Dark World II

Dark World II

 

Sinusubukan kong gisingin si Grano pero wala itong kibo o hindi siya nagigising. Ilang saglit ay narinig ko ang tahol ni Asux. Agad naman akong napatayo para hanapin sa paligid ang tunog nito at nang pinakinggan ko ng taimtim kung saan ito nanggagaling ay sag awing kanan ko nagmumula. Tinitigan ko ang madilim kong kapaligiran sa kanan ko at saglit lang ay lumabas na ang alaga ni Grano na nagmula kung saan.

            "Ah!" Nagulat ako sa biglang pagbangon ni Grano mula sa sahig na kanina lamang ay walang malay. Agad akong naguluhan dahil kanina wala itong kamalay-malay as in, hindi siya gumagalaw pero nang dumating ang alaga niya nabuhayan siya? Ganun ba 'yun? Pero bakit parang ang oa naman diba.

            "Grano? Paano?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

            Ngumisi siya sa akin, "Kung ang iniisip mo kung bakit nawalan ako ng malay kanina dahil 'yun sa nawala sa paligid ko si Asux." Simula pa nang pagkakita ko dito kay Grano may kakaiba na talaga sa kanya at mukhang hindi nga talaga ako nagkakamali.

            "Ibigsabihin?" muli kong tanong sa kanya. Mas mabuti nang maging matanong dahil sa ngayon minsan ang mga taong nakakasama mo hindi mo na alam ang tunay na katayuan nito sa buhay, kaya minsan dapat maging mapanuri sa bawat kilos ng mga taong o kahit hindi tao ay dapat maging handa ka.

            "Half-life." Tipid nitong sa akin.

            "Half-life?" muli kong tanong.

            "Tama ka nang narinig Metria, ako at ang alaga kong si Asux ay iisa lang ang buhay. Ibigsabihin, pareho lang kami ng buhy—half life nga diba. So, kapag may nawalay sa amin na sobrang pagkalayo layo, ang isa ay mawawalan ng buhay at ang isa ay mananatiling may buhay. Kaya kanina nawalan ako ng malay, si Asux ang umalis."

            "At kapag ikaw ang nawalay sa kanya, posibleng siya naman ang mawalan ng malay?" panghuhula ko sa konlusyon na binibigay niya sa akin.

            "Tama ka! Actually, hindi naman talaga ako kanina nawalan malay. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako normal, katulad mo din ako."

            Napangisi naman ako sa kanya, "Kung ganun, saan tayo magsisimula?" Atat na atat na akong simulan ang misyong ito. Ang hindi ko lang talaga kasi alam kung saan ako magsisimula, ilang beses ko na bang nasabi na masyadong malawak ang dark world at ang imposible pa ay hindi lang isang araw ang gugugulin ko para lang makita si Jester. Sa mundong ito, isang buwan na, isang linggo pa lang sa mundo ng mga tao. Masyadong malayo ang agwat ang time phrase dito sa mundo sa ibabaw kaya hindi na ako umasa na mabilis ang magiging paghahanap ko.

            "Ito lang ang payo ko batang Xaxon..." ipinatong niya ang kanyang daliri sa ilalim ng baba at muling lumingon sa akin. "'Wag na wag kang gagamit kaagad ng lakas mo kundi ang bawi nila sayo ay mas malakas. Nakakabastos sa kanila kapag may nakita silang hindi nila kilala na susugurin na lamang sila. 'Wag ganun Xaxon."

            "Pero paano natin sila matatalo?" Isa pa rin pala talagang misteryo sa akin ang mundo ng dark world dahil marami pa akong hindi nalalaman, hindi naman kasi ako pala-lagi dito sa dark world at malayo ang kingisnan ng pamilya namin dito, may lahing mga espiritista ang mga magulang ko pero nananahan na ngayon sa ibang dimension. Ang dimensyong tinutukoy ko simula una pa lang ay ang mundo ng mga Preetro. Ang Preetro ay ang mga nakatira doon ay kagaya ko na may kayang manirahan sa mundo ng mga tao ng normal at sa mundo ng kamatayan.

            "Kailangan muna na sila ang unang sumugod sayo, sunod gamitin mo na ang lakas mo." Aniya. Napatango na lang ako doon sa sinabi niya. Madali lang pala kung ganun, kaya rin pala nung nagpunta kaming dalawa ni Xana noon ay agad agad kaming sinusugod nito dahil sa lakas na pinapakita ko.

            Kailangan talaga ang ibayong pag-iingat.

            Ipina-amoy na ni Grano ang damit na nakuha ko mula kay Xana na pagmamay-ari ni Jester. Sana sa paraang alam ni Grano ay mahanp ko kaagad ang nawawalang si Jester at bumalik na kay Xana.

            "Ano na nangyayari?" tanong ko dahil ayaw amuyin ni Asux. Nilalayuan niya ito.

