Dark World I
Dark World I
Life is changing but not the world we used to be. I am Metria Xaxon, and will be back for the darkest journey.
Akala ng lahat natapos ang kamatayan sa pagpatay lang sa Life Taker na kumitil sa maraming buhay ng mga estudyante. Sa paglipas ng panahon, maraming nangyari sa mundo ng mga normal na tao. Sa dimensyong aking kinabibilangan, sa mundo ng mga tao at mundo ng kadiliman. Mas pinili kong manirahan sa mundo ng mga tao.
Isang misyon ang ginampanan ko noon na patayin din ang Life Taker pero mukhang hindi ako ang makakagawa n'un dahil may taong nilaan para patayin siya. Siya si Xana Etoria, siya ang naging sandata sa pagbabalik normal ng buhay ng mga estudyante ang nagbigay katarungan sa tinaguriang Impyernong Paaralan pero bakit sa lahat ng kanyang pagsasakripisyo isang buhay ang nalaan sa panganib at 'yun ang kaibigan nitong si Jester. Isang kaibigan nasama sa mundo ng kamatayan at hindi na nakabalik.
At ngayon, ang pagbabalik ko sa mundo ng kadiliman para hanapin ang nawawalang si Jester. Ang malaking tanong lang na nabubuo sa isip ko ay saan ko makikita si Jester?
Masyadong malawak ang mundong 'yun at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung magsisimula man ako doon muna ako sa malayo sa mga demonyong nakapaligid pero mahirap makarating sa bawat lugar sa mundong ito. Hindi ko alam kung paano tatapusin lahat ng nilalang na nasa dark world.
Iniwan ko si Xana para iligtas ang kanyang kaibigan na si Jester. Ang tanga lang din kasi ng kaibigan niya dahil humiwalay pa kay Xana pero ang naaalala ko sa nangyari ay hindi makakabalik si Jester sa mundo ng mga tao dahil sa wala itong kalakasan para bumalik. Pero ang laki lang nang pagkakamali ko dahil hindi ko kaagad naisip na 'yun pala ang mangyayari at ang lahat ng iniisip ko dati... lahat ay mali!
Lahat ng mga nilalang na walang lakas o kalakasan mula sa dark world ay medaling makakabalik sa mundo ng tao sa pamamagitan sa paghigop sa kanila sa portal pero ang mga may kakayahan at kapangyarihan ay hindi mahihigop ng portal pabalik sa mundo ng mga tao kundi ang mga ito ay may control kung papasok ba sila o hindi. Isa lang din ang ibigsabihin ko, hindi normal si Jester.
Kanina pa ako pumasok sa portal pero hanggang ngayon dinadala pa rin ako nito sa kung saan, hindi ko alam kung nandito nasa dark world na ba ako o pinaglalaruan na ako ng mundo ng kadiliman. Huminga ako ng malalim, tinindigan na ako ng balahibo at nararamdaman ko na nalalapit na ako sa dark world.
Isang mabilis na pagluwa mula sa portal ang nangyari sa akin. Napahawak ako ulo ko dahil sa hilo na natamo ko, isang matagal na pagdaan ang portal ang nangyari kaya hindi masyadong normal 'yun. Agad kong sinuri ang paligid.
"Naririto na ako." Ani ko. Madilim at samutsaring mga kahindik-hindik balahibo ang makikita mo. Tila isang paraiso kung saan naninirahan lahat ng mga demonyo, masasamang engkanto. Agad akong napatago sa pader sa tabi ko dahil may isang malaking higanteng nilalang ang bigla na lang sumulpot.
"Tumahimik ka lang." agad akong napalingon sa nagsalita. Hindi naman agad ako gumawa ng aksyon kundi pinakinggan ko lang siya at sinunod hangga't sa mawala ang higanteng nilalaking. "Sumunod ka sa akin." Utos nito sa akin.
"Saan?" matigas kong tanong sa kanya. Mahirap magtiwala dito sa dark world, kung sa mundo ng mga tao pa nga kaibigan mo na tinataksil ka pa pero dito ibang iba sa mundong kinagigisnan niyo, ang mundo ko lahat walang takas. Walang uubra, kung magtago ka... papatayin ka.
