Chapter 9
HINDI mawala ang ngisi ni Isaac. Mali ni Aaron nang makalabas sila sa File room.
Tinanong niya ito kanina kung sino ito. Hindi nito sinabi ang totoong pangalan pero shempre alam na niya kung sino ito. Gusto niya lang ito kumpirmahin.
Aaron. Isa sa alters ni Isaiah. Speaking of, hindi niya pa na-me-meet si Isaiah ang host nang katawan nina Isaac, Loki at Aaron.
Totoo nga ang nakasulat sa medical record nito. Mahina at takot ito. Hindi katulad ni Isaac, ang protector ng lahat.
Nagmumukha tuloy na si Isaac ang host kahit hindi naman.
"Rue."
Umikot ang kaniyang mata nang tawagin na naman siya ni Aaron. Bakit ba paulit-ulit nito tinatawag ang pekeng first name niya?
Mas binilisan niya ang paglalakad hanggang makarating siya sa conference room kung nasaan ang department team nila.
Bitbit niya ang mga papeles sa kaniyang bisig. Nang abutin ni Aaron ang box ay inabot ito sa kaniya ng binata.
"Ang tagal niyo naman. Ano pa ba pinag-abalahan niyo?"
Nasamid siya sa pasaring ni Officer Burgos nang makapasok sila ni Isaac, ni Aaron pala sa loob ng silid.
"N-nothing!" aniya at agad na lumapit sa tabi ni Officer Arroza. Nilingon niya si Aaron. Sumeryoso na naman ang mukha nito.
Hindi nakalagay sa files ni Isaiah ang pagpapanggap ni Aaron bilang Isaac. Ibig sabihin ay may pagkakataon talaga nakasama na niya ito na hindi man lang niya namamalayan.
Kung si Isaac ay isang Protector. Si Aaron naman ay ang Internal Self-helper. Ibig sabihin, he often help by explaining things to their therapist. Kumbaga, manager ng buong alters.
Ang problem lang kay Aaron ay malandi ito at mabulaklak magsalita, based on his profile.
Tangina talaga, 'yong first kissed niya.
Kinuha ni Officer Arroza ang bitbit niyang files at nilabas ito para idikit sa white board sa kanilang unahan.
Gusto niya maiyak sa mga litrato na dinikit ni Officer Arroza sa white board. Puro bangkay ito ng babae. Pare-parehas ang itsura dahil sa same technique na ginamit sa pag patay sa mga ito.
Nakuyom niya tuloy ang palad sa galit. How dare him?!
Binalik niya ang pagtingin kay Aaron. Tahimik lang ito nakaupo sa gilid. Kung pwede niya lang sabihin. Kung may karapatan lang siya. Kung may ebidensiya lang siya na magpapatunay dito.
She needs to do something.
Isang bagay na magpapakulong dito. No, he deserves to die for everything he did.
NANG makauwi siya sa apartment na tinutuluyan niya ay dumiretso siya agad sa loob ng kubeta para maglinis ng katawan at ng sugat niya.
Pinatitigan niya ang kisame habang nakalublob siya sa bathtub. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga litrato kanina.
Nakakaawa ang mga ito. Iniisip niya kung ano ang naramdaman ng pamilya ng mga ito nang malaman na may pumatay sa mga ito.
Naalala niya tuloy ang ate Lana niya. Maski ang magulang nito. Ang alam niya ay naaksidente ang mga ito pauwi sa Pinas. Hindi niya tuloy maiwasan isipin kung paano hindi ito isang aksidente at may tao sa likod nito? Katulad sa ate Lana niya?
Posible iyon mangyari. Mayaman ang pamilya Salazar. Maraming lupa ang mga ito kung saan may mga nakatayo na condominium o apartment.
Ngayong wala na ang mga ito, hindi niya alam kung sino na ang mag papatakbo ng lahat nang ari-arian ng Salazar.
At habang hindi pa rin tapos ang pag-iimbestiga sa nangyari sa ate Lana niya ay iniwan niya muna ang mansyon ng Salazar sa pamamalagi ni Mayordoma Rosa.
Iniisip niya tuloy kung konektado ba ang pagkamatay ni Lana kay Isaiah Garcia. Malaman-laman niya lang talaga na konektado ito ay siya na mismo ang papatay sa binata.
Nagpupunas siya ng buhok nang tumunog ang wristwatch na nilapag niya sa vanity.