            "Hindi ko alam! Minsan lang mangyari 'to kay Asux." Aniya. Pilit naman niyang nilalapit ito pero si Asux naman ang kusang lumalayo. Bakit ayaw nito amuyin ang damit ni Jester? Tss, kakasabi ko lang na kung ito ang mabisang paraan para mabilis mahanap si Jester pero mas mukhang maghahanap kami ng walang tulong ni Asux.

            "Anong minsan lang?" taka kong sa kanya. Naguguluhan na talaga ako.

            "Hindi normal." Tingin niya sa akin saka siya umiling, "Hindi normal kapag ganun na ayaw amuyin ni Asux. Malakas talaga kasi ang pang-amoy nito at minsan nakikilala niya agad kung kanino ito gamit pero sa sitwasyon ngayon, nakilala na ni Asux ang nawawalang kaibigan mo." Aniya.

            "Edi bakit ayaw niya ito amuyin?" hindi talaga ako matatapos sa katanungan ko kung hindi ito magagawan ng paraan.

            Kibit balikat naman ang tugon niya sa akin, "Hindi ko alam." Saka niya hinahaplos-haplos ang balahibo ng alaga niya. Napangisi na lang din ako dahil wala rin palang magagawa 'yang alaga niya. Nilapitan ko naman ang silya na kanina ay inupuan niya, nakakapagod dahil kanina pa ako walang pahinga. At umupo na ako ay bigla akong nasalampak sa sahig, inikot ko kaagad ang ulo ko ng makita ko ang silya na inuupuan na ngayon ni Grano.

            Paano nangyari?

            Ngumisi siya, "Mag-ingat Metria, hindi lahat ng nakikita mo totoo. Minsan ang iba ay ilusyon. 'Wag ka rin magtitiwala kahit kanino, lalo na't hindi mo kilala. At ang lahat ng gamit ng isang nilalang dito sa dark world ay bawal gamitin ng kahit sino."

            "Parang sinabi mo na rin na hindi dapat ako magtiwala sayo." Sabi ko sa kanya. Diretsyo lang ang tingin sa kanya. Misteryo ang kanyang mga galaw dahil nararamdaman kong may kakaibang lakas ding nananalaytay sa kanyang dugo. Malakas 'tong isang 'to, siguro mabuti na rin 'yun para sa gagawin kong misyon.

            Tawa niya nang nakakaloko. "Tss... kilala mo na ako diba? Grano! Grano ang pangalan ko." at muli niyang tinuon ang pansin sa alaga niya.

            Tumayo ako sa pagkakasalampak ko at tinungo ang pinto palabas pero ang hindi ko namalayan ay nakasunod na pala sila sa akin. Nakakagulat, mabilis ang mga galawa ni Grano at siguro isa na rin siyang daan upang mapabilis ang paghahanap kay Jester. Napaka rin kasi nung isang 'yun! Laging nakadikit kay Xana at napag-trip-an na rin daw pala siya ng mga masasamang espirito sa lupa dahil nagkaroon ito ng doppel ganger, and that's the scariest thing na makakasamuha mo. Ang makita mo ang sarili mo.

            "Magsisimula tayo sa Treinora."

            Nanliit ang mata kong tingnan siya, "Saan 'yun at anong lugar 'yun?" Wala na talaga akong ideya sa dark world dahil malayo nga ang kinabihasnan ko dito. Ang impyerno ay malapit lang dito pero kung tutuusin mas mukhang impyerno ang mundo ng mga tao. Bakit? Nagkalat ang mga masasamang tao, walang awing pumapatay pero sa dulo kapag nawala na sila doon din ang bagsak nila. Wala silang ligtas. Ang impyerno ay nakapaligid lang, kaya mag-ingat sa mga kilos.

            "Ang Treimora ay isang maliit na lugar kung saan may mga nakatirang mahihinang nilalang at baka sakali na doon natin makita ang hinahanap nating kaibigan mo. Ano nga ulit pangalan n'un?"

            "Jester." Sagot ko.

            Tango niya, "Hmm... kakaibang tunog ng pangalan. Mukhang mapaglaro ang isang 'to."

            Gusto ko man alamin ang mga pinagsasabi niya dahil nakakaintriga ang mga ito. Pero ang gusto ko ay ako mismo ang aalam kung ano man din ang mga alam niya. Mabuti nang may kasama akong may alam sa mundo ng dark world kaysa sa akin na kakaunti lamang. Sinusundan ko lang si Grano sa paglalakad, mukhang mga ilang lakad ang tatahakin namin bago kami makarating doon sa lugar niyang tinutukoy na Treimora.

            Mainit ang paligid kung tutuusin dahil nasa dark world kami pero bigla bigla na lang din lalamig na hindi mo alam. Malawak at madilim na lugar, dark world ang tinawag dito, ngayon sa mundong ito. Hindi ko masisiguradong ang misyon ko ay magiging tagumpay lalo na't ang puntirya ko lamang dito ay hanapin si Jester.

            "Wag ka masyadong maingay." Saway ni Grano sa alaga niyang si Asux na tahol na tahol at sabay aalulong. Nakakakilabot ang bawat alulong niya dahil para siyang nagtatawag ng panganib sa kapaligiran.

