Chapter 09

Chapter 09

"No," I said for the third time. Nandito ngayon sina Gem at Nikki (weirdly enough, my situation brought them closer) para dalhin ako sa isang party kung saan ipapakilala ako sa mga lalaki. I already said no sa Instagram, sa text message, at ngayon, sa personal. Kung may alam lang akong ibang language bukod sa Tagalog at English, malamang sinabi ko na rin 'yon sa kanila.

"Sige na, please?"

Umirap ako kay Gem. "Gusto mo lang makakita ng gwapo, e."

"Duh!" sabi niya.

"Kayo na lang."

"Ikaw nga 'yung main agenda, e," sabi ni Gem at tumango naman si Nikki. Ang weird talaga na sa tinagal-tagal na kaibigan ko silang dalawa, ngayon lang sila naging friends. Kung meron mang magandang nangyari sa whole Zion debacle ko, ito siguro 'yon. Well, at least merong magandang nangyari.

"Wala ako sa mood uminom," I said.

"You don't have to drink," Nikki said. "Duh. When did I ever force you to drink?"

I rolled my eyes. Never niya naman talaga ako pinilit uminom. Nagagalit pa nga 'yan kapag may kaibigan siya na pinipilit ako uminom, e. For her, no means no. Also, you don't need alcohol to have fun. True naman. Mas madalas kasi na nakakairita kapag lasing. Although meron din namang mga fun kasama kapag lasing na.

"Kayo na lang. Pass muna ako."

"I promise Zion won't be there."

I hated how my body had this... reaction at the mention of his name. It had been a whole week since he told me to have a good life. If any, he wished me something good. Dapat matuwa ako doon, 'di ba? It wasn't as if he cursed me to live a miserable life.

"Please?" Nikki asked.

"Di bagay sa 'yo," sabi ko kasi nagpa-cute pa siya.

Umirap siya sa akin. "Please na kasi!" she said, more like her speed dahil mas brat siya kaysa pa-cute.

"San nga ulit?"

"Pob," she said.

"Fine," I replied since malapit lang naman 'yon saka may kainan ng tacos doon na gusto ko. Takasan ko na lang 'tong si Nikki at Gem kapag nakakita ako ng tyempo.

Sobrang mukhang tanga silang dalawa dahil tumambay sila sa condo ko hanggang kailangan na naming umalis. Pinakuha nila ako ng susuotin ko tapos pumunta kami sa condo ni Nikki para doon mag-ayos. I wasn't really planning on dressing up, but Nikki said that as my friend, she would never let me be around hot guys na hindi nakaayos. She said like it's a mortal sin.

"So cute," sabi niya habang kinukuhanan ako ng video.

I tried to cover the camera of her phone. "Wag nga," I said kasi malay ko ba kung naka-follow sa kanya si Zion? 'Di naman sa assumera ako na interesado siya sa ganap sa buhay ko, but still. Ayoko lang na aware siya sa mga ginagawa ko. Pwede ba 'yon?

"You look so hot," Nikki said and Gem gave me thumbs up, too. Feel ko ay bumalik ako sa 2000s era dahil sa flare jeans at black fitted halter neck top na pinasuot sa akin ni Nikki. Na-stress din ako na kumasya sa akin 'yung pantalon niya! Normal na skinny jeans lang kasi iyong dala ko, pero pina-try niya sa akin 'to. 'Di naman ako nag-diet kaya bakit ako pumayat?

Feeling ko rin ay pwede na akong maging disco ball dahil nilagyan niya ng glitters iyong shoulder blades ko pati iyong eyelids ko. 'Di ko alam kung themed party ba 'tong pupuntahan namin. Tinatamad na akong magtanong dahil parang no choice naman ako kung hindi ang pumunta.

We booked a ride to the place. Dahil social butterfly 'tong kaibigan ko ay mabilis kaming nakapasok sa loob with matching table pa. Napatingin ako kay Gem nang sikuhin niya ako.

"Ano?" tanong ko habang medyo idinikit ko iyong tenga ko sa kanya dahil sa lakas ng tugtog dito sa club. It was only 10PM pero ang dami ng tao. Siguro ay dahil Friday night?

"Daming gwapo!" she said.

Natawa ako dahil totoo naman. Alam ko naman na matagal ng gusto ni Gem na sumama sa mga ganap ni Nikki. She'd always ask about the parties, the models, the teas, but she never once asked me kung pwede siyang sumama. Weird din naman sa akin na isama siya kasi sinasama lang din naman ako ni Nikki. I was glad na mukhang friends na silang dalawa at hindi ko na kailangang maging awkward bridge sa pagitan nila.

"Sabihin mo kay Nik na ipakilala ka," I told her.

"Ikaw iyong mission tonight!"

Umirap ako dahil kanina pa nila sinasabi 'yan pero sana talaga ay hindi nila gawin dahil wala ako sa mood makipagkapwa-tao ngayon.

True to Nikki's word, she introduced me to a lot of guys. Normally, I was pretty good at remembering names (but then again kasi konti lang naman ang nakakausap ko talaga madalas), but tonight? I lost count ng mga pinakilala sa akin ni Nikki. And she's right—they're all hot.

"So?" Nikki asked.

Nasa loob kami ng restroom. She locked the door kaya kanina pa may kumakatok sa labas. Nikki remained unfazed habang inaayos niya iyong makeup niya sa harap ng salamin.

"So?" I asked back.

"Who do you like?"

"What?"

"I introduced you to almost everyone I know!" sabi niya. "It's impossible that you didn't like at least one."

