Chapter 29
Haruka
"Haru-chan, bili tayo nun oh, ang cute"
"Haru-chan nagugutom na ako, kain muna tayo "
"Haru-chan ang bigat ng dala ko, palit tayo"
" Haru-chan gwapo oh, tingnan moh"
Nandito kami ngayon sa mall, I'm with Raven. The second we came in the mall I regretted bringing her along with me. Para akong nagbababysit ng bata. Bakit ko ba nga kasama ang babaeng toh?
Naubusan na ako ng pagkain sa bahay dahil sa pinagsama sina Raven at Saito sa bahay ko.
Foods that were supposed to last me for a week, naubos lang ng ilang oras sa kanila.
Right now Saito's making a mess out of my house and Sebastian is taking care of it kaya ako nalang ang namili.
Saito can be a pain in the ass sometime but when it comes to rough situations, talagang maasahan mo siya. But all in all, he's still an asshole.
Tapos na kaming bumili ng mga bagay na kailangan ko, actually, we were just about to head out of the mall nang makasalubong namin ang sina Venz at Angelo. Hindi siguro nila kasama si Claude, hindi ko nakita eh.
Lumapit sila sa amin.
"Stalker girl, ikaw na naman! Hanggang dito ba naman inistalk mo ako? Ang gwapo ko talaga." inirapan lang siya nito
"Haruka, good morning pala, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Venz.
"Nagsiswimming kami" sabi ni Raven in a sarcastic tone. "Obvious naman diba namili kami, ano bang gamit ng mall, gamitin mo nga yang utak mo"
"Bakit, ikaw ba tinanong ko? Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin ha?"
"Tinanong mo pang hinayupak ka, mukha ka kasing unggoy. Nakakawala ka ng good mood" sabi nito habang hinahampas si Venz.
"Aray a-aray ang bigat ng kamay mo, masakit!"
"kaya nga hinahampas kita para masaktan ka, tanga lang"
I just stood there watching the two quarrel but I could feel eyes boring into me.
Liningon ko si Angelo and his caramel brown eyes met mine, I couldn't figure out what he's thinking, his face was void of all emotions.
The awkward staring was cut off ng may tumawag kay Venz. Tumigil ang dalawa sa kakaharutan at sinagot ang tawag.
"Hello Auntie, ba't ka napatawag?....... W-wait hindi-..... Ilang beses ko bang sabihin, you've got it all wrong......what? No!.....Hindi talaga, let me explain-.......Auntie, wag! Auntie! Auntie! Hello? Auntie! Aish binabaan ako."
Ibinababa na niya ang cellphone at halatang naiistress. Binalingan niya si Raven and pointed his finger at him.
"You! This is all your fault!" bintang niya rito and I am extremely clueless about what they are talking about.
"Anong ako? Bakit ako ang sinisisi mo? sino bang nagsabing da--" naputol ang dapat niyang sasabihin ng may tumawag ulit sa kay Venz.
"Hello Auntie, I told you, hindi-...... Wait pakinggan mo mun--....... No! Ayoko.....But.... Uggh Fine......Oo na, I'll bring her....Now na?...K bye"
Binaba niya na ang phone at tumingin kay Raven.
"You got me in trouble and you're gonna help me get out of it. Tayo na, may pupuntahan tayo" sabi nito sabay hila kay Raven.
Nagugulahan talaga ako sa sinasabi nila. Seriously, I am lost here. Ano kayang ginawa ng dalawang iyon.
"Teka, hindi pwede, hindi ako sasama sayo, tutulungan ko pa si Haru-chan dito sa pinamili niya" napakamot ng ulo si Venz at napa isip.
"Problema ba yun, edi ibigay mo sa kanya" turo nitoo kay Angelo
Inagaw niya ito sa kamay ni Raven at ibinigay kay Angelo.
"Oh problem solved! Dude, ikaw na bahala kay Haruka ah, aalis na kami. " tapik nito kay Angelo sabay kindat.
Agad agad ay kinaladkad niya na si Raven at umalis na sila, leaving me in an awkward situation.
Halos isang minuto kaming nakatayo doon na walang kibuan, hanggang nagsalita siya.
"Were are we heading to?" biglang sabi niya.
Nagulat ako ng magsalita siya. Akala ko iiwan niya lang ako dito. Natural kasing bastos to eh.
Tiningnan ko lang siya na parang di makapaniwala. Di ba toh sinapian? Di nga ako sinamaan ng tingin eh.
"Parking lot" tipid kong sabi. Napatango naman siya at sinundan ako.
