Dark World VI
Dark World VI
Humiwalay ako kila Grano at Frixon upang mas lalong mahanap ko si Jester dito sa Poinsaz kung nandito man siya pero nananalig ako na sana mahanap namin siya dito dahil kung hindi mas lalo kaming matatagalan sa paghahanap at madadako pa sa ibang lugar ng dark world at maghalughog para lang mahanap si Jester. Kanina rin ay may umalingawngaw sa paligid ko na boses ng kung ano, hindi ko alam kung kanino galing ang boses na 'yun pero ang naiisip ko lang ay isa siya sa mga gumawa ng kadilimang ito.
Nang madaanan ko ang bawat paligid ng lugar na ito ay hindi malayong maihalintulad sa normal world kung saan mga tao doon ay normal na namumuhay kagaya rin dito pero ang ikinaiba lang ay ang mga gamot na kanilang mga pinagkakaabalahan.
Lumapit naman ako sa isang tindahan ng mga gamot na may kaliitan dahil wala gaanong lumalapit at nagtitingin sa kanyang mga tinda. Nang hanapin ko ang tindera ay bigla na lamang itong bumulaga sa harapan ko dahil kanina pala ay invisible ito at hindi nakikita.
"Anong kailangan mo?" mataray nitong tanong sa akin.
Agad naman akong umiling dahil mukhang mali ang natunton kong tao upang mapagtanungan. Bigla naman agad itong nawala ulit nang umalis ako sa pwesto niya pero ang hindi niya napansin ay ang gamot na aking ikinubli mula sa kanyang mga paninda. Naakit din kasi ako sa gamot na ito na kulay pula at ang nang medyo makalayo na ako sa daang iyon ay sinuro ko ang nakuha ko.
"Lux of life." Basa ko sa nakasulat sa bote nito. "When you drink it, it'll give you another life." Napatango na lang din naman ako dahil mas mukhang kakailanganin ko rin itong nakuha kong Lux at tama nga talaga na naakit ako dito.
Muli naman ulit ako bumalik sa paghahanap kay Jester n asana ay nandito siya ngayon naglalagi sa lugar na 'to kung hindi ay hindi ako alam kung saan ko siya hahanapin, namin nila Frixon at Grano. Mahirap dahil masyadong mapaglaro at malawak ang dark world kaya mahihirapan kami kung bawat lugar ay aming pupuntahan. Napadako naman ang tingin ko doon sa bahay na mukhang hindi pansinin kaya doon ako tumungo.
Dahan dahan akong kumatok at ilang saglit lang ay naghintay ako nang magbubukas at lumabas dito ang isang nilalang na walang mata pero buo ang kanyang pisikal na pangangatawan. "Anong tinitingin-tingin mo diyan, hijo?!" agad nitong sita sa akin. At ang mas kinagulat ko pa ay nakakadama siya ng kung sino ang nasa harapan niya.
Hindi pa ako muling nagsalita pero inaamoy-amoy ako nito, mula balikat hanggang leeg ko. Natigil naman siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Pumasok ka." Pagpapatuloy nito sa akin sa loob ng kanyang tirahan na agad ko namang sinang-ayunan at tuluyan naman akong pumasok sa loob. Hindi ko naman maikakaila na iba iba talaga ang uri ng tiarahan dito sa dark world pero laging namumutawi ang itim na pumapalibot sa kapaligiran. May nakita naman akong upuan at doon ako naupo. "Anong maitutulong ko sayo, nilalang?" tanong nito sa akin.
Umayos ako nang pagkakaupo ko, "Maitatanong ko lang po sana kung may napadpad po ditong nangangalang Jester."
Sana ay may impormasyon akong makuha mula sa kanya.
Nagiba naman ang expression ng mukha nito. "Mukhang meron, nilalang." Tugon na lamang nito sa akin.
"Talaga po?!" hindi ko makapaniwalang sagot sa kanya. Sa wakas, matatapos na ba ang paghahanap ko sa kanya at makakabalik na rin ako sa piling ni Xana. "Pwede niyo ba pang sabihin kung anong histura niya?"
"Nang-iinsulto ka ba, nilalang!" tumaas na boses nito sa akin.
Napailing na lang din ako na marealize ko na hindi nga pala siya nakakakita dahil wala siyang mata pero malaking bahagi nang impormasyon ang makukuha ko mula sa kanya kung sasabihin niya kung anong hitsura nung nilalang na napunta dito sa tahanan niya.
"Paumanhin, nagtatanong lang naman ako." Tugon ko na lamang sa kanya.
