Chapter 08

Chapter 08

Nakatingin sa akin si Nikki at si Gem na para bang akong iyong pinaka-nakakaawang tao sa mundo. Siguro nga. Pero kasalanan ko rin naman. Bakit kasi ako nanatiling nakatayo roon? What was I expecting? Na lalapitan niya ako at kakausapin? Para saan? Ako naman iyong namblock sa kanya, 'di ba? Ako iyong kusang dumistansya kasi alam ko na hindi ako okay sa kung anuman iyong meron kami noon?

Kaya bakit ako nakakaawa?

It was my choice to begin with.

If anything, they should be proud of me... right?

"What?" I asked, starting to feel uncomfortable dahil sa paraan ng pagtingin nila sa akin.

"I'm gonna kill him," Nikki said through gritted teeth. "I'm seriously gonna kill him."

Tumingin ako sa kanya at umiling. "Please stop."

"Why? He's such an asshole!"

Huminga ako nang malalim habang binubuksan iyong bote ng tubig na dapat ay para sa kanila. Kaya lang ay parang mas kailangan ko 'tong tubig na 'to.

"Why?" I asked. "Wala naman siyang responsibilidad na kausapin ako."

"Arielle—"

I shook my head and gave them both a small smile. "Wag na, please? Hindi worth it."

Kahit labag sa loob ni Nikki ay tumango siya. "Okay..." she said. "Do you want to go home?"

"No," sabi ko dahil bakit naman ako aalis dahil lang nandito siya?

"Okay," she replied. "If you change your mind—"

"I won't," I said, cutting her off. "Just please continue drinking."

"Okay..."

Gem wrinkled her nose. "Di naman ganon ka-gwapo in person," she said and even made vomiting gestures. Natawa ako dahil obvious naman na nagsisinungaling siya to make me feel better. Zion could be a lot of thing but ugly's not one of them. He's objectively a very beautiful guy, that's not up for discussion.

"Let's switch," sabi ni Nikki tapos bigla niya akong hinila. "There. Better," she continued and Gem nodded in agreement. Nailing na lang ako sa ginawa nila. Alam ko naman na para iyon wala si Zion sa line of vision ko. I was thankful... kind of. Kasi parang malapit ko ng tusukin iyong mga mata ko para hindi ako mapa-tingin sa gawi niya.

Gem and Nikki kept on drinking that at one point, I was concerned dahil baka ma-alcohol poisoning na silang dalawa. Gusto ko na sanang umuwi dahil pagod na rin ako, but for some reason, I weirdly wanted to prove to them (or to myself) that I could co-exist with Zion. Pero ihing-ihi na rin ako at hindi ako makapunta sa CR kasi what if magkasalubong kami bigla? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at sasabihin. Mas pinili ko na halos sumabog na iyong pantog ko kaysa i-risk na makasalubong ko siya.

Really great decision making.

"I'm gonna introduce you to a lot of better guys," halos isigaw ni Nikki sa akin kahit na kaharap ko lang naman siya.

"You're drunk," I said dahil mapungay na iyong mga mata niya. Akalain mo na nalalasing pala 'tong taong 'to? Akala ko talaga tubig na lang ang alak sa kanya, e. May kahinaan din pala.

"I am!" she admitted. "But I also am promising you that I'll introduce you to better guys!" sabi niya na mas malakas.

"Boses mo," I told her dahil for sure ay rinig na rinig na siya ng buong tao rito sa club kahit na malakas din iyong tugtog.

"Don't care!" sigaw niya. "Do you want me to introduce you to hot guys, too?" tanong niya kay Gem.

Gem nodded—a little too enthusiastically. "Yes, please!"

"That's what I want to hear!" Nikki said.

Napailing na lang ako habang pinipilit silang uminom ng tubig at pinipigilan na uminom dahil feeling ko talaga ay isang shot away na lang sila sa pagpunta namin sa emergency room.

At around 3AM, sa wakas ay napagod na rin sila. Gustung-gusto ko na ring umuwi dahil naiihi na ako. Medyo nabilib din ako sa bladder control ko. Mas nanaig iyong kaayawan ko na makasalubong si Zion kaysa ang pumunta sa CR.

"Bitiw," sabi ni Gem sa akin.

"No," I replied as I shook my head. Na-stress ako kanina dahil bigla siyang tumakbo! Mukha kaming tanga na naghahabulan sa parking lot. Si Nikki na imbes na tumulong ay nakaupo lang sa isang gilid at kinukuhanan kami ng video. Ngayon ko na-realize na hindi talaga dapat uminom si Gem dahil nakaka-stress siyang alagaan kapag lasing! Para akong nag-exercise, e.

"Please?"

"No—" sabi ko tapos napaawang iyong labi ko nang bigla niyang tanggalin iyong sapatos niya at ihagis iyon papunta roon sa may halaman. "Nakakaloka ka!" dugtong ko bago sabihin kay Nikki na bantayan si Gem dahil alangan namang sabay-sabay kaming maghanap sa may halaman nung sapatos ni Gem.

Patingin-tingin ako sa kanila habang naglalakad papunta sa may halaman. It was a shrubbery, so I really just hoped na walang hayop sa loob non. Kung masama lang talaga akong kaibigan e hahayaan kong umuwi na walang sapatos 'yang si Gem!

I was in the middle of looking for Cinderella's missing shoe nang muli akong tumingin sa likuran ko para i-check lang kung buhay pa iyong mga kaibigan ko.

"Hey."