"Why are you with him?" biglang tanong niya kaya huminto ako at tumingin sa kanya.
"What the heck are you talking about?"
"Saito Otokawa, why are you with him? "
"What is it to you?" naiiritang tiningnan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
He gripped my wrist tightly, kaya napatigil ako.
"He is a dangerous man to be with." I mentally laughed at his statement.
If he only knew.
"Why are you telling me this? "
"He is dangerous, marami na silang taong napatay, they kill with no mercy. He is the heir of Otokawa" mahina niyang sabi sa akin.
Muntik na akong mapahikab sa sinsabi niya.
True, Otokawa Mafia is really an organization to be reckoned with. Unlike other mafias we kill for pleasure, I kill for pleasure. We don't accept reasons, we just kill. Otokawa clan are one of the harshest and meanest of all. That's what we do to be on top. But he didn't know that.
"Muli kitang tatanungin. Anong pake mo? "
"Stay away from him." tanging sahot niya.
"No" pagmamatigas ko, ano namang pake niya. Akala ba niya mahina ako, na di ko kayang protektahan ang sarili ko laban sa Otokawa mafia which is stupid since I'm a member of the mafia.
I saw his jaw clenched.
"Just stay away from him. Ayaw kong lumalapit ka sa kanya. Mapanganib ang taong yun. Don't go near him. "
Nagtitigan lang kami at walang nagbaba ng tingin. He glared at me and me to him.
"Ay! Pak na pak girl. Over si boyfie, napakapossesive! Nakakaturn-on. Pag ako nagkajowa ng ganyan ka gwapo di na ako lalapit sa iba!"
Biglang singit ng kung sino sa likod namin at napabitaw kami nang tingin sa isa't isa. Napabitaw din siya sa kamay ko.
Napalakas pala nito yung boses niya kaya nakatingin na saamin yung mga nasa paligid at dahil likas talaga sa pinoy ang pagiging tsismosa, kami ang napagdiskitahan.
"Hihi. Oo nga girl. Naku, kung sino man iyong lalaking sinasabi niya, layuan mo na. Halatang nagseselos talaga si koya dun." sabi pa ng isang tsismosa malapit sa amin na para bang hindi naririnig ni Angelo ang mga sinasabi niya.
Selos? Siya? Yeah right.
Napatingin ako kay Angelo at pulang pula na yung tenga niya. Nahiya yata.
"Tara na" sabi ko sa kanya at sumunod naman siya. Baka magwala pa siya doon at singhalan ang lahat ng nakapaligid pag nagkataon.
Nakarating na kami sa parking lot ng mall nang may nahagilap ang mata kong pamilyar at agad kong nabitiwan ang mga pinamili ko.
Instantly my heart fastened its beat. I met his gaze and he met mine.
Napangisi lang ang taong iyon at nagsimulang lumayo paalis.
Walang sabi sabi ay kumaripas ng takbo.
I ran as fast as I can para maabutan ko siya. Tumawid siya sa daan pero sakto pagkahabol ko ay bumerde na yung traffic lights at nagsidaanan na ang mga sasakyan pero tumawid parin ako. Minumura na nga ako ng mga driver pero di ko pinansin.
Hope spread through my system.
Muli ay nasundan ko siya. I think he sensed me and fastened his pace.
Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya tumatakbo, hindi ko alam kung bakit siya nandito, heck, I didn't know that he is still alive and I don't care. All that I know is that I cant lose him again.
Tumalon siya sa isang pader. Right from the corner of my eye, I saw him smirk at me.
Tinalon ko din ang pader at natagpuan ang sarili sa napakaraming tao.
I spotted him in a crowd, again he was smiling at me. Susundan ko na sana siya ng may humila sa balikat ko.
It was Angelo breathing heavily.
"Why are you here? " biglang tanong ko
"Sinundan kita, what came into you? "
Liningon ko uli ang kinaroroonan niya pero nawala na siya.
I ran to the crowd hoping to see him again but I failed.
Napasuntok ako sa pader malapit sa akin.
Right now, I'm contemplating within myself if what I saw was really him o pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko. Why is he running away from me?
"Seriously, what is happening to you? " sabi ni Angelo.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Naglakad na ako nang bigla akong natumba, buti nalang may pader kaya ito iyong sinandalan ko.
Ngayon ko lang napansin na nanginginig pala ang tuhod ko.
Pilit kong lumakad na.
"Are you okay? "
Di ko na siya sinagot at naglakad nalang ng biglang naalala ko.
"Asan na ang pinamili ko"
Bigla siyang natigilan at napakamot ng ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top