Ngumisi ito, "Gayong hindi ko nakita ang tinutukoy mo subalit kapag nahawakan ko ang isang nilalang ay nakikita ko ang hitsura nito." Aniya. Atlast nagkaroon na naman ako nang pag-asa mula sa kanya at sana sina Frixon at Grano ay naghahanap na rin sa nawawalang kaibigan ni Xana. "Isa siyang lalaking nilalang na puro sugatan at medyo mahina pero sa tingin ko naman ay may laban. Mukhang ibang nilalang sa karaniwang nakikita ko."
Tama nga ang sinasabi niya!
"Ano pa po?"
"At nagtanong siya sa akin kung paano makapunta sa mundo ng mga tao." Bitin na sabi ng isang nilalang na 'to.
"Tapos?" pananabik kong malaman ang susunod pang impormasyon mula sa kanya.
"Pinalayas ko siya dito sa tahanan ko dahil kahit kailan ayokong buksan ang tungkol doon. Masyadong mahipagmagsik ang mga nilalang na 'yun at nakukuha kong isa siyang tao kaya minadali kong palayasin siya."
Napabuntong hininga naman ako dahil mas mukhang lumala pa ito sa inaasahan ko na akala ko ay dadali ang paghahanap ko kay Jester. Akala ko malaking bahagi ng impormasyon ang makukuha ko pero nawala rin kaagad ito.
"Saan niyo po siya dinala?"
Umiling ito sa akin, "Hindi ko alam... mas mabuti kung libutin mo ang lugar nang Poinsaz baka sakaling may mapagtanungan ka pa dahil hindi na kita matutulungan." Aniya. Agad ako nitong hinawakan sa palad pero agad ko namang hinawi pabalik ang kamay ko sa akin.
"Anong ginawa mo?" matigas kong tanong sa kanya.
Tumawa naman ito nang nakakaloko, "Kilala kita ah! Metria..." aniya.
"P-paano?" utal kong sabi sa kanya. Paano niya ako nakilala dahil kahit kailan ay hindi naman napagpad dito sa lugar ng Poinsaz at ni isa wala akong kakilala dito. Ngayon lang ako napadayo dito.
"Kilala ko ang mga magulang mo." Tugon na lamang nito sa akin at maya maya lang ay naramdaman ko na lang ang pag-ibayo ng paligid at nang imulat ko ang paningin ko ay nasa ilabas na akong kanyang tahanan. Magaling siya dahil napunta ako dito pero ang hirap dahil wala akong impormasyong malaki na nakuha sa kanya.
Ngayon saan ko hahanapin si Jester?
Muli naman ako bumalik sa paglalakad at napansin ko lang dahil nawala bigla ang mga nilalang sa kapaligiran ng Poinsaz. Bigla na lang tumahimik kahit saan ako lumingon ay wala akong makitang naglalakad. Nakakapagtaka lang dahil kanina lamang ay magulo at maraming tao sa paligid at ngayon ay nawala na lang ng bigla. Mas lalo ko pang pinagtaka ang pagsara ng ilang tindahan na kanina lamang ay mga nagbebenta pa nang kanilang mga paninda.
"Anong nangyayari ngayon dito?" sabi ko sa sarili ko.
May dalawang tao naman akong natanaw at lumapit ako sa kanila pero sila Frixon at Grano lang pala ito. Pati silang dalawa ay lubos na nagtataka sa nangyari kaya minabuti rin naming tatlo na magtago sa isang tagong bahay at saglit doon ay namahinga.
"Anong meron dito, Frixon?" tanong ko naman sa kanya.
Mistulang nag-isip pa ang nilalang na 'to at nilagay ang daliri sa ilalim ng baba, "Hindi ko alam pero nangyayari daw ito kapag may paparating sa kanila na taga bayad ng buwis." Ani Frixon.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "Anong ibigsabihin nu'n?"
"Oo nga!" pagsang-ayon pa ni Grano sa akin saka tumahol si Asux.
"Nawawala daw ang mga nilalang dahil takot silang mawalan ng gamot dahil 'yun ang binabayad nila pero saglit lang naman daw 'yun kaya makakabalik na tayo sa paghahanap natin sa kaibigan mo." Paliwanag ni Frixon sa amin.
Kahit papaano pala ay may maitutulong din si Frixon sa amin. Siguro nga tama si Grano na kailangan din namin siya sa paghahanap dahil lubos din naman siyang makakatulong at ang lakas niya ay sapat din naman para lumaban sa mga taga dark world.
"Maghintay tayo ng ilang saglit at kapag tumunog ang mahabang alingawngaw ay senyales na pwede nang lumabas." Aniya.
Naghintay naman kami gaya ng sabi niya at ilang segundo lang ay umalingawngaw ang isang masakit na tunog sa tenga na halos mapatakip ako dahil sa mismong pinagtataguan pala namin 'yun nanggagaling. Mabilis naman kaminig lumabas at halos manlaki ang mga mata namin na makita muli ang maraming nilalang nang Poinsaz na nagkakagulo at maraming pinagkakaabalahan.
