Chapter 12

     NANG sumapit ang gabi ay dinala siya ni Gavin sa isang shooting range. He kept saying kailangan niya matuto bumaril para ma-protektahan niya ang sariling buhay.

Kanina pa rin ito masama ang timpla. Simula nang hindi binanggit ni Dr. Garcia ang isa pang alter ni Isaiah.

"Penny, come here!"

Patakbo siyang sumunod rito. Pinagmamasdan niya kasi ang buong paligid. Wala kasi siyang nakitang ibang tao kundi silang dalawa lang nito o dahil baka gabi na?

"Focus, Penelope. We can't waste any time."

Hinila siya nito sa isang cubicle at hinarap siya sa unahan kung saan makikita ang isang shooting score nasa pinakadulo ng silid.

"Tayo lang dito?" she couldn't help but to asked.

Hindi siya nito sinagot bagkus ay sinalpakan siya nito ng earplugs sa magkabilaan na tenga at sinuotan siya nito nang dilaw na earmuffs.

     Nilingon niya ito. Agad naman siya nito sinuotan nang safety glasses sa mata. Hinarap din nito ang ulo niya sa unahan.

     Inayos nito ang postura niya. Simula sa kaniyang pagtayo, likuran, balikat at braso.

     Gusto sana niya ito lingunin kaso hindi na niya magawa nang ikasa na nito ang baril at pinahawak sa kaniya.

     Ang bilis ng tibok ng puso niya. Sobrang kinakabahan siya habang hawak-hawak ang pistol revolver na may bala sa kaniyang kamay.

Mas lalo pa bumilis ang tibok ng puso niya nang pumuwesto si Gavin sa kaniyang likuran at ginabayan ang kaniyang kamay.

"Take a deep breath and breathe out slowly," bulong nito sa gilid niya.

Medyo muffle ang boses nito pero naririnig pa rin naman niya. "In my count of three, you fire."

Sinunod niya ang sinabi nito. Huminga siya nang malalim pagkatapos ay binuga ito. Narinig niya ang marahan na pagbilang ni Gavin sa gilid ng tenga niya.

"Three."

She pulled the trigger.

Nagulat siya sa lakas nang impact nito sa kaniyang katawan mabuti na lang at marahan na hinawakan ni Gavin ang braso niya.

     "Again."

Nagpatuloy ang pagputok niya sa baril hanggang maubos ang bala nito. Mabilis niya binaba ang hawak na baril sa counter.

Hindi matigil ang pagtibok ng puso niya. Inalis niya ang suot na earmuffs at binalingan si Gavin na may pinindot sa gilid at bumungad sa kaniyang harapan ang shooting score nasa dulo kanina.

"Nice shots."

Inalis niya ang suot na earplugs at pinatitigan ang shooting scores. Kahit hindi ito bullseye halos hindi naman nawawala ang alignment ng mga shots niya sa pinakagitna.

"Just keep practicing and you'll get better."

"Isa pang round? This time, with you," she said. Naiiling na tumango ito sa kaniya na kina-ngiti niya.

     MABILIS siyang tumakbo para habulin 'yong mga kalalakihan na bigla na lang tumakbo nang lapitan nila ni Officer Burgos.

     Ang plano ay kakausapin nila nang maayos bago nila aarestuhin ang mga ito ngunit ang walang hiyang Burgos ay bigla na lang naglabas ng baril.

     Puro mura tuloy ang inabot nila kay Officer Arroza sa suot nilang earpiece. Iniisip niya tuloy kung paano naging pulis si Burgos kung palaging palpak ang ginagawa nito.

    "Tangina mo talaga, Burgos!" pinagsisigawan niya ito habang hinihingal na tumatakbo. Ang bilis tumakbo ng mga ito.

     Huminto muna siya at napahawak sa kaniyang dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Mukhang kailangan niya na mag-exercise dahil kinakapusan na siya nang hininga agad kahit hindi pa gano'n kahaba ang tinakbo niya.

    "Hop in."

    Umangat ang kaniyang paningin sa big bike nasa harapan niya. Naka-angkas dito si Isaac.

     "Ha? Papasakayin mo ako di'yan? Tatakbo na lang ako."

     Lalagpasan na sana niya ito nang hilahin nito ang suot niyang jacket at sinuotan siya ng helmet.

     "Kumapit ka nang mabuti," he said nang dalhin siya nito sa likuran nito.

     "Gago ka ba? Bakit wala kang helmet?!"

     "I'm fine." Kinuha nito ang kamay niya at pinakapit siya sa baywang nito. Napasigaw na lang siya nang bigla nito pinatakbo nang mabilis ang big bike. Humigpit tuloy ang kapit niya rito.

     Tinaas niya ang kaliwang kamay at binigyan ng middle finger si Burgos nang malagpasan nila ito.

     "Hoy! Isakay niyo ako!" Rinig niyang sigaw nito sa kanila ngunit hindi nag dalawang isip si Isaac na huminto bagkus ay mas binilisan pa ang takbo ng bike.

    Mas kumapit siya ng mahigpit nang umikot ang bike at huminto ito. Rinig na rinig niya ang tunog nang pag preno nito.

     Pagtingin niya sa unahan ay ang mga lalaking hinahabol nila. Natigil ang mga ito sa pagtakbo nang muntik na nila ito masagasaan.

