Chapter 3

     INABOT niya ang company card sa cashier na pinagbilhan nila ng lunch. Sinamahan siya ni Alexander bumili at habang papunta sila sa kainan ay nasabi na nito na madalas ay kumakain ang mga ito sa loob ng opisina dahil na rin sa dami ng gawain.

Minsan lang ang mga ito na lumabas para kumain sa mismong restaurant o kung may misyon ang mga ito.

"Thank you," saad niya sa cashier nang ibalik nito sa kaniya ang company card.

Kinuha ni Alexander ang paper bag na mga inorder nilang pagkain.

"Saan nga ulit ikaw galing?"

Ibabalik na sana niya sa loob ng wallet ang card nang matigil siya sa tanong nito sa kaniya.

"Ah, sa Costa pa ako nang galing. Oo, sa Costa." Pilit na tumawa siya rito.

     Fuck, sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Parang tatalon na ito sa dibdib niya.

     Kung gusto niya maging maayos ang misyon na ito ay dapat niyang galingan ang pag aarte.

     "Ang layo mo pala. Bakit ka pala nag pa-transfer dito?"

     Bakit ba ang dami nitong tanong sa kaniya?

     Pinindot niya ang susi ng sasakyan pagkatapos ay tinulungan ito ipasok sa loob ang mga pagkain na inorder nila.

     "Maganda raw pasahod rito." Natawa pa siya sa kaniyang nasabi. Ayon lang talaga unang pumasok sa isipan niya.

    "Hoy, mali ka rin di'yan."

     Nailagay na nila nang ayos ang dalawang paper bag sa backseat. Dumiretso naman sila sa driver seat at passenger seat.

     Ito 'yong sasakyan na kasama sa binigay no'ng secret agency. Hindi niya pa rin talaga alam kung sino ang mga iyon. Kung legal o illegal ba iyon.

     Iniisip niya pa lang na illegal iyon ay natatakot na siya lalo nasa lungga siya ng mga pulis.

     She mentally shook her head sa mga pinag iisip.

     "But at least, mas maganda ang facilities dito kaysa sa'min, no!" sinabi na lang niya rito para hindi na ito masyado marami mag tanong. Napansin niya kasi pala tanong ito.

     "Maybe, kasi sa unang station na pinag trabahuhan ko. Hindi ganito kalinis at kaayos."

     "Di'ba?! I told ya~h!"

     NANG makabalik sila sa Station ay bigla ulit siya kinabahan. Hindi niya inaasahan na makikita agad si Isaiah o si Isaac.

     Hindi niya mawari kung bakit magkaiba ang pagkakakilala niya rito. Ang alam niya ay binasa naman niya ang files na binigay sa kaniya.

     Maliban na lang kung natulugan niya ito. Wala talaga siya maiintindihan. Tangina.

     "Gutom na ako, ang tagal niyo!" reklamo agad ni Officer Arroza sa kanila.

     Nag tulong naman sila ni Officer Burgos na ilabas ang mga binili nilang tanghalian.

     Iaabot na sana niya ang pagkain ni Chief Manuel nang matigil sa ere ang braso niya. Shit.

     "Sir Garcia, oh! Libre ni Chief, kunin mo na." Inabot ni Officer Burgos ang biniling pagkain para dito.

     Wala itong sinabi sa kanila kung ano ang bibilhin pero hindi naman siya nagulat nang alam ni Alexander ang bibilhin.

     "Sa inyo na lang. Katapos ko lang kumain."

     "Sure ka, Sir?"

     "Yeah," sagot nito bago lumapit sa pwesto nitong cubicle. Natauhan na rin siya at mabilis na inabot ang pagkain sa Chief nila.

     "Salamat. Ano pala ang masasabi mo sa lugar ng San Antonio?"

     Napalunok siya sa tanong nito. Napansin niya na dumako saglit ang paningin ng dalawang pulis sa kaniya bago bumalik sa pagkain ng mga ito habang si Isaac o Isaiah naman ay nakatutok lang sa monitor nito.

     "Wala pa po ako masasabi pero so far po, maayos naman, Sir."

