chapter 8: Nathan vs Ian

~Nathan's POV~

Minsan lang kami naging ganun ni Jasmin. Minsan lang kami nag usap ng matino, pano ba naman kasi 'pag nag uusap kami ay nauuwi lang sa asaran palagi.

Pero tama si Javis sa sinabi niya nung isang araw. May dahilan kung bakit nahimatay si Jasmin nung ikinulong ko siya sa music room,dahil pala may trauma siya.

Naalala ko tuloy si Min Min,yung tinulungan ko noon nung bata pa ako. Asaan na kaya siya ngayon?,sana hindi na siya binubully. Mukha naman siyang mabait kaya hindi niya deserve ang ma bully.

Kasalukuyan akong bumababa ng hagdan para mag breakfast ng makita ko si mom na nanonood ng TV sa sala. Wala sana akong balak pansinin siya dahil kapag nakipag usap ako sakanya, alam ko na kung saan ang patutunguhan non.

"Nathan,anong oras ng labasan mo?" Tanong niya habang nakatuon parin ang atensyon sa TV.

"Bakit po?"

"May ipapa meet ako sayong babae. Anak siya ng business partner ko at mukhang interesado siya sa'yo" Hayys heto nanaman tayo eh.Meet dito.Meet diyan.Letcheng meet 'yan nakakaumay.

"Well,I'm not interested mom" Maikling sagot ko sakanya habang kumakain.

"Maganda siya,mayaman,saka isa siyang sikat na fashion designer sa Canada. Magiging maganda ang future mo kapag siya ang naging asawa mo" Pagpupumilit nanaman sa akin ni mom na ginatungan naman ni dad.

"She's right son. Saka lilipat pala siya ng school,and guess what,sa school mo siya lilipat" Dagdag ni dad habang nakangiti.

"What?!,sa school ko?,wala akong paki kung lumipat siya ng school at sa amin siya lumipat ,basta wag na wag niyo sa akin ipapakilala yun" Sagot ko saka kinuha ko na ang bag ko at tumayo.

"Nathan!" Tawag pa nila sa akin pero tinaas ko na lang ang kamay ko habang nakatalikod ako bilang pagpapaalam.

Tss.Minsan na nga lang silang umuwi 'yan pa ang bukang bibig nila. Marami silang pina pa date at pinapa meet na babae pero wala talaga akong interest. Bakit 'di nila subukan mag pa vegetable para hindi puro pa meet. Okay alam kong 'di nakakatawa joke ko,pero mas hindi nakakatawa na lilipat sa school namin ang babaeng sinasabi nila mom.

And future?,they want me to marry that girl?!,are they out of their mind? I.HATE.COMMITMENT.

Habang naglalakad ako sa Hall way ay nakita ko si Jasmin na papasok na rin kaya hinabol ko siya.

"Jasmin!" Tawag ko ng magkasabay na kami.

"Ay palaka!-- Nathan naman!,nakakagulat ka!,baka atakihin ako sa puso ng ginagawa mo" Naiinis na sabi niya sa akin.

Hahaha magugulatin din pala 'tong babaeng 'to.

"Sobra na ba talaga ang kagwapuhan ko kaya aatakihin ka na sa puso?" Natatawang asar ko sakanya pero inirapan niya lang ako.

Naglalakad kami ng biglang sumulpot sa harap namin sila Stella,Celine saka Amanda.

Ano nanaman bang trip ng mga 'to?

"Oh,look who's here girls,ang dakilang higad" Madiin na sambit ni Stella.

Aiish alam ko na ang trip nito,ang makipag awa nanaman. Nakakainis na siya ah,pero away girls 'to kaya 'di ako mangingialam pero oras na saktan niya nanaman si Jasmin baka hindi na ako makapagpigil.

"Wala akong oras makipag away sa isang daydreamer na ang akala ay reyna siya dito" Walang ganang sagot sakanya ni Jasmin at aktong sasampalin niya na si Jasmin ng bigla akong humarang at hinawakan ang kamay niya.

"Ano ba?!,bakit mo ko pinipigilan?!"

"Kasi sumusobra ka na!" Sigaw ko at binagsak ang kamay niya.

"Bakit mo pinagtatanggol ang higad na 'yan?,kayo na ba?,ipagpapalit mo na nga lang ako sa low quality pa!" Singhal niya sa akin at makikita mo ang nag aapoy niyang mata dahil sa galit.

