Chapter 5

     DINALA siya ni Daniel sa isang silid kung saan kitang-kita nila ang front yard ng bahay dahil na rin sa malaking bintana sa kanilang harapan.

Binigyan siya nito ng glass of water. pagkatapos ay parehas silang humarap nito sa front yard.

     "Who are you?" tanong niya rito. She needed to know kung sino ito. Baka isa ito sa maging paraan para mas mapadali ang misyon ni August.

     "I'm Dr. Daniel Garcia. His psychiatrist and his brother."

     Mabilis siyang napabalik ng tingin dahil sa sinabi nito. Buong akala niya ay wala na itong pamilya.

     "B-brother?"

     "Yes. Now, tell me sino ka ba talaga?"

Natigilan siya. Mukhang hindi pa rin talaga ito naniniwala sa kaniya. Uminom siya sa hawak na tubig pagkatapos may ngiting tinitigan ito sa mata.

"Rue Cortez from Violent Crimes Division." Hindi siya umiwas nang tingin dito. Kailangan niya ipakita na hindi siya nag si-sinungaling dahil alam niyang kanina pa nito inaaral ang mga kilos niya.

Nakipagtitigan din ito sa kaniya. Seryoso itong nakatingin. Para bang nag iisip ito ng malalim.

     "Kung gano'n, I have a task for you."

"What is it?" she asked.

"Bantayan mo ang kapatid ko."

"Ano?! Bakit ko naman 'yon gagawin? Paano kung mapahamak ako diyan sa pinapagawa mo?!"

Masamang tumingin ito sa kaniya na kinatahimik niya. Katulad ni Isaac ay nakakatakot din ito tumingin.

"Hindi masamang tao ang kapatid ko," mayriin nitong saad sa bawat salitang binitawan nito.

"I.. I.. Hindi ko naman sinabing masama siya! Assuming ka rin, eh!"

     Bigla siya umiwas nang tingin dito. Parang gusto na niya umurong but she needed to be brave kung gusto niya matagumpayan ang misyon.

     Gusto niya tuloy mag mura nang mag mura na lang sa mga pinag pa-pasok niya sa buhay.

     "He neeeds you. Hindi pwede maulit ang nangyari kanina."

     Kumunot ang kaniyang noo. "Wala bang may alam sa kondisyon niya? Kahit sila Chief?"

     "No! Hindi pwede!"

     Nabigla siya sa biglaan nitong pag sigaw. Nag tatanong lang naman siya.

"Eh, bakit ako?"

     "What about you?"

     "Bakit ako pwede ko malaman?"

     "It's your fault."

Bakit? Parang masyado naman mainitin ang ulo nito? Sinisi pa talaga sa kaniya na may lumabas na alter ni Isaiah.

"My apologies. I shouldn't have said that. It's not your fault. I'm sure may na trigger lang kaya lumabas si Loki."

Gusto na niya talaga kaltukan ito. Kanina kasalanan niya, ngayon hindi na? At isa pa, nababasa ba nito mga pinag iisip niya?

Ay! Bwisit!

"Ano ba ang ginagawa niyo kanina?" tanong pa nito. Inisip naman niya ang nangyari.

"Hinatid niya ako sa barangay hall but iniwan niya rin ako. I went to clinic with oldies tapos iniwan ko sila saglit para bumili ng pagkain. That's when I saw him again. Naka-tanaw siya sa mga bata nag lalaro ng saranggola hanggang bumagsak sa puno ang nilalarong saranggola ng mga ito."

Tumango-tango ito sa kaniya. Napansin niya rin na may sinusulat na ito. Hindi niya napansin ang pagkuha nito ng notepads.

"Go ahead," saad nito nang tumigil siya. Pinatitigan niya ito. Hindi niya pwede sabihin na siya mismo ang tumawag sa pangalan nito.

"Wait! No! You are interrogating me."

"I'm not police."