"Sumunod ka na lang." agad itong tumakbo pero napakatahimik ni kaluskos nang dinadaanan ay wala kang maririnig. Sinunod ko naman siya gaya ng sabi niya sa akin. Ang nilalang na ito ay para ring tao na may dalawang paa at may kamay, nakakatayo tulad ko. kung kumilos rin ay parang tao pero iba ang mga galaw niya. May tinataglay na kakaibang lakas ang nilalang na ito, kundi hindi ako mag-iingat baka mapahamak pa ako sa kanya.
Nakarating kami sa isang liblib na lugar kung saan para siyang ghost town dahil sa tahimik ng paligid at alulong ng mga demonyong mga ulol. Binabagalan ko lamang ang lakad ko dahil kung hindi, hindi ko magagawa nag misyon ko dito sa dark world.
Huminto kami sa isang bahay kung saan kulay itim na may tumutulong dugo sa paligid nito. Nasa dark world nga talaga ako. Pinatuloy niya ako sa loob ng tinutuluyan niya at ako naman ay dahan dahan na naglakad papasok. Unang apak ko pa lamang ay umingay ang paligid dahil sa echo nito.
"Sino ka? Bakit mo ako tinulungan?" titig ko sa kanya. Umupo siya sa kaisa-isang sofa sa silid na 'to.
"'Wag kang mag-alala, ako rin ay katulad mo." Sagot nito sa akin.
"May misyon ka rin?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa kanya dahil baka mamaya... wala na ako. "Sino ka ba?"
Ngumisi ito sa akin saka siya tumayo, umamba ako pero huminto siya. "Oh! Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako?" ngumisi ulit siya. Nakakapanloko na ata 'to. "Ako si Grano. Hindi ako tulad ng iniisip mo na papatayin ka. Hindi ako 'yung nilalang na iniisip mo. Grano Muvada, may itinakda akong misyon upang wakasan ang kadiliman sa dark world."
Napaisip din kaagad ako sa sinabi niya, pero mukhang napakaimposible n'un.
"Hindi ba, ang dark world ay dark world na. Imposible atang mabago mo ang mundong 'to." Tugon ko sa kanya pero mukhang hindi niya pinakinggang ang sinabi ko. Tss, wala palang kwenta.
"Mali ka na naman ng iniiisip mo. Misyon upang maghiganti sa Dark Lord."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Dark Lord? Anong ibigsabihin n'un? Hindi ko maintindihan. Anong alam niya na hindi ko alam? Hindi ko siya maintindihan, walang dark lord sa mundo ng dark world dahil ang nag-iisa lamang 'yun kundi ang life taker na winakasan na ang buhay ni Xana. Napaka imposible talaga n'un.
"Mukhang naguguluhan ka ata?" ngisi niya.
"Anong meron sa Dark Lord?" tanong ko sa kanya.
"Mukhang wala ka nga talagang alam, patay kang bata ka." Isang malamig na ihip ng hangin ang pumalibot sa paligid. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako sa mga nalalaman ko dahil sa bagong pinuno na ito. Sino ba 'tong dark lord na 'to at bakit pumalit sa kahimagsikan ng life taker. Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin. "Mabuti pang ikaw na lang ang umalam n'un... anong pangalan mo?"
"Metria, Metria Xaxon." Sagot ko sa kanya.
"Misyon mo?"
"Naiwan dito sa dark world ang kaibigan ko na si Xana." Nagulat naman siya ng sabihin ko ang pangalan ni Xana dahil nakilala na rin siya bilang anak ng life taker. "Nandito ako para hanapin ang nawawalang kaibigan nito."
"Si Xana... kaibigan mo si Xana." Ngumiti ito. "Malakas ang kapit mo." Saka siya tumawa ng nakakapangloko. Kinilabutan naman ako sa tawa niyang 'yun at hindi ko 'yun gusto.
"Anong balak mo kay Xana?"
Tumigil siya sa kakatawa niya, "Alam mo ba, siya lang ang makakatalo sa Dark Lord?"
Napailing agad ako sa sinabi niya, "Hindi maaari. Hindi siya pwedeng bumalik dito, Grano. Iniingatan ngayon ni Xana ang mundo ng mga tao." Sagot ko na lamang sa kanya.