Hayys nakakahiya na ang pag eeskandalo niya. Hindi ko alam peri bigla na lang akong napatawa sa sinabi niya.

"Ipinagpalit?" Natatawang tanong ko sakanya. "Ako pa ba ang nang iwan Stella?,sino kaya dito ang sumama sa ibang lalaki? Pinalagpas ko ang ginawa mong panglalalaki nung isang beses pero nung sumama ka na kay Ian hindi ko na yun natiis. Minahal kita pero ako minahal mo ba? So stop acting like you're in pain,stop acting like you are miserable,stop acting like you still love me" Seryosong sabi ko sakanya.

"Tara na Jasmin" Aya ko kay Jasmin habang hinahawakan ang kamay niya at nilagpasan ko na si Stella na ngayon ay mangiyak ngiyak na.

Pero bago pa man ako makalayo napatigil ako ng marinig ko ang huling katagang sinabi niya.

"I loved you Nathan,i still love you" Pagkasabi niya nun ay nagpatuloy na kaming naglakad. Wala akong paki kung maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin.Wala akong paki sa iniisip nila dahil wala silang alam sa buhay ko.

She loves me?,pagmamahal ba ang tawag sa pangiiwan? Hindi sa lahat ng oras magpapakatanga ako sakanya.Hindi sa lahat ng oras kaya kong saktan ang sarili ko.

Vacant namin ngayon sa isa naming subject at as usual yung mga kaklase kong tahimik ay nag transform sa pagiging hyper. Hindi ko din sila masisisi pano ba naman kasi,halos lahat ng teachers namin terror kaya tahimik sila palagi.

Habang nakaupo ako sa upuan at naglalaro ng Mobile Legend ay napapansin ko ang titig sa akin ni Jasmin. Siguro nagtataka siya sa nangyari kanina.

"Baka ako malusaw niyan" Natatawang sabi ko sakanya.

"Iexplain mo yung nangyari kanina. Nag break kayo at naging sila ni Ian?" Sabi ko na nga ba itatanong niya yan eh. Itinigil ko ang paglalaro ko at hinarap siya saka nag explain.

"Naging kami ni Stella noon,pero wala pa man kaming limang buwan hiniwalayan na niya ako. Kilalang kilala siya dito sa buong school famous nga kung baga. Dati ko pa siya gusto kasi maganda siya,sweet at mabait. Kaya nung nalaman ko na may gusto rin siya sa akin 'di ko na pinalagpas ang pagkakataon na yun. Naging kami na. Kaya lang siguro 'di ko pa siya lubos na kilala. Hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay niya" Natatawang sabi ko saka ako nagsalita ulit. "Ang kilala kong Stella hindi ganun,akala ko minahal niya ako talaga pero hindi. Isang araw nahuli ko siyang may kasamang iba,nakaakbay pa sakanya yung lalaki. Pinalagpas ko yun. Pagkalipas ng isang linggo nung pasko pa nun, bigla niya na lang sinabi na na sawa na siya sa relasyon namin. And then after that bigla ko na lang nalaman na sila na pala ni Ian"

Di ko alam kung bakit nakakaya kong mag open sakanya ng 'di naiilang. Kahit nga sa mga kaibigan ko hindi ako nakikipag kwentuhan kapag tungkol sa break up namin ni Stella, pero kay Jasmin nasasabi ko lahat ng nararamdaman ko tungkol sa paghihiwalay namin ni Stella. Magaan ang loob ko sakanya,siguro kaya ko naikwento sakanya yung nangyari kasi alam kong hindi niya ako huhusgahan.

"I'm sorry to hear that, 'di ko alam na ganun pala ang pinagdaanan mo. Siguro nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon" Malungkot na sabi niya sa akin.

"Walang kang dapat ihingi ng sorry,saka nagpapatawa ka ba?,wala na ang feelings ko para sakanya kaya 'di na ako nasasaktan" I laughed to lighten the mood.

Lunch time na at niyaya ko ang mga kaibigan ko para mag lunch pero tapos na daw sila. Mga bwisit. Sinong makakasama kong maglunch?

Aha! Ayun!, buti na lang nakita ko si Jasmin at Natasha.