"Yes but you are his psychiatrist at sa tingin ko, hindi mo ako paniniwalaan sa lahat ng mga sasabihin ko because you don't trust me."

"Why should I trust you? I don't know you." Fair.

    "Same. I don't trust you." Tumingin siya kay Loki nasa front yard nag lalaro ng saranggola. Inabot niya ito kanina.

    Napa-ngiti siya nang masaya itong nag tatakbo sa malawak na espasyo ng bakuran. Mukha itong sobrang masaya.

    "I'm not asking you na bantayan mo si Isaac. Kayang-kaya niya ang sarili niya but please do this for Loki. Hindi ko man gusto. Ikaw lang ang nakakaalam sa kundisyon niya sa work place niya."

     Bumuntong hininga siya. She acted nahihirapan mag isip. Hindi niya pwede ipakita na tuwang-tuwa siya sa offer nito.

     "Sure, for Loki."

     May ngiti sa labi na tumingin si Loki sa gawi nila. Kumaway ito sa kaniya pagkatapos ay pinapalapit siya nito. Lumingon siya kay Daniel at nag paalam dito.

     Patakbo na pinuntahan niya si Loki sa bakuran. Inabot nito sa kaniya ang saranggola. Kinuha naman niya ito at hinagis sa himpapawid at mabilis siyang tumakbo.

     Tumatawa na hinabol siya nito, kahit siya ay hindi mapigilan na matawa rin.

     Nag tatakbo silang dalawa hanggang bumagsak ang saranggola sa lupa habang si Loki ay nakalapit na sa kaniya.

     Katulad nang saranggola ay pabagsak siyang humiga sa maliliit na damo sa bakuran. Hinahabol niya ang pag hinga. Napagod siya sa pag takbo.

     "Ate!" Bumagsak sa tabi niya si Loki. Nagulat siya nang bigla siya nito niyakap. Nanigas ang kaniyang buong katawan.

     Alam niyang walang malisya iyon kay Loki dahil bata pa ito. For the fuck's sake. Eight years old lang si Loki ngunit ang katawan ni Isaiah o Isaac ay malaman at matitigas.

Hays.

     At kahit pinag papawisan ito ay sobrang bango pa rin nito. Ang unfair.

     "Thank you." Hinalikan siya nito sa pisngi nang mas lalo nag patigil sa kaniya.

     'Yong hinahabol niyang hininga ay bigla tumigil. Shit. Masusunog talaga siya sa imperyno sa mga iniisip niya.

     "Ang bango mo, ate."

     Tumaas ang balahibo niya sa sinabi nito. Inilapit nito ang mukha sa kaniyang leeg at umamoy dito.

     "Bango. Amoy lollipop." Dumila ito sa leeg niya. Mabilis niya nailayo ang sarili rito.

     Hinawakan niya ang kamay nito nang bumangon sila sa pagkakahiga. Titig na titig ito sa kaniya para ito bigla nawala sa realidad.

    "What the fuck?!"

     Nabingi ata siya nang marinig itong sumigaw at mag mura. "L-loki?"

     Bumitaw ito nang hawak sa kaniya at masama siyang tinitigan. Fuck this isn't Loki. Who is this?

     "Ms. Cortez."

      Fuck.

      KANINA pa siya nakaupo sa living room habang naririnig niya nag babayangan ang mag kapatid sa loob ng office ni Dr. Garcia.

Habang nag hihintay naman siya ay inikot niya ang mata sa buong paligid. Minimal lang ang design. May malaking itim na couch sa sala. Walang television pero may malaking painting sa harapan nito.

     Kinuha niya ang cellphone nang tumunog ito. Bumungad sa screen ang pangalan ng Chief nila. Bigla siya kinabahan.

     "Hello, Chief?"

     "Cortez, hindi pa bumabalik 'yong mga matatanda na sinamahan mo kanina."

"P-po?!" gulat niyang sagot dito. Napatayo pa siya bigla.

