Chapter 6
SA pag mamadali niya makababa ng sasakyan para makarating sa istasyon ay hindi na niya na hintay pa si Isaac. Medyo na-guilty tuloy siya.
"Chief! What happened? Nakabalik na ba sila? Ayos lang naman po sila diba? Walang masamang nangyari sa kanila? Bago ako umalis pinagbilinan ko po 'yong driver na iuwi sila nang maayos—"
"Teka, Cortez! Huminga ka muna." Hinawakan siya ni Chief Manuel sa magkabilaan niyang braso para patigilin sa sunod-sunod niyang palahaw.
Natigil siya sa pag sasalita. Tumingin siya rito. Nag simula naman si Chief Manuel na mag inhale at exhale sa kaniyang harapan.
Mariin niyang pinikit ang mata at sinunod ang sinabi nito.
Inhaled.
Exhaled.
Tatlong beses niya ito ginawa hanggang maging kalmado siya. Binitawan na rin siya ni Chief Manuel.
Inikot niya ang kaniyang paningin. Napansin niyang parehas nakatingin sa kaniya sina Officer Arroza at Officer Burgos. Pilit na ngumiti ang dalawa sa kaniya.
At alam niya. Hindi maganda ang meaning nang ngiti na iyon.
"Chief, what exactly happened?"
She jumped a little sa biglaan sulpot ni Isaac sa kaniyang gilid. Nakalimutan niyang iniwan niya pala ito sa labas ng station para makarating agad sa loob.
"Hindi pa rin sila bumabalik."
"P-po?! What about the driver? Kasama nila po?" tanong niya.
"Siya ang magiging suspect hanggat' hindi pa rin sila nakakabalik hanggang mamaya."
"Kung gano'n, bakit hindi po natin sila hanapin na? Baka hindi pa sila nakakalayo o andiyan lang sila sa tabi."
"We can't do that. Wala pang 24 hours."
Mabilis siyang tumingin sa dalawang Officers at kay Isaac. Hindi nag sasalita ang mga ito. Binalik niya ang tingin kay Chief Manuel.
"I'll find them. Wether may twenty four hours o wala pa. I need to find them. Dapat may gawin tayo, paano kung huli na? May nangyari nang masama? Hindi pwede 'yon!"
"Cortez!" sita ni Chief Manuel sa kaniya. Nabigla pa siya sa pag sigaw nito. Hindi niya kayang manahimik lang. Kung kaya niyang gawin ay gagawin niya.
"I'll go with Miss Cortez," saad ni Isaac sa tabi niya. Lumingon siya rito at binigyan ito nang isang ngiti.
Chief Manuel sighed.
"Go. Find them. Susunod kami after."
"Thank you, Chief." Hinawakan niya ang kamay nito. Inalis naman nito ang pagkakahawak niya rito.
"Find them, Cortez. I'm giving this task to you. They're your responsibility now."
"Yes, Chief. Naiintindihan ko po."
Tumango ito sa kaniya. Binalik niya ang tingin kay Isaac pagkatapos ay walang sabi-sabi nauna siyang mag lakad.
Papalubog na ang araw nang makalabas siya sa istasyon. Lalapitan na sana niya ang sasakyan na dala niya nang may humila sa braso niya.
Mabilis siyang pumalag dito ngunit mahigpit ang kapit nito sa kaniya at mas lalo siya nito kinaladkad sa itim na sasakyan.
"Anong problema mo?!" sigaw niya kay Isaac nang padabog siya nito pinasok sa loob ng passenger seat. Umikot ito sa driver seat at pumasok sa loob.
May inis na tinitigan niya ito. "Pwede mo akong dalhin sa sasakyan mo without dragging me, you know?!" Pinag crossed niya ang dalawang braso niya sa harap nang dibdib.
"Shut up."
Sinuot nito ang seatbelt at binuhay ang makina nang sasakyan.
"Ano? Ikaw itong nang hihila basta-basta tapos pinapatahimik mo ako?!"
Nanlilisik ang mata nito na nilingon siya nito. "Ang ingay ng bunganga mo. Naririndi ako."
"What did you just said? Baka nakakalimutan mo, I know your secret!"
Napatalon siya sa kaniyang kinauupuan nang bigla nito hampasin ang manibela. "H-hoy!" nauutal niyang saway dito.
Binalik nito ang nanlilisik na tingin sa kaniya. "What do you want?! Tell me! Money? Sex? Name it!"
Nanlalaki ang kaniyang mata sa narinig dito. "S-sex?!"
Inalis ni Isaac ang seatbelt nito at mabilis nakalapit sa kaniya. Gulat na gulat siyang nakatitig dito habang malapit ang mukha nito sa kaniyang mukha.
Hindi siya makakilos nang ikulong siya nito gamit ang dalawa nitong makisig na braso.