     Tumango ito sa kaniya at nag simula na rin kumain. "Kumain ka na rin. Enjoyin mo muna 'tong araw. Bukas mag sisimula ang totoong trabaho mo," sabi pa nito sa kaniya.

     Kinabahan naman siya bigla.

     Dahil alam niya rin na kailangan na siya mag seryoso sa misyon na pinunta niya rito. Pinatitigan niya saglit si Isaiah.

     Tahimik lang ito sa ginagawa nitong trabaho. Hindi ito pala salita.

Pilit niya inaalala ang binasa tungkol dito ngunit walang pumapasok sa kaniya. Nakatulog nga talaga siya habang nag babasa.

     Napailing na lang talaga siya sa katangahan niya. Pumunta siya rito na hindi man lang handa.

BINAGSAK niya ang bitbit na bag sa single bed sa loob ng silid pagkatapos ay pabagsak na humilata siya rito.

Kailangan niya ulit basahin 'yong files nag lalaman sa mga impormasyon ni Isaiah para masimulan na niya ang misyon ni August, ng ate Lana niya.

     Kinuha niya ang folder sa side table sa gilid ng kama pagkatapos ay padapa siyang humarap dito.

     She started to read it again but this time, she's hoping na sana hindi na siya makatulog.

     Kumunot ang kaniyang noo nang makita na may naka-attached na ilang mga litrato sa files ngunit ang pinag tataka niya ay parang iba't-ibang tao ito kahit na iisang tao lang naman ang nakikita niya.

     May nakita siyang medical papers. Umayos siya nang upo at binasa ito ng maigi.

     Nabitawan na lang niya ang hawak na papeles sa kaniyang nabasa.

     Gulat na gulat siya.

     Bigla siya kinabahan. Natakot.

     Totoo ba 'to?

     "Isaac?" Umiling-iling siya. "Hindi, Isaiah?"

     Binalik niya ang tingin ulit sa mga litrato at sa medical papers. Binasa niya ulit ang nakasulat na assessment.

     Sobrang confidential ng mga ito. Napapaisip siya kung paano nakakuha ng copy si Mr. R.

    Illegal ba itong ginagawa ng ate niya? Kaya ba napahamak ito?

     Tumulo na naman ang luha niya nang maalala ang ate Lana niya.

     Gusto niya malaman kung bakit pumayag ito sa gano'n trabaho. Gusto niya malaman ang dahilan kung bakit ito namatay at kung sino ang mga ito.

     She inhaled and exhaled.

     Kailangan niya umayos at mag seryoso. This is not the right time para maging emotional.

Inalis niya ang hairband nakalagay sa wrist niya at tinali ito sa kaniyang maiksing buhok bago ulit binasa nang mas maigi ang lahat ng impormasyon ni Isaiah Garcia.

BAGO siya pumasok sa loob ng opisina ay dumaan muna siya saglit sa malapit na coffee shop para bilhan ng kape ang mga ito.

Napa-ngiti siya nang tumama ang malamig na simoy ng hangin sa kaniyang balat. Kahit maaga pa lang ay marami na rin ang nag lalabas pasok sa loob ng istasyon.

     She smiled nang makita na wala pa ang kasamahan niya sa kanila-kanilang cubicle. Binaba niya ang limang kape sa kaniyang table bago isa-isa inilagay ang mga ito sa bawat lamesa ng kasamahan niya.

     "Officer Cortez, ang aga mo naman ata?"

     Nilapag niya ang huling cup ng baso sa lamesa ni Isaiah Garcia bago hinarap ang kasamahan na bagong dating.

     "Good morning, Officer Burgos."

     "Morning." Kinuha nito ang kape na nilapag niya sa lamesa nito. "Salamat sa kape."

     Tumango at ngumiti siya rito pagkatapos ay nilapag ang bag sa gilid ng lamesa.

     Kinuha niya rin 'yong lollipop nasa loob ng bag at tinago ito sa bulsa ng suot niyang manipis na jacket.

     "Cortez! Mabuti maaga ka, may papagawa ako sa'yo."

     "Good morning, Chief. Ano po 'yon? I'm super ready na po." Natawa pa siya sa kaniyang nasabi.

     "Ganyan dapat Burgos, may pagka enthusiastic kapag natanggap ng utos."