            Naging maamo rin naman bigla ang alaga niya. Huwag ka muna maging kampante, Metria.

            "Metria, humanda ka papasok tayo sa portal." Utos sa akin ni Grano bilang paghahanda.

            "Marunong ka?"

            "Hindi." Humarap siya sa akin. "May daan patungo doon, shortcut kumbaga."

            Agad naman akong tumango sa kanya. Pasimple si Grano na nagtatago kaya ginagaya ko ang ginagawa niya dahil pala sa mga nilalang na itim na duwende na nakapaligid. Mapanganib ang mga 'yun dahil masyadon silang malikot at kahit maliit lang sila, malakas sila.

            Hindi naman ako kinakabahan sa misyong kong ito dahil kabalikat ko naman ang lakas ko upang makatalo ng itim na nilalang. Kung sa mundo ng mga tao nga nagawa kong talunan ang mga nilalang doon, dito pa kaya sa dark world pero posible rin na magkaiba ang lakas nila sa mundo ng tao at sa dark world. Posibleng mahina sila doon at malakas sila dito.

            "Malapit na tayo..." aniya.

            Ibinaba niya si Asux at nagtatakbo naman ito na sinundan naman agad ni Grano—ang half-life kuno daw niya. Sinundan ko rin naman sila at natungo namin ang isang malaking tapunan ng basura.

            "Dito?!" taka kong tanong kay Grano na tinanguan naman ako. Hinanap ko sa paligid ang tinutukoy niyang portal pero bigo ako dahil kahit ni isa wala akong makita. Pinaglalako ata ako nito ni Grano. May alam ba talaga siya? "Niloloko mo lang ba ako?"

            Hindi niya ako pinansin kundi binuksan niya ang isang gray trash can. Ini-angat ang takip at humarap sa akin, "Pasok."

            Kumunot noo naman ako sa sinabi niya. Mukha nga atang pinagloloko ako nito. "Niloloko mo nga ako."

            Tumawa na naman siya nang nakakaloko, "Ako?! Bata, sumilip ka."

            "Hindi." Matigas kong sagot sa kanya.

            "Magmamatigas ka ba diyan o hahanapin mo ang kaibigan mo?" tanong nito sa akin.

            Napailing ako, "Ang imposible naman kasi ng sinasabi mo. Diyan!" turo ko sa basurahan. "'Yan ba ang portal na sinasabi mo? Grano, kung tutulungan mo ako, seryoso ang gusto ko." pag pintig ng panga ko.

            Humugot naman siya ng hiniga saka ito binuga pero ang pagbuga niya ay may lumabas na violet na hangin. Agad siyang napatakip sa bibig niya, "Sorry! Poison breath 'yun!" nakatitig lang ako saka siya sumeryoso. "Metria, subukan mo lang sumilip at kapag naniwala ka na, tutuloy na tayo."

            Sinunod ko rin naman ang sinabi niya kaya kaagad akong lumapit at sumilip sa loob ng basurahan. "Hindi maaari." Ang naisabi ko na lang.

            "Oh! Ayan na ang portal patungong Treimora, kung gusto mong mapadali ang paghahanap. Tara na!"

            "Maniniwala lang ako kapag ikaw ang nauna." Tugon ko sa kanya.

            "Okay." Aniya. Binuhat niya muli si Asux at sumampa na at tuluyang tumalon sa loob ng basurahan. Mabilis siyang naglaho. Napabuntong hininga na lang ako kundi ang sumunod na lang din kay Grano, siya lang din ang makakatulong sa akin.

            Mabilis akong hinigop ng portal patungo sa lugar na Treimora at ilang saglit lang ay iniluwa na ako nito. Tuluyan akong bumagsak sa mabuhanging lapag at nang dahan dahan akong tumayo ay nandito nga ako.

            "The Treimora." Ang basa ko sa signage, nilibot ko rin ang paligid at maliit na sibilisasyon nga ito. Mapuno ang paligid at mukhang tahimik, tama rin si Grano mukhang mga mahihina ang naninirahan dito.

            May biglang pumalo sa balikat ko kaya agad akong napahanda sa pakikipaglaban. 

            "Nakalimutan mo ang babala ko bata, 'wag kang gagawa ng gulo." Mahinang tawa nito.

            Umayos naman ako ng pagkakatayo ko, "Makikita ba natin si Jester dito?" tanong ko sa kanya.

            Nagkibit balikat siya, "Hindi ko alam, siguro oo?" hindi siguradong sagot niya sa akin.

            Bigla naman siyang naglakad papasok sa loob ng Treimora at sinundan ko naman siya. Sana nandito ka Jester, kung saan saan kasi napapadpad ang isang 'yun at pasok ng pasok sa portal.

            "H-Huma-man-d-da k-ka..." isang alingawngaw ng boses ang narinig ko sa paligid. Sino ka! Handa akong labanan ka!

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top