Chapter 17

DINALA ni Gavin si Officer Matthew sa underground kung saan nakalagay ang mga tinatago nitong kagamitan sa kanilang misyon. Nang makababa ang dalawa ay hindi nag aksaya si Officer Matthew ikutin ang paningin sa buong paligid.

Hindi nawala sa pandinig ni Officer Matthew ang narinig nang makababa sila. The whole system welcomes their owner. Terry.

"Is that your code name?" tanong ni Matthew. Lumingon si Gavin dito. He smiled. "You have a sharp mind, hm? That's good."

Binalik ni Matthew ang tingin sa buong paligid. May nakaharang na glass wall sa gitna ng silid kung saan sa loob nito nakalagay ang mga monitors. May mahaba rin lamesa sa gitna nito na maraming papeles, bultong-bulto nakapatong.

"Let's talk inside."

Tinigil ni Matthew ang pagtitingin sa buong paligid at sumunod kay Gavin sa loob ng glass door. Kinuha ni Gavin ang isang papeles bago umupo sa ibabaw ng lamesa.

"Come sit."

Nang makaupo si Matthew ay inabot ni Gavin ang papeles na kinuha kanina. Nagtataka na kinuha ito ni Matthew. May pagdududa ang mata nito habang tinitigan si Gavin. Tinaasan lang naman ito ng kilay ng binata.

"Go ahead, Officer."

Binuklat ni Matthew ang folder. Nagsalubong agad ang kilay ni Matthew nang mabasa ang nasa papel.

"Case of Isaiah Garcia. Isaiah?"

"That's right. Isaiah Garcia o mas kilala sa pangalan na Officer Isaac Garcia."

NAGMAMADALI siyang lumabas ng Istasyon para makauwi dahil mukhang nauna na si Officer Matthew sa address na binigay niya. Hindi na niya kasi ito makita sa Istasyon.

"Ms. Rue Cortez."

Bigla siya huminto sa pagmamadali niya at nilingon ang tumawag sa kaniya. Sa kaniyang likuran ay nakatitig sa kaniya ngayon si Isaac.

Shit. Nakalimutan niya na sinabi nito na rito siya sasabay dahil iniwan nila ang sasakyan niya sa Hospital.

"Going out too fast, aren't you?"

"Ha? Hindi, Sir! Balak ko sana hintayin ka sa car mo."

Tinaasan siya nito ng kilay pagkatapos ay hinagis sa kaniya ang susi nito. Muntikan na niya hindi ito masalo dahil sa gulat niya. Gulat na pinagmasdan niya si Isaac nauna sa kaniya maglakad.

"Faster, Ms. Rue!"

"Y-yes, Sir!" Patakbo siyang sinundan ito sa tapat ng sasakyan nito. Pinatitigan niya lang ito nang makarating siya. Nagtataka na pinatitigan siya nito.

"Aren't you going to open that?" Tinuro pa nito ang sasakyan. Mabilis naman niya pinindot ang susi para buksan ito. Nagtataka siya nang pumasok si Isaac sa passenger seat. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya nang dumungaw ang ulo nito sa bintana.

"Come on, Ms. Rue! Kukunin pa natin ang sasakyan mo."

"O-oh, right!" Nagmamadali siya na pumasok sa driver seat. Kinakabahan niyang binuksan ang makina ng sasakyan habang palihim na sumisilip kay Isaac.

Ang aliwalas ng mukha nito. Nang lumingon ito sa kaniya ay agad siyang umiwas ng tingin at agad nagmaneho. Kahit pakiramdam niya may something nangyayari na hindi niya mapaliwanag ay sinunod na lang niya ito.

Dahan-dahan niya pinarked ang sasakyan sa parking lot ng Hospital nang makarating sila. Sa hindi kalayuan ay nakikita na niya ang sasakyan na ginagamit niya.

Lumingon siya kay Isaac na may ngiti sa labi. "Sir?" she called.