"Kung gayon, tayo'y magsasama para sugpuin ang naturang dark lord." Saka na naman siya tumawa ng nakakaloko. Napailing naman ako, hindi ko talaga gusto ang tawa niya dahil nakakalibot ang mga ito. "Metria, kung ako sayo. Mag-ensayo ka muna para mapalakas ang taglay mong kalakasan, hindi biro ang Dark Lord."
"Hindi ang Dark Lord ang pinunta ko dito, Grano. Hinahanap ko ang kaibigan ko, ang gusto ko lang. Ang maibalik siya. 'Yun lang!" sagot ko sa kanya.
"Kung ganun, sasama ako sayo." Napakatigas ng ulo pero hahayaan ko na lang siya muna para sa gayon may kasama ako sa lugar kung saan ako mapupunta. Hindi ako mag-iisang mapahamak. "Saan tayo magsisimula?" ngiti nitong tanong sa akin.
Umiling ako, "Wala akong alam kung saan ang uunahin ko. Wala akong alam kung nasaan siya ngayon." Napakalawak ng dark world at bawat lugar nito ay may dalang panganib na hindi mo alam kung katapusan mo na ba. Masyadong mapaglaro ang mga lugar dito kaya kung magpapadala ka sa nakikita mo, umiwas na lang kung ayaw mapahamak.
"Kung wala kang alam, saglit lang." sumipol siya ng napakalas at ilang saglit lang ay may ilang kaluskos kaming narinig. "Yohoo!" at isang nilalang ang lumapit kay Grano. Nilalang na parang aso pero may paikot na sungay at pinaghalong kulay itim at pula ang balahibo nito. May mahahabang kuko na kulay puti din. "Si Asux ang tutulong sa atin para mahanap ang nawawala mong kaibigan." Lapad na ngiti pang sabi nito.
"Paano ka nakakasigurado na makakatulong 'yang Asux mo?" tanong ko sa kanya.
"Madali lang 'yan! Kung bibigyan mo ng gamit na pinag-gamitan ng nawawalang kaibigan mo at ipinamoy kay Asux ang gamit an 'yun ay madali lang nitong masusundan ang mga lugar na pinuntahan nito." Sabi nito sa akin.
"Pero wala akong gamit n'un."
"Edi wala!" Kibit balikat nitong sabi sa akin.
May naisip din naman agad akong paraan upang magkaroon ng gamit ni Jester.
"Saglit lang." tumango naman sa akin si Grano. Pumikit ako at mabilis na napunta ang kaluluwang isip ko sa mundo ng mga tao. Agad nitong pinuntahan kung saan nanunuluyan si Xana at agad itong pumasok sa ulo niya. At nagpaulit ulit sa isip niya ang salitang 'Magbigay ka ng gamit ni Jester.' At ilang saglit lang ay bumalik na rin sa sarili ko ang kaluluwa ko.
Nilahad ko ang kamay ko at dahan dahan na lumitaw ang damit ni Jester sa kamay ko.
"Magaling." Ani ni Grano dahil sa nasilayan niya sa ginawa ko. Minsan ko lang din gawin ang lakas na 'yun dahil kapag hindi nkabalik ang kaluluwa mo sa sarili mong katawan ay peligro ang abot nito. Mabuti nang hindi ko na ulit gagamitin 'yun. "Humahanga ako sa taglay mong lakas, Metria."
Ngisi ko sa kanya.
"Ito, ayos na ba?" saka ko inabot sa kanya ang damit ni Jester. Kinuha naman niya ito sa kamay ko.
"Ayos na ayos." Saka niya kinuha ito sa kamay ko. "Asux!" tawag niya sa alaga niya pero nilibot namin ang paningin namin pero wala na ito sa paligid. "Asux!" muling pagtawag ni Grano sa alaga niya. Agad namang nataranta si Grano, sinubukan niyang sumipol gaya ng ginawa niya kanina nang lumabas si Asux pero walang lumabas na Asux.
"Nasaan na?" tanong ko sa kanya.
Pumikit si Grano hanggat sa bumagsak na lang ito sa sahig.
"Tss! Grano! Bangon!" pero walang buhay ito. Nagsisimula na talaga ang misyon ko dito sa Dark World.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top