Kinuha niya ito. Pulang-pula ang codename ni August.
Ilang beses na siya pilit na pinapatawag sa headquarter ngunit hindi niya magawa dahil hindi naman kasi siya ang tunay na August.
Binalik niya ang wristwatch at hinayaan lang ito na tumunog nang tumunog. Kahit naiirita siya sa paulit-ulit na tunog nito ay tiniis na lang niya. Ihahanda na niya muna ang sarili.
NAGISING siya nang madaling araw na kinakapusan ng hininga. Pinagpapawisan siya ng malamig at may mga ilang butil ng pawis ang kaniyang noo.
Napanaginipan na naman niya 'yong araw na iyon. Pilit niya winawaksi ang imahe nang katawan ng kaniyang ate Lana ngunit hindi ito mawalawala sa kaniyang isipin.
Pinagsusuntok niya ang dibdib nang nahihirapan na naman siya makahinga. Hindi na rin nagpapawi ang pagdagsa ng kaniyang mga luha.
Iyak siya nang iyak. Kinakapusan man ng hininga ay wala na siyang pakealam. Nasasaktan siya at nalulungkot.
Bakit kailangan ang nag iisa na lang niya na kamaganak ay kinuha na rin sa kaniya?
Maraming pumapasok na katanungan sa kaniya ngunit hindi ito ang tamang oras. She needs to do something.
Pinahiran niya ang luha at bumangon sa pagkakahiga. Binuksan niya ang kabinet at kinuha ang isang itim na maleta sa ilalim nito.
Nilapag niya ito sa kama at binuksan. Tumambad sa kaniya ang mga kagamitan ni August. Iba't ibang uri ng gadgets at mga hindi kalakihan na baril.
Halos maliliit lang ang pinagdadala niya dahil hindi naman siya marunong gumamit nito pero may balak naman siyang mag aral. Kumukuha lang siya nang tamang tiyempo kung kailan at baka mahalata siya ng mga kasamahan.
Kinuha niya ang isang laptop at binuksan ito. Kailangan na niya pag-isipan kung ano bang pwede niyang maging strategy para makakuha ng ebidensiya kay Isaiah Garcia.
Maingay niyang tinapik ang keyboard habang nag iisip. Dumako ang paningin niya sa mga files nasa lamesa. Bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari kanina sa file room.
Umiling-iling lang siya sa naisip. She can't do that. Hindi niya alam kung kaya niya iyon gawin.
Nabalik ang paningin niya sa screen ng laptop. Kung saan naka display ang mukha ni Isaiah Garcia. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa mapula at malambot nitong labi.
"Fuck."
Sinabunutan niya ang sarili sa inis. Hindi ito ang tamang oras para mag isip siya nang mga gano'n bagay.
She needs to remember na masamang tao itong binabangga niya. Wala itong puso.
"But fuck! Bakit ba kasi ang sarap niya humalik?!" Ginulo niya ang buhok at nag sisipa. Naiinis siya sa sarili.
Sa sobra niyang inis ay sinara niya ang laptop. She can't do this right now. Iba 'yong naiisip niya. Potangina.
SHE jumped a little nang bigla na lang may sumulpot sa harapan ng apartment niya.
May isang itim na kotse ang nakaparada sa harapan niya ngayon at isang matangkad na lalaki ang nakasuot nang itim na sunglasses.
Naka-crossed arms ito at kahit hindi niya nakikita ang mata nito ay alam niyang inaaral nito ang buo niyang pagkatao.
"Who are you?" tanong niya.
Hindi ito nag salita bagkus ay lumapit ito sa kaniya. Binaba nito ang ulo para makatapat silang dalawa pagkatapos ay hinubad nito ang suot na sunglasses.
Ang kulay berde nitong mata ay titig na titig sa kaniya. Nagulat siya sa itsura nito. Naka-straight ang makapal nitong itim na kilay. Mapupula ang labi at ang tangos ng ilong.
Hindi niya namalayan kanina na may piercing ito sa gilid ng kaliwang kilay at sa gilid ng labi nito.
He smirked. "You're not August."
Nanlalaki ang kaniyang mata sa iminungkahi nito. Umayos ito nang tayo at binulsa ang dalawang kamay sa suot nitong slacks.
"S-sino ka?"
"I'm the one supposed to ask you that. Who are you little girl?"
Natanga siya sa sinabi nito. Little girl? Hindi na siya bata.
"Twenty e-eight na ako!"
Pinatitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Umiling-iling ito. "I don't think so."
"G-gago ka, ha! Sino ka ba?"
May ngiti sa labi na umiling ulit ito. Hindi na naman siya nito sinagot bagkus ay nilagpasan siya nito patungo pabalik sa kaniyang apartment.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!"
Chineck nito ang pinto ng apartment. Every sulok ata nang makita nito ay chineck nito.
She heard him clicked his tongue. Halatang naiirita ito. Kitang-kita sa nakakunot nitong kilay. Hindi na rin nito suot ang sunglasses at pinatong na nito sa ulo.
Paminsan-minsan ay napapatigil siya at tinititigan ito. Ang gwapo naman kasi. Halatang may lahi. Sobrang tangkad nito at iba ang kulay ng mata nito. Puro english din ito at may accent din. Mukhang ma-no-nose bleed pa siya.
Umiling siya sa mga pinag iisip at tinanong ulit ito.
"Sino ka ba kasi?"
"Someone might break to your apartment if you're not careful. This locked?" Hinawakan pa nito ang kandado. "Too easy to break," may inis nitong ani.
"Bakit mo sa'kin 'yan sinisisi? Do'n ka sa landlord mag reklamo."
He hissed. Umatras ito at kumuha nang isang malaking bato sa gilid. Nagulat siya nang bigla nito pinukpok sa kandado.
Hindi siya nakapag salita nang agad itong nasira. "See?"
"A-anong ginawa mo?!"
Binuksan nito ang pinto at pumasok sa loob. Sumunod naman siya agad rito. Pinagmasdan niya na umikot ang mata nito sa buong silid.
"Pack your things, we're going home," natigilan ito sa sinabi pagkatapos ay tumingin sa kaniya. Naguguluhan naman siya. "Just pack your things."
Nang mapagtanto ang sinabi nito ay agad siya napasigaw dito. "Ano?! I don't know you. Bakit ako sasama sa'yo?"
"'Wag ng maraming tanong. Just pack your things. I'll wait you outside."
Mas lalo siya natanga. Tangina. Marunong pala ito mag tagalog. Do'n niya lang din narealized naiintindihan nito ang mga pinagsasabi niya kanina pa kahit hindi naman niya ito ine-english.
Wala na siyang choice dahil mukhang kilala nito ang ate Lana niya. Kung gusto niya malaman ang totoong ginagawa ni Lana ay kailangan niya sumama rito.
Kung mapahamak man siya. Bahala na.
HER jaw dropped nang makarating sila sa sinasabi nitong tahanan. Hindi ito kalayuan sa apartment na kinuha niya at sa tingin niya rin ay hindi ito malayo kung nasaan ang istasyon.
Binagsak ni kuya green eyes ang mga maleta niya sa sahig nang makapasok sila sa loob. Bumungad sa kaniya ang malawak na living room at ang taas ng ceiling nito.
"Bahay mo ba 'to? Ang laki naman nito! Mukhang malaki talaga kinikita niyo diyan sa pag mi-mission niyo, ha," walang preno niyang saad.
May isang kasambahay ang sumalubong sa kanila. Tinuro ni green eyes ang mga maleta rito.
"At ikaw do'n ka sa quarters nila matutulog."
Parehas silang natigilan ni ate girl na may bitbit na maleta niya.
Ayos lang naman sa kaniya kung saan siya nito patuluyin dahil sanay naman siya but at the same time, umasa siya na bibigyan siya nito nang isang sariling silid dahil mukhang marami naman ang binata nito.
"Okay po," she said. Sasama na sana siya kay ate girl nang hablutin ni green eyes ang likuran niyang tee shirt at natatawa na hinarap siya nito.
"Mabilis kang mauuto ng target natin kung naniniwala ka na lang agad-agad."
Nasampal niya ito nang mapagtanto ang sinabi nito sa kaniya. Bumitaw ito sa kaniya pagkatapos ay hinimas nito ang kaliwang pisngi na sinampal niya.
May ngiti sa labi na tinitigan siya nito. "Mukhang tama ako, ah. Nauto ka na niya."
"Tangina mo sagad!" Tinulak niya ito at hinila si ate girl.
Mukhang sa maids quarter pa talaga siya mag si-stay.
—
n/a: pogi ni daddy green eyes. jusq, 'di me mapigilan sumulat nang hindi konektado sa poly hahaha saya lang lumandi char pero ayaw sa commitment hehe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top