Chapter 16

     TAHIMIK silang dalawa na pumasok sa loob ng sasakyan ni Isaac. Hindi siya nito pinayagan na gamitin ang sasakyan niya.

    Isang sasakyan na lang daw ang gamitin nila at idadaan na lang siya nito mamaya sa hospital kapag uuwi na siya.

     Naiilang na tumingin siya sa labas ng sasakyan. Hindi binitawan ni Isaac ang kamay niya hangga't hindi sila nakakapasok sa loob ng sasakyan nito.

    "If you were wondering, Loki is fine," saad nito makalipas ang ilang minutong katahimikan nang mapaandar na nito ang sasakyan.

    Nilingon niya ito. "Mabuti naman and I'm sorry."

    "About what?"

    "Hindi ko dapat siya tinatanong tungkol sa mga alters niyo." Umiwas siya ng tingin dito. Hindi dapat but she felt guilty to be honest.

Tumahimik saglit si Isaac bago ito mag salita. "Have you met Aaron?" Doon siya napabalik ng tingin kay Isaac nang mag tanong ito. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito.

"I..," she gulped. "I guess?" kinakabahan niyang sagot dito. Anong klaseng sagot 'yon?

"So, you met him."

    Marahan siyang tumango. "Yes, I met him." Napansin niya na humigpit ang kapit ni Isaac sa manibela. Nakita niya kung paano tumiim ang bagang nito.

    "If lumabas siya ulit. Don't talk to him." Umiwas siya ng tingin dito. Parang imposible na kasing mangyari 'yon. Paniguradong hindi papayag si Aaron kung sakali.

     NANG makabalik sila sa istasyon ay hindi na muli binuksan ni Isaac ang usapan patungkol sa alter nilang si Aaron.

    Hindi niya alam tuloy kung alam ba nito ang nangyari sa kanila ni Aaron at nag papanggap lang ito o may alam talaga ito at hinuhuli lang siya.

    Hindi siya sumabay pumasok sa loob dahil nag tungo muna siya sa restroom. Kinabit niya rin agad ang earpiece at sari-saring mura agad ang sumalubong sa kaniya nang makabit niya ito at marinig si Gavin.

    "Anong sinabi ko sa 'yo? I told you not to forget your earpiece, Penelope!"

    She sighed. "I know! I'm sorry! And  you can scold me later but right now, may mas importante kang dapat malaman."

    "Ano 'yon?"

    "I met the police man from Centro. Si Officer Manuel, remember him? Nakikala niya ako."

    She heard him typing quickly. Hindi rin lumagpas sa kaniyang pandinig ang mahinang pag mumura nito. Bakit marinig lang ang galit nitong boses ay na-a-arouse na siya?

    Nawala siya sa kaniyang pag iisip ng marinig na tinawag siya nito.

    "Yeah, nasa San Antonio nga siya." Sa tingin niya ay may binabasa itong information. "Nakita rin pala ako nina Officer Burgos at Isaac na kinakausap ko si Officer Manuel."

    She heard him sighed. "What happened?" he asked. "Hindi naman ako nabisto pero gusto ako kausapin ni Officer Manuel."

    "Talk to him. Wala na tayong magagawa pa. You need to talk to him. Mas mabuti pa, dalhin mo siya sa akin."

    "A-ano? Anong pinagsasabi mo? Mahuhuli tayo." Pinatitigan niya ang sarili sa salamin. Mabuti na lang talaga at walang ibang Officer na babae ang nasa loob.

     "No. Meet me later, with him." Bumuntong hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ni Gavin.

     HINDI naman siya nahirapan hanapin si Officer Manuel dahil ito na mismo ang pumunta sa istasyon kasama si Officer Burgos. Pinatitigan siya nito nang umupo siya sa cubicle niya. Hindi rin nawala ang kaniyang titig at pilit sinusubukan kausapin ito gamit ang kaniyang mga mata.

    She's hoping na wala itong sabihin sa kaniyang mga kasama and so far naman ay mukhang maayos pa ang lahat.

     Tahimik ang kaniyang tainga dahil inalis niya kanina ang earpiece bago lumabas ng restroom. Sinabihan niya si Gavin na susuotin niya lang ito kapag nasa mapanganib silang misyon dahil baka mas lalo sila mabisto.