Hindi pa rin naman nawawala ang epektib ng gamot sa amin kaya sinusulit na namin ang misyon para hanapin si Jester.
Muli naman kaming nag-ikot sa malaking lugar ng Poinsaz pero habang nagiikot kami ay may umagaw sa atensyon ko na isang arko na may nakasulat na no entry, hindi ko naman sinubuksan na pumasok doon dahil mukhang pinagbabawal talaga dito sa Poinsaz. Hinigit naman ako ni Grano nang may makita kaming libreng kainan ng kung ano ano.
"Baka dito sakaling matanungan natin." Ani Grano.
Pero si Frixon ay tumungo sa isang silya at nagsimula kumain na nakahanda na doon. Mukhang gutom ang nilalang na 'yan. Kaya ko naman hindi kumain dahil may lakas naman ako para tiisin ang lahat, hindi katulad ng mga pagkain ng normal na tao ang pagkain namin dahil dugo at kaluluwa ang pinakapaborito ng lahat pero matagal ko nang tinigil 'yun at nanatiling pagtulog lang ang nagiging lakas.
"Maaari bang magtanong?" tanong ni Gran sa isang matabang nilalang sa tindahang ito.
Tumango ang nilalang, "Ano 'yun?"
"May napadpad po ba dito na nilalang na medyo may..." tumingin sa akin si Grano at pinagpatuloy ang kanyang sinabi.
"Medyo may kaliitan tapos sugatan."
"Oo!" mabilis nitong sagot at napadako naman agad si Frixon sa amin na natigil sa kanyang pagkain. "Matagal na 'yun pero natatandaan ko pa. Ang pagkakaalala ko ay pinakain ko siya ng libre at pagkatapos ay umalis na lang siya bigla."
"Hindi po ba nagsabi kung saan siya pupunta?" tanong ko naman.
"Hindi pero may nabanggit siya na kung saan ang portal pabalik sa mundo ng mga tao." Nagkibit balikat siya sa amin. "Hindi ko alam kung saan dahil kung alam ko, matagal na akong wala dito at lumalamon na nang mga hiwagang kaluluwa."
Napailing na lang din naman ako sa sinabi niya.
"Pero saan siya tumungo?" dagdag na tanong pa ni Frixon.
May agad na tinuro ang nilalang, "Doon!" at tinuro niya ang arko na kanina lang ay umagaw sa atensyon ko. Mahiwaga ang arko dahil napapalibutan ito ng mga hindi karaniwang bagay at mukhang mainit sa paligid nito. "Pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon."
Hindi naman namin maintindihan ang binigay na impormasyon ng nilalang na ito subalit nagbigay pasalamat naman kami sa kanya dahil kahit papaano ay nagkaroon na kami ng ideya kung saan kami susunod na pupunta. Nagtanguan naman kaming tatlo at tinungo ang arko na pinagbabawal dito sa Poinsaz.
"Mga nilalang, pinagbabawala ng dumako diyan!" isang matandang nilalang ang pumigil sa amin na pumasok sa loob ng arko pero nagtinginan lamang kami tatlo.
"At bakit?" tanong ni Grano.
"Dahil mapanganib ang tumango diyan. Hindi mo alam kung saan ka dadalhin niyan, kaya lahat ng mga nilalang dito sa Poinsaz ay takot na mapunta dito." Sagot nito sa amin.
"Bakit ka naman nandito kung bawal pala?" tanong ni Frixon.
"Dahil ako ang nagbabantay sa mga nilalang na gustong pumasok sa loob. Kaya nga nandito ako para pigilan kayong tatlo na tumuloy diyan."
Napangisi na lamang ako pero sa sunod na ikinangyari ay dahan dahan na bumalik sa natural naming mga hitsura at mukhang magkakaroon ng maliit na kaguluhan dahil lumabas na ang tunay na kami.
"Sino kayo?!" gulat na tanong ng matanda sa amin.
"Bwisit! Tara na pumasok na tayo!" utos ko sa kanilang dalawa at tuluyan na naman kaming pumasok sa loob ng arko na hindi namin alam kung saan kami mapapadpad. Kung saan man kami matungo nito sana ay sa lugar na sa kung saan na si Jester. Mahirap maghanap dito sa dark world lalo na hindi mo gamay ang mga nilalang na nasa paligid mo, na ngayon mo na lang nakita at ngayon mo lang makakasagupa.
Mag-ingat dahil lahat ay may patibong.
Mabilis kaming tatlo na hinigop kasama ni Asux at niluwa kami nito sa madilim na lugar. Madilim talaga dahil ni isa, walang liwanag na masisilayan.
Nararamdaman ko na talaga, nalalapit na kami sa impyerno. Ang pinaka sentro ng dark world.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top