     "Ay, Chief! Binigyan mo kami ng big word mo. Hindi ko naintindihan."

Natawa siya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga, palaging inaasar nito ang Chief nila.

"Natawa Chief, oh!"

Naiiling naman siya rito. Mukhang idadamay pa siya nito sa mga kalokohan nito.

"Officer Cortez, kung ako sa'yo. Hindi ako didikit di'yan. Baka mahawa tayo ng ka-corny-han niya."

Natawa ulit siya sa kaniyang narinig. Ang aga-aga puro positive vibes lang ang lumilipad sa paligid. Napa-ngiti siya.

Ang ganda ng tungo ng mga ito sa bawat isa. Alam niyang kahit madalas asarin ni Officer Burgos si Chief Manuel ay may respeto ito sa nakakataas.

Hindi lang dahil mataas ang ranggo nito o matanda ito kundi dahil pinalaki ito ng tama at deserved ni Chief Manuel ang respeto.

"Morning."

"Good morning!"

Sabay silang napalingon sa dalawang bagong dating. Inabot ni Officer Burgos ang kape kay Officer Arroza habang hindi naman pinansin ni Isaac ang kapeng nilapag niya sa lamesa nito.

"Officer Cortez, since andito naman na si Sir Garcia. Pwede ka sumabay sa kaniya dahil iisang lugar lang din naman 'yong iuutos ko sa'yo."

Gusto niya tumalon sa saya nang marinig ang sinabi ng Chief nila. Parang tadhana na ang nag lalapit sa kanilang dalawa. Hindi na siya mahihirapan simulan ang misyon niya.

"Ito 'yong mild case natin for this week."

Inabot sa kaniya ni Chief Manuel ang isang notebook na maliit.

"Madali lang naman 'yan dahil puro mga reklamo lang 'yan ng mga tao sa pulisya."

Tumango siya pagkatapos ay binasa ang binigay na maliit na notebook. Medyo magulo 'to pero nababasa pa rin naman niya.

Sa tingin niya ay ayos lang na ito ang maging una niyang task. Madali lang naman makipagusap. Sana lang talaga ay makipag cooperate ang mga taong kakausapin niya.

     "Yes, Chief!"

     "Officer Garcia, ayos lang naman na sumabay si Officer Cortez sa'yo?"

     Tumingin si Isaac sa kaniya saglit na nagpakaba sa kaniya bago bumaling ito sa Chief nila. "Yes, Sir."

     KANINA pa siya kinakabahan nang bigla siyang tinawag ni Isaac. Kinuha nito ang ilang gamit bago nag gesture sa kaniya na sumunod rito.

    "Mauna na po kami, Sir," paalam niya sa Chief nila. Tumingin pa siya sa dalawang Officers. Naka ngiti ang mga ito.

    "Go! Kaya mo 'yan!" saad ni Officer Arroza sa kaniya. Kinakabahan na tumango siya rito at sumunod na sa kasamahan nauna sa kaniya.

    Nag madali pa siya nang makita nasa tapat na ito ng sasakyan nito. Seryoso ang mukha nito nag aabang sa kaniya.

    Nang makita siya nito palapit na ay pumasok na ito sa loob ng driver seat. Mas binilisan naman niya ang pag lalakad. Takbo at lakad na ang ginawa niya para makarating lang sa sasakyan nito agad.

    Hinihingal na pumasok siya sa loob ng passenger seat nito. Inilagay niya sa hita ang bitbit na bag habang hinahabol niya pa ang kaniyang hininga.

    "Ayoko ng makupad."

     Mabilis siyang lumingon dito. Hindi ito nakatingin sa kaniya. Sinimulan na rin nito buksan ang makina ng sasakyan.

     "Sorry, Sir."

     "Sure," anito bago inilagay nito ang kamay sa likuran ng upuan niya at tumingin sa likuran ng sasakyan.

    Agad siya nagulat nang tumingin pa ang seryoso nitong mga mata sa kaniya. Kitang-kita niya ngayon sa kaniyang harapan ang peklat nito sa gilid ng mata. Napalunok na lang siya sa kaba at tuod na umiwas ng tingin dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top