Chapter 1

MAINGAY na bumubuhos ang ulan sa lungsod ng Centro. Sinasabayan pa ito ng malalakas na kulog at kidlat.

Kitang-kita niya ang pagliwanag ng kadiliman sa kalangitan sa tuwing tumatama sa lupa ang matinding kidlat.

Sa harapan ng malaking bintana ay siya naman ang pag punas niya sa antic na mga kagamitan sa ibabaw ng kabinet.

Maingat niya itong pinupunasan kahit sabihin na matagal na siyang nag ta-trabaho sa pamilya Salazar.

Nang mamatay ang ina niya sa sakit sa puso. Ang pamilyang Salazar lang ang tanging tumulong sa kaniya.

Kapalit nang pinakitang kabutian ng mga Salazar ay nag katulong siya sa mga ito. Hindi aakalain na mabait ang mga ito sa kaniya. Maski ang nag iisa nitong anak ay tinuring siyang kababatang kapatid.

Ngunit sa kasamaang palad, makalipas ang tatlong taon ng pamamalagi niya sa mga Salazar ay naaksidente ang mag asawa sa kasagsagan ng biyahe ng mga ito pauwi sa Pilipinas.

     Natigil siya sa pag-iisip dahil sa gulat nang namayani ang panibagong kulog sa kalangitan ngunit hindi lang iyon ang dahilan. Rinig na rinig niya ngayon ang ingay sa ibaba.

     Mapapansin sa mga boses nito ang takot at iyak. Mabilis niyang binitawan ang pamunas at nag mamadaling bumaba ng hagdan patungo sa unang palapag kung saan niya naririnig ang ingay.

     Naabutan niya ang isang kasambahay nang galing sa silid aklatan ng kanilang amo. Balisa ito at nag mamadaling lumabas.

     "Anong nangyayari—" tanong niya rito ngunit hindi siya nito narinig at mabilis na nilagpasan siya.

     Binalik niya ang paningin sa ilang kasambahay. Nagpasiya siya lapitan ang mga ito dahil walang mangyayari kung uunahan siya ng takot at kaba.

     Sa gitna ng dagat ng kasambahay, kahit nalilito at maraming katanungan ay unti-unti siyang napatingin sa kaniyang harapan.

     Ngunit sabay na bumagsak ang kaniyang balikat at mga tuhod sa nasaksihan.

     "H-hindi. Imposible," nanginginig niyang palahaw.

     Sa kaniyang harapan. Makikita ang duguang katawan ng kanilang babaeng amo at ang tinuturing niyang nakakatandang kapatid.

     Nahihirapan man ay pagapang siya na lumapit dito. Nanginginig pa rin ang buo niyang katawan. Rinig na rinig niya rin ang iyak ng mga kasamahan niya.

     Hindi siya napigilan ng mga ito nang makalapit siya sa walang buhay nitong katawan.

     "A-ate Lana."

     Humagulgol na siya sa iyak nang makita ito ng malapitan. Bukas ang mata nito at nakatitig sa kaniya.

     Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Ilang beses niya rin pinikit ang mata at dinilat. Umaasa na isang panaginip lang ang lahat maliban na lang na totoo ito.

Hahawakan niya pa sana ito nang may humila na sa kaniya palayo rito. Sigaw siya nang sigaw at iyak nang iyak. Pilit niya rin inaabot ang kamay nito ngunit hinila na siya palayo at nag datingan na ang ilang pulisya at ambulansiya.

"Imposible. Imposible," ilang beses niya sinasabi nang makalayo na siya at dinala sa isang silid.

"Tell me she's alive!!" pinag sisigaw niya sa dalawang kasambahay nag babantay sa kaniya ngayon.

"Patay na si Ma'am Lana, Penny."

"Hindi! Hindi! Hindi ako iiwan ni ate Lana!"

Nilapitan siya ng kasamang kasambahay at pinakalma. Umiiyak din ang mga ito katulad niya. Lahat sila ay umiiyak sa pagkawala ng kanilang amo.