    Mahirap na dahil may nakakaalam na ng totoo niyang katauhan.

    "Ms. Cortez, pwede ba kitang makausap— ng mag-isa." Tumingin pa ito kay Isaac nang sabihin nito ang huling sinabi.

    Bigla nasa kaniya ang atensiyon ng mga ito. Maski ang chief nila ay nag tataka tumingin sa kaniya.

    "Yes, Sir," she answered him. Tumayo siya at nag paalam kay Chief Manuel bago sumunod kay Officer Manuel sa labas ng silid.

   Nag tungo sila sa tapat ng vending machine kung may iilan lang na mga tao ang dumadaan. Hindi siya nito nilingon hanggang makarating sila sa tapat.

    Kumuha ito ng coins sa bulsa nito pagkatapos ay hinulog sa machine at pinindot ang tsokolate habang siya ay pinagmamasdan lang ito sa gilid.

    "So," binuksan nito ang tsokolate pagkatapos ay tumingin sa kaniya. "What exactly you're doing here?"

    "Can we talk about this after work? I promise we will tell you the truth."

    Kumunot ang noo nito. "We?" Tumango siya pagkatapos ay pinatitigan niya ang dalawang mamayanan na dumaan sa kanilang harapan.

    "This must be really serious since nagawa mong mag pang—" mabilis niya natakpan ang bibig nito at masama itong tinitigan. Mabilis niya rin naman itong binitawan at umayos ng tayo.

    May nilabas siyang papel at ballpen pagkatapos ay sinulatan ito. Nang maisulat niya ang address ng tahanan ni Gavin ay inabot niya ito kay Officer Matthew.

    "Meet me there. Kung wala ka ng gagawin, pwedeng pumunta ka diyan ng maaga."

    Binasa ni Matthew ang papel pagkatapos ay tumingin sa kaniya. "Sino matatagpuan ko rito?"

   "Just.. just tell your name. He knows you anyway," she said. Bago siya bumalik sa loob ay huminto muna siya at nilingon ito. "Please, don't tell this to anyone."

    Tumango ito. "Ok."

    "Salamat, sir Matthew," she said and this time. She smiled.

HINDI nag dalawang isip si Matthew na puntahan ang binigay na address ni Penelope. Hindi na rin nito nagawang hintayin ang dalaga. Bilang isang pulis, he has the rights to know what is happening.

Pinatitigan ni Matthew ang two storey house sa harapan nito. Nag tataka na binalik ni Matthew ang tingin sa papel at sa address naka paskil sa gilid ng bahay. Magkapareha ito.

Nilabas ni Matthew ang baril at kinasa ito. Bago ito mag door bell ay tinago muna nito ang baril sa likuran. Mabuti nang handa ito sa mangyayari kaysa hindi.

    Bumukas ang gate at bumungad kay Matthew ang isang kasambahay na babae. Medyo nakahinga ito ng maluwag but still aware pa rin sa paligid.

    "I was looking for Gavin—"

"Sir Gavin is already waiting for you inside, Officer." Mas binuksan nito ang gate. Palihim na luminga si Matthew sa paligid. Napansin nito na maraming cctv ang nakadikit sa bawat sulok ng tahanan.

    Nang tumalikod ang kasambahay ay pinasok niya sa likuran ng pantalon ang hawak na baril pero hindi niya inaalis ang kamay sa likuran nang makapasok sila sa loob.

   "This way, Sir." Tinuro kasambahay ang kanang bahagi. Sumunod si Matthew at dinala ito sa harapan ng malaking pinto pagkatapos ay iniwan ito.

   Hindi nakalimutan ni Matthew suriin ang buong paligid bago ito nag desisyon na kumatok sa pinto.

   "Come in."

    Binuksan ni Matthew ang pinto habang mahigpit na kumapit ito sa baril nasa likuran nito. Bumungad kay Matthew ang isang matangkad na lalaki naka crossed ang dalawang braso nito sa dibdib habang nakatayo at nakasandal sa lamesa nito.

    "You can now let go of your gun because what I'm about to tell you is something very important."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top