Dark World III
Dark World III
Habang naglalakad kami ni Grano sa tahimik na daan dito sa Treimora. Bakit ba ang hina rin ng pakiramdam ko rito na imposible talaga na makita dito si Jester. Inaligid ko ang tanawin na makikita ko sa paligid ko. Nakakakilabot at nakakapanindik balahibo talaga ang mga makikita mo dito sa dark world, mistulang ang kanilang mga tinahanan ay nababalot ng itim na usok.
"Grano, anong nangyayari? Bakit may itim na usok sa bawat kabahayan dito?" tanong ko sa kanya. Ang bawat nilalang din na masisilayan mo ay may itim na usok na bumabalot sa kanila.
"'Yun ang naging sumpa sa kanila, ang itim na usok na nakikita mo sa kanila ang sumpang binigay sa kanila ng Life Taker ng matagal na panahon na subalit hindi ito nawala at nanatili na sa kanila... kaya nabuo ang Treimora." Sagot niya sa akin ng hindi man lang ako nililingon at hinahaplos haplos lang niya ang alaga niya.
"Sumpang ano?" tanong ko muli sa kanya.
"Upang manatili silang mahihina at walang laban." Napatango na lang din naman ako sa binigay niyang sagot sa akin. Ngayon naiintidihan ko na kung bakit dito naninirahan ang mga mahihinang nilalang ng dark world dahil ay nabalot sila ng itim na usok na sumpa sa kanila ng matagal na panahon na. Matindi rin talaga ang nagawang kahimagsikan ang Life Taker dahil sa kanya, nagulo ang mundo ng dark world.
Hinabol ko naman si Grano sa paglalakad upang kami ay magsabay. Ayokong maiwan sa lugar na 'to at baka dito rin ay mawala ang iniingatan kong lakas ko.
"Paano natin mahahanap si Jester dito?"
Lumingon siya sa akin, "Uso ang magtanong dito, Metria." Ngisi niya pa sa akin. Nang-aasar ba siya sa sagot niya sa akin o binabara lang niya talaga ko. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at nabaling ang atensyon ko sa mga nilalang na nagkukumpol-kumpol sa gilid dahil naman sa kakuryusidad ko ay lumapit ako doon.
'Wag kang gagawa ng gulo, Metria.
Nang mapadako ang mga paa ko sa kumpulan ay napabuntong hininga naman agad ako ng makita kong naglalaro lang pala sila doon ng jack en poy. May pumalo naman sa balikat ko kaya agad akong napalingon sa kanya.
Umiling ito, "Nawala ka bata, minsan matutong magpaalam." Saka niya ako tinalikuran at simulang naglakad na ulit. Sinundan ko naman siya.
"Tingnan niyo oh! Wala silang sumpa!" agad naman akong napahinto sa paglalakad ko pati na rin si Grano ay napahinto gayundin na napatingin ito sa akin. Ako naman ay napalingon sa likod ko na turo-turo ng isang nilalang na halos buto na lang at namumulang mga mata.
"Oh! Anong ginagawa nila dito?" tanong nung isang mataba naman na halos lumuwa ang mata nito at mukhang mahina dahil sa tinataglay na itim na usok.
"'Hayaan niyo lang sila, kapag may ginawa sila... saka lang tayo gumawa ng misyon." Dagdag pa ng buto butong nilalang. Napailing na lang din naman ako at sumunod na ulit sa paglalakad kay Grano. Binaba naman nito ang alaga na si Asux at ito naman ay nilapat ang ilong sa lupa at may sinundang amoy.
"Halika!" sabi ni Grano. Tumakbo si Asux at kami rin dahil sinusundan namin kung saan siya magpunta. Nahinto kami sa isang dalawang palapag na bahay at doon nagtatahol sa harap ng pinto si Asux.
"Ano na?" taka kong pagtatanong sa kanya.
Nasa bandang dulo ang bahay na ito sa gilid at mistulang siya lang ang may ikalawang palapag dito maliban sa mga kabahayan na nasa pagpasok mo pa lang ay tanaw mo na. Iba ito, malayo sa iba at may mahabang daanan. Kakaiba rin ang itim na usok na nagsisilbi na maging kakila-kilabot ang paligid.
"Kumatok tayo." Hindi ako sumagot sa kanya kundi, siya ang gumawa nito.
Si Grano ay hindi naman katandaan pero hindi kami magka-idad pero ang mga tulad namin na may tinataglay na lakas ay may kayang manatili sa kung anong gusto naming kaanyuan kaya kahit tumanda kami, maibabalik namin ang gusto naming anyo. Gaya ni Grano, mukhang may alam na talaga at may pagkakatanda sa akin pero ang dating niya ay parang mas bata pa sa akin.
Ilang saglit lang, bumukas ang pinto nang dahan dahan pero walang tao na humarap sa amin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Grano at ako naman ay nagkibit balikat na lamang.