"Excuse me?"

Nakarinig sila ng katok sa nakabukas na pinto. Nakatayo ro'n ang isang makisig na pulis na lalaki.

"Kayo po ba si Ms. Penelope Salazar?"

Sabay na lumingon sa kaniya ang kasama niya at sabay din na sumagot ng oo para sa kaniya.

Pinunasan niya ang luha at nanginginig na tumayo para lapitan ang pulis. Nakatitig ang chokolate nitong mata sa kaniya.

Dumako ang paningin niya sa naka-bordang apilyedo nito sa dibdib ng uniporme nito.

Manuel, M.

"Miss?"

Nabalik ang paningin niya sa mukha nito. May itsura ito, hubog na hubog ang instruktura ng bagang nito. May nunal din ito sa ilong at makakapal ang kilay. Hindi niya rin akalain na matangkad ito.

"P-po?"

"Ikaw ba si Miss Penelope Salazar? Kapatid mo ba si Lana Salazar?"

"Hi—"

"Yes po, Sir Officer. Siya po si Penelope Salazar," singit ng kasamahan niyang babae. Tumingin dito ang Officer na si Manuel pagkatapos ay binalik nito ang tingin sa kaniya.

Ginala ng mata nito ang buo niyang kasuotan. Do'n niya napagtanto nakasuot siya ng kanilang uniporme pang kasambahay.

Namula ang kaniyang pisngi. Baka hindi ito maniwala sa kanila kahit totoo na hindi naman niya kapatid ang kanilang amo na si Lana.

Tinuring lang nila ang isa't isa na magkapatid simula mawala ang magulang ng bawat isa.

"Adopted po ako."

Tumango ito at inabot sa kaniya ang isang kulay pula na sobre. Malaki-laki ito kaya nag tataka siya kung ano ang laman sa loob.

"We can't open it since naka-address sa'yo 'yong sobre but we want you to inform us what's inside after."

"Yes po."

"Sige, maiwan ko na kayo."

Pinatitigan niya ang binigay na pulang sobre. Nakasulat kamay ang pangalan niya. Sulat ito ng ate Lana niya. Mahahalata sa sulat na minadali ito.

Kumunot ang kaniyang noo. Parang may mali. Tumingin siya sa dalawang kasamang kasambahay. Nakatitig ito sa kaniya. Halata sa itsura ng mga ito ang pagtataka.

"Bakit?" she asked.

"Ipapaalam mo sa kanila kung anong laman niyan?"

Mas lalo kumunot ang noo niya. Binalik niya ang tingin sa sobre. Sa gilid nito ay may mantsa ng dugo. Hindi ito gano'n kapansin-pansin kung hindi titigan ng maigi dahil na rin sa kulay ng sobre.

"Penny?"

Nabalik ang paningin niya sa dalawa nang tawagin siya ulit ng mga ito. May kutob siya na hindi niya pwede ipaalam sa mga ito at sa pulisya kung anong laman ng sobre.

"Ah, oo ipapaalam ko." Pilit niyang nginitian ang mga ito bago maayos na tinago ang sobre sa kaniyang suot na kulay asul na sweater.

     Sa totoo lang, sinabi niya lang iyon pero wala talaga siyang balak ipaalam sa mga pulisya o kung sino man ang laman ng sobre.

     Parang hindi tama na ipaalam niya lalo na at pinagkatiwala iyon sa kaniya ng ate Lana niya.

    SA loob ng quarters kung saan nag si-stay ang mga kasambahay ay pumuwesto siya sa assigned bed niya.

     Sa isang silid ay may apat na kasambahay ang nag si-share. Up and down kasi ang kama. Ang pwesto niya ay sa baba sa kanan.

     Sa mga oras na iyon ay walang tao sa loob. Bukod tangi lang siya ang naroroon.

     Tinitigan niya ulit ang sobre. Kinakabahan man ay nilakasan niya ang loob na buksan ito.

