Dark World IV

Dark World IV

 

~Xana's POV

Ilang araw na ang nakalipas simula ng bumalik si Metria sa dark world upang hanapin si Jester. Akala ko talaga nakabalik na 'yun pero hindi pa pala, tila naiwan siya sa mundong 'yun at hindi nakabalik. Akalain mo ba 'yung mga kababalaghan na nangyari sa paaralan namin dati ay napalitan na 'yun simula nang maging maayos na ang araw araw na pamumuhay dito.

            Tila nakalimutan na rin ng mga estudyante ang bumagabag sa kanila noon. Ang kunin sa kanila ang mga buhay nila ng Life Taker na hindi ko inaasahan na siya pala ang ama ko, wala akong alam sa kanya dahil ang sinasabi lang sa akin ni Mama ay wala na siya. Lahat 'yun gusto ko sanang balikan pero kailangan ng tapusin dahil malaking pinsala ang kanyang nagawa sa mundo ng mga tao.

            Kahit ako, hindi pala ako tao. May dugo pero nananalaytay din ang dugo ng demonyo. Normal ay Mama ko pero siya ang tinaguriang prinsesa ng aking ama. Hanggat sa mabuhay ako sa sinapupunan at ilayo sa kanya. Doon nagsimula ang mundong gusto ko nang takasan dati.

            "Xana!" agad naman akong napalingon sa tumawag ng pangalan ko. At napangiti ng bahagya ng palapit sa akin ang mga babae kong kaklase. Nasa paaralan kasi ako ngayon, pauwi na rin.

            "Bakit? Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanilang apat na babae.

            Tila hinihingal sila at hindi mapakali dahil nagtititigan sila. Naningkit ang mata ko sa aksyon nila at mukhang may kakaiba doon. Hinintay ko lang silang magsalita hanggat sa may sumigaw ng malakas. Nagkagulo ang buong paaralan at nagsitakbuhan ang bawat estudyante/

            "Anong nangyari?!" natataranta kong tanong.

            "'Kaya ka namin tinawag kasi kailangan na natin tumakbo!" saka nila ako hinigit palabas ng pinto ng paaralan hanggang sa gate pero ang paglabas namin ng gate ang pagsalubong ng isang truck na muntik nang bumalandra sa mga mukha namin. Pigil hininga kami ngayon, hindi ko alam ang nangyayari. Bumabalik na naman ang dati, natatakot na naman ako. Takot ang laging kalakasan ng mga nilalang na 'yun kung kayat mabilis silang maka-atake sa mga walang kinalaman sa pangyayari.

            "Muntik na 'yun." Kabang sabi ng isa kong kaklase. Halos kaming lima ay magkakapit kamay at sabay sabay umatras pabalik sa loob ng paaralan.

            "Ano ba kasing meron?" tanong ko sa kanila.

            "May nakita kasi kaming patay doon sa likod ng senior building, duguan!"

            "Walang buhay!"

            "May chainsaw massacre dito!"

            "O di kaya may killer?"

            Bumabalik ba ulit ang Life Taker pero wala na siya. Nawakasan na ang kanyang pananatili sa mundong ito at 'yun ay hinding hindi na siya makakabalik dito. Hindi ko alam kung anong meron pero kinakabahan muli ako ngyaon.

            "'Wag nga muna kayo mag-isip ng ganyan. Siguro nag-suicide 'yun at walang killer okay?"

            "Suicide?" aniya.

            Pero pinaintindi ko pa rin sa kanila na walang killer sa paaralan. Imposible naman kasi, dapat kung ganun ay hindi na rin siya makakabalik dito sa mundo dahil lahat ng may tinatagong baho sa sarili ay nananatili sa mundong napuntahan nila... o di kaya, ganun din si Jester?

            Pero kilala ko 'yun eh, hindi niya magagawa.

            Bumuntong hininga na lang ako. Alam kong lilipas din ito, nandito rin naman ako para tulungan ang mundo ng mga tao lalo na ang paaralan na tinaguriang Impyernong Paaralan.

           

            ~Metria's POV

Patungo kami ni Grano ngayon sa daang portal patungo sa Poinsaz. Ang lugar daw na 'yun ay masyadong mapeligro at mapaglaro gaya daw ng pangalan ni Jester. Hindi ko makuha ang punto niya dun pero ang pinapahiwatig lamang niya ay kailangan namin ang doble ingat. Ngayon ay nasa gubat kami, na itinuro ng matandang babae na tumulong sa amin.

            Mapuno at alulong lang ang naririnig mo sa paligid. Masyado ring mainit ang kapaligiran at hindi ako mapakali dahil parang may sumusunod sa likod namin. Hinawakan ko si Grano upang patigilin sa paglalakad.

            "Ano 'yun Metria?" tanong niya sa akin.

            "May sumusunod sa atin." Tugon ko na lamang sa kanya. Pinakiramdaman niya rin niya ang paligid at tama rin ang nahinalaan niya ay may sumusunod nga sa amin. Ibinaba niya si Asux upang matunton kung sino ito pero masyadong mapaglaro hindi maamoy ni Asux.