Napalunok siya sa kaba habang titig na titig dito. Napansin niya na bumaba ang mata ni Isaac sa kaniyang labi kaya nakagat niya tuloy ito.
Nahigit ata niya ang kaniyang hininga nang mas lumapit ito sa kaniya. Nakasandal na siya sa bintana sa kakausog niya kanina.
Kumiskis ang ilong nito sa kaniya at sa tingin niya ay may one inch na lang ang lapit ng labi nito sa sarili niyang labi.
Mariin siyang pumikit at sinabi na, "v-virgin pa ako." Pulang-pula ang kaniyang pisngi dahil sa sinabi.
Kung pwede lang ay gusto niya lumubog sa kakahiyaan.
Napamulat siya nang hawakan nito ang pisngi niya. Para siyang napapaso sa init nang palad nito. Nilapit pa nito ang labi sa gilid ng labi niya.
He smirked.
"Never mind," binitawan nito ang pagkakahawak sa kaniyang pisngi pagkatapos ay bumalik sa pagkakaayos nito nang upo, "I don't like virgins."
"H-how dare you?! Sino ba naman nag sabi sa'yo na ibibigay ko bataan ko sa katulad mo."
Umiwas siya nang tingin dito at tumingin sa labas.
"I need to talk to you after this." Pag iiba nito nang usapan.
"Sure!" mataray niyang ani rito. Wala na rin naman siyang magagawa dahil alam nito na alam niya ang sakit nito.
KAHIT unti-unti na dumidilim ay sinimulan nilang ikutin ang bayan ng San Antonio.
Nakabukas ang ilaw ng sasakyan nito habang tinatahak nila ang daan. Pinapalibutan sila ng talahiban. Ibang-iba sa Centro na puro matataas na gusali ang makikita.
"Natatandaan mo naman 'yong sasakyan na ginamit niyo, diba?"
"Tanda lo. Isang barangay patrol car, color white and may orange sa gitna."
"Good."
Hinigpitan niya ang kapit sa dala niyang shoulder bag. "Bakit ka pumayag na samahan ako?"
Tumingin ito sa kaniya saglit bago ito sumagot.
"Responsibility ko rin sila. Kung hindi kita iniwan kanina, baka hindi ito nangyari."
"Bakit mo ako iniwan?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? I-busy mo na lang 'yang mata mo sa paligid at baka may makita ka pa."
"Ang sungit mo naman."
"Maingay ka kasi."
"Ang sakit na niyang sinasabi mong maingay ako, ha?! Baka kapag tumahimik ako, ma-miss mo 'tong boses ko."
"Ayan, maingay ka na naman."
"Hindi ka ba sanay sa mga tao sa paligid mo?"
Masamang tumingin ito sa kaniya pagkatapos ay binalik ang tingin sa daan.
"I have plenty of people inside of me. I don't need more," mariin nitong saad. Bigla tuloy siya natahimik sa sinabi nito. Oo nga naman, ang tanga niya.
"Sorry," she said pero wala na itong sinabi pa sa kaniya. Sinubukan na rin niya manahimik muna at tumingin sa dinadaanan nila.
Medyo madilim na kaya nahihirapan siya tumingin. Sobrang nag aalala na rin siya at kinakabahan para sa mga matatanda.
Anong oras na at wala pa rin silang balita sa istasyon kung nakabalik na ba ang mga ito.
Mas lalo tuloy siya nag pursige na hanapin ang mga ito. She needs to find them.
Kasagsagan ng pag hahanap nila nang may nakita siyang ilaw sa abandong paaralan sa hindi kalayuan.
"Wait, Isaac," hinawakan niya ang kamay nito, "I found something."
Tumingin siya rito. Nakatingin ito sa kamay niyang nakahawak sa kamay nito. Mabilis niya tuloy nabawi ang kamay dito at tinuro ang bukas na ilaw sa hindi kalayuan.
Pinatay ni Isaac ang ilaw ng sasakyan at pinaandar ito nang mabagal papunta sa abandoned school.
"Isaac! Ayan 'yong barangay patrol car!" Turo niya pa. Sinita naman siya nito na huwag maingay. Tinikom naman niya ang bibig.
Pinarada ni Isaac ang sasakyan nito sa hindi kalayuan. Ang bilis nang tibok ng puso niya. Never pa siya nakaranas nang ganitong pangyayari sa buhay niya, ngayon lang at sa tingin niya ay mas mapaparami pa ito.
"Call back up."
"Ano?" naguguluhan niyang tanong dito. Natatakot at kinakabahan kasi talaga siya.
Binuksan ni Isaac ang compartment drawer nito kung saan nakita niya ang isang baril. Muntik na siya mapasigaw sa gulat nang makita ang baril.
"Call back up, Miss Cortez. Dito ka lang at titingnan ko ang loob."
