Chapter 05
Chapter 05
Yeah... I definitely did something wrong... I was just not certain kung ano iyong maling nagawa ko and it's driving me insane!
"Bakit kasi hindi mo na lang i-message?" Gem asked.
It was Saturday night at nandito kami sa food park malapit sa condo. Usually, I'd be buying different food as a treat to myself. Kapag weekdays kasi ay marami akong trabho. As much as I wanted to eat, ako iyong tao na hindi nakaka-kain nang maayos kapag stressed o masyadong focused sa isang bagay. Saturday night and Sunday iyong pinaka-pahinga ko. Pero ngayon ay hindi ako makapagpahinga dahil busy ako mag-overthink at i-replay iyong mga ganap nung huli kaming nagkita ni Zion dahil pakiramdam ko talaga ay may mali akong nasabi.
"Hindi nga ganon kadali," I explained to her.
"Ano'ng hindi madali? Madali lang mag-type."
I rolled my eyes at her. I love her, but sometimes, I hated how pushy she was. She'd tell me na madali lang naman gawin, but then again, magkaiba naman kami. And also, I bet kapag crush niya iyong sasabihan ko na ganito ang gawin niya, she'd chicken out!
"Ayokong magmukhang clingy," sabi ko.
"Clingy? Two weeks ago na nung huli kayong nagkita kaya."
I sighed. Had it been that long? Galit kaya sa akin si Zion? But then again, kung galit siya, hindi ba may implication na may pakielam siya sa akin? Kasi bakit naman siya magagalit sa random na tao, right?
"Also, mukhang 'di naman siya busy kasi nakita ko nasa party siya."
Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?"
"Naka-follow ako sa IG niya."
Nanlaki ang mga mata ko. "Gem!"
"What? Naka-public kaya siya!"
"Kahit na!"
"E 'di magprivate siya kung ayaw niyang naviview iyong story niya?"
I groaned in frustration. Ako nga na curious na curious kay Zion ay hindi nagvview sa story niya sa IG! Heck, ni hindi ko nga alam iyong mga social media account niya. Grabeng self-control at restraint ang meron ako. Nakaka-bilib!
"Kapag nalaman niya na friends tayo, nakakahiya!"
Tumawa si Gem. "Feeler nito! Feel mo naman iistalk niya ako tapos makikita niya iyong account mo?"
Inirapan ko siya. "Bwisit ka."
"Ano? May feelings ka na, noh?"
"Feelings mo mukha mo."
"E bakit affected ka na hindi na nagmemessage sa 'yo?"
I rolled my eyes again. "Hindi ako affected."
"Geh. Kunwari naniniwala ako."
Kawawa naman iyong pad thai na kinakain ko dahil hindi na siya mukhang edible dahil siya ang napagdiskitahan ko sa bwisit dito sa kausap ko.
"Alam mo naman na madali akong ma-stress kapag feeling ko naka-offend ako, 'di ba?" She nodded because it's true. Hindi ko talaga kaya maging IDGAF na tao dahil masyado akong naaapektuhan kapag feel ko naka-offend ako lalo na kapag kaibigan ko.
"Ano ba kasi sinabi mo nung huli kayong nagkita?"
I sighed. "Ewan ko... Like small talk lang. Tapos biglang aalis na siya."
"Meron ka nasabi for sure," sabi niya. "Unless bigla lang talaga nagbago iyong mood niya for no apparent reason."
"Baka iyon iyong sinasabi ni Nikki na post nut clarity?"
Kumunot iyong noo ni Gem. "Ha? Ano na naman hanash ni Nikki? Dami niyang terms, ha."
Tumawa ako. "I know!" sabi ko. "But sabi ni Nikki, iyon daw 'yung after the deed, nalilinawan iyong lalaki. Minsan kasi kapag alam mo na... horny iyong lalaki, hindi sila makapag-isip nang maayos. Kaya minsan daw after the deed, bigla na silang aalis kasi tapos na iyong gusto nila makuha. Na ayaw naman talaga nila pumunta, but clouded iyong utak nila."
Natawa si Gem. "Para namang animal iyong mga lalaki na walang self-control."
I shrugged. "Sabi ni Nikki lang 'yan sa 'kin."
"So tingin mo may post nut clarity si Zion?"
"Maybe?"
"But sabi mo tumambay siya muna sa condo mo for an hour, 'di ba?" I nodded. "And he also tried small talk unlike before na aalis lang siya agad?" I nodded again. "And the session lasted for three hours unlike the usual one hour?" I nodded again. "Sis, I hate to break it to you, pero may nasabi ka talaga na hindi niya nagustuhan."
