niya ay maghiganti sa Dark Lord na kanilang kinilala pero ang kailangan ko ngayon ay mahanap si Jester pero mukhang wala akong ibang choice kundi sumunod na lang din sa kanila, mas marami silang alam sa akin.

            "Huanbe! Oo tama ka nga! Lahat nang nilalang dito ay kulay blue pero kapag hinakawan ko, sobrang init! Babala 'yun mula sa inyong dalawa!" ngiti pa nitong tugon sa amin.

            "Salamat kung ganon." Tugon ko na lamang. "Tara na at magsimula na tayo." Tinanguan naman ako nang dalawa at naglakad naman kami. Marupok ang mga daan dahil konting hakbang mo lamang ay mabibitak na ang mga ito kaya lubos na pag-iingat ang kailangan pero nakaya ko naman itong labanan dahil sa natatangi kong lakas at naging magaan.

            "Saan natin hahanapin ang kaibigan mo dito?" tanong ni Frixon.

            Umiling naman ako, "Wala akong alam."

            "Uso ang magtanong." Litanya ni Grano. Paulit ulit niyang sinasabi kapag magtutungo kami sa panibagong lugar, mabuti na nga lang at hindi ang portal na pinasukan namin ay ang katulad nang sa Treimora at Poinsaz. Ngayon ang problema lang kung paano kami makikipagusap sa mga nilalang dito dahil mukha silang mga agresibo dahil sa kanilang kulay.

            "Grano, sa sinabi mo. Ikaw ang sumubok." Pagsusubok ko sa kanya.

            Ngumisi siya sa akin at lumapit siya sa isang dambuhalang kulay blue na nilalang, malaki ang mga parte ng nilalang at hawig nang baboy ang ulo nito. Agad namang bumalik si Grano na malapad pa ang ngiti at meydo nakakainsulto naman 'yun dahil hindi man lang siya nag-alala.

            "Ano?" tanong ko.

            Umiling siya, "Wala daw siyang alam eh. Edi paano 'yan? Hindi naman pala ganun kasama ang lahi nila kaya ikaw na ang magtatanong sa susunod, Metria." Aniya.

            Hindi katulad sa Treimora at Poinsaz na may mga tahanan sila dahil ang nakikita ko lamang sa paligid ay mga naglalakihang mga itim na bato at kulay pulang kalangitan. Ibang iba sa lugar na napuntahan na namin. Siguro may tsansa rin talaga na makita namin dito si Jester dahil ang sabi nang taga Poinsaz ay tumungo sa portal na ito, ibigsabihin ay natungo nga siya rito.

            Sinigurado ko naman ang una kong tatanugin dahil nakakakilabot talaga sila, mukha palang alam mo na may masamang balak. Nilapitan ko naman ang isang nilalang at agad naman itong binigyan ng pahintulot na makipag-usap.

            "Anong kailangan niyo?" Tanong nito. Napalingon naman ako sa mag kasama ko at pinagpatuloy ko na lang din ang pagtatanong ko.

            "May nilalang ba kayong nakita na napadpad sa lugar niyo? Kung maaari pwede niyong sabihin?"

            Para itong baboy na umungol at umiling sa akin, "Wala." Simple nitong sagot. "Doon kayo magtanong, siya ang namamahala dito sa Huanbe." Pagtuturo nito sa isang nilalang na hindi nila kauri pero mukhang maraming alam.

            "Maraming salamat." Ani ko.

            Tinanguan ko naman ang mga kasama ko at tumakbo papunta sa nilalang na kaniyang tinutukoy pero sa kasamaang palad ay nabitak ang inaapakan nila Grano at Frixon dahil upang mapasama kong mahulog. Nakulong kami sa isang mala-cage at puro mga iba't ibang nilalang an gaming nakita. Bigla na lamang nangyakap si Frixon.

            "Ano ba! Bakla ka ba?!" sumbat ko sa kanya.

            Kumunot noo naman siya sa akin, "Anong bakla? Anong salita 'yun?"

            Napailing na lang ako sa kanya at inalis siya sa pagkakakapit sa akin.

            Napaikot naman ang paningin ko sa mga nilalang na nasa loob din ng cage na ito. Iba iba at maswerte kami dahil may nakita kami isang nilalang na mukhang matutulungan  kami. Agad naman namin itong nilapitan.

            "'Wag niyo akong istorbohin!" suway nito samin.

            Nakatalikod ito at mukhang nakapikit.

            "Gusto ko lang sana magtanong kung may napadpad ditong nilalang na puro galos ang katawan at mukhang mahina." Tugon ko sa kanya.

            Dahan dahan naman itong napalingon sa aming tatlo at dinilat ang napakalaking mata niya na halos lumuwa na. Pinigilan ko lang ang mandiri sa kanya.

            "Ang batang Jester."

            Ang ikinagulat naming tatlo ay banggitin nito ang pangalan ni Jester na sa kasalukuyan ay hinahanap namin.

            "Kilala mo siya?" mabilis kong tanong.

            Tumango naman sa akin ang nilalang na hindi ko masuri kung babae o lalaki. "Oo dahil tinulungan namin siyang maakalis sa kulungang ito."

            "Para saan? Saka nasaan na siya ngayon?" tanong ko muli. Mukhang ang impormasyon ng nilalang na ito ang magdadala sa amin kung nasaan na ang nawawalang kaibigan ni Xana.

            "Ang sabi niya ay gusto niya makabalik at 'yun lang 'yun wala nang iba."

            "Makabalik saan?" dagdag ni Grano.

            "Sa mundo ng mga tao pero ang pagkakaalam ko ay hindi na makakabalik ang tulad niyang nilalang doon  dahil mahina na siya at nandoon ang anak ng Life Taker." Aniya. Si Xana ang tinutukoy niyang anak ng Life Taker.

            "Mga kaibigan niya kami at hinahanap namin siya, paano namin siya mahahanap gayong nandito kami?" tanong ko.

            Ngumisi ito at tumayo, "Matutulungan ko kayo sa isang kundisyon. At siguro ang kaibian niyo ay nasa ibang dimensyon na dahil wala naman siyang alam kung saan ang pabalik." Aniya.

            "Anong kundisyon?" tanong ko.

            "Ang dugo nang alaga mo." Saka nito tinuro ang alaga ni Grano na si Asux.

            "Hindi maaari!" agad na sabat ni Grano.

            Hindi talaga maaari, dahil half life ang meron sila. Nakakainis! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko dito sa Dark World, mukhang pinapahirapan lang kami ni Jester sa paghahanap sa kanya.

            

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top