"Nik—"

"Come on. Zion can't be all that," she said. "Maybe the dick's good, but every guy has a dick, Arielle. Every dick is replaceable."

This... was a weird conversation.

"It's not that," sabi ko sa kanya. "Also, nasaan si Gem?"

Nikki waved her hand. "Probably falling in love," she said. Nanlaki iyong mata ko. "She's with Erick. Don't worry, she's in good hands, I promise," she continued. "I won't leave her there if I didn't trust the guy, okay?"

I looked at Nikki. Mukhang seryoso naman siya sa sinabi niya. Hindi rin naman uminom si Gem. Okay. Ayoko lang na iwan siya rito. Nambabato pa naman 'yon kapag lasing. Mamaya may batuhin dito bigla 'yon, e.

"So?" she asked.

I sighed. Mukhang hindi ko matatakasan 'tong usapan na 'to dahil literal na ni-lock ni Nikki kaming dalawa dito sa CR.

"So?" I asked again dahil hindi ko alam kung ano ang gusto niyang marinig mula sa akin.

"No one? You really didn't find anyone cute?"

"They are cute," I said. "Hot, even," dugtong ko. "It's just that..." sabi ko at saka huminga nang malalim at nagbuntung-hininga. "It's weird lang... Hindi naman naging kami but alam mo 'yon? Para akong nakipag-break."

It was a bit humiliating to be telling a living soul this. Kasi bakit ba ako nasasaktan e literal na wala namang kaming dalawa ni Zion? We never even went on a date. Considered as date ba iyong nanood kami ng movie? Hindi naman, 'di ba? Mabibilang ko rin sa daliri ko iyong mga panahon na nag-usap kami. Alam ko nga rin lahat ng pinagusapan namin, e.

Kasi konti lang naman.

Pero kahit konti, bakit parang ang daming naiwan sa akin?

"You romanticized him inside your head, babe," sabi ni Nikki sa akin. Sinara niya na iyong compact powder niya at tumingin sa akin. Naka-sandal siya sa may counter. "That's the thing with situationship—especially ones that ended quickly. There's a lot of what ifs and what could've beens. I think it's why it hurts more. There were lots of possibilities. And we tend to romanticize those possibilities."

I looked at my feet.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

I just felt... so lost.

And for no reason.

It's so fucking embarrassing to be feeling this way.

"He's not all that," she said.

"What if he is?" I asked. "I mean, I didn't really know him, right? So what if he is all that?"

Nikki gave me a small smile and shrugged. "Live and learn, babe," she said and then went for a hug. "He is your first guy, right?" she asked and I nodded. "You'll handle the next one better, I promise."

"Ayoko muna ng lalaki," sabi ko habang parang tangang magkayakap pa rin kami. Kaya minsan nabalita na magjowa kami, e.

"Not even the hot guys here?" she asked.

"I think I'm done with models," sabi ko. Nase-stress din ako kasi lagi ko nacocompare iyong sarili ko kasi alam ko na literal na diyosa iyong mga kaibigan at nakakasama nila sa trabaho. Hindi siya maganda para sa mental health.

"Fine," she said, groaning. "I'll ask my brother if he has any single friend," she continued at natawa ako dahil hindi sila close ng kuya niyang doctor. Actually, hindi siya close sa family niya dahil siya iyong nagdecide na magmodel habang puro doctor iyong mga kapatid at parents niya.

Nikki retouched my makeup kahit sa opinyon ko ay okay pa naman iyong itsura ko. Paglabas namin, nakita namin si Gem na nasa couch at katabi iyong Erick na sinasabi ni Nikki. They're just talking, but kita ko mula sa pwesto ko iyong kilig ni Gem. Nice! At least may magandang ganap ngayong gabi.

I tried to stay for a little longer, but at around 1AM, nagsabi na ako na uuwi na ako. I asked Gem kung gusto niya ng umuwi, but she looked like she's having fun. Nikki assured me na babantayan niya si Gem, so napanatag ako na iwan doon si Gem.

For some reason, a small part of me was hoping na makasalubong ko si Zion sa labas. But this was probably why Nikki opted to go to Poblacion instead of BGC. Mukhang sa BGC madalas si Zion, e.

God, I hated that I know a lot of things about him habang siya ay mukhang pangalan at address ko lang ang alam.

Pagbalik ko sa Greenfield, instead na pumasok na ako sa condo ko ay napagdesisyunan ko na maglakad-lakad muna. I wanted to tell myself na gusto ko lang magpahangin, pero sino ba ang niloloko ko? Alam ko na dito lang din sa area na 'to nakatira si Zion. May desperadang parte ng utak ko ang nagsasabi na baka magkasalubong kami.

Mukha na talaga akong tanga.

"Last na 'to," sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ako. "Last na 'to, Arielle. Bukas, umayos ka na. Mukha ka na talagang tanga. 'Di ka ba nahihiya? Daig mo pa nakipagbreak sa boyfriend, e! Masyado kang nagalingan kay Zion. Malay mo ba kung below average naman pala talaga siya? Hindi mo lang alam dahil wala ka namang point of comparison—"

Pero agad akong natigilan sa monologue ko nang bigla akong may makabanggaan na lalaki at bigla akong napasabi ng "What the fuck" sa harapan niya dahil literal na... what the fuck? Bakit ang gwapo niya?! Anong klaseng mukha 'yan?!

**

This story is already at Chapter 15 on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can email [email protected] for assistance if you want to pay via GCASH. As of the moment, credit and debit cards can be used directly when paying in the site :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top