I groaned again kasi alam ko na tama siya pero hindi ko talaga alam kung ano iyong nasabi ko. Weird naman if imemessage ko siya para itanong kung ano 'yon.
"Just go ask him."
"And why will I ask specifically?"
"Hey, did I offend you?"
"Seriously?"
She nodded. "Yeah."
"If sinabi niya na wala?"
Gem shrugged. "I mean... do you like him na ba?"
I remained silent. Gusto ko ba si Zion? I mean... yeah... I wouldn't have sex with him repeatedly kung hindi. Hindi ako gaya ni Nikki na kayang gawin 'yon just for fun. But then again, sometimes I question myself kung bakit nagustuhan ko si Zion agad kahit wala naman akong masyadong alam sa kanya. Iniisip ko tuloy kung gusto ko ba talaga siya o gusto ko lang iyong attention na nakukuha ko sa kanya kasi for the first time in my life, may gwapong lalaki ang nagbibigay ng attention sa akin?
"I guess..." sagot ko.
"I mean you can not ask him and prolong this agony," sabi ni Gem.
"But if I do ask him and sinabi niya na hindi but then again doesn't ask me to hangout again..."
Gem gave me a small smile. "Then at least you'll know and you can move on to better things?" she said, trying to remain optimistic but I wasn't that optimistic... like I had waited all my adult life and ngayon lang ako nagka-Zion sa buhay ko. Kailan pa iyong next na 'better things?'
"Okay," sabi ko. "Ikaw magmessage."
"Sure ka?"
I nodded. "Yes. Masusuka ako sa kaba kapag ako ang nagmessage."
"Okay..." sabi ni Gem. "Ano ang sasabihin ko?"
"Busy?" She nodded as she typed the message on Snapchat. Iniabot niya sa akin pabalik iyong phone ko. "Mamaya pa siguro magrereply 'yon kasi nasa party sabi—" I said but then paused when I saw that the message had been opened.
Oh, fuck.
Moment of truth!
Para talaga akong masusuka habang naghihintay na magtype siya ng reply niya. Two minutes na iyong lumipas pero wala akong nakita na typing.
Fuck.
Was I left on opened?
Hindi dapat ako nakinig kay Gem. Baka busy lang si Zion? I mean, busy season ba ng modelling ngayon? I should ask Nikki. Baka busy talaga siya kaya hindi siya nagmemessage sa akin? But baka may iba na siyang fubu? Sa mukha niyang iyon, for sure hindi siya mahihirapan!
"What?" Gem asked. "Nagreply na ba?"
I shook my head and forced a smile. "Nope. May email lang about work," I replied because for the life of me, I needed to protect what was left of my pride and pretend that I was not ignored by a guy who invaded my thoughts for a month already.
Fuck my life, really.
* * *
Alam ko na hindi ako masyadong magaling umarte kaya naman thankful ako na hindi pa nagtanong si Gem tungkol kay Zion dahil baka maiyak ako sa frustration o sa sama ng loob.
Dapat talaga lumandi na ako nung nasa high school ako, e! Ayan tuloy, ngayon ko lang nararanasan iyong mga ganitong heart break and disappointment sa lalaki. Hindi ko alam kung paano ihahandle 'to. Gusto kong humingi ng advice kay Nikki kaya lang nahihiya ako kung ngayon lang ako magsasabi sa kanya.
I really wanted to sleep the disappointment off kaya naman uminom ako ng sleeping pills para makatulog agad ako. I rarely use this dahil mabilis naman akong makatulog dahil sa dami ng ginagawa ko. Ngayon lang dahil kailangan ko talagang makatulog. Otherwise, I would replay the disappointment in my head over and over again.
Zion5200 is typing...
Pero tangina.
Isang notif niya lang, nawala ata iyong antok ko.
Zion5200: Kinda
I mean, alam ko naman na busy siya dahil nasa party siya. What did I expect, really? It's a Saturday night. Of course, he's busy.
Me: Oh okay
He left me on opened again.
I should leave it at that.
Hindi na dapat ako magreply.
Me: We good?
But of course kailan ba ako nakinig sa logical part ng utak ko? At this point, display na ata siya.
Zion5200: Yeah why not
Okay. Walang ka-reply-reply sa sinabi niya. Hindi na dapat ako magreply pa.