"Sabay ako" Sabi ko at hindi na ako naghintay na sumagot sila at inilagay ko sa mesa yung tray na hawak ko.

"Hayys Nathan,mamaya pagkamalan ka nilang bakla dahil nakikisabay ka sa amin na girls" Sabi naman ng magaling kong kapatid.

Ako bakla?,sino namang pagkakamalan akong bakla? Sa gwapo kong 'to baka mamaya yung mga lalaki ang mabakla.

"Hayys sa gwapo kong 'to?" Paasar ko din sakanya at umarte naman si Jasmin na parang nasusuka.

"Please Nathan tumigil ka nga,may kumakain pa oh" Sabi niya habang nakalukot ang mukha na parang nasusuka talaga. Tss,lakas mangbara.

"Oh my god!,Jasmin don't tell me you are pregnant?! Si Nathan ba ang ama?!" Biglang sigaw naman ni Natasha.

"Natasha!" Parehas na singhal namin sakanya.

Hayys may saltik talaga 'to.

"Asaan nga pala sila Azumi?" Tanong ko sakanila,madalas kasing sabay sabay sila palagi kumain.

"May sakit silang pareho ni Sherry. Paano ba naman kasi, nag aya yung mama ni Azumi na mag swimming nung sabado at dahil s magkaibigan naman yung mama nila sumama sila Sherry. Mukhang nasobrahan sila sa pag swi swimming kaya ayun masakit ang katawan at may sinat" Pagpapaliwananag naman ni Natasha sa akin.

Kakain na sana ako ng biglang may dumating sa harap ko at kung swe swertehin ka ba naman oh,si Ian pa.

"Pwedeng makisabay?" Tanong niya sa amin at magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Jasmin.

Epal.

"Oo naman" Sabi ni Jasmin saka umupo na sa tabi ni Jasmin,bale ako ang nasa kanan ni Jasmin tapos siya yung nasa kaliwa at sa harap naman namin si Natasha.

"Napanood niyo ba yung liga kahapon?" Tanong ng epal na Ian.

"Ah oo. Ang galing mo palang umagaw ng bola sa kalaban ah" Manghang manghang sabi naman ni Jasmin.

"Oo nga eh,pang MVP talaga" Dagdag naman ni Natasha.

Tss. Ngiti naman yung gago.

"Kailan pa naging magaling ang mang agaw?" Seryosong tanong ko kay Ian.

"Nung ginawa ko lang" Paasar na sagot niya naman.

"Dapat kasi minsan matuto kang humanap ng sarili mong bola hindi yung mang aagaw ka" Nailing na sabi ko.

"Paano kung para talaga sa akin ang bolang yun?,minsan kasi hindi porket ikaw na ang may ari eh sayo na nararapat"

Pinapainit mo talaga ang ulo ko ah.

"Magiging sa akin ba ang bola na yun kung hindi para sa akin?" Tumayo na ako sa sobrang inis pero pinipigilan ako nila Jasmin dahil konti na lang at babangasan ko na 'tong mokong na 'to.

"Malay mo gumulong lang pala sa 'yo yun pero sa akin ang tungo"

"Hayys,bakit ko nga pala pinaglalaban ang bolang 'di naman ako deserve?, may iba pa namang bola diyan eh" Sabi ko naman sakanya at mukhang kilala niya ang tinutukoy ko.

"Paano kung gusto ko din ang bagong bola mo?,paano kung gusto ko din si Jasmin?" Nakangising tanong niya at hindi na ako nakapagpigil at sinuntok ko siya.

Pinalibutan kami ng mga estudyante nasa loob ng cafeteria at mga ngabubulungan pa.

Hinawakan ako sa braso ni Jasmin at pinunasan naman ni Ian ang may dugo niyang labi.

"Asa kang magiging sayo siya. Ano igagaya mo siya sa mga ex mo?!" Singhal ko sakanya.

"Hindi ako katulad mo Nathan"

Natahimik na lang kami ng biglang sumigaw si Jasmin.

"Ano ba!,Nathan at Ian tumigil na kayo! Para kayong mga bata!" Sigaw niya saka sabay silang lumabas ni Natasha.

Hayys napasama nanaman ako,bwisit kasi 'tong lalaking 'to eh.

Lumabas na rin ako para 'di ko na makita ang pagmumukha ni Ian at baka hindi ako makapagtimpi at mapatay ko yun.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top