"You can go. Pupunta pa ako sa loob para bisitahin si Sir Arroza."

Alanganin na tumango siya rito. "Okay, Sir. Ingat po kayo?"

She heard him chuckled. "Sige na, Ms. Rue. Mauna ka na at mag iingat ka rin."

Nagtataka na lumabas siya ng sasakyan nito at nagtungo sa ginagamit niyang sasakyan. Hindi niya ma-pin point kung ano ang nangyayari hanggang makaupo siya sa loob ng sasakyan.

Doon niya lang napagtanto ang nangyayari. Binalik niya ang tingin sa pinanggalingan. Naglalakad si Isaac papasok sa loob ng Hospital. Mapapansin dito ang aura na masaya at sobrang energetic.

That's not Isaac.

That must be tatay Noel and she missed that opportunity to talk to him.

ANG pagkakaalam niya. Nasabi sa kaniya ni Dr. Garcia na may journal ang buong system sa phone ginagamit ng mga ito para malaman ang nangyayari sa buong araw kapag nag switch ang alters from another.

Maliban na lang kay Loki dahil bata pa ito. May pagkahirap ito mag focus sa isang bagay.

Bumuntong hininga siya bago niya pinatay ang makina ng sasakyan pagkatapos ay sinilip niya ang malaking bahay sa kaniyang harapan.

Hindi niya alam kung handa na ba siya pagusapan ang nangyari sa ate Lana niya. Panigurado masasama ito lalo na at ito ang dahilan kung bakit siya nasa sitwasyon na ito.

Kinakabahan man ay nilakasan niya ang loob at pumasok sa bahay kung nasaan sina Gavin at Matthew. Nang makarating siya sa secret passages sa underground. Hindi siya nagkamali dahil nando'n nga si Officer Matthew.

Lumingon si Gavin sa kaniya na sinundan din ni Matthew. Mabilis ang tibok ng puso niya nang pumasok siya sa loob ng glass room.

"Ms. Salazar," tawag ni Officer Matthew sa kaniya. She wanted to cry. Ang tagal din ng hindi niya narinig ang apilyedo na iyon. Simula mamatay ang ate Lana niya. Parang namatay din siya.

"Officer Manuel," balik niyang tawag dito. For some reason, parang bigla nawala 'yong nakabara sa kaniyang lalamunan. Siguro dahil hindi na lang si Gavin ang nakakakilala sa kaniya.

Lumapit si Gavin sa kaniya at marahan na hinawakan ang kaniyang balikat pagkatapos ay tumango sa kaniya.

"Lana Salazar was murdered."

Nang marinig niyang sinabi ito ni Officer Manuel ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan. Muntik na rin siya ma-out of balance kung hindi lang siya agad nahawakan ni Gavin sa kaniyang baywang.

Kumpirmado na may tao sa likod ng pagkamatay ng kaniyang ate. Hindi na ito haka-haka pa.

"We found out it was from her last mission."

Pinilit niya makinig dito kahit nahihirapan na siya. Kailangan niya malaman ang totoong nangyari sa kaniyang ate Lana. Saglit siyang lumingon kay Gavin.

Base sa mukha nito. Mukhang nasabi na ni Officer Manuel ang nangyari sa ate niya kay Gavin. Ibig sabihin, siya na lang ang hindi nakakaalam sa totoong nangyari.

"The same person who killed her parents was also the one who killed her. Isa ito sa naging mission ni August or ni Lana Salazar."

Naguguluhan na tumingin siya kay Gavin. What mission?

"You read the letter, Mr. R sent to Lana, right?" Tumango siya.

Pilit niya inaalala ang nakasulat dito ngunit walang misyon nakalagay sa sulat maliban na lang sa gustong ipa-terminate ng ate Lana niya ang kontrata bilang pagiging secret agent nito.