Me: Great. I'll see you soon.
And... I was left on opened again.
Tanginang 'yan.
Dapat talaga natulog na lang ako.
* * *
I was not a fan of the fact na kinailangan kong umuwi sa probinsya dahil ganoon ako ka-affected sa huling conversation namin ni Zion. Sa utak ko, ang explanation niya ay at least kahit i-message ako ni Zion, wala akong choice kung hindi sabihin sa kanya na hindi ako available dahil totoo naman na hindi ako available. As if bata ako na walang control at kailangan honest lagi sa sasabihin ko sa kanya.
Thank god dahil flexible ang trabaho ko. I stayed there for a week tapos ay bumalik din ako sa Maynila dahil ang naisip ko naman ay sayang naman ang binabayad kong renta sa condo kung nasa probinsya rin ako.
Pagbalik ko sa condo, natulog lang ako dahil sa pagod sa byahe. Ang weird dahil literal na nakaupo lang naman ako sa bus, but for some reason ay pagod ako.
After resting, nagdecide ako na maggrocery. Pag-uwi ay nag-ayos ako ng ref at cupboard tapos ay nagluto ako ng dinner. Nagdecide ako na manood ng movie. At least ang pinaka-problema ko lang ngayon ay kung anong movie ang papanoorin ko.
I settled on watching Barbarian. I was so focused on watching na on reflex ay napatingin ako sa phone ko nang maramdaman ko iyong pagvibrate nun.
Zion5200 is typing...
I hated that the mere sight of his name was enough to sour my mood. Iyon bang iyong isang linggong pagninilay-nilay ko sa probinsya ay nawala agad dahil lang sa notification ng pangalan niya? Also, may sa maligno ba siya na naramdaman niya na nandito na ulit ako sa Maynila?
Zion5200 sent a chat
Huminga ako nang malalim. I should ignore him. Or I should open his message and leave him opened. But then again, what would that achieve? Hindi niya naman ako gusto kagaya ng pagkakagusto ko sa kanya. Doing those things would mean nothing to him.
Zion5200: Hi
Me: Yes?
Zion5200: Free?
Me: Not really. Watching movie
Zion5200: Alone?
Me: Yeah
Zion5200: Can I join?
Me: Sure
Zion5200: Great
Me: I'm on my period tho
Zion5200: Okay?
Me: Can't hookup
Zion5200: Okay
What did I expect, really?
* * *
I tried to focus sa pinapanood ko pero hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw iyong bwisit ko kay Zion. May mga tao talaga na malakas mambwisit, e.
Napakunot ang noo ko nang makareceive ako ng chat mula sa kanya na nagsasabi na nasa labas na siya. Agad akong tumayo at saka naglakad papunta sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya mula sa peephole na nakatayo nga sa labas ng unit ko. It's been 20 minutes since he last messaged. Akala ko ay hindi na siya pupunta dahil usually in five or ten minutes ay nandito na siya agad.
"Hey," he said with that charming grin.
"I thought you're not coming," I said as I stood in front of the door. Nakaharang ako dahil hindi ko sure if papapasukin ko ba siya.
"How come?" he asked with a crease on his forehead.
"You said okay."
"How did that mean that I wasn't coming?" he asked, confusion was painted on his face.
I shrugged. "I don't know."
"You don't know but you assumed that I wasn't coming?"
I nodded. "Yes."
"Oh," he said. "But I'm here now, so your assumption is wrong."
I shrugged again. "Guess so," sabi ko tapos napatingin ako sa hawak niya. He was holding a paper bag from 7-11. I wanted to ask kung ano iyong laman nun but I was restraining myself so hard not to ask him any question. Para ba akong na-traumatize sa huli naming paguusap na baka may masabi na naman ako na offensive tapos 'di na naman niya ako pansinin.
"Oh. I didn't know what you like, so I got random stuff," sabi niya tapos ay itinaas iyong hawak niya tapos ay ipinakita niya sa akin iyong laman. "Got some chocolates, chips, some sweets."
Nakakunot ang noo ko. "Okay..." I said. "Why?"
"You said you're on your period, right?" sabi niya tapos tumango ako. "My sister demands this things from me when she's on her period," he casually said like he didn't just render the whole week I spent in the province void because fucking hell, I was in deep, deep shit.
**
This story is already at Chapter 10 on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can email [email protected] for assistance if you want to pay via GCASH. As of the moment, credit and debit cards can be used directly when paying in the site :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top