            Nang may maaaninag akong parang nakasilip sa malalagong damo ay agad kong tinapat ang pulang punyal ko sa kanya at agad naman itong napalabas mula sa kanyang pinagtataguan. Nakaluhod itong lumabas at parang bata na humihingi ng tawad. Nagkatinginan naman kami ni Grano sa nasilayan namin at sunod ang pagtawa namin.

            "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya na nakatutok pa rin ang pulang punyal ko sa kanya. Tila magkalapat ang dalawang kamay nito at yumuyuko pa bilang paghingi ng tawad. Tinanguan naman ako ni Grano, "Sino ka?"

            Tumingin ito sa amin, "A-ako! Ako si Frixon! Isang masugid na alagad ng Treimora—noong malakas pa ako." Mas lalong lumungkot ang mukha nito. "Alam kong patungo kayo sa Poinsaz at alam kong doon ay posibilidad na mabalik ang kakayahan ko." aniya.

            "Anong meron sa Poinsaz?" tanong ko sa kanya.

            "Doon merong nagbebenta ng mga tubig na animo'y pinaghalo-halong sangkap na posibilidad na makaalis ng itim kong usok, ang problema lang hindi ko alam ang papunta doon."

            "Anong mga binebenta? Ano ang mga 'yun?"

            "Mga gamot at kahit ano pa. Kaya sana ay maisama niyo ako. Nakita ko kasi kayong dalawa kanina nung makita ng mga kasamahan ko—ikaw!" turo nito sa akin, "Nakita namin ikaw dahil wala kang itim na usok, at tama nga ang hinala ko na mapapadpad kayo sa Poinsaz."

            "Ano, Grano?" lingon ko sa kanya pero nagkibit balikat lang ito sa akin. Muli uli akong tumingin kay Frixon. "Paano kami makakasiguradong mapagkakatiwalaan ka namin?" aniko sa kanya.

            Kanina ko pa binaba ang pulang punyal ko kaya nagiging ko komportable na siya. Pero bago siya magsalita ay tiningnan niya ang sarili niya, "Tingnan niyo ako, walang lakas na lumaban sa inyo at isa akong mabuting alagad ng Treimora."

            Siguro ay sapat na ang sinabi niya upang maisama namin siya sa misyon namin. Mahina siya pero sa sinabi niyang pwede siyang magkaroon ng pag-asa naibalik ang dating kakayahan sa Poinsaz ay naninigurado akong malakas din ang isang 'to gaya ng sabi niya, alagad siya ng Treimora.

            "Sumama ka na." aniko at para siyang bata na tuwang tuwa na maisama sa papuntang Poinsaz.

            Nilapitan ko naman si Grano, "Sigurado ka ba na hindi 'yan gagawa masama?" tanong niya sa akin.        

            Nagkibit balikat naman ako, "Siguro naman ay hindi." Sagot ko na lang sa kanya.

            Ilang saglit lang ay natunton namin ang tinutukoy na lugar ng matandang babae na nakausap namin. Ang portal patungong Poinsaz. Nakapaligid na kasi sa amin ang mga halamang tinik na sa tingin ko ay kaunting lapit mo lang sa mga 'yun ay dadanak na ang dugo mo. Matatalas ang tinik at nakakapahindik balahibo, dahil diyan mismo kami papasok dahil ito lamang ang portal tungo sa Poinsaz.

            "Tinik! Waaah!" parang baliw na nagsisigaw-sigaw si Frixon sa nakita niya.

            "Tumahimik ka!" usal ko sa ngayon  na mabili naman niyang nailagay ang kanyang kamay sa bibig niya upang tumahimik.

            "Ito na ang portal, Xaxon. Mauna ka na."

            "Diyaan tayo dadaan? Naku! Waaah!" hindi na ako nakapagpigil kundi binatukan ko na siya. Agad naman siyang naluha sa ginawa ko sa kanya. Napakaduwag naman ng isang 'to, papaano na lang kaya kung sumabak na siya sa isang labanan. Mas lalo siyang iiyak dahil lakas ang gamit doon. Init at kahabagsikan ang laban.

            "Ano bang meron at takot na takot ka sa tinik, Frixon." Tanong ni Grano kay Frixon. Pinupunasan niya ang kanyang luha na animo'y naging bato ang mga ito. Kakaiba, ngayon lang ako nakakita noon.

            "Ang mga Treimora ay takot sa mga tinik lalo na sa mga taga Poinsaz."

            Nanuot ang aking mga noo sa kanyang sinabi.

            "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko naman sa kanya.

            "Ang mga nilalang sa Poinsaz ay ang mga kumikitil ng buhay sa Treimora. Takot kami sa kanila."

            "Bakit ka pa pupunta sa Poinsaz kung ganun?"