"Ano?" Hinawakan niya ulit ang kamay nito but this time, may hawak itong baril. "Hindi! Sasama ako sa'yo."
"Mapanganib. Dito ka lang, hintayin mo 'yong back up."
"Sasama ako sa'yo! Paano ka?!" Gusto na niya maiyak sa totoo lang.
Hinawakan ni Isaac ang kamay niya at pinatitigan siya sa mata. "Look, you're shaking Miss Cortez."
"B-but, they're my responsibility."
"Ganito na lang, pupunta ako sa loob and you call back up."
"Isaac."
"I'm not done talking." Tumango siya rito at pinakinggan ang susunod nitong sasabihin. "Give me thirty minutes. Kapag hindi ako bumalik. Sumunod ka. Ayos ba 'yon sa'yo?"
Mariin niyang pinatitigan ito. Hindi niya gusto pumayag dito. Paano kung mapahamak ito? Pero paano kung pinagpilitan niya sumama ay mapahamak ito at ang matatanda dahil sa kaniya?
Malalim siyang huminga at tumango rito. "Okay, you have thirty minutes."
"I have thirty minutes." Inalis nito ang pagkakahawak niya sa kamay nito at tinapik ang balikat niya bago ito lumabas ng sasakyan.
Shit.
Tiningnan niya agad ang relo at sinet ang 30 minutes timer nito. Kinuha na rin niya ang cellphone at pinindot ang numero ni Chief Manuel.
Nag ri-ring ito.
Shit. Nag pa-panic na siya. Bakit hindi sumasagot si Chief Manuel?
Sinubukan niya tawagan si Officer Arroza at nakahinga siya ng maluwag nang sumagot ito sa kaniya.
"Cortez—"
"Arroza! I t-think we found them."
"What do you mean? Kakabalik lang nila sa barangay hall."
"H-ha? Nakabalik na? Bakit hindi niyo kami tinawagan?! Then, sino 'tong nasa abandong paaralan?" nanginginig na saad niya habang nakatingin sa madilim na tanawin.
"Nasaan kayo?"
Lumingon-lingon siya sa paligid pero sobrang dilim na at isa pa, bago lang siya sa lugar na ito. Wala siyang alam.
"Hindi ko alam. Wala rin akong makitang signage."
"Ang sabi mo nasa isang abandong paaralan kayo. Ilan lang naman ang may abandoned schools dito. 'Wag mo papatayin ang tawag. Ipapa-track ko kay Burgos ang location niyo."
Tumango-tango siya rito na para bang makikita nito. Narinig niyang tinawag nito si Officer Burgos sa background. Tinanong din nito kung nakabalik na si Chief Manuel.
"Cortez! You there?"
"Y-yes, I'm here."
"Dala mo baril mo?"
"Oo, dala ko." Kinuha niya ang dalang baril sa loob ng shoulder bag. Isa ito sa kinuha niya sa secret room ng ate Lana niya.
Simula kahapon pa ay bitbit na niya ito ngunit kahit naman bitbit niya ito ay hindi naman siya marunong gumamit ng baril.
Kinakabahan man ay pilit niya nilakasan ang loob. Hindi niya pwedeng sabihin dito na wala siyang kaalam-alam sa pag gamit ng baril.
"Cortez, tell Sir Garcia na mag stand by. I'm tracking your location," ani Officer Burgos.
"It's too late. Nasa loob na siya."
"As always," komento ni Officer Arroza. Sumilip ulit siya sa orasan. Bakit ang tagal mag 30 minutos? 15 minutos pa lang ang lumilipas.
Sa fifteen minutes na iyon ay wala pa naman siyang naririnig na putok ng baril.
"I found your location. Will be there in ten," ani Officer Burgos.
"Teka! Sino 'yong nasa loob?"
"Isang—" Gulat nabitawan niya ang hawak na cellphone at napasigaw dahil sa biglaan na pag basag ng bintana sa gilid niya.
Isang lalaki ang nakatayo rito. Nakasuot ito ng mask, kaya hindi niya makita ang itsura nito.
Itatapat niya sana ang baril dito nang hilahin nito ang buhok niya at pinilipit ang kamay niyang may hawak na baril.
Napatili siya sa sakit. Tumama pa ang balikat niya sa basag na salamin dahil na rin sa pag lalaban niya.
Binuksan nito ang pinto at inilabas siya nito. Pilit niyang inaabot ang kamay nito at sinusubukan na sipain ito kaso hindi niya naaabot at natatamaan.
"Tangina mo! Ang sakit!"
Hindi ito nag sasalita bagkus ay hinila lang siya nito papasok sa loob ng gusali.
Sisigaw pa sana siya nang takpan nito ang bibig niya gamit ang malaki nitong kamay na may leather gloves na itim.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top