"Dapat kanina pa sila nakabalik sa barangay hall base sa sinabi ng isang nurse umasikaso sa kanila."

"Chief, babalik na po ako." Nanginginig pa ang kamay niya nang kunin niya ang bitbit na bag.

Kinakabahan siya at baka ano na ang nangyari sa mga ito.

"Are you with Officer Garcia?"

"Y-yes, Chief but—"

"Good. Bumalik na kayong dalawa rito."

Wala na siyang nagawa nang babaan siya ni Chief Manuel ng tawag. Hindi niya tuloy alam kung paano kakausapin si Isaac.

Bahala na.

Nanginginig pa rin ang kamay niya nang lumapit siya sa pinto ng office ni Dr. Garcia. Nakabukas ito nang kaunti, kaya nagawa niyang sumilip dito.

Napatingin sa gawi niya si Dr. Garcia kung saan kina-lingon ni Isaac. Nalunok niya tuloy ang sariling laway dahil sa paraan nito tumingin sa kaniya.

Umaapoy ang galit nitong mata.

"Yes, Officer Cortez?" si Dr. Garcia ang nag tanong nito sa kaniya. Wala kasing nag sasalita sa kanilang dalawa ni Isaac.

Binuksan niya nang tuluyan ang pinto at pumasok sa loob.

"I.. I have to go," hindi niya mapigilan ang maluha at mainis sa sarili.

Kung hindi niya lang sana iniwan ang mga ito. Sana naibalik niya ang mga ito nang maayos. Nangako siya sa mga ito.

Ilang beses niya pinagdasal na sana misunderstanding lang ang mga nangyayari. Sana ayos lang ang mga ito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa mga ito.

"kailangan ko na bumalik sa s-station."

Nabigla siya nang tinatlong hakbang ni Isaac ang pagitan nilang dalawa at mabilis na hinawakan ang braso niya.

Nasasaktan siya sa higpit nang kapit nito sa kaniya. Naguguluhan ang mata nito nakatitig sa kaniya.

"Why are you crying?" malumanay nitong tanong sa kaniya.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman kung bakit mabilis ang tibok ng puso niya ngayon.

Mas humigpit ang kapit nito sa kaniya nang hindi siya sumagot dito.

Hinawakan niya ang kamay nito nasa braso niya. Para siyang napaso nang mahawakan ito. Mabilis siyang umiwas nang tingin dito.

"H-hindi pa bumabalik 'yong mga matanda na sinamahan ko sa clinic kanina," binalik niya ang tingin dito. "Dapat kanina pa sila nakabalik."

Tuluyan na siya bumigay sa bisig nito. Hindi niya alam kung ano ba ang pinasok niya. Hindi niya maatim na malaman na may masamang nangyari sa mga ito. Not now, when someone important to her just died.

"Hey, hey, we'll go back to station and aalamin natin ang nangyari, okay?" Marahan na hinaplos nito ang pisngi niya.

May luha na tumango-tango siya rito. Naguguluhan siya. Ang mga mata nito. Ibang-iba kanina pero alam niyang si Isaac pa rin ito.

     "O-okay."

     "Shhh, we'll get them back," saad pa nito pagkatapos ay tuluyan na nito pinunasan ang kaniyang pisngi na may luha.

     "Aalis na kayo?"

     Sabay silang lumingon ni Isaac sa kapatid nitong nag salita. "It's none of your business."

     Bumaba ang kapit ni Isaac sa kaniyang kamay at hinila siya nito palabas ng silid. Lumingon siya saglit kay Dr. Garcia para mag paalam. Bigla kasi nag mamadaling umaalis si Isaac.

     "Thank you! Mauna na kami!" pasigaw niyang saad rito. Naka-ngiti naman na kumaway ito sa kaniya. Medyo natakot pa siya sa paraan nito ngumiti na kina sa walang bahala na lang niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top