"Anong kailangan niyo!" may bilang bumulaga na lang sa amin na isang babae na natatakpan ng mukha ang buhok nito. Hindi siya katulad ng mga iniisip niyong babaeng lumalabas sa tv dahil ang kasuotan nito ay itim at sobrang puti ng mukha at mapula katulad ng dugo ang mukha.
Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa mata nito. Ako 'yung tipo ng tao na hindi nakikipagtitigan sa mata ng isang tao sa mabilisang paraan pero kung kakilala naman, pu-pwede rin hindi.
"Magtatanong lang po sana kami." Ani Grano. Biglang tumahol si Asux na agad naman niyang kinarga. "Siya ang nagdala sa amin dito."
Sa sinabi ni Grano ay walang kibo o ni isang salitang binigkas mula sa kanyang bibig.
"Paumanhin pero may nakilala ba kayo ditong Jester ang pangalan?" sabi ko na agad niyang paglingon sa akin.
Umangat ang kanang labi nito at yumuko, "Pumasok kayo!" muli ulit kaming nagkatitigan ni Grano at tumuloy naman kami sa loob gaya ng sabi niya. Nagulat lang din ako pagpasok sa loob sa lawak pala nito pero kung ituturing sa labas ay maliit pero may ikalawang palapag. Maluwag at kakaunti lang ang kagamitan. Nabaling naman ang atensyon ko sa hagdanan nito na nasa gitna nakapwesto. May ilaw sa itaas na parang may gustong ibigsabihin sa amin.
"Maupo kayo." Aniya. Napalingon naman ako sa paligid ko at nagulat na lang ako na may dalawang mahabang upuan na ang nasa likuran namin. May misteryo sa bahay na 'to. Mahiwaga. "Anong maitutulong ko?" tanong nito sa amin.
"May kilala po ba kayong napadpad dito sa lugar niyo?" tanong ko.
"Kilala?" ulit pa nito sa sinabi ko.
"Jester ang pangalan niya." dagdag ko pa.
Umayos ito ng pagkakaupo. "Maraming napupunta dito sa lugar ng Treimora mula sa iba't ibang lugar. At marami akong nakilalang kapwa natin na sa halos araw araw ay hindi ko naman kabisado ang pangalan. Kung 'yun ang kailangan niyo hindi ko kayo matutulungan." Aniya.
Napabuntong hininga naman ako. Wala nga ata talagang pag-asa na mahanap namin dito si Jester. O kung nandito man siya, huli na kami at siya'y umalis na.
"Pero!"
"Ano 'yun?" agad kong tanong.
"Isang lalaki ang hindi taga dark world ang napadpad dito at kung aalalahanin ko muli ay baka siya na ang tinutukoy niyong, Lester?"
"Jester po.
"Kung ano man 'yun, nagawa niyang tumira dito ng ilang araw at umalis kaagad."
"Ano pong nangyari sa kanya? At saan siya nagpunta?"
"Dahan dahan lang sa tanong, Metria. Mahina ang kalaban." Pagpatapik ni Grano sa balikat ko. Gusto ko agad-agarin na tapusin ang misyong ito dahil gustong gutso ko na muli makabalik sa piling ni Xana. Ano na kayang nangyayari sa kanya at sa mundo ng mga tao?
Di bale, alam kong kaya naman niya 'yun at ako ay bahala sa kaibigan niya.
Umiling ang babae, "Hindi ko alam kung saan siya nagpunta ngayon pero nung napadpad siya dito ay puro galos ang katawan niya at mukhang mahina subalit walang itim na usok. At isang araw ay nakita ko na lang siya na sobrang lakas at saka umalis."
Nagkaroon ng pagpintig sa tenga ko ng marinig ko 'yun sa kanya. Anong ibigsabihin niya? Si Jester, lumakas? Napaka-imposible at wala rin siyang itim na usok. Jester, anong meron ka na hindi namin alam?
Nagkaroon ng sandaling katahimikan at bumagabag sa amin ang kalabog mula sa ikalawang palapag ng bahay na 'to. Dahil sa hindi ko mapigilang kuryusidad ay agad kong tinakbo ang hagdan na natatabunan ng puting liwanag ay tinungo ko na 'yun. Nasilaw ako sa pagtapak ko sa ikalawang palapag at doon nasilayan ang lugar kung saan maraming nilalang ang napupugaran ng apoy sa paligid.
"Anong nangyari?!" rinig kong sabi ni Grano sa tabi ko.
"Ganyan ang nangyayari dito sa bahay na 'to, dito nangyayari ang huling hantungan ng mga nilalang dito sa Treimora. Dito dinadala ang mga nilalang na malapit ng mawala sa dark world at tuluyan silang sinusunog ng apoy ng impyerno." Aniya. Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Lahat talaga ng nandito sa dark world ay tungo rin ang impyerno.
"Ibigsabihin, dito rin dinala si Jester?" tanong ko.