May dalawang itim na folder sa loob nito. Kinuha niya ito at bumagsak sa sahig ang isang I.D. Tumingin muna siya sa pinto bago ito kinuha sa sahig. Wala itong litrato pero makikita ang nakapaskil na pangalan dito.

Rue Cortez.

Isa itong I.D ng isang pulis. Tiningnan niya ang likuran nito at may nakalagay din ng petsa kung kailan ito pinanganak.

Naguguluhan man ay tinabi niya ang I.D. sa gilid niya pagkatapos ay sinunod niyang tingnan ang loob ng isang folder na itim.

Pagbuklat niya rito ay blankong papel ang bumungad sa kaniya maliban sa sulat kamay sa pinaka-ibabang bahagi ng papel. Kulay pula ang tinta nito at magulong calligraphy.

August.

Hindi buwan ng August ngayon kaya hindi niya alam kung ano ang kinalaman nito.

Sa susunod na pahina ay nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang buong impormasyon tungkol sa amo niya, sa ate niya. Si Lana Salazar.

Isa itong biodata. Walang litrato ang ate niya pero lahat ng tungkol dito ay nakasulat sa papel na iyon.

Nanginginig ang kamay na tiningnan niya ang kasunod na pahina. Tatlong pahina ang tungkol sa ate Lana niya at mga sumunod ay isang dokumento na ngunit ibang pangalan ang nakalagay dito.

Katulad ang pangalan nito sa nakita niyang I.D. ng pulis. Kinuha niya ulit ito at parehas ang nakasulat na impormasyon.

Para saan ito? Ano ang nangyayari?

Nang hindi niya maintindihan ang nangyayari ay tiningnan naman niya ang isang folder. May pagkamakapal ito kumpara sa kanina.

Confidential.

Ayan ang nakatatak sa unang pahina ng papel. Hindi ito sulat kamay. Ginamitan ito ng stamp na kulay pula.

Sa susunod na pahina naman ay may isang letter ang nakasulat.

Good day, Agent August.

     After your successful mission last time. You requested to terminate your contract to Dark Room Agency but we're afraid we can't allow your reason however the agency wants to negotiate with you and this mission will determine of your contract capability.

As per every missions. You are given away a fake documents to help establish your mission. Remember, you are not allowed to tell anyone your real name.

     And please look carefully to all of the files we sent to you. This man is very dangerous. All we want is your safety while completing this mission.

     Contact us soon.

     Best regards,
     Mr. R

     Nanlalaki ang kaniyang mata nang matapos niya basahin ang sulat. Ang ate Lana niya ay isang secret agent at sa tingin niya ay hindi lang ito isang secret agent. Mukhang mataas pa ang katungkulin nito para makapag negotiate ang isang Mr. R, kung sino man iyon.

     Nilipat niya ang pahina at nakita ang isang litrato ng lalaki naka-attached sa files.

     Naka-suot ito ng uniporme sa pang pulis. Titig na titig siya sa itsura nito. Seryoso itong nakatingin sa lense ng kamera. Hindi man lang ito naka-ngiti at may pahabang peklat ito sa kanan gilid na mata.

    Pinagmamasdan pa lang niya ito ay kinikilabutan na siya. Paano pa kaya kung makakaharap niya ito.

     Binasa niya ang pangalan nito.

     It says, Isaiah Garcia.

     Nasa bibliya ang pangalan nito. Parang hindi tugma sa nakakatakot nitong aura at katulad sa sinabi sa liham. This guy is very dangerous.

     Kailangan niya mag ingat kung gagawin niya ang misyon na ito.

     She needs to lie.

She needs to pretend.

She needs to be August and;

She needs to be Rue Cortez.


a/n: wala po akong alam sa pulisya, lahat ng isusulat ko rito about them kinuha ko lang sa pag re-research at panunuod ng mga palabas. paki-educate na lang me po if may mali akong naisulat. salamat!! <33

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top