     Tangina. Kaskasero mag maneho ng bike si Isaac. Dapat ito ang patayin niya at baka siya pa ang mapatay nito.

     Inalis ni Isaac ang kamay niyang nakayakap dito at bumaba ito. Napansin niya na tatakbo pabalik ang mga lalaki nang may malaking van ang humarang sa mga ito sa likuran.

     Nanginginig ang binti niya na bumaba siya ng big bike. Bumukas ang pinto ng van at nilabas nito si Officer Burgos kasama ang tatlo pang pulisya.

     May bitbit ang tatlo nang baril habang si Officer Burgos naman ay may hawak na batuta habang pa-cool nitong pinagpapalo ang kamay.

     Umikot na lang ang kaniyang mata sa kalokohan nito.

    Nakita niya ang isang lalaki na susugod dapat kay Isaac nang bigla nito pinilipit ang kamay patalikod nito. Sigaw ito nang sigaw sa sakit.

    May limang lalaki ang hinabol nila. Ang tatlo ay takot na sumuko sa pulisya. Nang makita nila na sumuko ang isa ay sumunod na rin ang dalawa sa pag luhod at taas ng kamay. Nilapitan naman iyon ng tatlong kasamahan nilang pulis.

     Nakita niya ang isa pang lalaki. Susugod sana ito kay Officer Burgos ngunit bigla ito tumalikod at humarap sa kaniya.

     Tangina, bigla siya natakot. Kailangan na talaga niya kunin ang training na pinapagawa sa kaniya ni Gavin para naman marunong siya mag self-defense.

    Ang tanging alam niya lang ay ang pag sipa sa gitnang bahagi nito at ayon nga ang ginawa niya nang lumapit ito sa kaniya.

    Parehas na lumingon sa kaniya sina Officer Burgos at Isaac nang pumilipit sa sakit ang lalaki.

     She just flipped her hair nang lumuhod sa kaniyang harapan ang lalaki.

     Aalis na sana siya at hahayaan na si Officer Burgos ang kumuha rito nang hilahin siya nito sa binti.

    Tangina may lakas pa ang gago.

   Pinagsisipa niya ito ngunit hindi siya nito binitawan. How dare him touch her?!

     Napansin niya na lalapitan siya ni Isaac. Kaya nag kunwari siya nahihirapan makatakas. Nahihirapan naman talaga siya pero mas nag akto siyang nahihirapan.

    Bigla kasi pumasok sa isipan niya na kailangan niya pala ito i-seduce.

     "H-he touched me!!"

     "Fucking go to hell!"

     Naistatwa siya sa kaniyang nasaksihan. Bigla siya kinalibutan sa tono ng boses nito. Ang mata nito ay nanlilisik sa galit.

    Binalik niya ang tingin sa lalaki. Unti-unti bumitaw ang kamay nito sa kaniyang binti habang pinag mamasdan niya ang pag bagsak nito sa lupa.

     D-did he just..

     Napa-atras siya.

     Did.. he.. he killed him?

     Sa harapan ng mga pulisya sa ibabaw ng kasikatan ng araw?

     Gulat na binalik niya ang tingin kay  Isaac. Napansin niya na maski ito ay nagulat din sa nasaksihan. Nanginginig ang kamay nito.

     "I-Isaac."

     Nakita niya ang pag babago ng mata nito. Halatang nalilito ito sa nangyayari at mukhang para na itong maiiyak.

     Teka!

     Not now.

     Nilingon niya ang kasamahan nila. Naipasok na ng mga ito ang iba sa loob ng van habang naka rolyo ang bintana kung saan nakatanaw si Officer Arroza sa driver seat.

     Tinanggal niya suot na earpiece at mabilis na dinaluhan ito at hinawakan ang kamay ni Isaac. Hindi, ni Loki. Bakit ngayon pa?

     "Don't cry. Magagalit kuya Isaac mo," mariin niyang saad rito.

     Pinagdadasal niya rin na sana hindi nito napatay ang lalaki. Hindi niya talaga alam kung ano ang nangyari.

     Lumingon siya sa van kung saan hinihintay sila nina Officer Arroza. "Sir, nawalan po ng malay."

     Lumabas si Officer Burgos ng van at nilapitan sila. Nag tatanong ang mga mata nito nang bumaling ito sa lalaki naka handusay sa sahig.

Nilapitan ito ni Officer Burgos at sinuri ang pulso nito kung tumitibok pa habang siya naman ay todo na ang kaba kung anong ginawa ni Isaac. Mali, ni Loki. Hindi, si—

"He's still breathing."

Napabuga siya nang hininga sa sinabi ni Officer Burgos. Mabuti naman.

Nilingon niya si Loki. Nanginginig ang kamay nito sa takot. Halata rin nag pipigil ito sa pag iyak.

"Sir, kami na po bahala ni Sir Isaac dito."

Tumango si Officer Burgos sa kanila pagkatapos ay inalayan ang lalaki sa pag pasok ng van.

     Nang makaalis ang itim na van ay mabilis niyang tinawagan si Dr. Garcia para puntahan sila. Ayos lang sana kung marunong siya gumamit ng big bike kaso hindi.

     Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Loki nang patago niya sinuot ang binigay na earpiece ni Gavin.

     "I'm here," mahina niyang ani.

     Narinig niya ang mabilis na paghila nito sa upuan at ilang mura. "Fuck, Penny pinag-alala mo ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top