"Tama ka, subalit nagawa niyang labanan ang mga ito." Sinuri ko ang paligid at sobrang dami nila, ganito pala sa dark world. Wala kang takas kahit sa huling hantungan mo, masama kung masama ka talaga sa mainit at kamatayang lugar ka pa rin idadala.
"Halika na at bumaba na tayo." Aniya at sinunod naman namin siya. "Ako nga pala si Sakre, ang tagabantay ng bahay na 'to. Wala na ba kayong kailangan? Maaari na kayong lumabas." Mahinahon pero pa-utos nitong sabi sa amin.
"Saglit lang!" pagpigil ko sa kanya, "Anong posibleng lugar ang pinuntahan ng kaibigan ko maliban dito sa Treimora?"
"Malawak ang dark world pero ang maisasagot ko lang ay ang lugar ng Poinsaz."
"Saan naman namin matatagpuan 'yun?" tanong ko pero pinagtulakan na kami nito palabas ng kanyang bahay. Napakawala na lang kami ni Grano ng hininga dahil kakaunti lamang ang impormasyon na nakuha namin sa kanya kung saan namin matatagpuan si Jester pero ang nasigurado lang namin ay nagtungo nga siya dito sa lugar na 'to.
Tumahol tahol si Asux kaya napatingin kami sa ibaba. May nakaipit sa leeg nito na kung anong papel na agad namang kinuha ni Grano.
"Ano 'yan?"
Binuksan ni Grano ang naka-ikot na papel. "Mapa." Tipid nitong sagot.
"Patingin nga!" kinuha ko naman sa kamay niya ang mapa at sinuri kaagad. Nagkaroon naman ako ng pag-asa na muling mahanap si Jester dahil sa mapang ito na siguro ay binigay ni Sakre ang babaeng itim. "Ito! Ito! Ito ang Poinsaz!" turo ko sa mapa na kalapit ibayo lamang ng lugar na ito.
"Magaling, Xaxon." Aniya.
"Ang tanong, saan ang daan patungo doon?" tanong ko sa kanya.
"Magandang tanong, magtanong muli tayo."
Agad niyang inutusan si Asux at gaya ng ginawa nito kanina ay may pinuntaha na naman ito, hindi na isang bahay kundi isang matandang babae. Nang tumahol si Asux ay humarap ang matandang babae, maputi ang kutis ng balat, maputi ang mga buhok pero ang tindig ay aakalain mong hindi katandaan.
"Anong tinatahol-tahol nitong nilalang na 'to?" aniya.
Lumapit naman kami sa kanya, "Pagpaumanhin niyo po subalit kami lamang ay may itatanong." Sabi ni Grano na tinanguan naman ng matandang babae sagot bilang oo.
"Ano 'yun?" tanong niya.
"Saan ang daan patungong Poinsaz?" nabaliko ang ulo nitong pagawing kanan at nakatitid lang sa aming dalawa.
"Poinsaz, ang lugar kung saan maraming mapanlokong nilalang." Nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya. Gusto kong sumabat pero mas kailangan ko ng impormasyon mula sa kanya.
"Paano kami makakapunta doon?"
Pero bago pa kami sagutin nito ay nanlaki ang kanyang mga mata at parang nabato sa kanyang kinatatayuan. Nagkatinginan kami ni Grano at biglang amululong si Asux at napatingin kami sag awing kanan namin at doon nakita ang mga mapupusok na nilalang.
"Humanda kayo sa kanila... sila ang tagabuwis ng buhay dito sa Treimora." Ani ng matandang babae na kausap namin at konting tulak lang sa kanya at matutumba na siya.
Inutusan ako ni Grano na ako ang bahala sa matandang ito at siya ang kumalaban sa mga nilalang na 'yun. Nakita kong masyadong marami ang sumusugod kay Grano kaya panandalian kong iniwan ang matandang babae at pumunta kay Grano para tulungan.
Hindi namin maintindihan ni Grano ang lenggwahe na kanilang pinagsasabi at tila sugod na lang kami ng sugod sa kanila. Ginamitan ko na rin sila ng pulang punyal ko na agad namang napabagsak ang lahat ng kalaban. Wala pala silang kakayahan, masyadong mahihina.
"Magaling ka, Metria pero wag mo aabusuhin ang lakas mo." Tango ko sa kanya. "Nasaan ang matandang babae?"
Agad ko ring naalala, "Iniwan ko doon! Tara!"
Tinungo namin ni Grano ang matandang babae na naghihingalo na.
"Ang daan lamang patungong Poinsaz, ang mga halamang tinik. Doon kayo dumaan." At tinuro nito ang kaliwang banda ng mga puno. "Doon kayo magpunta..." hanggat sa nawalan na ito ng malay.
Naging abo ang katawan ng matandang babae hanggang sa liparin ng mainit na hangin dito sa dark world. Tumayo na rin kami ni Grano. Napangisi na lang din ako dahil sa wakas malapit na naming makita si Jester.
"Handa ka na ba?" ngisi ni Grano.
"Handang handa na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top