            "Dahil ayokong mawala ng mahina ako. Babawi ako sa kamay ng mga taga Treimora." Aniya na pursigido talaga sa kanyang mitihiin. Naalala ko rin sa sinabi ng matandang babae na gaya rin ng sabi niya na ang mga taga Poinsaz ang taga-buwis ng kanilang buhay.

            Sasama sa misyon si Frixon sa amin upang maghiganti sa kanyang lugar.

            "Mauna ka." Utos ko sa kanya na maunang pumasok sa loob ng tinik na portal pero nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at halatang gulat na gulat at takot sa sarili. "Frixon, kung gusto mong malagpasan ang takot mo, subukan mong lagpasan ang daang ito." Dagdag ko pa.

            Lunok laway naman siyang tumango sa akin.

            Pero tinitigan niya lang ang tinik na portal hanggat sa tinulak ko siya at kinain ng tinik na portal. Sumisigaw pa itong nilamon ng portal.

            Tumango naman ako kay Grano at sumunod na rin sa tinik na portal. Nakakahilo ang amoy pagpasok mo at tila iba ang pakiramdam mo dito sa lugar pati tuloy ako nahihilo na sa nasinghot ko. Maya maya lang ay iniluwa ako ng portal na dumamba sa isang malaking nilalang, agad naman akong napatayo sa kinatatayuan at ito naman ay masama ang titig sa akin, salubong ang mga makakapal na kilay at mga berdeng mata.

            "Hier ka uh?!" (Sino ka?!) Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya dahan dahan ko lang nilabas ang pulang punyal ko. Napatitig naman siya sa kanang kamay ko kung nasaan ang portal at doon siya ay nagtatakbo na biglang nagpalit anyong nilalang na naging maliit na kanina'y malaki.

            Natumba ako bigla ng may dumagan sa akin at nang makita ko ay si Grano pala 'yun, isama mo pa ang laway na tumulo sa akin ni Asux.

            Tumayo naman si Grano gayundin ako. Inikot ko ang ulo ko dahil mukhang wala sa paligid si Frixon na kanina lang ay kasama namin. Mas sinuri ko ang paligid dahil hindi ko siya matanaw sa paligid. At doon ko lang din narealize na mas maayos ang lugar na 'to kaysa sa Treimora. Maingay at madaming nilalang na naglalakat sa daan.

            "Grano, anong lenggwahe ang meron sila dito?" tanong ko naman sa kanya.

            "H-hindi ko alam Metria, ngayon lang din ako nakapunta dito." Aniya.

            Habang naglalakad kami ni Grano papasok sa loob ng lugar ng Poinsaz ay nandun pa rin ang feeling na mahihilo ka dahil sa amoy sa paligid. Pansin ko rin sa paligid ang mga maraming tindahan sa paligid na nagkalat, samu't saring mga nilalang na ngayon ko lang din nakilala. Pansin ko lang din ang kanilang mga binebenta na nasa garapon na may iba't ibang kulay. Hindi namin alam ni Grano kung anong mga 'yun pero may nabanggit si Frixon tungkol doon... siguro 'yun ay ang mga gamot.

            "Saan na nagpunta 'yun?" ani Grano. Habang nililibang namin an gaming paningin sa sibilisadong lugar ng Poinsaz.

            Ang naiisip ko lang sa lugar na 'to dahil sa pangalan ay lason, isipin mo ang salitang Poinsaz, na parang maiisip mo kaagad ang lason pero siguro hindi rin. Nagsiyasat ulit kami ni Grano, hindi na talaga nawala ang amoy ng nakakahilo dahil sa samu't saring gamut sa paligid. Ang mga nilalang din dito ay ibang iba sa Treimora, dito ay iba... malalakas sila kung susuriin at kung babanggain mo man sila, humanda ka.

            Malaking lugar, saan namin sisimulan ang paghahanap kay Jester dito?

            Napansin din namin kaagad kay Asux ang pagkabalisa nito, lagi niyang kinukusot ang kanyang ilong. Nakakaawa hindi ko alam kung bakit pero naglalaway din siya.

            "Anong nangyayari kay Asux?"

            "Naasiwa siya sa naaamoy niya, kaya siya nagkakaganito." Aniya. "Saglit, pahawak si Asux." Pinahawak naman niya sa akin si Asux at may kinuha siya sa kanyang bulsa na isang puting panyo at inikot ito sa ilong ni  Asux.

            "Para saan 'yan?" tanong ko.

            "Ang puting panyo na 'to ay para makalanghap ng sariwang hangin si Asux." Aniya kaya napatango na lang din ako.

            Maya maya lang ay may natanaw kami ni Grano na nagkakagulo at doon lumabas ang nagkukumahog sa pagtakbo na si Frixon na ngayon ay hinahabol na mga malalaking nilalang. 

            "Takbo!" Sigaw nito at nang malapit na ito sa amin ay sumunod na lang kami sa kanya sa pagtakbo.

            "Sh*t! Frixon anong ginawa mo?!" inis kong tanong sa kanya habang tinatakbuhan ang mga malalaking nilalang na humahabol sa amin. Bwisit na 'to oh!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top