Agad akong natigilan nang makita ko si Zion na nasa likuran ko. Fucking hell. Sa lahat naman ng posisyon na maaabutan niya ako, ngayon pa na naka-tuwad ako sa may harap ng halaman at naghahanap ng sapatos! I really couldn't catch a break!

"Hey," I replied, just repeating what he said.

Hindi ko alam kung tatayo ba ako o ibabalik ko iyong atensyon ko sa ginagawa ko. I didn't know how to act in front of him! Bakit ba kasi siya nandito? Alas tres na kaya! Also, may kasama siyang iba kanina! Ano? Tapos na silang mag-sex kaya nandito siya ulit para humanap ng willing victim number two?

"You blocked me."

Napaawang iyong labi ko sa sinabi niya. Wala man lang paligoy-ligoy. Diretso lang nagtanong. Mas lalo lang akong nailang sa posisyon ko na nakatuwad dito sa may damuhan.

I should really stand up para mabawasan naman iyong kahihiyan ko. Huminga ako nang malalim bago tumayo. Lecheng sapatos 'yan ni Gem.

"I did not block you," sagot ko sa kanya.

He slightly arched his brow. "Really."

"I removed you from my friends," sabi ko.

Nakatingin lang siya sa akin. I forced myself to not be intimidated by his stares... but fuck, it's so hard when it felt like forever since I stared into those fucking eyes! Gusto ko na lang sampalin iyong sarili ko dahil para bang bumabalik ako sa mga panahon kung kailan ako nakatitig sa mga mata niya... habang hawak niya iyong mga kamay ko...

Get a fucking grip, Arielle!

"Why?" he asked, his head cocked to the side.

Gusto kong sigawan iyong mga kaibigan ko na kung may panahon man para umepal, ngayon 'yon! Kasi ano ang sasabihin ko kay Zion? Na kailangan kong mawala siya sa paningin ko? Na out of sight, out of mind? Na kailangan kong mag-move on? Pero bakit? Ano ang imu-move on ko e wala namang kami?

"Do I have to have a reason?" sabi ko dahil wala akong maisip na dahilan na kaya kong sabihin sa harapan niya.

"Preferably, yes," sabi niya.

I bit my tongue to stop myself from asking him why kasi alam ko naman na wala akong makukuhang sagot na magugustuhan ko mula sa kanya. I wasn't the cool, unattached girl that he probably thought I was. I wasn't. But I could pretend.

"Sorry to disappoint, then," I said. Muli akong tumalikod para hanapin iyong sapatos ni Gem. Pero bago pa man ako makagalaw ay muli siyang nagsalita.

"You removed me from friends because of nothing?" he asked like he wanted me to say something but he couldn't get it out of me.

"Yes."

"Hard to believe."

"Not my fault then."

"So, that's just it?" he asked.

"Probably, yeah," I replied. Every word felt like nail being pulled out of me. Kasi kung sa totoo lang, gusto kong ibalik 'yong dati. Kasi tangina, pareho lang naman iyong nararamdaman ko. Pero alam ko na ito iyong kailangan kong gawin.

Fuck being rational and logical—hindi masaya.

"Finally," I uttered under my breath nang makita ko iyong sapatos ni Gem. I picked it up. I turned around and saw that he was still standing there, looking at me.

"It was fun while it lasted," I said as I took a deep breath and offered him my hand, for some goddamn reason.

Nakatitig siya sa kamay ko. Isa-isa kong binibilang sa isip ko ang bawat segundo na lumilipas sa pagitan namin. I wanted to pull my hand away, but a small part of me was still yearning to feel the touch of his skin against mine.

God, I was so deep in this shit.

"Okay, then—" I said as ten seconds passed and he was still not accepting my hand. Pero bago ko pa man iyon mabawi ay mabilis niyang tinanggap iyong kamay ko.

But it wasn't one of those handshakes.

He took my hand and held it.

All while staring into my eyes.

"It was fun," he said.

"It was," I replied.

"Will I still see you around?" he asked.

"Probably not," sabi ko sa kanya dahil gagawin ko lahat ng paraan para hindi kami magkita. Dahil isang tingin lang sa akin ng mga matang 'yan ay parang bumabalik lang ako sa simula. Paulit-ulit. Nakakapagod.

"But what if I see you?"

"What if you see me?"

"Can I say hi?"

"Preferably not," I said.

"Why?"

"I don't know."

"I'll pretend that I don't know you?" he asked. I nodded. "Won't that be lying?"

I shrugged. "People sometimes lie," I said. "Like how you did earlier," I continued without missing a beat. Nakita ko na napaawang iyong labi niya. At nang makita ko na magsasalita pa siyang muli, mabilis akong ngumiti sa kanya matapos kong humugot ng malalim na hininga.

I took a step back.

Put some distance between us.

"It's kind of funny, if you think about it," sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakangiti ako, pero walang bakas ng ngiti sa mukha niya. "We first met in a club... and we sort of ended in a club. Like the circle of life."

I hated his silence when he's staring at me like that.

"It's really been nice knowing you, Zion," I genuinely said.

Because it had been nice no matter how short it was.

I hated how we ended, but the journey had been worth it.

"Was it not nice knowing me?" I asked him when he said nothing.

"It was," he said.

"Great—"

"Have a great life, Arielle," he said, cutting me off and walking away. 

**

This story is already at Chapter  14 on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can email [email protected] for assistance if you want to pay via GCASH. As of the moment, credit and debit cards can be used directly when paying in the site :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top