"Lana became secret agent because she wanted to find out who killed her parents. Hindi naman siya nabigo dahil nahuli niya ang mga ito. That was her last mission Mr. R addressed from the letter," paliwanag ni Gavin.

Sa takot niya malaman ang dahilan ng ate Lana niya kung bakit ito naging secret agent ay hindi man lang niya nagawa mag tanong kung ano ang dahilan nito kay Gavin kahit gustong-gusto niya malaman ito.

Ngayon naririnig na niya ang dahilan. Mas nalilinawan na siya sa mga nangyayari.

"But what about Isaac? I mean, Isaiah?" tanong niya sa mga ito pero huminto rin siya pagkatapos ay binalingan si Gavin. "Alam na niya ang tungkol sa case ni Officer Garcia, hindi ba?" referring to Officer Manuel.

"Yes, Ms. Salazar. Alam ko na and to answer your question. Walang kinalaman ang kaso ni Officer Isaac sa nangyari sa iyong ate Lana, Penny."

"What?! I thought—"

"It just happened that time, may bagong misyon ginagawa si Mr. R at kinuha itong pagkakataon para kunin si Lana dahil isa ito sa pinakamagaling na agent ng Dark Room,"

"Katulad ng alam mo. August was just a code name. We are given a different code name for every mission we encountered. Sa gano'n paraan, we couldn't get caught," mahabang paliwanag ni Gavin sa kaniya.

"But ate Lana—"

"Yes. Nahuli siya ng mga ito lalo na at konektado si Lana sa mga magulang niya. Madali nalaman ng mga ito kung sino si Lana." Binalik niya ang tingin kay Officer Matthew nang mag salita ulit ito.

"Do... alam niyo kung bakit pinatay sina Mrs. and Mr. Salazar?"

Until now kasi hindi niya pa rin alam ang dahilan.

"They were business partners. Hindi alam ng magulang ni Lana na isa sa kilalang Mafia firm ang mga ito. Gusto nila kunin ang ari-arian ng mga Salazar at patayuan ng mga illegal na gawain pero hindi pumayag ang mga Salazar. That's when they killed them," saad pa ni Officer Matthew.

"W-what?!" Mahigpit siyang napakapit sa hawak ni Gavin. They killed them for that? Para sa sarili nilang kasakiman?

"Where the fuck that asshole?!"

Bumitaw siya sa pagkakahawak kay Gavin. Nanlilisik niyang pinatitigan si Matthew.

"Penny, he's not your mission." Inis niyang binalingan si Gavin.

"Are you fucking hearing yourself?! He killed ate Lana! Your secret agent partner! Your love of your life, Gavin!" Naiiyak na dinuro-duro niya ito. Winakli naman ni Gavin ang kamay niya.

"Don't tell me what to do! You have no idea how much I've been wanting to killed that man!"

"Then kill him."

"What?!" gulat na sigaw ni Gavin sa kaniya. Hindi nito inaasahan ang kaniyang sinabi.

Parehas silang nakipagtitigan sa isa't isa hanggang narinig nila ang isang palakpak. Binalingan nila si Matthew.

"Ms. Salazar, you can't just tell him to kill someone when basically, I'm here. Hindi porket pumayag ako pumunta rito ay papayag na rin ako pakinggan mga pinagsasabi niyo."

"What?! Anong gagawin natin? He killed ate Lana!" sigaw niya pa rin.

"You're being emotional. It's understandable but unnecessary," saad ni Matthew sa kaniya. Pinatitigan niya ito. Hindi rin tumitigil ang mga luha na bumubuhos sa kaniyang mata.

Hinawakan ni Gavin ang kamay niya pagkatapos ay pinaharap siya rito. "Penny, we are not like them. We are not killers." Pinunasan nito ang luha nasa pisngi niya. Titig na titig naman siya rito.

"I promise to you, we will give them the justice what they deserved."


a/n: i'll be back. i'll try to finish this year. just bare with me. thank you! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top